Bantayan Agosta 2017 Sept 25-Oct 1

Handa Ka Bang Maging
Matiisin at Maghintay?

AWIT: 78, 139
PAANO MO SASAGUTI N?
Ano ang kasama sa pagiging matiisin?

Bakit handang maghintay kay Jehova
ang mga lingkod niya noong
panahon ng Bibliya?

Paano ipinakita ni Jehova at ni
Jesus na handa silang maghintay?

"Kayo rin naman ay maging matiisin."
- SANT. 5:8

1. “HANGGANG kailan?” Iyan ang ta-nong ng tapat na mga prope-tang sina Isaias at Habakuk. (Isa. 6:11; Hab. 1:2) Nang isulat ni Haring David ang Awit 13, apat na beses din niyang itinanong: “Hanggang kailan?” (Awit 13:1, 2) Naitanong din ito kahit ng ating Panginoong Jesu-Kristo nang kausap niya ang mga taong walang pananampalataya. (Mat. 17:17) Kaya hindi na tayo dapat magtaka kung pamin-san-minsan ay naitatanong din natin: “Hanggang ka-ilan?”

2 Bakit natin naitatanong iyan? Baka dumaranas tayo ng kawalang-katarungan. O baka nahihirapan tayo dahil sa katandaan, pagkakasakit, o sa pamumu-hay sapanahong [ito na] mapanganibatmahirap pakitunguhan.” (2 Tim. 3:1) Baka nasasagad na tayo dahil sa masasamang ugali ng mga nasa paligid natin. Anuman ang dahilan, nakapagpapatibay malaman na nasabi rin ng tapat na mga lingkod ni Jehova noon ang tanong na iyan, at hindi naman sila hinusgahan dahil dito.

1, 2. (a) Bakit natin naitatanong: “Hang-gang kailan”? (b) Paano tayo mapatitibay ng halimbawa ng tapat na mga lingkod noon?

3 Pero ano ang makatutulong sa atin kapag napa-harap tayo sa gayong mahihirap na kalagayan? Ki-nasihan ang alagad na si Santiago, kapatid ni Je¬sus sa ina, na isulat: “Maging matiisin kayo, mga kapatid, hanggang sa pagkanaririto ng Panginoon.” (Sant. 5:7) Oo, lahat tayo ay kailangang maging ma-tiisin. Ano ang kasama sa makadiyos na katangiang ito?

3. Ano ang makatutulong sa atin kapag napaharap tayo sa mahi-hirap na kalagayan?

ANO ANG PAGKAMATIISIN?
4 Ayon sa Bibliya, ang pagkamatiisin ay nagmumula sa banal na espiritu ng Diyos; kung wala ang tulong ng Diyos, napakahirap para sa di-sakdal na mga tao na ma-ging matiisin. Kaloob ng Diyos ang pagkamatiisin, at mahalagang paraan ito para maipakita ang pag-ibig na-tin sa kaniya. Kapahayagan din ito ng pag-ibig natin para sa iba. Kung madalas tayong mawalan ng pasensiya, hi-hina ang bigkis ng pag-ibig, pero tumitibay ito kapag matiisin tayo. (1 Cor. 13:4; Gal. 5:22) Nauugnay rin ang pagkamatiisin sa iba pang mahahalagang katangiang Kristiyano, gaya ng pagbabata. Kung mayroon tayong pagbabata, mapagtitiisan natin ang mahihirap na kala-gayan at mananatiling positibo. (Col. 1:11; Sant. 1:3, 4) Kung matiisin tayo, hindi tayo gaganti kahit nagdurusa tayo at mananatili tayong matatag anumang problema ang dumating. Isa pa, hinihimok tayo ng Bibliya na ma-ging handang maghintay. Ang aspektong ito ng pagkama-tiisin ay itinatampok sa Santiago 5:7, 8. (Basahin.)

5 Bakit dapat tayong maging handang maghintay sa pagkilos ni Jehova? Inihalintulad ni Santiago ang sit-wasyon natin sa isang magsasaka. Kahit nagtatrabaho nang husto ang magsasaka, hindi niya kontrolado ang lagay ng panahon o ang pagtubo ng mga tanim niya. Hindi niya puwedeng pabilisin ang panahon. Tanggap niya na kailangan siyang matiyagang maghintay para samahalagang bunga ng lupa.” Sa katulad na paraan, ha-bang hinihintay nating matupad ang mga pangako ni Jehova, maraming bagay ang hindi natin kontrolado. (Mar. 13:32, 33; Gawa 1:7) Tulad ng magsasaka, kaila-ngan din nating matiyagang maghintay.

4, 5. (a) Ano ang kasama sa pagiging matiisin? (b) Paano inilara-wan ng alagad na si Santiago ang isang aspekto ng pagkamatiisin? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)

6 Ang mga kalagayan sa ngayon ay katulad noong pa-nahon ni propeta Mikas. Nabuhay siya nang namamaha-la ang masamang haring si Ahaz, noong napakalaganap ng lahat ng uri ng katiwalian. Sa katunayan, ang mga tao ay gumagawa ng kasamaannang may kahusayan.” (Ba-sahin ang Mikas 7:1-3.) Alam ni Mikas na hindi niya ma-babago ang sitwasyon. Kaya ano ang ginawa niya? Sina-bi niya: “Sa ganang akin, si Jehova ang patuloy kong hihintayin. Ako ay magpapakita ng mapaghintay na sa-loobin sa Diyos ng aking kaligtasan. Diringgin ako ng aking Diyos.” (Mik. 7:7) Tulad ni Mikas, kailangan din nating magkaroon ngmapaghintay na saloobin.”

6. Ano ang matututuhan natin sa halimbawa ni propeta Mikas?

7 Kung may pananampalataya tayo na katulad ng kay Mikas, magiging handa tayong maghintay kay Jehova. Hindi tayo tulad ng isang bilanggo na naghi-hintay sa kaniyang pagbitay. Wala na siyang magaga-wa kundi maghintay, at hindi niya pinananabikan ang mangyayari. Ibang-iba tayo! Handa tayong maghintay kay Jehova dahil alam nating tutuparin niya ang kani-yang pangako na bibigyan tayo ng buhay na walang hanggan sa tamang panahon, sa pinakamagandang pa-nahon! Kaya naman, ‘nagbabata tayo nang lubos at may mahabang pagtitiis taglay ang kagalakan.’ (Col. 1: 11, 12) Pero hindi malulugod ang Diyos kung magbu-bulong-bulungan tayo habang naghihintay at magre-reklamong mabagal siya.—Col. 3:12.

7. Bakit hindi sapat ang basta paghihintay sa katuparan ng mga pangako ni Jehova?

MAHUHUSAY NA HALIMBAWA NG PAGKAMATIISIN
8 Mas magiging handa tayong maghintay kung aa-lalahanin natin ang tapat na mga lalaki at babae noon na matiyagang naghintay sa katuparan ng mga panga-ko ni Jehova. (Roma 15:4) Habang binubulay-bulay natin ang kanilang halimbawa, tandaan kung gaano sila katagal naghintay, bakit sila handang maghintay, at anong mga pagpapala ang natamo nila dahil sa pag-kamatiisin.

8. Ano ang kailangan nating tandaan habang binubulay-bulay natin ang halimbawa ng tapat na mga lalaki at babae noon?

9 Tingnan ang halimbawa nina Abraham at Sara. Ka-bilang sila roon samga sa pamamagitan ng pananam-palataya at pagtitiis ay nagmamana ng mga pangako.” Sinasabi ng Kasulatan napagkatapos makapagpakita ng pagtitiis si Abraham,” natamo niya ang pangako na pagpapalain siya ni Jehova at pararamihin ang kani-yang binhi. (Heb. 6:12, 15) Bakit kailangan ni Abraham na maging matiisin? Dahil mahabang panahon ang ka-ilangan para matupad ang pangako. Nagsimulang mag-kabisa ang tipan ni Jehova kay Abraham noong Ni-san 14, 1943 B.C.E., nang siya at si Sara, kasama ng kanilang sambahayan, ay tumawid sa Ilog Eufrates at pumasok sa Lupang Pangako. Pagkatapos, kailangan pang maghintay si Abraham nang 25 taon bago isilang ang anak niyang si Isaac noong 1918 B.C.E., at 60 taon pa bago ipanganak ang mga apo niyang sina Esau at Jacob noong 1858 B.C.E.—Heb. 11:9.

10 Gaano kalaking lupa ang ibinigay ni Jehova kay Abraham bilang mana? Sinasabi ng Bibliya: “Gayun-may hindi niya siya binigyan dito ng anumang pag-aaring mamanahin, hindi, ni ng sinlapad-ng-talam-pakan; ngunit nangako siyang ibibigay ito sa kaniya bilang pag-aari, at sa kaniyang binhi na kasunod niya, samantalang noon ay wala pa siyang anak.” (Gawa 7:5) Matapos tumawid si Abraham sa Eufrates, lumipas pa ang 430 taon bago maorganisa ang kaniyang mga ina-po bilang isang bansa na magmamay-ari sa lupaing iyon.—Ex. 12:40-42; Gal. 3:17.

9, 10. Gaano katagal naghintay sina Abraham at Sara kay Jehova?

11 Handang maghintay si Abraham dahil may pana-nampalataya siya kay Jehova. (Basahin ang Hebreo 11: 8-12.) Masayang naghintay si Abraham kahit hindi niya nakita ang ganap na katuparan ng pangako. Pero isip-isipin ang kagalakang madarama niya kapag binuhay na siyang muli sa isang paraisong lupa! Magugulat siyang mabasa kung gaano kalaking bahagi ng Bibliya ang naglalahad ng kasaysayan niya at ng kaniyang mga inapo.* Tiyak na matutuwa siya kapag naunawaan na niya ang kaniyang mahalagang papel sa layunin ni Jehova may kinalaman sa ipinangakong binhi! Sigura-dong sasabihin niya na sulit ang mahabang paghihin-tay.

* Mga 15 kabanata ng aklat ng Genesis ang naglalahad ng ulat tung-kol kay Abraham. Mahigit 70 ulit din siyang tinukoy ng mga manunulat ng Kristiyanong Griegong Kasulatan.

11. Bakit handang maghintay si Abraham kay Jehova? At anong mga pagpapala ang idudulot ng kaniyang pagkamatiisin?

12 Si Jose, apo sa tuhod ni Abraham, ay handa ring magtiis. Biktima siya ng malulupit na kawalang-kataru-ngan. Noong mga 17 anyos siya, ipinagbili siya ng ka-niyang mga kapatid para maging alipin. Pagkatapos, pinagbintangan siya ng tangkang panghahalay sa asa-wa ng kaniyang panginoon at nakulong dahil dito. (Gen. 39:11-20; Awit 105:17, 18) Kahit tapat si Jose, pa-rang pinarurusahan siya sa halip na pinagpapala. Pero pagkalipas ng 13 taon, biglang nabaligtad ang sitwas-yon. Pinalaya siya sa bilangguan at inilagay sa panga-lawang pinakamataas na posisyon sa Ehipto.—Gen. 41: 14, 37-43; Gawa 7:9, 10.

13 Naghinanakit ba si Jose dahil sa mga kawalang-katarungang iyon? Nawalan ba siya ng tiwala sa kani-yang Diyos na si Jehova? Hindi. Ano ang nakatulong kay Jose na makapagtiis habang naghihintay? Ang ka-niyang pananampalataya kay Jehova. Nakita niya ang pagkilos ng kamay ni Jehova sa mga pangyayari. Dahil dito, sinabi niya sa kaniyang mga kapatid: “Huwag kayong matakot, sapagkat nasa kalagayan ba ako ng Diyos? Kung tungkol sa inyo, nag-isip kayo ng masama laban sa akin. Nasa isip ng Diyos ang ikabubuti sa layuning kumilos gaya ng sa araw na ito upang inga-tang buh áy ang maraming tao.” (Gen. 50:19, 20) Sa bandang huli, nakita ni Jose na sulit ang maghin-tay.

12, 13. Bakit kailangang magtiis si Jose? At anong magandang saloobin ang ipinakita niya?

14 Si Haring David ay biktima rin ng maraming kawa-lang-katarungan. Bata pa siya nang pahiran siya ni Jehova para maging hari ng Israel, pero naghintay pa si David nang mga 15 taon bago siya gawing hari sa ka-niyang tribo. (2 Sam. 2:3, 4) Bago nito, tinutugis siya ng di-tapat na si Haring Saul para patayin.* Kaya na-muhay si David bilang takas, kung minsan sa ibang lu-pain, at kung minsan, sa mga kuweba sa ilang. Sa kala-unan, napatay si Saul sa isang labanan, pero naghintay pa si David nang pitong taon bago siya maging hari sa buong bansang Israel.—2 Sam. 5:4, 5.

15 Bakit handang magtiis at maghintay si David? Sinasagot niya ito sa mismong awit kung saan apat na beses siyang nagtanong: “Hanggang kailan?” Sinabi niya: “Sa ganang akin, nagtiwala ako sa iyong maibi-ging-kabaitan; magalak nawa ang aking puso sa iyong pagliligtas. Aawit ako kay Jehova, sapagkat ginawan niya ako ng mabuti.” (Awit 13:5, 6) Nagtiwala si David sa maibiging-kabaitan, o matapat na pag-ibig, ni Jeho-va. Masaya niyang inasam ang pagliligtas ni Jehova at binulay-bulay ang kabutihan Niya sa kaniya. Oo, nada-ma ni David na sulit ang maghintay.

* Kahit itinakwil na ni Jehova si Saul matapos mamahala nang ma-higit dalawang taon, pinahintulutan pa rin siyang mamahala nang 38 taon hanggang sa kamatayan niya.—1 Sam. 13:1; Gawa 13:21.

14, 15. (a) Bakit pambihira ang pagkamatiisin ni David? (b) Bakit handang magtiis at maghintay si David?

16 Hinihilingan tayo ni Jehova na maging matiisin dahil siya mismo ay nagtitiis din. Siya ang pinakamahu-say na halimbawa ng pagiging handang maghintay. (Ba-sahin ang 2 Pedro 3:9.) Libo-libong taon nang nagtitiis at naghihintay si Jehova para tuluyang masagot ang mga usaping moral na ibinangon sa hardin ng Eden. ‘Patuloy niyang hinihintayang panahon kung kailan lubusan nang mapababanal ang kaniyang pangalan. Magdudulot ito ng napakagandang mga pagpapala para salahat ng patuloy na naghihintay sa kaniya.”—Isa. 30:18.

17 Handa ring maghintay si Jesus. Kahit napagta-gumpayan niya ang pagsubok sa kaniyang katapatan dito sa lupa at naiharap ang halaga ng kaniyang haing pantubos noong 33 C.E., kailangan niyang maghintay hanggang noong 1914 bago magsimulang mamahala. (Gawa 2:33-35; Heb. 10:12, 13) At kailangan din niyang maghintay hanggang sa matapos ang kaniyang Sanli-bong Ta óng Paghahari bago lubusang mapuksa ang ka-niyang mga kaaway. (1 Cor. 15:25) Mahabang paghihin-tay iyon, pero tiyak na sulit ito!

16, 17. Bakit mahuhusay na halimbawa ang Diyos na Jehova at si Jesu-Kristo sa pagiging handang maghintay?

ANO ANG TUTULONG SA ATIN?
18 Kaya naman, dapat na handa tayong maging ma-tiisin at maghintay. Pero ano ang tutulong sa atin? Hi-lingin sa panalangin ang espiritu ng Diyos. Tandaan, ang mahabang pagtitiis ay isang aspekto ng bunga ng espiritu. (Efe. 3:16; 6:18; 1 Tes. 5:17-19) Magsumamo kay Jehova na tulungan kang makapagbata.

19 Tandaan din kung ano ang nakatulong kina Abra-ham, Jose, at David na matiyagang maghintay sa katuparan ng mga pangako ni Jehovaang kanilang pananampalataya at tiwala kay Jehova. Hindi lang sa-rili at pansariling kaalwanan ang inisip nila. Habang bi-nubulay-bulay natin ang magagandang resulta ng kani-lang pagtitiis, mapasisigla rin tayong magkaroon ng mapaghintay na saloobin.

18, 19. Ano ang tutulong sa atin na maging handang magtiis at maghintay?

20 Kaya mapaharap man tayo sa mga pagsubok, determinado tayong magpakita ngmapaghintay na saloobin.” Oo, kung minsan naitatanong natin: “Hang-gang kailan, O Jehova?” (Isa. 6:11) Pero dahil sa lakas na ibinibigay ng banal na espiritu ng Diyos, masasabi rin natin ang mga salita ni Jeremias: “Si Jehova ang aking bahagi, . . . kaya naman ako ay magpapakita ng mapaghintay na saloobin sa kaniya.”—Panag. 3:21, 24.

20. Ano ang dapat na maging determinasyon natin?
Handâ Ka Bang Magíng
Matiísin at Maghintáy?

ÁWIT: 78, 139
PAÁNO MO SASAGUTI N?
Anó áng kasáma sa pagíging matiísin?

Bákit handáng maghintáy kay Jehóva
áng mgá lingkód niyá noóng
panahón ng Bíbliya?

Paáno ipinakíta ni Jehóva at ni
Jesús ná handâ siláng maghintáy?

"Kayó rín namán ay magíng matiísin."
- SANT. 5:8

1. “HANGGÁNG kailán?” Iyán áng ta-nong ng tapát ná mgá prope-tang sína Isáias at Habakuk. (Isá. 6:11; Hab. 1:2) Nang isúlat ni Háring Davíd áng Áwit 13, ápat ná béses din niyáng itinanóng: “Hanggáng kailán?” (Áwit 13:1, 2) Naitanong din itó káhit ng áting Panginoóng Jésu-Krísto nang kaúsap niyá áng mgá táong waláng pananámpalatáya. (Mat. 17:17) Kayâ hindî ná táyo dápat magtaka kung pamin-san-mínsan ay naitatanong din nátin: “Hanggáng ka-ilán?”

2 Bákit nátin naitatanong iyán? Bakâ dumaránas táyo ng kawaláng-katarúngan. O bakâ nahihirápan táyo dáhil sa katandaan, pagkákasákit, o sa pamumu-hay sapanahóng [itó ná] mapangánibatmahírap pakitungúhan.” (2 Tim. 3:1) Bakâ nasasagad ná táyo dáhil sa masasamáng ugáli ng mgá nása palígid nátin. Anumán áng dahilán, nakapagpápatíbay malamán ná nasábi rín ng tapát ná mgá lingkód ni Jehóva noón áng tanóng ná iyán, at hindî namán silá hinusgahan dáhil díto.

1, 2. (a) Bákit nátin naitatanong: “Hang-gang kailán”? (b) Paáno táyo mapatitíbay ng halimbáwa ng tapát ná mgá lingkód noón?

3 Péro anó áng makatutúlong sa átin kapág napa-haráp táyo sa gayóng mahihírap ná kalagáyan? Ki-nasihan áng alagád ná si Santiágo, kapatíd ni Je¬sus sa iná, ná isúlat: “Magíng matiísin kayó, mgá kapatíd, hanggáng sa pagkanáriritó ng Panginoón.” (Sant. 5:7) Óo, lahát táyo ay kailángang magíng ma-tiisín. Anó áng kasáma sa makadiyós ná katangíang itó?

3. Anó áng makatutúlong sa átin kapág napaharáp táyo sa mahi-hiráp ná kalagáyan?

ANÓ ÁNG PAGKAMATIÍSIN?
4 Áyon sa Bíbliya, áng pagkamatiísin ay nagmumulâ sa banál ná espíritu ng Diyós; kung walâ áng túlong ng Diyós, napakahírap pára sa dí-sakdál ná mgá táo ná ma-ging matiísin. Kaloób ng Diyós áng pagkamatiísin, at mahalagáng paraán itó pára maipakíta áng pag-íbig ná-tin sa kaniyá. Kapahayagán din itó ng pag-íbig nátin pára sa ibá. Kung madalás táyong mawalán ng pasénsiya, hi-hina áng bigkís ng pag-íbig, péro tumitíbay itó kapág matiísin táyo. (1 Cor. 13:4; Gal. 5:22) Nauugnáy rín áng pagkamatiísin sa ibá pang mahahalagáng katangíang Kristiyáno, gáya ng pagbabatá. Kung mayroón táyong pagbabatá, mapagtitiisan nátin áng mahihírap ná kala-gayan at mananatíling positíbo. (Col. 1:11; Sant. 1:3, 4) Kung matiísin táyo, hindî táyo gaganti káhit nagdurusa táyo at mananatíli táyong matatág anumáng probléma áng dumatíng. Isá pa, hinihímok táyo ng Bíbliya ná ma-ging handáng maghintáy. Áng aspéktong itó ng pagkama-tiisín ay itinátampók sa Santiágo 5:7, 8. (Basáhin.)

5 Bákit dápat táyong magíng handáng maghintáy sa pagkílos ni Jehóva? Inihalintúlad ni Santiágo áng sit-wasyon nátin sa isáng magsasaká. Káhit nagtátrabáho nang hustó áng magsasaká, hindî niyá kontroládo áng lagay ng panahón o áng pagtúbo ng mgá tanim niyá. Hindî niyá puwédeng pabilisin áng panahón. Tanggáp niyá ná kailángan siyáng matiyagáng maghintáy pára samahalagáng búnga ng lúpa.” Sa katúlad ná paraán, ha-bang hiníhintáy náting matupád áng mgá pangáko ni Jehóva, maráming bágay áng hindî nátin kontroládo. (Mar. 13:32, 33; Gawâ 1:7) Túlad ng magsasaká, kaila-ngan din náting matiyagáng maghintáy.

4, 5. (a) Anó áng kasáma sa pagíging matiísin? (b) Paáno inilara-wan ng alagád ná si Santiágo áng isáng aspékto ng pagkamatiísin? (Tingnán áng laráwan sa simulá ng artíkulo.)

6 Áng mgá kalagáyan sa ngayón ay katúlad noóng pa-nahon ni propéta Míkas. Nabúhay siyá nang namamaha-la áng masamáng háring si Ahaz, noóng napakalaganap ng lahát ng urì ng katiwalian. Sa katunáyan, áng mgá táo ay gumágawa ng kasamáannang may kahusáyan.” (Ba-sahin áng Míkas 7:1-3.) Alám ni Míkas ná hindî niyá ma-babágo áng sitwasyón. Kayâ anó áng ginawâ niyá? Sína-bi niyá: “Sa ganáng ákin, si Jehóva áng patúloy kong hihintayin. Akó ay magpápakíta ng mapaghintay ná sa-loobín sa Diyós ng áking kaligtásan. Diringgín akó ng áking Diyós.” (Mik. 7:7) Túlad ni Míkas, kailángan din náting magkaroón ngmapaghintay ná saloobín.”

6. Anó áng matútutúhan nátin sa halimbáwa ni propéta Míkas?

7 Kung may pananámpalatáya táyo ná katúlad ng kay Míkas, magíging handâ táyong maghintáy kay Jehóva. Hindî táyo túlad ng isáng bilanggo ná naghi-hintay sa kaniyáng pagbitay. Walâ ná siyáng magaga-wa kundî maghintáy, at hindî niyá pinanánabikán áng mangyayári. Ibáng-ibá táyo! Handâ táyong maghintáy kay Jehóva dáhil alám náting tútuparín niyá áng kaní-yang pangáko ná bíbigyán táyo ng búhay ná waláng hanggán sa támang panahón, sa pínakamagandáng pa-nahon! Kayâ namán, ‘nagbabatá táyo nang lubós at may mahábang pagtitiís tagláy áng kagalákan.’ (Col. 1: 11, 12) Péro hindî malulugod áng Diyós kung magbu-bulong-bulúngan táyo hábang naghihintáy at magre-reklamong mabágal siyá.—Col. 3:12.

7. Bákit hindî sapát áng bastá paghihintáy sa katupáran ng mgá pangáko ni Jehóva?

MAHUHÚSAY NÁ HALIMBÁWA NG PAGKAMATIÍSIN
8 Mas magíging handâ táyong maghintáy kung aa-lalahanin nátin áng tapát ná mgá laláki at babáe noón ná matiyagáng naghintáy sa katupáran ng mgá panga-ko ni Jehóva. (Róma 15:4) Hábang binubúlay-búlay nátin áng kaniláng halimbáwa, tandaán kung gaáno silá katagál naghintáy, bákit silá handáng maghintáy, at anóng mgá pagpapála áng natamo nilá dáhil sa pag-kamatiisin.

8. Anó áng kailángan náting tandaán hábang binubúlay-búlay nátin áng halimbáwa ng tapát ná mgá laláki at babáe noón?

9 Tingnán áng halimbáwa nína Abrahám at Sára. Ka-bílang silá roón samgá sa pamamagítan ng pananam-palataya at pagtitiís ay nagmamána ng mgá pangáko.” Sinasábi ng Kasulátan nápagkatápos makapagpakíta ng pagtitiís si Abrahám,” natamo niyá áng pangáko ná pagpápaláin siyá ni Jehóva at pararamihin áng kaní-yang binhî. (Heb. 6:12, 15) Bákit kailángan ni Abrahám ná magíng matiísin? Dáhil mahábang panahón áng ka-ilangan pára matupád áng pangáko. Nagsimuláng mag-kabisa áng tipán ni Jehóva kay Abrahám noóng Ni-san 14, 1943 B.C.E., nang siyá at si Sára, kasáma ng kaniláng sambahayán, ay tumawíd sa Ílog Eufrates at pumások sa Lúpang Pangáko. Pagkatápos, kailángan pang maghintáy si Abrahám nang 25 taón bágo isílang áng anák niyáng si Isaác noóng 1918 B.C.E., at 60 taón pa bágo ipanganák áng mgá apó niyáng sína Esau at Jacób noóng 1858 B.C.E.—Heb. 11:9.

10 Gaáno kalakíng lúpa áng ibinigáy ni Jehóva kay Abrahám bílang mána? Sinasábi ng Bíbliya: “Gayun-may hindî niyá siyá binigyán díto ng anumáng pag-aaring mamanáhin, hindî, ni ng sinlapad-ng-talam-pakan; ngúnit nangáko siyáng ibíbigay itó sa kaniyá bílang pag-aári, at sa kaniyáng binhî ná kasunód niyá, samantálang noón ay walâ pa siyáng anák.” (Gawâ 7:5) Matápos tumawíd si Abrahám sa Eufrates, lumípas pa áng 430 taón bágo maorganisa áng kaniyáng mgá iná-pô bílang isáng bansâ ná magmámay-arí sa lupaíng iyón.—Ex. 12:40-42; Gal. 3:17.

9, 10. Gaáno katagál naghintáy sína Abrahám at Sára kay Jehóva?

11 Handáng maghintáy si Abrahám dáhil may paná-nampalataya siyá kay Jehóva. (Basáhin áng Hébreo 11: 8-12.) Masayáng naghintáy si Abrahám káhit hindî niyá nakíta áng ganáp ná katupáran ng pangáko. Péro ísip-isípin áng kagalákang madáramá niyá kapág binuháy ná siyáng mulî sa isáng paraisong lúpa! Magugulat siyáng mabása kung gaáno kalakíng bahági ng Bíbliya áng naglalahad ng kasaysáyan niyá at ng kaniyáng mgá inapó.* Tiyák ná matútuwa siyá kapág naunawáan ná niyá áng kaniyáng mahalagáng papél sa layúnin ni Jehóva may kinaláman sa ipinangákong binhî! Sigura-dong sásabíhin niyá ná súlit áng mahábang paghihin-tay.

* Mgá 15 kabanáta ng aklát ng Genesis áng naglalahad ng úlat tung-kol kay Abrahám. Mahigít 70 úlit din siyáng tinúkoy ng mgá mánunulát ng Kristiyánong Griégong Kasulátan.

11. Bákit handáng maghintáy si Abrahám kay Jehóva? At anóng mgá pagpapála áng idudulot ng kaniyáng pagkamatiísin?

12 Si José, apó sa túhod ni Abrahám, ay handâ ring magtiis. Bíktima siyá ng malulupit ná kawaláng-kataru-ngan. Noóng mgá 17 ányos siyá, ipinagbilí siyá ng ka-niyáng mgá kapatíd pára magíng alípin. Pagkatápos, pinagbintangan siyá ng tangkang panghahalay sa ása-wa ng kaniyáng panginoón at nakulong dáhil díto. (Gen. 39:11-20; Áwit 105:17, 18) Káhit tapát si José, pa-rang pinarurúsahan siyá sa halíp ná pinagpapála. Péro pagkalipás ng 13 taón, bigláng nabaligtad áng sitwas-yon. Pinaláya siyá sa bilangguan at inilagáy sa panga-lawang pínakamataás ná posisyón sa Ehípto.—Gen. 41: 14, 37-43; Gawâ 7:9, 10.

13 Naghinanakít ba si José dáhil sa mgá kawaláng-katarungang iyón? Nawalán ba siyá ng tiwalà sa kaní-yang Diyós ná si Jehóva? Hindî. Anó áng nakatúlong kay José ná makapagtiis hábang naghihintáy? Áng ka-niyáng pananámpalatáya kay Jehóva. Nakíta niyá áng pagkílos ng kamáy ni Jehóva sa mgá pangyayári. Dáhil díto, sinábi niyá sa kaniyáng mgá kapatíd: “Huwág kayóng matákot, sapagkát nása kalagáyan ba akó ng Diyós? Kung tungkól sa inyó, nag-ísip kayó ng masamâ lában sa ákin. Nása ísip ng Diyós áng ikabubúti sa layúning kumílos gáya ng sa áraw ná itó úpang inga-tang buh áy áng maráming táo.” (Gen. 50:19, 20) Sa bandáng hulí, nakíta ni José ná súlit áng maghin-tay.

12, 13. Bákit kailángang magtiis si José? At anóng magandáng saloobín áng ipinakíta niyá?

14 Si Háring Davíd ay bíktima rín ng maráming kawa-lang-katarúngan. Batà pa siyá nang pahiran siyá ni Jehóva pára magíng hári ng Israél, péro naghintáy pa si Davíd nang mgá 15 taón bágo siyá gawíng hári sa ka-niyáng tríbo. (2 Sam. 2:3, 4) Bágo nitó, tinutugis siyá ng dí-tapát ná si Háring Saúl pára patayín.* Kayâ ná-muhay si Davíd bílang takas, kung mínsan sa ibáng lu-páin, at kung mínsan, sa mgá kuwéba sa iláng. Sa kala-unan, napatáy si Saúl sa isáng labánan, péro naghintáy pa si Davíd nang pitóng taón bágo siyá magíng hári sa buóng bansáng Israél.—2 Sam. 5:4, 5.

15 Bákit handáng magtiis at maghintáy si Davíd? Sinásagót niyá itó sa mísmong áwit kung saán ápat ná béses siyáng nagtanóng: “Hanggáng kailán?” Sinábi niyá: “Sa ganáng ákin, nagtiwála akó sa iyóng maibi-ging-kabaítan; magalak nawâ áng áking púso sa iyóng pagliligtas. Aawit akó kay Jehóva, sapagkát ginawan niyá akó ng mabúti.” (Áwit 13:5, 6) Nagtiwála si Davíd sa maibigíng-kabaítan, o matapát ná pag-íbig, ni Jeho-va. Masáya niyáng inasam áng pagliligtas ni Jehóva at binúlay-búlay áng kabutihan Niyá sa kaniyá. Óo, nada-ma ni Davíd ná súlit áng maghintáy.

* Káhit itinakwíl ná ni Jehóva si Saúl matápos mamahála nang ma-higít dalawáng taón, pinahintulutan pa rín siyáng mamahála nang 38 taón hanggáng sa kamatáyan niyá.—1 Sam. 13:1; Gawâ 13:21.

14, 15. (a) Bákit pambihírà áng pagkamatiísin ni Davíd? (b) Bákit handáng magtiis at maghintáy si Davíd?

16 Hinihilingan táyo ni Jehóva ná magíng matiísin dáhil siyá mísmo ay nagtitiis din. Siyá áng pinakamahu-say ná halimbáwa ng pagíging handáng maghintáy. (Ba-sahin áng 2 Pédro 3:9.) Líbo-líbong taón nang nagtitiis at naghihintáy si Jehóva pára tuluyang masagót áng mgá usaping morál ná ibinángon sa hardín ng Edén. ‘Patúloy niyáng hiníhintáyáng panahón kung kailán lubúsan nang mapababanal áng kaniyáng pangálan. Magdudúlot itó ng nápakagandáng mgá pagpapála pára salahát ng patúloy ná naghihintáy sa kaniyá.”—Isá. 30:18.

17 Handâ ring maghintáy si Jesús. Káhit napagta-gumpayan niyá áng pagsúbok sa kaniyáng katapátan díto sa lúpa at naiharap áng halagá ng kaniyáng háing pantubós noóng 33 C.E., kailángan niyáng maghintáy hanggáng noóng 1914 bágo magsimulang mamahála. (Gawâ 2:33-35; Heb. 10:12, 13) At kailángan din niyáng maghintáy hanggáng sa matápos áng kaniyáng Sanli-bong Ta óng Paghahári bágo lubúsang mapuksa áng ka-niyáng mgá kaáway. (1 Cor. 15:25) Mahábang paghihin-tay iyón, péro tiyák ná súlit itó!

16, 17. Bákit mahuhúsay ná halimbáwa áng Diyós ná Jehóva at si Jésu-Krísto sa pagíging handáng maghintáy?

ANÓ ÁNG TUTÚLONG SA ÁTIN?
18 Kayâ namán, dápat ná handâ táyong magíng ma-tiisín at maghintáy. Péro anó áng tutúlong sa átin? Hi-lingin sa panalángin áng espíritu ng Diyós. Tandaán, áng mahábang pagtitiís ay isáng aspékto ng búnga ng espíritu. (Efe. 3:16; 6:18; 1 Tes. 5:17-19) Magsumámo kay Jehóva ná tulúngan kang makapagbatá.

19 Tandaán din kung anó áng nakatúlong kína Abra-ham, José, at Davíd ná matiyagáng maghintáy sa katupáran ng mgá pangáko ni Jehóvaáng kaniláng pananámpalatáya at tiwalà kay Jehóva. Hindî lang sa-rili at pansaríling kaalwanán áng inísip nilá. Hábang bi-nubulay-búlay nátin áng magagandáng resúlta ng kaní-lang pagtitiís, mapasísiglá rín táyong magkaroón ng mapaghintay ná saloobín.

18, 19. Anó áng tutúlong sa átin ná magíng handáng magtiis at maghintáy?

20 Kayâ mapaharáp man táyo sa mgá pagsúbok, determinádo táyong magpakíta ngmapaghintay ná saloobín.” Óo, kung mínsan naitatanong nátin: “Hang-gang kailán, O Jehóva?” (Isá. 6:11) Péro dáhil sa lakás ná ibínibigáy ng banál ná espíritu ng Diyós, masasábi rín nátin áng mgá salitâ ni Jeremias: “Si Jehóva áng áking bahági, . . . kayâ namán akó ay magpápakíta ng mapaghintay ná saloobín sa kaniyá.”—Panag. 3:21, 24.

20. Anó áng dápat ná magíng determinasyón nátin?