Bantayan Agosto 2017 Oktubre 9-15

Hubarin at Iwan ang
Lumang Personalidad

Hubarin ninyo ang lumang personalidad pati na ang mga gawain nito.”—COL. 3:9.

AWIT: 83, 129

PAANO MO SASAGUTI N?
Bakit natatangi ang ating pam-buong-daigdig na kapatiran?
Ano ang ilang gawain na dapat nating alisin at iwan?
Paano natin huhu-barin at iiwan ang lumang persona-lidad?

MARAMI ang nagkokomento tung-kol sa magagandang katangian ng bayan ni Jehova. Halimbawa, ga-nito ang isinulat ng awtor na si Anton Gill tungkol sa ating mga kapatid sa Nazi Germany: “Pinaginitan ng mga Nazi ang mga Saksi ni Jehova. . . . Pagsapit ng 1939, may 6,000 na sa kanila ang nasa [mga kampong piitan].” Sa kabila ng matinding pag-uusig, idinagdag ng awtor na ang mga Saksi ay nagpakita ngpagkamaaasahan at pagiging kalmado,” gayun-din ngintegridad at pagkakaisa.”

2 Kamakailan, napansin din ng mga taga-South Africa ang mahuhusay na katangian ng bayan ng Diyos. Sa bansang iyon, dati ay hindi malayang magsama-sama ang mga Saksi na magkakaiba ang kulay ng balat. Pero noong Linggo ng Disyembre 18, 2011, mahigit 78,000 sa ating mga kapatid na ibat iba ang lahi mula sa South Africa at kalapit na mga bansa ang nagtipon sa pinaka-malaking istadyum sa lunsod ng Johannesburg para sa isang espirituwal na programa. Ganito ang komento ng isang manager ng istadyum: “Ito ang grupong may pi-nakamagandang asal na nakita ko sa istadyum. Maayos ang pananamit ng lahat. At nilinis ninyo nang husto ang istadyum. Pero higit sa lahat, binubuo kayo ng ibat ibang lahi.”

1, 2. Ano ang napansin ng ilan tungkol sa mga Saksi ni Jehova?

3 Ipinakikita ng mga komentong ito mula sa mga di-Saksi na talagang natatangi ang ating internasyonal na kapatiran. (1 Ped. 5:9) Pero bakit tayo naiiba sa ibang organisasyon? Sa tulong ng Salita ng Diyos at ng kani-yang banal na espiritu, sinisikap natinghubarin ang lumang personalidad.’ Kapalit nito, ‘dinaramtan natin ang ating sarili ng bagong personalidad.’—Col. 3: 9, 10.

3. Bakit natatangi ang ating kapatiran?

4 Kapag hinubad natin ang lumang personalidad, dapat na natin itong iwan. Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung paano natin huhubarin ang lumang perso-nalidad, kung bakit kailangan itong gawin agad, at kung paano puwedeng magbago ang isa kahit lulong na siya sa masasamang gawain. Susuriin din natin kung ano ang magagawa ng matatagal na sa katotohanan para tuluyang iwan ang lumang personalidad. Bakit kailangan natin ang mga paalaalang ito? Nakalulungkot, ang ilan na dating naglilingkod kay Jehova ay hindi na-ging mapagbantay at bumalik sa dating pamumuhay. Kaya kailangan nating dibdibin ang babala: “Siyang nagiisip na nakatayo siya ay magingat upang hindi siya mabuwal.”—1 Cor. 10:12.

4. Ano ang tatalakayin sa artikulong ito, at bakit?

PATAYINANG MGA PAGNANASANG MAY
KINALAMAN SA SEKSUWAL NA IMORALIDAD
5 Ano ang gagawin mo kung marumi na ang iyong damit, at baka mabaho pa? Tiyak na huhubarin mo ito agad-agad. Sa katulad na paraan, kailangan tayong kumilos agad para sundin ang utos na alisin ang mga na-kaugalian natin na salungat sa personalidad ng Diyos. Gusto nating sundin ang tagubilin ni Pablo sa mga Kristiyano: “Alisin nga ninyo ang lahat ng mga iyon sa inyo.” Talakayin natin ang dalawang makasalanang gawaing binanggit ni Pabloang seksuwal na imoralidad at karumihan.—Basahin ang Colosas 3:5-9.

5. (a) Ilarawan kung bakit kailangan nating hubarin agad ang lumang personalidad. (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.) (b) Ayon sa Colosas 3:5-9, anong mga gawain ang bahagi ng lumang personalidad?

6 Seksuwal na imoralidad. Sa Bibliya, kasama sa orihinal na salita para saseksuwal na imoralidadang pagtata-lik ng mga indibiduwal na hindi legal na kasal sa isat isa at ang homoseksuwalidad. Sinabihan ni Pablo ang kani-yang mga kapuwa Kristiyano napatayinangmga sangkap ng [kanilang] katawan,” ibig sabihin, alisin ang anumang pagnanasa na may kinalaman sa seksuwal na imoralidad. Ipinakikita ng pananalita ni Pablo na kailangan ang matinding pagsisikap para maalis ang ma-ling mga pagnanasa. Pero puwede tayong magtagumpay!

7 Makikita ito sa halimbawa ni Sakura* na mula sa Japan. Noong bata pa siya, lagi siyang nalulungkot at nakadarama ng kawalanghalaga. Sa edad na 15, nagsimula siyang makipagtalik sa ibat ibang partner para mabawasan ang kaniyang kalungkutan. “Dahil dito,” nahihiya niyang inamin, “tatlong beses akong nagpalaglag.” Sinabi pa niya: “Noong una, parang napapanatag ako kapag nakikipagrelasyon ako, dahil pakiramdam ko, may nagmamahal sa akin. Pero kapag mas madalas akong makipagtalik, lalo lang akong nagiging insecure.” Ganito ang naging buhay ni Sakura hanggang sa edad na 23. Saka siya nagsimulang makipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi. Nagustuhan niya ang mga natututuhan niya, at sa tulong ni Jehova, napagtagumpayan niya ang matinding panunumbat ng budhi at kahihiyan, at iniwan niya ang imoral na pamumuhay. Sa ngayon, naglilingkod si Sakura bilang regular pioneer, at hindi na siya malungkot. Sa halip, sinabi niya, “Maligaya ako dahil damang-dama ko ang pagibig ni Jehova araw-araw.”

* Binago ang ilang pangalan sa artikulong ito.

6, 7. (a) Paano ipinakikita ng pananalita ni Pablo na kailangan ang ma-tinding pagsisikap para hubarin ang lumang personalidad? (b) Ano ang naging pamumuhay ni Sakura, at paano siya nagkaroon ng lakas na magbago?

8 Karumihan. Sa Bibliya, ang salitang isinalin bilangkarumihanay isang malawak na terminong tumutukoy hindi lang sa mga kasalanan sa sekso. Maaari itong tumukoy sa nakapipinsalang bisyo ng paninigarilyo o sa malaswang pagbibiro. (2 Cor. 7:1; Efe. 5:3, 4) Kapit din ito sa maruruming gawaing ginagawa ng isang in-dibiduwal nang pribado, gaya ng pagbabasa ng mga librong nakapupukaw sa sekso o panonood ng pornograpya, na maaaring mauwi sa maruming bisyo ng masturbasyon.—Col. 3:5.

* Tingnan ang kabanata 25 ng aklat na Ang mga Tanong ng mga KabataanMga Sagot na Lumulutas, Tomo 1.

8. Ano ang ilang bagay na makapagpaparumi sa atin sa paningin ng Diyos?

9 Ang mga taong regular na nanonood ng pornograpya ay nagkakaroon ng dimakontrol napita sa sekso,” na maaaring mauwi sa pagkaadik sa sex. Ipinakikita ng pananaliksik na ang mga indibiduwal na may dimapaglabanang hilig sa pornograpya ay kakikitaan ng mga palatandaan ng adiksiyon na katulad ng sa mga adik sa alkohol at droga. Hindi katakataka na ang nakagawiang panonood ng pornograpya ay may masasamang resulta, gaya ng pagkadama ng matinding kahihiyan, pagiging hindi produktibo sa trabaho, di-maligayang buhay pampamilya, diborsiyo, at pagpapakamatay. Isang taon matapos siyang makalaya sa adiksiyon sa pornograpya, isinulat ng isang lalaki: “Naibalik ko na ang naiwala kong respeto sa sarili.”

9. Saan maaaring mauwi ang di-makontrol napita sa sekso”?

10 Para sa marami, ang pagiging malaya sa pornog-rapya ay isang patuluyang pakikipaglaban. Pero gaya ng ipinakikita ng karanasan ni Ribeiro na mula sa Brazil, maipapanalo ito. Naglayas si Ribeiro noong tinedyer siya at nang maglaon ay nagtrabaho sa isang plantang nagre-recycle ng papel, kung saan nakakaki-ta siya ng pornograpikong babasahin. Ikinuwento niya: “Unti-unti akong naadik. Umabot ito sa punto na gus-tong-gusto kong umaalis ng bahay ang babaeng kina-kasama ko para makapanood ako ng pornograpikong mga video.” Isang araw habang nasa trabaho siya, tiningnan ni Ribeiro ang isang bunton ng mga aklat na irerecycle, at nakita niya ang aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya. Dinampot niya ito at binasa. Dahil sa nabasa niya, nakipagaral siya ng Bibliya sa mga Sak-si ni Jehova, pero matagaltagal din bago niya napagtagumpayan ang kaniyang masamang bisyo. Ano ang nakatulong sa kaniya? “Sa pamamagitan ng pananala-ngin, pag-aaral ng Bibliya, at pagbubulay-bulay sa mga natututuhan ko, lumalim ang pagpapahalaga ko sa mga katangian ng Diyos at naging mas masidhi ang pagibig ko kay Jehova kaysa sa pagnanasa ko sa pornograpya,” ang paliwanag niya. Sa tulong ng kapangyarihan ng Salita ng Diyos at ng banal na espiritu, hinubad ni Ribeiro ang kaniyang lumang personalidad, nabautismuhan, at ngayon ay isa nang elder sa kongregasyon.

10. Paano napagtagumpayan ni Ribeiro ang adiksiyon sa pornograpya?

11 Pansinin na para magtagumpay sa kaniyang paki-kipaglaban, hindi lang basta nagaral ng Bibliya si Ribeiro. Naglaan siya ng panahon para patagusin sa puso niya ang mensahe ng Bibliya. Sa pamamagitan ng pananalangin at pagbubulay-bulay, nadaig ng pagibig niya sa Diyos ang hilig niya sa pornograpya. Ang pagkakaroon ng masidhing pag-ibig kay Jehova at pagkapoot sa kasamaan ang pinakamabuting paraan para tuluyang makalaya sa pornograpya.—Basahin ang Awit 97:10.

11. Ano ang kailangan para tuluyang makalaya sa pornograpya ang isa?

ALISIN ANG GALIT, MAPANG-ABUSONG
PANANALITA, AT PAGSISINUNGALING

12 Inilalabas ng mga taong mainitin ang ulo ang kanilang galit sa pamamagitan ng mapang-abusong pananalita. Nakasasam ã ito sa buhay pampamilya. Ikinuwento ni Stephen, isang ama sa Australia: “Dati, lagi akong nagmumura, at kaunting bagay lang, sumasabog na ang galit ko. Tatlong beses na kaming naghiwalay ng misis ko, at magdidiborsiyo na sana kami.” Pero nagsimula silang makipagaral ng Bibliya sa mga Saksi. Ano ang resulta nang sundin ni Stephen ang payo ng Bibliya? “Talagang napabuti ang buhay pampamilya na-min. Sa tulong ni Jehova, payapa na ako at kalmado, samantalang dati, para akong bombang pun oˆ ng hinanakit at galit na handang sumabog anumang oras.” Sa ngayon, si Stephen ay isa nang ministeryal na lingkod at ang asawa niya ay ilang taon nang naglilingkod bi-lang regular pioneer. Ganito ang sabi ng mga elder sa kanilang kongregasyon: “Si Stephen ay isang tahimik, masipag, at mapagpakumbabang brother.” Kahit kai-lan, hindi pa raw nila siya nakitang nagalit. Dahil ba ito sa sariling pagsisikap ni Stephen? Sinabi niya: “Hindi mangyayari sa buhay ko ang magagandang pagpapalang ito kung hindi ko tinanggap ang tulong ni Jehova na lubusang baguhin ang aking personalidad.”

12. Ano ang nakatulong kay Stephen na alisin ang galit at mapangabusong pananalita?

13 Nagbababala ang Bibliya laban sa galit, mapangabusong pananalita, at hiyawan. (Efe. 4:31) Kadalasan, nauuwi ang mga ito sa karahasan. Normal lang sa sanlibutan ang pagiging magagalitin, pero nakasisirang-puri ito sa ating Maylikha. Kinailangang hubarin ng maraming kapatid ang masasamang ugaling ito bago nila maisuot ang bagong personalidad.—Basahin ang Awit 37:8-11.

13. Bakit mapanganib ang galit, at anong babala ang ibinibigay ng Bibliya?

14 Si Hans ay isang elder sa isang kongregasyon sa Austria. “Isa siya sa pinakamaaamong brother na makikilala mo,” ang sabi ng koordineytor ng lupon ng mata-tanda sa kanilang kongregasyon. Pero dati, hindi maamo si Hans. Noong tinedyer pa siya, malakas siyang umi-nom, at dahil dito, naging marahas siya. Dahil sa implu-wensiya ng alkohol, nagwala siya at napatay ang kaniyang girlfriend, kung kaya nasentensiyahan siyang mabilanggo nang 20 taon. Hindi nakatulong ang pagkakabilanggo ni Hans para magbago ang marahas na personalidad niya. Pero isinaayos ng nanay niya na dalawin siya ng isang elder sa bilangguan, at nagsimulang magaral ng Bibliya si Hans. Sinabi niya: “Nahirapan akong hubarin ang aking lumang personalidad. Pero napatibay ako ng mga tekstong gaya ng Isaias 55:7, na nagsasabi: ‘Iwan ng taong balakyot ang kaniyang lakad,’ at ng 1 Corinto 6:11, na tungkol sa mga tumalikod sa kanilang makasalanang landasin: ‘Gayunmay ganiyan ang ilan sa inyo noon.’ Sa loob ng maraming taon, matiyaga akong tinulungan ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang banal na espiritu para maisuot ko ang bagong personalidad.” Pagkatapos makulong nang 17 at kalahating taon, pinalaya si Hans na isa nang bautisadong Kristiyano. “Nagpapasalamat ako sa dakilang awa at kapatawaran ni Jehova,” ang sabi niya.

14. Posible bang maging maamo ang isang taong marahas?

15 Bukod sa mapang-abusong pananalita, ang pagsisinungaling ay bahagi rin ng lumang personalidad. Halimbawa, maraming tao ang nagsisinungaling para makaiwas sa pagbabayad ng tamang buwis o sa kaparusahan sa kanilang kasalanan. Sa kabaligtaran, si Jehova angDiyos ng katotohanan.” (Awit 31:5) Kaya kahi-lingan niya na angbawat isasa kaniyang mga mananamba aymagsalita ng katotohanan sa kaniyang kapuwaathuwag magsinungaling.’ (Efe. 4:25; Col. 3:9) Kaya naman, dapat tayong magsabi ng totoo kahit nakakahiya o mahirap itong gawin.—Kaw. 6:16-19.

15. Ano ang ginagawa ng marami, pero ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito?

KUNG PAANO SILA NAGTAGUMPAY
16 Hindi natin kayang hubarin ang lumang personalidad sa sarili nating lakas. Ang mga indibiduwal na binanggit sa artikulong itosina Sakura, Ribeiro, Stephen, at Hansay nakipaglaban nang husto para maalis ang kanilang masasamang gawain. Nagtagumpay sila dahil binuksan nila ang kanilang isip at puso sa kapangyarihan ng Salita ng Diyos at ng kaniyang banal na espiritu. (Luc. 11:13; Heb. 4:12) Para makinabang sa kapangyarihang iyan, kailangan nating basahin ang Bibliya araw-araw, bulay-bulayin ito, at laging manalangin para magkaroon ng karunungan at lakas na sun-din ang payo ng Bibliya. (Jos. 1:8; Awit 119:97; 1 Tes. 5:17) Makikinabang din tayo sa Salita ng Diyos at sa ka-niyang banal na espiritu kung maghahanda tayo para sa mga pulong at dadalo sa mga ito. (Heb. 10:24, 25) Sinasamantala rin natin ang ibat ibang paraan ng pag-lalaan ng espirituwal na pagkain para sa bayan ng Diyos sa buong daigdig.—Luc. 12:42.

16. Paano magtatagumpay ang isa na hubarin ang lumang personalidad?

17 Tinalakay natin ang ilang masasamang gawain na dapat alisin at iwan ng mga Kristiyano. Pero ito lang ba ang kailangan para matamo ang pagsang-ayon ng Diyos? Hindi. Kailangan din nating damtan ang ating sarili ng bagong personalidad. Sa susunod na artikulo, tatalakayin natin ang ilang katangian ng bagong personalidad na kailangan nating isuot at panatilihin.

17. Ano ang tatalakayin natin sa susunod na artikulo?
Hubarin at Íwan áng
Lúmang Personalidád

Hubarin ninyó áng lúmang personalidád patí ná áng mgá gawáin nitó.”—COL. 3:9.

ÁWIT: 83, 129

PAÁNO MO SASAGUTI N?
Bákit natatángi áng áting pam-buóng-daigdíg ná kapatíran?
Anó áng iláng gawáin ná dápat náting alisín at íwan?
Paáno nátin huhu-barin at iíwan áng lúmang persóna-lidad?

MARÁMI áng nagkókoménto tung-kol sa magagandáng katangían ng báyan ni Jehóva. Halimbáwa, ga-nitó áng isinúlat ng áwtor ná si Anton Gill tungkól sa áting mgá kapatíd sa Nazi Germany: “Pinaginitan ng mgá Nazi áng mgá Saksí ni Jehóva. . . . Pagsapit ng 1939, may 6,000 ná sa kanilá áng nása [mgá kampong piitan].” Sa kabilá ng matindíng pag-uúsig, idinagdág ng áwtor ná áng mgá Saksí ay nagpakíta ngpagkamaaasahan at pagíging kalmádo,” gayun-din ngintegridad at pagkakáisá.”

2 Kamakailán, napansín din ng mgá tága-South Africa áng mahuhúsay ná katangían ng báyan ng Diyós. Sa bansáng iyón, dáti ay hindî maláyang magsama-sáma áng mgá Saksí ná magkákaibá áng kulay ng balát. Péro noóng Línggo ng Disyembre 18, 2011, mahigít 78,000 sa áting mgá kapatíd ná ibát ibá áng láhì mulâ sa South Africa at kalapít ná mgá bansâ áng nagtipon sa pínaka-malakíng istadyum sa lunsód ng Johannesburg pára sa isáng espirituwál ná prográma. Ganitó áng koménto ng isáng manager ng istadyum: “Itó áng grúpong may pi-nakamagandang asal ná nakíta ko sa istadyum. Maáyos áng pananamít ng lahát. At nilinis ninyó nang hustó áng istadyum. Péro higít sa lahát, binúbuó kayó ng ibát ibáng láhì.”

1, 2. Anó áng napansín ng ilán tungkól sa mgá Saksí ni Jehóva?

3 Ipinakikíta ng mgá komentong itó mulâ sa mgá dí-Saksí ná talagáng natatángi áng áting internasyonál ná kapatíran. (1 Ped. 5:9) Péro bákit táyo naíibá sa ibáng organisasyón? Sa túlong ng Salitâ ng Diyós at ng kaní-yang banál ná espíritu, sinisíkap nátinghubarin áng lúmang personalidád.’ Kapalít nitó, ‘dináramtán nátin áng áting saríli ng bágong personalidád.’—Col. 3: 9, 10.

3. Bákit natatángi áng áting kapatíran?

4 Kapág hinubad nátin áng lúmang personalidád, dápat ná nátin itóng íwan. Sa artíkulong itó, tátalakáyin nátin kung paáno nátin huhubarin áng lúmang perso-nalidad, kung bákit kailángan itóng gawín agád, at kung paáno puwédeng magbágo áng isá káhit lulong ná siyá sa masasamáng gawáin. Susuríin din nátin kung anó áng magágawa ng matatagal ná sa katotohánan pára tuluyang íwan áng lúmang personalidád. Bákit kailángan nátin áng mgá paálaálang itó? Nakalúlungkót, áng ilán ná datíng naglílingkód kay Jehóva ay hindî ná-ging mapagbantáy at bumalík sa datíng pamumúhay. Kayâ kailángan náting dibdibín áng babalá: “Siyáng nagiisip ná nakatayó siyá ay magingat úpang hindî siyá mabuwal.”—1 Cor. 10:12.

4. Anó áng tátalakáyin sa artíkulong itó, at bákit?

PATAYÍNÁNG MGÁ PAGNANASANG MAY
KINALÁMAN SA SEKSUWÁL NÁ IMORALIDÁD
5 Anó áng gágawin mo kung marúmi ná áng iyóng damít, at bakâ mabaho pa? Tiyák ná huhubarin mo itó agád-agád. Sa katúlad ná paraán, kailángan táyong kumílos agád pára sundín áng útos ná alisín áng mgá ná-kaugalián nátin ná salungát sa personalidád ng Diyós. Gustó náting sundín áng tagubílin ni Páblo sa mgá Kristiyáno: “Alisín ngâ ninyó áng lahát ng mgá iyón sa inyó.” Talakáyin nátin áng dalawáng makasalánang gawáing binanggít ni Pábloáng seksuwál ná imoralidád at karumihan.—Basáhin áng Colósas 3:5-9.

5. (a) Ilaráwan kung bákit kailángan náting hubarin agád áng lúmang personalidád. (Tingnán áng laráwan sa simulá ng artíkulo.) (b) Áyon sa Colósas 3:5-9, anóng mgá gawáin áng bahági ng lúmang personalidád?

6 Seksuwál ná imoralidád. Sa Bíbliya, kasáma sa orihinál ná salitâ pára saseksuwál ná imoralidádáng pagtata-lik ng mgá indibiduwál ná hindî legál ná kasál sa isát isá at áng homoseksuwalidad. Sinabíhan ni Páblo áng kaní-yang mgá kápuwa Kristiyáno nápatayínángmgá sangkap ng [kaniláng] katawán,” íbig sabíhin, alisín áng anumáng pagnanása ná may kinaláman sa seksuwál ná imoralidád. Ipinakikíta ng panánalitá ni Páblo ná kailángan áng matindíng pagsisíkap pára maalis áng ma-ling mgá pagnanása. Péro puwéde táyong magtagumpáy!

7 Makikíta itó sa halimbáwa ni Sakura* ná mulâ sa Japan. Noóng batà pa siyá, lagì siyáng nalúlungkót at nakadárama ng kawalanghalaga. Sa edád ná 15, nagsimulâ siyáng makipagtálik sa ibát ibáng pártner pára mabawasan áng kaniyáng kalungkútan. “Dáhil díto,” nahihiya niyáng inámin, “tatlóng béses akóng nagpalaglag.” Sinábi pa niyá: “Noóng úna, párang napapanatag akó kapág nakikipagrelasyon akó, dáhil pakiramdám ko, may nagmamahal sa ákin. Péro kapág mas madalás akóng makipagtálik, lálo lang akóng nagíging insecure.” Ganitó áng nagíng búhay ni Sakura hanggáng sa edád ná 23. Saká siyá nagsimuláng mákipag-áral ng Bíbliya sa mgá Saksí. Nagustuhán niyá áng mgá natútutúhan niyá, at sa túlong ni Jehóva, napagtagumpáyan niyá áng matindíng panunumbát ng budhî at kahihiyan, at iníwan niyá áng imorál ná pamumúhay. Sa ngayón, naglílingkód si Sakura bílang regulár pioneer, at hindî ná siyá malungkot. Sa halíp, sinábi niyá, “Maligáya akó dáhil damang-dama ko áng pagibig ni Jehóva áraw-áraw.”

* Binágo áng iláng pangálan sa artíkulong itó.

6, 7. (a) Paáno ipinakikíta ng panánalitá ni Páblo ná kailángan áng ma-tinding pagsisíkap pára hubarin áng lúmang personalidád? (b) Anó áng nagíng pamumúhay ni Sakura, at paáno siyá nagkaroón ng lakás ná magbágo?

8 Karumihan. Sa Bíbliya, áng salitáng isinálin bílangkarumihanay isáng maláwak ná términong tumutúkoy hindî lang sa mgá kasalánan sa sekso. Maaári itóng tumúkoy sa nakapípinsálang bísyo ng paninigarílyo o sa malaswang pagbibiro. (2 Cor. 7:1; Efe. 5:3, 4) Kápit din itó sa marúruming gawáing ginágawâ ng isáng in-dibiduwal nang pribádo, gáya ng pagbabasá ng mgá librong nakapupukaw sa sekso o panonood ng pornográpya, ná maaáring mauwî sa maruming bísyo ng masturbasyón.—Col. 3:5.

* Tingnán áng kabanáta 25 ng aklát ná Áng mgá Tanóng ng mgá KabatáanMgá Sagót ná Lumulutás, Tómo 1.

8. Anó áng iláng bágay ná makapagpaparumi sa átin sa paningín ng Diyós?

9 Áng mgá táong regulár ná nanonoód ng pornográpya ay nagkákaroón ng dimakontrol nápita sa sekso,” ná maaáring mauwî sa pagkaadik sa sex. Ipinakikíta ng pananaliksik ná áng mgá indibiduwál ná may dimapaglabanang hílig sa pornográpya ay kakikitaan ng mgá palatandáan ng adiksiyon ná katúlad ng sa mgá adik sa alkohol at dróga. Hindî katakataka ná áng nakagawiang panonood ng pornográpya ay may masasamáng resúlta, gáya ng pagkadamá ng matindíng kahihiyan, pagíging hindî produktibo sa trabáho, dí-maligáyang búhay pampamílya, dibórsiyo, at pagpapakamatay. Isáng taón matápos siyáng makalaya sa adiksiyon sa pornográpya, isinúlat ng isáng laláki: “Naibalík ko ná áng naiwalâ kong respeto sa saríli.”

9. Saán maaáring mauwî áng dí-makontról nápita sa sekso”?

10 Pára sa marámi, áng pagíging maláya sa pornog-rapya ay isáng pátulúyang pakíkipaglában. Péro gáya ng ipinakikíta ng karanasán ni Ribeiro ná mulâ sa Brazil, maipapanalo itó. Naglayas si Ribeiro noóng tinedyer siyá at nang magláon ay nagtrabáho sa isáng plantang nagre-recycle ng papél, kung saán nakakaki-ta siyá ng pornograpikong babasahin. Ikinuwénto niyá: “Untí-untí akóng naadik. Umábot itó sa púnto ná gus-tong-gustó kong umaalis ng báhay áng babaeng kína-kasáma ko pára makapanood akó ng pornograpikong mgá video.” Isáng áraw hábang nása trabáho siyá, tiningnán ni Ribeiro áng isáng bunton ng mgá aklát ná irerecycle, at nakíta niyá áng aklát ná Áng Líhim ng Kaligayáhan sa Pamílya. Dinampot niyá itó at binasa. Dáhil sa nabása niyá, nakipagaral siyá ng Bíbliya sa mgá Sak-si ni Jehóva, péro matagaltagal din bágo niyá napagtagumpáyan áng kaniyáng masamáng bísyo. Anó áng nakatúlong sa kaniyá? “Sa pamamagítan ng pananala-ngin, pag-aáral ng Bíbliya, at pagbubúlay-búlay sa mgá natútutúhan ko, lumálim áng pagpapahalagá ko sa mgá katangían ng Diyós at nagíng mas masidhî áng pagibig ko kay Jehóva káysa sa pagnanása ko sa pornográpya,” áng paliwánag niyá. Sa túlong ng kapangyaríhan ng Salitâ ng Diyós at ng banál ná espíritu, hinubad ni Ribeiro áng kaniyáng lúmang personalidád, nabautismuhán, at ngayón ay isá nang élder sa kongregasyón.

10. Paáno napagtagumpáyan ni Ribeiro áng adiksiyon sa pornográpya?

11 Pansinín ná pára magtagumpáy sa kaniyáng paki-kipaglaban, hindî lang bastá nagaral ng Bíbliya si Ribeiro. Naglaán siyá ng panahón pára patagusin sa púso niyá áng mensáhe ng Bíbliya. Sa pamamagítan ng pananalángin at pagbubúlay-búlay, nadaig ng pagibig niyá sa Diyós áng hílig niyá sa pornográpya. Áng pagkákaroón ng masidhíng pag-íbig kay Jehóva at pagkapoót sa kasamáan áng pinakamabúting paraán pára tuluyang makalaya sa pornográpya.—Basáhin áng Áwit 97:10.

11. Anó áng kailángan pára tuluyang makalaya sa pornográpya áng isá?

ALISÍN ÁNG GALÍT, MAPANG-ABUSONG
PANÁNALITÁ, AT PAGSISINUNGALING

12 Inilálabás ng mgá táong mainitin áng úlo áng kaniláng galít sa pamamagítan ng mapang-abusong panánalitá. Nakasasam ã itó sa búhay pampamílya. Ikinuwénto ni Stephen, isáng amá sa Australia: “Dáti, lagì akóng nagmumura, at kauntíng bágay lang, sumasabog ná áng galít ko. Tatlóng béses ná kamíng naghiwalay ng mísis ko, at magdidiborsiyo ná sána kamí.” Péro nagsimulâ siláng makipagaral ng Bíbliya sa mgá Saksí. Anó áng resúlta nang sundín ni Stephen áng páyo ng Bíbliya? “Talagáng napabuti áng búhay pampamílya ná-min. Sa túlong ni Jehóva, payápa ná akó at kalmádo, samantálang dáti, pára akóng bombang pun oˆ ng hínanakít at galít ná handáng sumabog anumáng óras.” Sa ngayón, si Stephen ay isá nang ministeryál ná lingkód at áng asáwa niyá ay iláng taón nang naglílingkód bi-lang regulár pioneer. Ganitó áng sábi ng mgá élder sa kaniláng kongregasyón: “Si Stephen ay isáng tahímik, masípag, at mapagpakumbabáng bróther.” Káhit kai-lan, hindî pa raw nilá siyá nakítang nagálit. Dáhil ba itó sa saríling pagsisíkap ni Stephen? Sinábi niyá: “Hindî mangyayári sa búhay ko áng magagandáng pagpapálang itó kung hindî ko tinanggáp áng túlong ni Jehóva ná lubúsang bagúhin áng áking personalidád.”

12. Anó áng nakatúlong kay Stephen ná alisín áng galít at mapangabusong panánalitá?

13 Nagbababala áng Bíbliya lában sa galít, mapangabusong panánalitá, at hiyawan. (Efe. 4:31) Kadalásan, nauuwi áng mgá itó sa karahasán. Normal lang sa sanlibután áng pagíging magagalitín, péro nakasisirang-púri itó sa áting Maylikhâ. Kinailángang hubarin ng maráming kapatíd áng masasamáng ugáling itó bágo nilá maisuot áng bágong personalidád.—Basáhin áng Áwit 37:8-11.

13. Bákit mapangánib áng galít, at anóng babalá áng ibínibigáy ng Bíbliya?

14 Si Hans ay isáng élder sa isáng kongregasyón sa Austria. “Isá siyá sa pinakamaaamong bróther ná makikilala mo,” áng sábi ng koordineytor ng lupon ng matá-tandâ sa kaniláng kongregasyón. Péro dáti, hindî maámo si Hans. Noóng tinedyer pa siyá, malakás siyáng umi-nom, at dáhil díto, nagíng marahás siyá. Dáhil sa implu-wensiya ng alkohol, nagwala siyá at napatáy áng kaniyáng girlfriend, kung kayâ nasentensiyahan siyáng mabilanggo nang 20 taón. Hindî nakatúlong áng pagkakabilanggo ni Hans pára magbágo áng marahás ná personalidád niyá. Péro isinaáyos ng nánay niyá ná daláwin siyá ng isáng élder sa bilangguan, at nagsimuláng magaral ng Bíbliya si Hans. Sinábi niyá: “Nahirápan akóng hubarin áng áking lúmang personalidád. Péro napatíbay akó ng mgá tékstong gáya ng Isáias 55:7, ná nagsasábi: ‘Íwan ng táong balakyot áng kaniyáng lákad,’ at ng 1 Corinto 6:11, ná tungkól sa mgá tumalíkod sa kaniláng makasalánang landásin: ‘Gayunmáy ganiyán áng ilán sa inyó noón.’ Sa loób ng maráming taón, matiyagá akóng tinulúngan ni Jehóva sa pamamagítan ng kaniyáng banál ná espíritu pára maisuot ko áng bágong personalidád.” Pagkatápos makulong nang 17 at kalaháting taón, pinaláya si Hans ná isá nang bautisádong Kristiyáno. “Nagpapasalámat akó sa dakílang áwa at kapatawarán ni Jehóva,” áng sábi niyá.

14. Posíble bang magíng maámo áng isáng táong marahás?

15 Bukód sa mapang-abusong panánalitá, áng pagsisinungaling ay bahági rín ng lúmang personalidád. Halimbáwa, maráming táo áng nagsísinungáling pára makaíwas sa pagbabáyad ng támang buwís o sa kaparusahan sa kaniláng kasalánan. Sa kabaligtarán, si Jehóva ángDiyós ng katotohánan.” (Áwit 31:5) Kayâ kahi-lingan niyá ná ángbáwat isása kaniyáng mgá mánanambá aymagsalitâ ng katotohánan sa kaniyáng kápuwaathuwág magsinungaling.’ (Efe. 4:25; Col. 3:9) Kayâ namán, dápat táyong magsábi ng totoó káhit nakakahiya o mahírap itóng gawín.—Kaw. 6:16-19.

15. Anó áng ginágawâ ng marámi, péro anó áng sinasábi ng Bíbliya tungkól díto?

KUNG PAÁNO SILÁ NAGTAGUMPÁY
16 Hindî nátin káyang hubarin áng lúmang personalidád sa saríli náting lakás. Áng mgá indibiduwál ná binanggít sa artíkulong itósína Sakura, Ribeiro, Stephen, at Hansay nakipaglaban nang hustó pára maalis áng kaniláng masasamáng gawáin. Nagtagumpáy silá dáhil binuksán nilá áng kaniláng ísip at púso sa kapangyaríhan ng Salitâ ng Diyós at ng kaniyáng banál ná espíritu. (Luc. 11:13; Heb. 4:12) Pára makinábang sa kapangyaríhang iyán, kailángan náting basáhin áng Bíbliya áraw-áraw, búlay-bulayín itó, at láging manalángin pára magkaroón ng karunúngan at lakás ná sun-din áng páyo ng Bíbliya. (Jos. 1:8; Áwit 119:97; 1 Tes. 5:17) Makikinábang din táyo sa Salitâ ng Diyós at sa ka-niyáng banál ná espíritu kung maghahandâ táyo pára sa mgá púlong at dadalo sa mgá itó. (Heb. 10:24, 25) Sinasamantala rín nátin áng ibát ibáng paraán ng pag-lalaan ng espirituwál ná pagkáin pára sa báyan ng Diyós sa buóng daigdíg.—Luc. 12:42.

16. Paáno magtátagumpáy áng isá ná hubarin áng lúmang personalidád?

17 Tinalákay nátin áng iláng masasamáng gawáin ná dápat alisín at íwan ng mgá Kristiyáno. Péro itó lang ba áng kailángan pára matamó áng págsang-áyon ng Diyós? Hindî. Kailángan din náting damtan áng áting saríli ng bágong personalidád. Sa súsunod ná artíkulo, tátalakáyin nátin áng iláng katangían ng bágong personalidád ná kailángan náting isuót at panatilíhin.

17. Anó áng tátalakáyin nátin sa súsunod ná artíkulo?