Bantayan Agosto 2017 Oktubre 2-8

Ang Kapayapaan ng Diyos ay Nakahihigit
sa Lahat ng Kaisipan

Ang kapayapaan ng Diyos na nakahihi-git sa
lahat ng kaisipan ay magbabantay sa inyong
mga puso.”—FIL. 4:7.

AWIT: 76, 141

PAANO MO SASAGUTI N?
Ano ang matu-tutuhan natin sa nangyari kay apostol Pablo sa Filipos?
Anong mga halim-bawa sa Kasulatan ang nagpapatunay na kayang gawin ni Jehova ang di-inaasahan?
Paano natin ma-pananatili angkapayapaan ng Diyos”?

1. HALOS hatinggabi na. Dalawang misyonero, sina Pablo at Silas, ang nakabilanggo sa kaloob-loo-bang bahagi ng kulungan sa lunsod ng Filipos. Nasa pangawan ang kanilang mga paa, at masakit pa ang kanilang likod dahil sa mga hampas na tinanggap nila. (Gawa 16:23, 24) Mabilis ang mga pangyayari! Bago nito, basta na lang sila kinaladkad ng mga mang-uumog papunta sa pamilihan para ma-hatulan. Pinagpupunit ang kanilang damit, at pinag-hahampas sila ng mga pamalo. (Gawa 16:16-22) Kawa-lang-katarungan nga! Dapat sana ay nilitis muna si Pablo dahil isa siyang mamamayang Romano.*

2 Habang nakabilanggo, pinag-iisipan ni Pablo ang mga nangyari sa araw na iyon. Iniisip din niya ang mga taga-Filipos. Walang sinagoga ng mga Judio doon, di-tulad ng maraming lunsod na dinalaw ni Pab¬lo. Para sumamba, kailangan pang magtipon-tipon ng mga Judio sa labas ng mga pintuang-daan ng lunsod sa tabi ng isang ilog. (Gawa 16:13, 14) Ito kaya ay da-hil wala pang 10 lalaking Judio sa lunsod, ang bilang na kailangan para makabuo ng isang sinagoga? Mali-wanag na ipinagmamalaki ng mga taga-Filipos ang ka-nilang pagkamamamayang Romano, kahit pangalawa-hing uri lang ito. (Gawa 16:21) Marahil iyan ang dahilan kaya hindi man lang nila naisip na ang mga Judio na sina Pablo at Silas ay posibleng mga mama-mayang Romano rin. Anuman ang dahilan, di-makata-rungan ang pagkakabilanggo nina Pablo at Silas.

* Lumilitaw na si Silas ay isa ring mamamayang Romano.—Gawa 16:37.

1, 2. Anong mga pangyayari sa Filipos ang naging dahilan ng pagkakabilanggo nina Pablo at Silas? (Tingnan ang larawan sa si-mula ng artikulo.)

3 Malamang na iniisip din ni Pablo ang mga nangya-ri ilang buwan bago nito. Nasa kabilang ibayo siya ng Dagat Aegeano sa Asia Minor. Doon, paulit-ulit na pi-nagbawalan si Pablo ng banal na espiritu na mangaral sa ilang lugar. Para bang inaakay siya nito sa ibang di-reksiyon. (Gawa 16:6, 7) Pero saan? Habang nasa Tro-as, nakakita si Pablo ng isang pangitain. Sinabi sa ka-niya: “Tumawid ka sa Macedonia.” Maliwanag na iyan ang kalooban ni Jehova, kaya agad na tinanggap ni Pablo ang paanyaya. (Basahin ang Gawa 16:8-10.) Pero ano ang nangyari? Pagdating niya sa Macedonia, nabilanggo siya! Bakit hinayaan ni Jehova na mang-yari ito kay Pablo? Mabubulok ba siya sa bilangguan? Kung naisip man ni Pablo ang mga tanong na iyan, hindi niya hinayaang makaapekto ito sa kaniyang pa-nanampalataya at kagalakan. Siya at si Silas ay nagsi-mulangmanalangin at pumuri sa Diyos sa pamama-gitan ng awit.’ (Gawa 16:25) Napanatag ang kanilang puso at isip dahil sa kapayapaan ng Diyos.

3. Bakit maaaring nagtaka si Pablo nang mabilanggo siya? Pero anong saloobin ang ipinakita niya?

4 Gaya ni Pablo, baka nadarama mong sinusunod mo naman ang pag-akay ng banal na espiritu ng Diyos, pero iba ang kinalalabasan kaysa sa inaasahan mo. Baka napaharap ka sa maraming hamon, o kinai-langan mong gumawa ng malalaking pagbabago dahil sa nagbagong mga kalagayan. (Ecles. 9:11) Kapag nag-babalik-tanaw ka, baka naiisip mo kung bakit hinaya-an ni Jehova na mangyari ang ilang bagay. Kaya ano ang makatutulong sa iyo na makapagbata at lubusang magtiwala kay Jehova? Para masagot iyan, balikan na-tin ang ulat tungkol kina Pablo at Silas.

5 Habang umaawit ng papuri sina Pablo at Silas, na-ganap ang sunod-sunod at di-inaasahang mga pang-yayari. Biglang nagkaroon ng malakas na lindol at na-buksan ang mga pinto ng bilangguan. Nakalag ang mga gapos ng lahat ng bilanggo. Pinigilan ni Pablo ang tangkang pagpapakamatay ng tagapagbilanggo, at nabautismuhan ito at ang buong pamilya nito. Kina-bukasan, ang mga mahistrado ng lunsod ay nagsugo ng mga kustable para palayain sina Pablo at Silas. Sinabihan sila ng mga opisyal na umalis sa lunsod nang payapa. Nang malaman ng mga mahistrado na sina Pablo at Silas ay mga mamamayang Romano, na-kita nila na nakagawa sila ng malaking pagkakamali kaya sila mismo ang pumunta para ilabas ang dala-wang lalaki. Pero bago umalis sina Pablo at Silas, nag-paalam muna sila sa bagong-bautisadong kapatid na si Lydia. Ginamit din nila ang pagkakataong iyon para patibayin ang mga kapatid. (Gawa 16:26-40) Napaka-bilis ngang nagbago ang sitwasyon!

4, 5. (a) Paano puwedeng maging katulad ng naranasan ni Pablo ang sitwasyon natin? (b) Paano nagbago nang di-inaasahan ang sitwasyon ni Pablo?

ITO AYNAKAHIHIGIT
SA LAHAT NG KAISIPAN
6 Ano ang matututuhan natin dito? Sa harap ng pagsubok, magagawa ni Jehova ang mga bagay na di-inaasahan kaya hindi tayo dapat mag-alala. Tumatak kay Pablo ang aral na iyan, at makikita iyan sa isinu-lat niya nang maglaon sa mga kapatid sa Filipos tung-kol sa pagkabalisa at sa kapayapaan ng Diyos. Talaka-yin muna natin ang sinabi ni Pablo sa Filipos 4: 6, 7. (Basahin.) Pagkatapos, suriin natin ang iba pang halimbawa sa Kasulatan kung paano ginawa ni Jeho-va ang di-inaasahan. At saka natin isasaalang-alang kung paano makatutulong angkapayapaan ng Diyospara makapagbata tayo at lubusang magtiwala kay Jehova.

6. Ano ang tatalakayin natin?

7 Nang mabasa ng mga kapatid sa Filipos ang liham ni Pablo, tiyak na naalaala nila ang nangyari sa kani-ya at kung paano siya tinulungan ni Jehova sa para-ang hindi nila inaasahan. Anong aral ang itinuturo ni Pablo sa kanila? Ito: Huwag mag-alala. Manalangin, at tatanggapin nila ang kapayapaan ng Diyos. Pero pan-sinin naang kapayapaan ng Diyos [ay] nakahihigit sa lahat ng kaisipan.” Ano ang ibig sabihin nito? Ginamit ng ilang tagapagsalin ang pananalitangnakahihigit sa lahat ng ating mga pangaraponakahihigit sa la-hat ng plano ng tao.” Kaya sa diwa, sinasabi ni Pablo naang kapayapaan ng Diyosay mas kahanga-hanga kaysa sa maiisip natin. Kaya kahit wala tayong maki-tang solusyon sa ating problema, may solusyon si Jehova, at magagawa niya ang hindi natin inaasahan. —Basahin ang 2 Pedro 2:9.

7. Anong aral ang itinuro ni Pablo sa kaniyang liham sa mga kapa-tid sa Filipos? At ano ang matututuhan natin dito?

8 Tiyak na napatibay ang mga kapatid sa Filipos habang binubulay-bulay nila ang mga nangyari sa na-kalipas na 10 taon. Kahit hinayaan ni Jehova na du-manas ng kawalang-katarungan sina Pablo at Silas, ang resulta naman nito ay angpagtatanggol at . . . legal na pagtatatag ng mabuting balita.” (Fil. 1:7) Mag-iisip-isip muna ang mga mahistrado sa lunsod na iyon bago gumawa ng anumang laban sa bagong-tatag na kongregasyong Kristiyano doon. Marahil dahil sa ginawa ni Pablo, ang manggagamot na si Lucas, na ka-samahan niya sa paglalakbay, ay nakapanatili sa Fili-pos pagkaalis nina Pablo at Silas. Kaya makapaglalaan din ng tulong si Lucas sa mga bagong Kristiyano sa lunsod na iyon.

9 Nang mabasa ng mga kapatid sa Filipos ang liham ni Pablo, alam nilang hindi lang personal na opinyon ang mga isinulat niya. Talagang dumanas si Pablo ng mahihirap na kalagayan; pero nasa kaniya angkapa-yapaan ng Diyos.” Sa katunayan, nakakulong si Pablo sa Roma nang lumiham siya sa mga taga-Filipos. Pero ipinakita niya na nasa kaniya pa rin angkapayapaan ng Diyos.”—Fil. 1:12-14; 4:7, 11, 22.

8, 9. (a) Kahit dumanas si Pablo ng kawalang-katarungan sa Fili-pos, ano ang magandang resulta nito? (b) Bakit makapagtitiwala ang mga kapatid sa Filipos sa isinulat ni Pablo?

HUWAG KAYONG MABALISA
SA ANUMANG BAGAY

10 Ano ang makatutulong sa atin na huwag mabali-sa sa anumang bagay at maranasan angkapayapaan ng Diyos”? Ipinakikita ng mga sinabi ni Pablo sa mga taga-Filipos na ang panlaban sa pag-aalala ay panala-ngin. Kaya kapag nababalisa, idaan sa panalangin ang álalahan´ın. (Basahin ang 1 Pedro 5:6, 7.) Manalangin kay Jehova nang may buong pagtitiwala na nagmama-lasakit siya sa iyo. Manalangin sa kaniya namay ka-samang pasasalamatsa bawat pagpapalang tinatang-gap mo. Titibay ang ating pagtitiwala sa kaniya kung tatandaan natin na siya aymakagagawa ng ibayo pang higit sa lahat ng mga bagay na ating mahihingi o maiisip.”—Efe. 3:20.

11 Tulad ng naranasan nina Pablo at Silas sa Filipos, baka magulat din tayo sa gagawin ni Jehova para sa atin. Hindi man iyon pambihirang bagay, pero tiyak na iyon ang kailangan natin. (1 Cor. 10:13) Siyempre pa, hindi ibig sabihin na uupo na lang tayo at maghihin-tay na ituwid ni Jehova ang sitwasyon o lutasin ang problema. Kailangan nating kumilos kaayon ng ating mga panalangin. (Roma 12:11) Sa gayon, makikita sa ating pagkilos na taimtim tayo at nabibigyan na-tin si Jehova ng dahilan para pagpalain tayo. Pero tandaan din na higit pa ang magagawa ni Jehova kaysa sa hinihiling o iniisip natin. Kung minsan, si-nosorpresa niya tayo at ginagawa ang hindi natin inaasahan. Talakayin natin ang ilang ulat sa Bibli-ya na magpapatibay ng ating pagtitiwala sa kakaya-han ni Jehova na gawin ang di-inaasahan para sa atin.

10, 11. Ano ang kailangan nating gawin kapag masyado tayong na-babalisa? At ano ang maaasahan natin?

MGA HALIMBAWA NG DI-INAASAHANG
PAGKILOS NI JEHOVA

12 Sa Kasulatan, marami tayong mababasang halim-bawa ng pagkilos ni Jehova nang di-inaasahan. Noong panahon ni Haring Hezekias, sinalakay ni Haring Se-nakerib ng Asirya ang Juda at sinakop ang lahat ng nakukutaang lunsod nito, maliban sa Jerusalem. (2 Hari 18:1-3, 13) Pero ito na ang isusunod niya. Ano ang ginawa ni Haring Hezekias sa harap ng bantang ito? Lumapit siya kay Jehova sa panalangin at humi-ngi ng payo kay Isaias na propeta ni Jehova. (2 Hari 19:5, 15-20) Naging makatuwiran din si Hezekias da-hil binayaran niya ang multang itinakda ni Senakerib. (2 Hari 18:14, 15) Pagkatapos, gumawa si Hezekias ng mga paghahanda para makatagal ang lunsod sa pangu-ngubkob. (2 Cro. 32:2-4) Pero ano ang nangyari? Nagsugo si Jehova ng isang anghel na pumatay ng 185,000 kawal ni Senakerib sa iisang gabi. Kahit si Hezekias ay hindi umaasang mangyayari iyon!—2 Hari 19:35.

12. (a) Ano ang ginawa ni Haring Hezekias nang magbanta si Ha¬ring Senakerib ng Asirya? (b) Ano ang matututuhan natin sa solus-yong ginawa ni Jehova?

13 Tingnan din ang halimbawa ng kabataang si Jose, na anak ni Jacob. Habang nakabilanggo sa Ehipto, si-guradong hindi man lang sumagi sa isip ni Jose na ila-lagay siya sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa lupain at na gagamitin siya ni Jehova para iligtas ang kaniyang pamilya sa taggutom. (Gen. 40:15; 41: 39-43; 50:20) Higit nga sa inaasahan ni Jose ang gi-nawa ni Jehova! Isipin din ang tungkol kay Sara, na lola sa tuhod ni Jose. Inaasahan ba ng may-edad na ba-baeng ito na bibigyan pa siya ni Jehova ng sarili niyang anak, at hindi lang ang anak ng kaniyang alilang ba-bae? Siguradong nahigitan ng kapanganakan ni Isaac ang lahat ng inaasahan ni Sara.—Gen. 21:1-3, 6, 7.

13. (a) Anong aral ang matututuhan natin sa nangyari kay Jose? (b) Anong di-inaasahang bagay ang naranasan ni Sara?

14 Hindi tayo umaasa na makahimalang aalisin ni Jehova ang lahat ng problema natin bago dumating ang bagong sanlibutan. Hindi rin tayo umaasang ga-gawa siya ng pambihirang mga bagay para sa atin. Pero alam natin na ang Diyos na tumulong sa kani-yang mga lingkod noon sa kamangha-manghang para-an ay ang Diyos din natin, si Jehova. (Basahin ang Isaias 43:10-13.) Kaya may tiwala tayo sa kaniya. Alam nating magagawa niya ang anumang kailangan para palakasin tayo na lubusang gawin ang kaniyang kalooban. (2 Cor. 4:7-9) Anong aral ang matututuhan natin sa mga ulat ng Bibliya tungkol kina Hezekias, Jose, at Sara? Ipinakikita ng mga ito na kung mana-natili tayong tapat kay Jehova, gagawin niya para sa atin ang mga bagay na parang imposible.

14. Anong pagtitiwala ang taglay natin kay Jehova?

15 Paano natin mahaharap ang mga pagsubok at ma-pananatili angkapayapaan ng Diyos”? Dapat nating ingatan ang ating kaugnayan sa Diyos na Jehova. Na-giging posible lang ang kaugnayang itosa pamama-gitan ni Kristo Jesus,” na naghandog ng kaniyang buhay bilang haing pantubos. Ang paglalaan ng pan-tubos ay isa pang kamangha-manghang gawa ng ating Ama. Dahil sa pantubos, pinapatawad niya ang ating mga kasalanan para magkaroon tayo ng malinis na budhi at maging malap´ıt sa kaniya.—Juan 14:6; Sant. 4:8; 1 Ped. 3:21.

15. Ano ang tutulong sa atin na mapanatili angkapayapaan ng Diyos”? At paano ito nagiging posible?

BABANTAYAN NITO ANG ATING PUSO
AT KAKAYAHANG PANGKAISIPAN

16 Ano ang mangyayari kapag taglay natin angka-payapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisi-pan”? Ito angmagbabantay sa Eating] mga puso at sa Eating] mga kakayahang pangkaisipan sa pa-mamagitan ni Kristo Jesus.” (Fil. 4:7) Sa orihinal na wika, ang salitangmagbabantayay ginagamit sa militar. Tumutukoy ito sa garison ng mga kawal na na-kapuwesto para magbantay sa isang nakukutaang lun-sod, gaya ng Filipos. Kapag gabi, mahimbing ang tu-log ng mga taga-Filipos dahil alam nilang may mga kawal na nagbabantay sa mga pintuang-daan ng lun-sod. Sa katulad na paraan, kung taglay natin angka-payapaan ng Diyos,” mananatiling panatag ang ating puso at isip. Alam nating nagmamalasakit sa atin si Jehova at gusto niya tayong magtagumpay. (1 Ped. 5:10) Dahil dito, nababantayan tayo para hindi tayo madaig ng kabalisahan at pagkasira ng loob.

16. Ano ang mangyayari kapag taglay natin angkapayapaan ng Diyos”? Ilarawan.

17 Malapit na nating harapin ang pinakamatinding kapighatiang mangyayari sa lupa. (Mat. 24:21, 22) Hindi natin alam kung ano ang eksaktong mangyaya-ri sa bawat isa sa atin. Pero hindi tayo kailangang mabalisa nang labis. Kahit hindi natin alam ang lahat
ng gagawin ni Jehova, kilala naman natin ang ating Diyos. Nakita natin sa kaniyang mga ginawa noon na anuman ang mangyari, laging isinasakatuparan ni Je-hova ang kaniyang layunin, at kung minsan, sa para-ang di-inaasahan. Sa tuwing gagawin iyan ni Jehova para sa atin, mararanasan natin sa panibagong para-an angkapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan.”

17. Ano ang tutulong sa atin na maharap ang kinabukasan nang may lubos na pagtitiwala?

Áng Kapayapáan ng Diyós ay Nakahíhigít
sa Lahát ng Kaisipán

Áng kapayapáan ng Diyós ná nakahihi-git sa
lahát ng kaisipán ay magbabantáy sa inyóng
mgá púso.”—FIL. 4:7.

ÁWIT: 76, 141

PAÁNO MO SASAGUTI N?
Anó áng matu-tutuhan nátin sa nangyári kay apostól Páblo sa Filípos?
Anóng mgá halim-bawa sa Kasulátan áng nagpapatúnay ná káyang gawín ni Jehóva áng dí-ináasáhan?
Paáno nátin ma-pananatíli ángkapayapáan ng Diyós”?

1. HÁLOS hatinggabí ná. Dalawáng misyonero, sína Páblo at Silas, áng nakabilanggô sa kaloób-loo-bang bahági ng kulungan sa lunsód ng Filípos. Nása pangawan áng kaniláng mgá paá, at masakít pa áng kaniláng likód dáhil sa mgá hampás ná tinanggáp nilá. (Gawâ 16:23, 24) Mabilís áng mgá pangyayári! Bágo nitó, bastá ná lang silá kinaladkad ng mgá mang-uúmog papúnta sa pamilíhan pára ma-hatulan. Pinagpupunit áng kaniláng damít, at pínag-hahampas silá ng mgá pamálo. (Gawâ 16:16-22) Kawa-lang-katarúngan ngâ! Dápat sána ay nilitis múna si Páblo dáhil isá siyáng mamamayang Románo.*

2 Hábang nakabilanggô, pínag-iisípan ni Páblo áng mgá nangyári sa áraw ná iyón. Iniísip din niyá áng mgá tága-Filípos. Waláng sinagóga ng mgá Judió doón, dí-túlad ng maráming lunsód ná dinalaw ni Pab¬lo. Pára sumambá, kailángan pang magtípon-tipon ng mgá Judió sa labás ng mgá pintúang-daán ng lunsód sa tabí ng isáng ílog. (Gawâ 16:13, 14) Itó kayâ ay da-hil walâ pang 10 laláking Judió sa lunsód, áng bílang ná kailángan pára makábuó ng isáng sinagóga? Malî-wanag ná ipinagmámalakí ng mgá tága-Filípos áng ka-niláng pagkamamamayang Románo, káhit pangalawa-hing urì lang itó. (Gawâ 16:21) Maráhil iyán áng dahilán kayâ hindî man lang nilá naísip ná áng mgá Judió ná sína Páblo at Silas ay posíbleng mgá mama-mayang Románo rín. Anumán áng dahilán, dí-makata-rungan áng pagkakabilanggo nína Páblo at Silas.

* Lumílitáw ná si Silas ay isá ring mamamayang Románo.—Gawâ 16:37.

1, 2. Anóng mgá pangyayári sa Filípos áng nagíng dahilán ng pagkakabilanggo nína Páblo at Silas? (Tingnán áng laráwan sa si-mulâ ng artíkulo.)

3 Malamáng ná iniísip din ni Páblo áng mgá nangya-ri iláng buwán bágo nitó. Nása kabílang ibayo siyá ng Dágat Aegeano sa Asia Minor. Doón, paúlit-úlit ná pi-nagbawalan si Páblo ng banál ná espíritu ná mangáral sa iláng lugár. Pára bang inaákay siyá nitó sa ibáng dí-reksiyon. (Gawâ 16:6, 7) Péro saán? Hábang nása Tro-as, nakakíta si Páblo ng isáng pangitaín. Sinábi sa ka-niyá: “Tumawíd ka sa Macedonia.” Maliwánag ná iyán áng kaloóban ni Jehóva, kayâ agád ná tinanggáp ni Páblo áng paanyáya. (Basáhin áng Gawâ 16:8-10.) Péro anó áng nangyári? Pagdatíng niyá sa Macedonia, nabilanggó siyá! Bákit hinayáan ni Jehóva ná mang-yari itó kay Páblo? Mabubulok ba siyá sa bilangguan? Kung naísip man ni Páblo áng mgá tanóng ná iyán, hindî niyá hinayáang makaapékto itó sa kaniyáng pa-nanámpalatáya at kagalákan. Siyá at si Silas ay nagsi-mulangmanalángin at pumuri sa Diyós sa pamama-gitan ng áwit.’ (Gawâ 16:25) Napanatag áng kaniláng púso at ísip dáhil sa kapayapáan ng Diyós.

3. Bákit maaáring nagtaka si Páblo nang mabilanggo siyá? Péro anóng saloobín áng ipinakíta niyá?

4 Gáya ni Páblo, bakâ nadárama mong sinúsunod mo namán áng pag-ákay ng banál ná espíritu ng Diyós, péro ibá áng kinalalabasan káysa sa ináasáhan mo. Bakâ napaharáp ka sa maráming hámon, o kinai-langan mong gumawâ ng malalakíng pagbabágo dáhil sa nagbágong mgá kalagáyan. (Ecles. 9:11) Kapág nag-bábalík-tanáw ka, bakâ naiísip mo kung bákit hinaya-an ni Jehóva ná mangyári áng iláng bágay. Kayâ anó áng makatutúlong sa iyó ná makapagbatá at lubúsang magtiwála kay Jehóva? Pára masagót iyán, balikán ná-tin áng úlat tungkól kína Páblo at Silas.

5 Hábang umaáwit ng papúri sína Páblo at Silas, ná-ganáp áng sunód-sunód at dí-inaasahang mgá pang-yayari. Bigláng nagkaroón ng malakás ná lindól at ná-buksán áng mgá pintó ng bilangguan. Nakalag áng mgá gápos ng lahát ng bilanggo. Pinigilan ni Páblo áng tangkang pagpapakamatay ng tagapagbilanggo, at nabautismuhán itó at áng buóng pamílya nitó. Kína-bukasan, áng mgá mahistrado ng lunsód ay nagsúgo ng mgá kustable pára palayáin sína Páblo at Silas. Sinabíhan silá ng mgá opisyál ná umalís sa lunsód nang payápa. Nang malamán ng mgá mahistrado ná sína Páblo at Silas ay mgá mamamayang Románo, ná-kíta nilá ná nakagawâ silá ng malakíng pagkakámalî kayâ silá mísmo áng pumuntá pára ilabás áng dála-wang laláki. Péro bágo umalís sína Páblo at Silas, nag-paalam múna silá sa bágong-bautisádong kapatíd ná si Lydia. Ginámit din nilá áng pagkakátaong iyón pára patibáyin áng mgá kapatíd. (Gawâ 16:26-40) Napaka-bilis ngang nagbágo áng sitwasyón!

4, 5. (a) Paáno puwédeng magíng katúlad ng naranásan ni Páblo áng sitwasyón nátin? (b) Paáno nagbágo nang dí-ináasáhan áng sitwasyón ni Páblo?

ITÓ AYNAKAHÍHIGÍT
SA LAHÁT NG KAISIPÁN
6 Anó áng matútutúhan nátin díto? Sa haráp ng pagsúbok, magágawa ni Jehóva áng mgá bágay ná dí-ináasáhan kayâ hindî táyo dápat mag-alalá. Tumatak kay Páblo áng áral ná iyán, at makikíta iyán sa isinu-lat niyá nang magláon sa mgá kapatíd sa Filípos tung-kol sa pagkabalísa at sa kapayapáan ng Diyós. Talaka-yin múna nátin áng sinábi ni Páblo sa Filípos 4: 6, 7. (Basáhin.) Pagkatápos, suríin nátin áng ibá pang halimbáwa sa Kasulátan kung paáno ginawâ ni Jeho-va áng dí-ináasáhan. At saká nátin isásaálang-álang kung paáno makatutúlong ángkapayapáan ng Diyóspára makapagbatá táyo at lubúsang magtiwála kay Jehóva.

6. Anó áng tátalakáyin nátin?

7 Nang mabása ng mgá kapatíd sa Filípos áng líham ni Páblo, tiyák ná naálaála nilá áng nangyári sa kaní-ya at kung paáno siyá tinulúngan ni Jehóva sa pára-áng hindî nilá ináasáhan. Anóng áral áng itinutúro ni Páblo sa kanilá? Itó: Huwág mag-alalá. Manalángin, at tatanggapín nilá áng kapayapáan ng Diyós. Péro pan-sinin nááng kapayapáan ng Diyós [ay] nakahíhigít sa lahát ng kaisipán.” Anó áng íbig sabíhin nitó? Ginámit ng iláng tagapagsalin áng pananalitángnakahíhigít sa lahát ng áting mgá pangáraponakahíhigít sa la-hat ng pláno ng táo.” Kayâ sa díwa, sinasábi ni Páblo nááng kapayapáan ng Diyósay mas kahánga-hánga káysa sa maiísip nátin. Kayâ káhit walâ táyong maki-tang solusyón sa áting probléma, may solusyón si Jehóva, at magágawa niyá áng hindî nátin ináasáhan. —Basáhin áng 2 Pédro 2:9.

7. Anóng áral áng itinúro ni Páblo sa kaniyáng líham sa mgá kapa-tid sa Filípos? At anó áng matútutúhan nátin díto?

8 Tiyák ná napatíbay áng mgá kapatíd sa Filípos hábang binubúlay-búlay nilá áng mgá nangyári sa ná-kalipas ná 10 taón. Káhit hinayáan ni Jehóva ná du-manas ng kawaláng-katarúngan sína Páblo at Silas, áng resúlta namán nitó ay ángpagtatanggol at . . . legál ná pagtátatág ng mabúting balíta.” (Fil. 1:7) Mag-iísip-ísip múna áng mgá mahistrado sa lunsód ná iyón bágo gumawâ ng anumáng lában sa bágong-tatag ná kongregasyóng Kristiyáno doón. Maráhil dáhil sa ginawâ ni Páblo, áng manggagamot ná si Lúcas, ná ka-samahán niyá sa paglalakbáy, ay nakapanatili sa Fili-pos pagkaalís nína Páblo at Silas. Kayâ makapaglálaan din ng túlong si Lúcas sa mgá bágong Kristiyáno sa lunsód ná iyón.

9 Nang mabása ng mgá kapatíd sa Filípos áng líham ni Páblo, alám niláng hindî lang personál ná opinyón áng mgá isinúlat niyá. Talagáng dumánas si Páblo ng mahihírap ná kalagáyan; péro nása kaniyá ángkapa-yapaan ng Diyós.” Sa katunáyan, nakakulong si Páblo sa Róma nang lumiham siyá sa mgá tága-Filípos. Péro ipinakíta niyá ná nása kaniyá pa rín ángkapayapáan ng Diyós.”—Fil. 1:12-14; 4:7, 11, 22.

8, 9. (a) Káhit dumánas si Páblo ng kawaláng-katarúngan sa Fili-pos, anó áng magandáng resúlta nitó? (b) Bákit makapagtitiwála áng mgá kapatíd sa Filípos sa isinúlat ni Páblo?

HUWÁG KAYÓNG MABALÍSA
SA ANUMÁNG BÁGAY

10 Anó áng makatutúlong sa átin ná huwág mabali-sa sa anumáng bágay at maranasan ángkapayapáan ng Diyós”? Ipinakikíta ng mgá sinábi ni Páblo sa mgá tága-Filípos ná áng panlaban sa pag-áalalá ay panala-ngin. Kayâ kapág nababalísa, idaan sa panalángin áng álalahan´ın. (Basáhin áng 1 Pédro 5:6, 7.) Manalángin kay Jehóva nang may buóng pagtitiwála ná nagmama-lasakit siyá sa iyó. Manalángin sa kaniyá námay ka-samáng pasasalámatsa báwat pagpapálang tinatang-gap mo. Titíbay áng áting pagtitiwála sa kaniyá kung tátandaán nátin ná siyá aymakagágawâ ng ibayo pang higít sa lahát ng mgá bágay ná áting mahihingi o maiísip.”—Efe. 3:20.

11 Túlad ng naranásan nína Páblo at Silas sa Filípos, bakâ magulat din táyo sa gágawin ni Jehóva pára sa átin. Hindî man iyón pambihírang bágay, péro tiyák ná iyón áng kailángan nátin. (1 Cor. 10:13) Síyempre pa, hindî íbig sabíhin ná úupô ná lang táyo at maghihin-tay ná ituwíd ni Jehóva áng sitwasyón o lutasín áng probléma. Kailángan náting kumílos kaáyon ng áting mgá panalángin. (Róma 12:11) Sa gayón, makikíta sa áting pagkílos ná taimtím táyo at nabíbigyan ná-tin si Jehóva ng dahilán pára pagpaláin táyo. Péro tandaán din ná higít pa áng magágawa ni Jehóva káysa sa hiníhiling o iniísip nátin. Kung mínsan, si-nosorpresa niyá táyo at ginágawâ áng hindî nátin ináasáhan. Talakáyin nátin áng iláng úlat sa Bibli-ya ná magpápatíbay ng áting pagtitiwála sa kakaya-han ni Jehóva ná gawín áng dí-ináasáhan pára sa átin.

10, 11. Anó áng kailángan náting gawín kapág masyádo táyong ná-babalisa? At anó áng maaasáhan nátin?

MGÁ HALIMBÁWA NG DÍ-INAASAHANG
PAGKÍLOS NI JEHÓVA

12 Sa Kasulátan, marámi táyong mababasang halim-bawa ng pagkílos ni Jehóva nang dí-ináasáhan. Noóng panahón ni Háring Hezekias, sinalákay ni Háring Se-nakerib ng Asirya áng Júda at sinakop áng lahát ng nakukutaang lunsód nitó, malíban sa Jerusalém. (2 Hári 18:1-3, 13) Péro itó ná áng isusunod niyá. Anó áng ginawâ ni Háring Hezekias sa haráp ng bantang itó? Lumápit siyá kay Jehóva sa panalángin at humi-ngi ng páyo kay Isáias ná propéta ni Jehóva. (2 Hári 19:5, 15-20) Nagíng makatuwíran din si Hezekias da-hil binayaran niyá áng multang itinakdâ ni Senakerib. (2 Hári 18:14, 15) Pagkatápos, gumawâ si Hezekias ng mgá paghahandâ pára makatagál áng lunsód sa pangu-ngubkob. (2 Cro. 32:2-4) Péro anó áng nangyári? Nagsúgo si Jehóva ng isáng anghél ná pumatáy ng 185,000 káwal ni Senakerib sa íisang gabí. Káhit si Hezekias ay hindî umaásang mangyayári iyón!—2 Hári 19:35.

12. (a) Anó áng ginawâ ni Háring Hezekias nang magbanta si Ha¬ring Senakerib ng Asirya? (b) Anó áng matútutúhan nátin sa solus-yong ginawâ ni Jehóva?

13 Tingnán din áng halimbáwa ng kabatáang si José, ná anák ni Jacób. Hábang nakabilanggô sa Ehípto, si-guradong hindî man lang sumagi sa ísip ni José ná ila-lagay siyá sa pangalawáng pínakamataás ná posisyón sa lupaín at ná gágamitin siyá ni Jehóva pára iligtás áng kaniyáng pamílya sa taggutóm. (Gen. 40:15; 41: 39-43; 50:20) Higít ngâ sa ináasáhan ni José áng gi-nawâ ni Jehóva! Isípin din áng tungkól kay Sára, ná lola sa túhod ni José. Ináasáhan ba ng may-edád ná ba-baeng itó ná bíbigyán pa siyá ni Jehóva ng saríli niyáng anák, at hindî lang áng anák ng kaniyáng alilang ba-bae? Sigurádong nahigitan ng kapanganakan ni Isaác áng lahát ng ináasáhan ni Sára.—Gen. 21:1-3, 6, 7.

13. (a) Anóng áral áng matútutúhan nátin sa nangyári kay José? (b) Anóng dí-inaasahang bágay áng naranásan ni Sára?

14 Hindî táyo umaása ná makahimaláng áalisín ni Jehóva áng lahát ng probléma nátin bágo dumatíng áng bágong sanlibután. Hindî rín táyo umaásang ga-gawâ siyá ng pambihírang mgá bágay pára sa átin. Péro alám nátin ná áng Diyós ná tumúlong sa kaní-yang mgá lingkód noón sa kamanghâ-mangháng pára-an ay áng Diyós din nátin, si Jehóva. (Basáhin áng Isáias 43:10-13.) Kayâ may tiwalà táyo sa kaniyá. Alám náting magágawa niyá áng anumáng kailángan pára palakasín táyo ná lubúsang gawín áng kaniyáng kaloóban. (2 Cor. 4:7-9) Anóng áral áng matútutúhan nátin sa mgá úlat ng Bíbliya tungkól kína Hezekias, José, at Sára? Ipinakikíta ng mgá itó ná kung mána-natili táyong tapát kay Jehóva, gágawin niyá pára sa átin áng mgá bágay ná párang imposíble.

14. Anóng pagtitiwála áng tagláy nátin kay Jehóva?

15 Paáno nátin mahaharap áng mgá pagsúbok at ma-pananatíli ángkapayapáan ng Diyós”? Dápat náting ingátan áng áting kaugnáyan sa Diyós ná Jehóva. Ná-giging posíble lang áng kaugnayang itósa pamama-gitan ni Krísto Jesús,” ná naghandog ng kaniyáng búhay bílang háing pantubós. Áng paglalaán ng pan-tubos ay isá pang kamanghâ-mangháng gawâ ng áting Amá. Dáhil sa pantubós, pinapatawad niyá áng áting mgá kasalánan pára magkaroón táyo ng malínis ná budhî at magíng malap´ıt sa kaniyá.—Juán 14:6; Sant. 4:8; 1 Ped. 3:21.

15. Anó áng tutúlong sa átin ná mapanatíli ángkapayapáan ng Diyós”? At paáno itó nagíging posíble?

BABANTAYAN NITÓ ÁNG ÁTING PÚSO
AT KAKAYAHÁNG PANGKAISIPAN

16 Anó áng mangyayári kapág tagláy nátin ángka-payapaan ng Diyós ná nakahíhigít sa lahát ng kaisi-pan”? Itó ángmagbabantáy sa Eating] mgá púso at sa Eating] mgá kakayaháng pangkaisipan sa pa-mamagitan ni Krísto Jesús.” (Fil. 4:7) Sa orihinál ná wikà, áng salitángmagbabantáyay ginagámit sa militár. Tumutúkoy itó sa garison ng mgá káwal ná ná-kapuwesto pára magbantáy sa isáng nakukutaang lun-sod, gáya ng Filípos. Kapág gabí, mahimbíng áng tu-log ng mgá tága-Filípos dáhil alám niláng may mgá káwal ná nagbábantáy sa mgá pintúang-daán ng lun-sod. Sa katúlad ná paraán, kung tagláy nátin ángka-payapaan ng Diyós,” mananatíling panátag áng áting púso at ísip. Alám náting nagmámalasákit sa átin si Jehóva at gustó niyá táyong magtagumpáy. (1 Ped. 5:10) Dáhil díto, nababantayan táyo pára hindî táyo madaíg ng kabalisáhan at pagkasíra ng loób.

16. Anó áng mangyayári kapág tagláy nátin ángkapayapáan ng Diyós”? Ilaráwan.

17 Malapít ná náting harapín áng pínakamatindíng kapighatíang mangyayári sa lúpa. (Mat. 24:21, 22) Hindî nátin alám kung anó áng eksáktong mangyaya-ri sa báwat isá sa átin. Péro hindî táyo kailángang mabalísa nang lábis. Káhit hindî nátin alám áng lahát
ng gágawin ni Jehóva, kilála namán nátin áng áting Diyós. Nakíta nátin sa kaniyáng mgá ginawâ noón ná anumán áng mangyári, láging isinasakatuparan ni Je-hova áng kaniyáng layúnin, at kung mínsan, sa pára-áng dí-ináasáhan. Sa tuwíng gágawin iyán ni Jehóva pára sa átin, maráranásan nátin sa panibágong pára-an ángkapayapáan ng Diyós ná nakahíhigít sa lahát ng kaisipán.”

17. Anó áng tutúlong sa átin ná maharáp áng kinabukásan nang may lubós ná pagtitiwála?