Batayan d septyembre


Tumakas si Jose sa asawa ni Potipar

Magkaroon ng Pagpipigil sa Sarili

00:0019:25
Ang . . . bunga ng espiritu ay . . . pagpipigil sa sarili.”—GAL. 5:22, 23.

AWIT: 83, 52
PAANO MO SASAGUTIN?
Ano ang dapat nating matutuhan sa naging reaksiyon ng Diyos sa pagrerebelde ni Satanas?
Sa Bibliya, sino ang ilan sa mga nagpakita at hindi nagpakita ng pagpipigil sa sarili?
Paano makatutulong ang pag-aaral ng Bibliya para magkaroon tayo ng pagpipigil sa sarili?
1, 2. (a) Saan maaaring mauwi ang kawalan ng pagpipigil sa sarili? (b) Bakit napapanahong pag-usapan ang pagpipigil sa sarili?
ANG pagpipigil sa sarili ay isang makadiyos na katangian. (Gal. 5:22, 23) Si Jehova ay may perpektong pagpipigil sa sarili. Pero ang mga tao ay di-sakdal at nahihirapang magpakita nito. Oo, ang ugat ng maraming problema sa ngayon ay kawalan ng kontrol sa sarili. Dahil dito, may mga nagpapaliban-liban at di-nagsisikap sa paaralan o sa trabaho. Ang kawalan ng pagpipigil sa sarili ay nauuwi sa pagsasalita ng masakit, paglalasing, karahasan, diborsiyo, di-kinakailangang pangungutang, adiksiyon, pagkakabilanggo, trauma, mga sakit na naililipat sa pagtatalik, di-inaasahang pagbubuntis, at iba pa.—Awit 34:11-14.

2 Maliwanag, ang mga taong walang kontrol sa sarili ay nagdudulot ng mga problema sa kanilang sarili at sa iba. At palala nang palala ang kawalan ng pagpipigil sa sarili. Noong dekada ’40, pinag-aralan ang disiplina sa sarili, pero ipinakikita ng mga pag-aaral kamakailan na lalong nawawalan ng disiplina sa sarili ang mga tao. Hindi ito kataka-taka sa mga nag-aaral ng Salita ng Diyos dahil inihula nito na ang mga taongwalang pagpipigil sa sariliay isang katibayan na nabubuhay na tayo samga huling araw.”—2 Tim. 3:1-3.

3. Bakit dapat magkaroon ng pagpipigil sa sarili ang mga Kristiyano?
3 Bakit dapat kang magkaroon ng pagpipigil sa sarili? Tingnan ang dalawang mahalagang dahilan. Una, kapansin-pansin na ang mga taong may kontrol sa sarili ay walang gaanong mabibigat na problema. Mas matatag ang kanilang emosyon, mas madali sa kanila na magkaroon ng mabubuting ugnayan sa iba, at di-gaya ng mga taong padalos-dalos, hindi sila madaling magalit, mabalisa, at madepres. Ikalawa, ang kakayahang labanan ang tukso at kontrolin ang di-angkop na mga pagnanasa ay mahalaga para mapanatili ang pagsang-ayon ng Diyos. Makikita ito sa nangyari kina Adan at Eva. (Gen. 3:6) Isipin din ang masaklap na karanasan ng iba pang hindi nakapagpakita ng mahalagang katangiang ito.

4. Ano ang makapagpapatibay-loob sa mga nahihirapang magpakita ng pagpipigil sa sarili?
4 Imposible para sa di-sakdal na mga tao na makapagpakita ng perpektong pagpipigil sa sarili. Alam ni Jehova ang pagsisikap ng kaniyang mga lingkod, at gusto niya silang tulungan na mapaglabanan ang kanilang maling mga pagnanasa. (1 Hari 8:46-50) Bilang isang maibiging Kaibigan, pinatitibay-loob niya ang taimtim na mga indibiduwal na gustong maglingkod sa kaniya pero nahihirapang kontrolin ang kanilang sarili sa ilang sitwasyon. Sa artikulong ito, isasaalang-alang natin ang perpektong halimbawa ni Jehova. Pag-aaralan din natin ang mabubuti at masasamang halimbawa sa Bibliya. At susuriin natin ang praktikal na mga payo para magkaroon tayo ng higit pang pagpipigil sa sarili.

ANG HALIMBAWA NI JEHOVA

5, 6. Anong halimbawa ng pagpipigil sa sarili ang ipinakita ni Jehova?
5 Perpekto ang pagpipigil sa sarili ni Jehova dahil sakdal ang lahat ng kaniyang ginagawa. (Deut. 32:4) Pero tayo ay hindi sakdal. Kaya kailangan nating suriin ang halimbawa ni Jehova ng pagpipigil sa sarili para maunawaan ang katangiang ito at mas matularan siya. Paano niya ito ipinakita?

6 Pag-isipan kung paano nagpakita si Jehova ng pagpipigil sa sarili sa harap ng pangahas na pagrerebelde ni Satanas. Kailangang masagot ang hamon na iyon. Dahil sa ginawa ng Diyablo, tiyak na nagalit at namuhi ang tapat na mga nilalang sa langit. Malamang na ganiyan din ang nadarama mo kapag nakikita mo ang mga pagdurusang kagagawan ni Satanas. Pero hindi nagpadalos-dalos si Jehova. Balanse at angkop ang naging pagtugon niya. Mabagal siya sa pagkagalit at makatarungan sa pagharap sa paghihimagsik ni Satanas. (Ex. 34:6; Job 2:2-6) Bakit? Hinayaan muna ni Jehova na lumipas ang panahon dahil ayaw niyang mapuksa ang sinuman kundinais niya na ang lahat ay makaabot sa pagsisisi.”—2 Ped. 3:9.

7. Ano ang matututuhan natin sa halimbawa ni Jehova?
7 Ang pagpipigil sa sarili ni Jehova ay nagtuturo sa atin na dapat din nating timbang-timbangin ang ating mga sinasabi at ginagawa; hindi tayo dapat magpadalos-dalos. Kapag napapaharap ka sa isang mahalagang pagpapasiya, maglaan ng panahon para makapag-isip-isip at makakilos nang may katalinuhan. Manalangin at humiling ng karunungan para masabi o magawa ang tamang bagay. (Awit 141:3) Kung hindi ka magtitimpi, napakadaling magpadala sa emosyon. Marami ang nagsisisi dahil sa kanilang walang-ingat na mga salita o pagkilos!—Kaw. 14:29; 15:28; 19:2.

ANG HALIMBAWA NG MGA LINGKOD NG DIYOSMABUBUTI AT MASASAMA

8. (a) Saan tayo makakakita ng mga halimbawa ng may makadiyos na katangian? (b) Paano napaglabanan ni Jose ang pang-aakit ng asawa ni Potipar? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
8 Kaninong mga halimbawa sa Bibliya ang nagdiriin ng kahalagahan ng pagkontrol sa ating reaksiyon? Siguradong natatandaan mo ang ilang karakter sa Bibliya na nagpakita ng pagpipigil sa sarili sa harap ng pagsubok. Ang isa ay ang anak ni Jacob na si Jose, na naglingkod sa bahay ni Potipar, ang pinuno ng mga tagapagbantay ni Paraon. Nahumaling ang asawa ni Potipar kay Jose dahilmaganda ang tindig at maganda ang anyonito, kaya inakit niya si Jose. Paano napaglabanan ni Jose ang paulit-ulit na pang-aakit sa kaniya? Tiyak na inisip niya ang magiging resulta kung hindi siya magiging mapagbantay. At nang tumindi na ang sitwasyon, tumakas si Jose. Sinabi niya: “Paano ko magagawa ang malaking kasamaang ito at magkasala nga laban sa Diyos?”—Gen. 39:6, 9; basahin ang Kawikaan 1:10.

9. Paano ka makapaghahanda para labanan ang mga tukso?
9 Ano ang itinuturo sa atin ng halimbawa ni Jose? Baka kailangan nating literal na tumakas kapag natutukso tayong labagin ang utos ng Diyos. Bago naging Saksi, pinaglabanan ng ilan ang labis na pagkain at pag-inom, paninigarilyo, pag-abuso sa droga, seksuwal na imoralidad, at iba pa. At kahit nabautismuhan na sila, baka natutukso pa rin silang balikan ang dati nilang mga gawain. Kaya kung natutukso kang labagin ang utos ni Jehova, patibayin mo ang iyong determinasyon sa pamamagitan ng pag-iisip sa masasamang resulta ng hindi pagpipigil sa sarili. Patiunang alamin ang mga sitwasyon kung saan ka puwedeng mapaharap sa tukso at planuhin kung paano iiwasan ang mga iyon. (Awit 26:4, 5; Kaw. 22:3) At kung mapaharap ka man sa gayong pagsubok, humingi kay Jehova ng karunungan at pagpipigil sa sarili.

10, 11. (a) Anong sitwasyon ang kinakaharap ng maraming kabataan sa paaralan? (b) Ano ang makatutulong sa mga kabataang Kristiyano na labanan ang panggigipit na gumawa ng mali?
10 Maraming kabataang Kristiyano ang napapaharap sa sitwasyong kagaya ng kay Jose. Isa na rito si Kim. Karamihan sa mga kaklase niya ay nakikipagtalik na, at pagkatapos ng weekend, ipinagyayabang nila ang kanilang seksuwal na mga gawain. Walang maikuwentong ganoon si Kim. Dahil naiiba siya, inamin ni Kim na kung minsan, nakadarama siya ng kalungkutan at pag-iisa. Itinuturing din siyang kakatwa ng mga kaklase niya kasi hindi siya nakikipag-date. Pero alam ni Kim na talagang tukso sa maraming kabataan ngayon ang makipag-sex. (2 Tim. 2:22) Madalas siyang tanungin ng mga kaeskuwela niya kung virgin pa siya. Kaya nagkakaroon siya ng pagkakataong ipaliwanag ang kaniyang paninindigan. Ipinagmamalaki natin ang mga kabataang Kristiyano na determinadong umiwas sa seksuwal na imoralidad, at ipinagmamalaki rin sila ni Jehova!

11 Sa Bibliya, may mga babalang halimbawa ng mga hindi nagpakita ng pagpipigil sa sarili pagdating sa seksuwal na paggawi at ang masasamang resulta nito. Kung napapaharap ka sa sitwasyong kagaya ng kay Kim, makabubuting pag-isipan mo ang nangyari sa walang-karanasang kabataang lalaki na inilarawan sa Kawikaan kabanata 7. Isipin din ang ginawa ni Amnon at ang masaklap na resulta nito. (2 Sam. 13:1, 2, 10-15, 28-32) Matutulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na magkaroon ng karunungan at pagpipigil sa sarili kung pag-uusapan nila ito sa kanilang pampamilyang pagsamba gamit ang nabanggit na mga teksto at ulat sa Bibliya.

12. (a) Paano kinontrol ni Jose ang kaniyang emosyon noong nakikitungo siya sa kaniyang mga kapatid? (b) Sa anong mga sitwasyon angkop na kontrolin ang ating emosyon?
12 May isa pang magandang halimbawa na ipinakita si Jose pagdating sa pagpipigil sa sarili. Para malaman kung ano ang nasa puso ng kaniyang mga kapatid, itinago ni Jose ang kaniyang katauhan nang pumunta ang mga ito sa Ehipto para bumili ng pagkain. At nang maging emosyonal siya, pumunta siya sa isang pribadong lugar para umiyak. (Gen. 43:30, 31; 45:1) Kapag isang kapuwa Kristiyano o mahal sa buhay ang nakagawa ng mali, maiiwasan mong kumilos nang pabigla-bigla kung kokontrolin mo ang iyong sarili, gaya ni Jose. (Kaw. 16:32; 17:27) Kung may mga kamag-anak kang tiwalag, baka kailangan mong kontrolin ang iyong damdamin para maiwasan ang di-kinakailangang pakikipag-ugnayan sa kanila. Hindi madaling magpigil ng sarili sa gayong mga sitwasyon, pero makatutulong kung iisipin nating tinutularan natin ang halimbawa ng Diyos at sinusunod ang kaniyang payo.

13. Anong mga aral ang matututuhan natin sa halimbawa ni Haring David?
13 Makikita sa Bibliya ang magandang halimbawa ni Haring David. Kahit may kakayahan siyang lumaban kay Saul at kay Simei, nagpigil siya ng galit at hindi siya gumanti. (1 Sam. 26:9-11; 2 Sam. 16:5-10) Pero hindi ibig sabihin na laging nakokontrol ni David ang sarili niya. Alam natin ang pagkakasala niya may kinalaman kay Bat-sheba, at ang naging reaksiyon niya sa maramot na si Nabal. (1 Sam. 25:10-13; 2 Sam. 11:2-4) Pero may mga aral tayong matututuhan kay David. Una, ang mga tagapangasiwa sa bayan ng Diyos ay lalong dapat na magpakita ng pagpipigil sa sarili para maiwasan ang pag-abuso sa kanilang awtoridad. Ikalawa, hindi tayo dapat maging kampante at isiping ligtas tayo sa tukso.—1 Cor. 10:12.

PRAKTIKAL NA MGA BAGAY NA PUWEDE MONG GAWIN

14. Ano ang naging karanasan ng isang brother? At bakit mahalaga ang ating reaksiyon sa katulad na mga sitwasyon?
14 Ano ang puwede mong gawin para mapasulong ang iyong pagpipigil sa sarili? Tingnan ang isang totoong pangyayari. Binangga ng isang sasakyan ang likuran ng kotse ni Luigi. Ininsulto siya ng drayber kahit ito ang may kasalanan, at gusto pa nitong makipag-away. Nanalangin si Luigi at hiniling kay Jehova na tulungan siyang maging mahinahon. Sinubukan din niyang pakalmahin ang drayber, pero ayaw nito. Kinuha na lang ni Luigi ang detalye ng insurance ng drayber at umalis siya habang nagsisisigaw pa ito. Pagkaraan ng isang linggo, sa isang pagdalaw-muli ni Luigi sa isang babae, nalaman niya na asawa pala nito ang drayber na iyon! Hiyang-hiya ang lalaki at humingi ng tawad sa pagwawala niya. Nag-alok siya na kausapin ang insurance company ni Luigi para mapabilis ang pagkumpuni sa sasakyan nito. Sumali ang lalaki sa pag-uusap nila tungkol sa Bibliya at natuwa sa mga narinig niya. Dahil dito, nakita ni Luigi na mahalaga pala na nanatili siyang kalmado sa kabila ng aksidente. Naisip din niya ang masasamang resulta kung hindi siya nakapagtimpi.—Basahin ang 2 Corinto 6:3, 4.

Makaaapekto sa ministeryo ng isang Saksi ang pagkakaroon o kawalan ng pagpipigil sa sarili
Makaaapekto sa ating ministeryo ang pagkakaroon o kawalan ng pagpipigil sa sarili (Tingnan ang parapo 14)
15, 16. Paano makatutulong ang pag-aaral ng Bibliya para malinang mo at ng iyong pamilya ang pagpipigil sa sarili?
15 Ang masikap na pag-aaral ng Bibliya ay tutulong sa mga Kristiyano na malinang ang pagpipigil sa sarili. Alalahanin ang sinabi ng Diyos kay Josue: “Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, at babasahin mo ito nang pabulong araw at gabi, upang maingatan mong gawin ang ayon sa lahat ng nakasulat dito; sapagkat sa gayon ay gagawin mong matagumpay ang iyong lakad at sa gayon ay kikilos ka nang may karunungan.” (Jos. 1:8) Paano makatutulong ang pag-aaral ng Bibliya para malinang mo ang pagpipigil sa sarili?

16 Gaya ng natutuhan natin, malinaw na ipinakikita ng Bibliya ang mabubuti at masasamang resulta ng ating mga pagkilos. May dahilan si Jehova kung bakit niya ipinasulat ang mga ulat na ito. (Roma 15:4) Katalinuhan nga kung babasahin, bubulay-bulayin, at pag-aaralan natin ang mga ito! Unawain kung paano makatutulong ang mga ito sa iyo at sa iyong pamilya. Hingin ang tulong ni Jehova para masunod mo ang kaniyang Salita. Kung makita mong kulang ka ng pagpipigil sa sarili, aminin ito. Ipanalangin ito, at pagsikapang sumulong. (Sant. 1:5) Magsaliksik sa ating mga publikasyon para makakita ng angkop na materyal na makatutulong sa iyo.

17. Paano matutulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na magkaroon ng pagpipigil sa sarili?
17 Paano mo matutulungan ang iyong mga anak na magkaroon ng pagpipigil sa sarili? Alam ng mga magulang na hindi natural sa mga bata ang katangiang ito. Kaya dapat nila itong ituro sa pamamagitan ng kanilang mabuting halimbawa. (Efe. 6:4) Kung nakikita mong nahihirapan ang iyong mga anak na kontrolin ang kanilang sarili, pag-isipan ang ipinakikita mong halimbawa. Makapagpapakita ka ng mabuting halimbawa kung regular ka sa ministeryo, sa pagdalo sa pulong, at sa pagdaraos ng pampamilyang pagsamba. Huwag magdalawang-isip na tanggihan ang gusto ng iyong mga anak kung kinakailangan! Nagbigay si Jehova ng mga limitasyon kina Adan at Evamga limitasyong nakatulong sana sa kanila na matutong igalang ang awtoridad ng Diyos. Sa katulad na paraan, ang disiplina at halimbawa ng mga magulang ay magtuturo sa mga anak na magkaroon ng pagpipigil sa sarili. Ang pag-ibig sa awtoridad ng Diyos at paggalang sa kaniyang mga pamantayan ang ilan sa pinakamahahalagang katangian na puwede mong ituro sa iyong mga anak.—Basahin ang Kawikaan 1:5, 7, 8.

18. Bakit isang pagpapala ang mabubuting kasama?
18 Isa ka mang magulang o hindi, tandaan na mahalagang pumili ng mabubuting kaibigan. Makisama sa mga taong magpapasigla sa iyo na magkaroon ng makabuluhang mga tunguhin at umiwas sa kapahamakan. (Kaw. 13:20) Mabuting impluwensiya sa iyo ang mga kaibigang palaisip sa espirituwal na mga bagay dahil mapasisigla kang tularan ang kanilang pagpipigil sa sarili. Ang mabuting paggawi mo naman ay magpapasigla rin sa mga kaibigan mo. Kung mayroon kang pagpipigil sa sarili, makakamit mo ang pagsang-ayon ng Diyos, masisiyahan ka sa buhay, at magkakaroon ka ng magandang kaugnayan sa iyong mga minamahal.

Nauna
Susunod

I-print
I-share

Tumákas si José sa asáwa ni Potipar

Magkaroón ng Pagpipígil sa Saríli

00:0019:25
Áng . . . búnga ng espíritu ay . . . pagpipígil sa saríli.”—GAL. 5:22, 23.

ÁWIT: 83, 52
PAÁNO MO SASAGUTÍN?
Anó áng dápat náting matutúhan sa nagíng reaksiyón ng Diyós sa pagrerebélde ni Satanás?
Sa Bíbliya, síno áng ilán sa mgá nagpakíta at hindî nagpakíta ng pagpipígil sa saríli?
Paáno makatutúlong áng pag-aáral ng Bíbliya pára magkaroón táyo ng pagpipígil sa saríli?
1, 2. (a) Saán maaáring mauwî áng kawalán ng pagpipígil sa saríli? (b) Bákit napapanahong pag-usápan áng pagpipígil sa saríli?
ÁNG pagpipígil sa saríli ay isáng makadiyós ná katangían. (Gal. 5:22, 23) Si Jehóva ay may perpektong pagpipígil sa saríli. Péro áng mgá táo ay dí-sakdál at nahihirápang magpakíta nitó. Óo, áng ugát ng maráming probléma sa ngayón ay kawalán ng kontrol sa saríli. Dáhil díto, may mgá nagpapaliban-liban at dí-nagsisíkap sa páaralán o sa trabáho. Áng kawalán ng pagpipígil sa saríli ay nauuwi sa pagsásalitá ng masakít, paglalasíng, karahasán, dibórsiyo, dí-kinakailángang pangungutang, adiksiyon, pagkakabilanggo, trauma, mgá sakít ná naililipat sa pagtatalik, dí-inaasahang pagbubuntis, at ibá pa.—Áwit 34:11-14.

2 Maliwánag, áng mgá táong waláng kontrol sa saríli ay nagdudúlot ng mgá probléma sa kaniláng saríli at sa ibá. At palala nang palala áng kawalán ng pagpipígil sa saríli. Noóng dekáda ’40, pínag-arálan áng disiplína sa saríli, péro ipinakikíta ng mgá pag-aáral kamakailán ná lálong nawawalan ng disiplína sa saríli áng mgá táo. Hindî itó kataká-taká sa mgá nag-aáral ng Salitâ ng Diyós dáhil inihúla nitó ná áng mgá táongwaláng pagpipígil sa saríliay isáng katibáyan ná nabubúhay ná táyo samgá hulíng áraw.”—2 Tim. 3:1-3.

3. Bákit dápat magkaroón ng pagpipígil sa saríli áng mgá Kristiyáno?
3 Bákit dápat kang magkaroón ng pagpipígil sa saríli? Tingnán áng dalawáng mahalagáng dahilán. Úna, kapansín-pansín ná áng mgá táong may kontrol sa saríli ay waláng gaánong mabibigát ná probléma. Mas matatág áng kaniláng emosyón, mas madalí sa kanilá ná magkaroón ng mabubúting ugnáyan sa ibá, at dí-gáya ng mgá táong padalos-dálos, hindî silá madalíng magálit, mabalísa, at madepres. Ikalawâ, áng kakayaháng labánan áng tuksó at kontrolín áng dí-angkóp ná mgá pagnanása ay mahalagá pára mapanatíli áng págsang-áyon ng Diyós. Makikíta itó sa nangyári kína Adán at Éva. (Gen. 3:6) Isípin din áng masakláp ná karanasán ng ibá pang hindî nakapagpakita ng mahalagáng katangíang itó.

4. Anó áng makapagpápatíbay-loób sa mgá nahihirápang magpakíta ng pagpipígil sa saríli?
4 Imposíble pára sa dí-sakdál ná mgá táo ná makapagpakíta ng perpektong pagpipígil sa saríli. Alám ni Jehóva áng pagsisíkap ng kaniyáng mgá lingkód, at gustó niyá siláng tulúngan ná mapaglabánan áng kaniláng malíng mgá pagnanása. (1 Hári 8:46-50) Bílang isáng maibigíng Kaibígan, pinatitíbay-loób niyá áng taimtím ná mgá indibiduwál ná gustóng maglingkód sa kaniyá péro nahihirápang kontrolín áng kaniláng saríli sa iláng sitwasyón. Sa artíkulong itó, isásaálang-álang nátin áng perpektong halimbáwa ni Jehóva. Pag-aarálan din nátin áng mabubuti at masasamáng halimbáwa sa Bíbliya. At susuríin nátin áng praktikál ná mgá páyo pára magkaroón táyo ng higít pang pagpipígil sa saríli.

ÁNG HALIMBÁWA NI JEHÓVA

5, 6. Anóng halimbáwa ng pagpipígil sa saríli áng ipinakíta ni Jehóva?
5 Perpékto áng pagpipígil sa saríli ni Jehóva dáhil sakdál áng lahát ng kaniyáng ginágawâ. (Deut. 32:4) Péro táyo ay hindî sakdál. Kayâ kailángan náting suríin áng halimbáwa ni Jehóva ng pagpipígil sa saríli pára maunawáan áng katangíang itó at mas matuláran siyá. Paáno niyá itó ipinakíta?

6 Pag-isípan kung paáno nagpakíta si Jehóva ng pagpipígil sa saríli sa haráp ng pangahás ná pagrerebélde ni Satanás. Kailángang masagót áng hámon ná iyón. Dáhil sa ginawâ ng Diyáblo, tiyák ná nagálit at namuhi áng tapát ná mgá nilaláng sa lángit. Malamáng ná ganiyán din áng nadárama mo kapág nakikíta mo áng mgá pagdurusang kagagawán ni Satanás. Péro hindî nagpadalos-dálos si Jehóva. Balánse at angkóp áng nagíng pagtugón niyá. Mabágal siyá sa pagkagalit at makatarúngan sa paghárap sa paghihimagsík ni Satanás. (Ex. 34:6; Job 2:2-6) Bákit? Hinayáan múna ni Jehóva ná lumípas áng panahón dáhil áyaw niyáng mapuksa áng sinumán kundînáis niyá ná áng lahát ay makaabót sa pagsisísi.”—2 Ped. 3:9.

7. Anó áng matútutúhan nátin sa halimbáwa ni Jehóva?
7 Áng pagpipígil sa saríli ni Jehóva ay nagtutúro sa átin ná dápat din náting timbang-timbangin áng áting mgá sinasábi at ginágawâ; hindî táyo dápat magpadalos-dálos. Kapág napapaharáp ka sa isáng mahalagáng pagpapasiyá, maglaán ng panahón pára mákapag-ísip-ísip at makakilos nang may katalinúhan. Manalángin at humilíng ng karunúngan pára masábi o magawâ áng támang bágay. (Áwit 141:3) Kung hindî ka magtitimpi, napakadaling magpadalá sa emosyón. Marámi áng nagsisísi dáhil sa kaniláng waláng-íngat ná mgá salitâ o pagkílos!—Kaw. 14:29; 15:28; 19:2.

ÁNG HALIMBÁWA NG MGÁ LINGKÓD NG DIYÓSMABUBUTI AT MASASAMÁ

8. (a) Saán táyo makákakíta ng mgá halimbáwa ng may makadiyós ná katangían? (b) Paáno napaglabánan ni José áng pang-aakit ng asáwa ni Potipar? (Tingnán áng laráwan sa simulá ng artíkulo.)
8 Kanínong mgá halimbáwa sa Bíbliya áng nagdiriin ng kahálagáhan ng pagkontrol sa áting reaksiyón? Sigurádong natátandáan mo áng iláng karakter sa Bíbliya ná nagpakíta ng pagpipígil sa saríli sa haráp ng pagsúbok. Áng isá ay áng anák ni Jacób ná si José, ná naglingkód sa báhay ni Potipar, áng pinuno ng mgá tagapagbantay ni Paraon. Nahumaling áng asáwa ni Potipar kay José dáhilmagandá áng tindig at magandá áng anyónitó, kayâ inakit niyá si José. Paáno napaglabánan ni José áng paúlit-úlit ná pang-aakit sa kaniyá? Tiyák ná inísip niyá áng magíging resúlta kung hindî siyá magíging mapagbantáy. At nang tumindí ná áng sitwasyón, tumákas si José. Sinábi niyá: “Paáno ko magágawa áng malakíng kasamaang itó at magkasála ngâ lában sa Diyós?”—Gen. 39:6, 9; basáhin áng Kawikaán 1:10.

9. Paáno ka makapaghahandâ pára labánan áng mgá tuksó?
9 Anó áng itinutúro sa átin ng halimbáwa ni José? Bakâ kailángan náting literál ná tumákas kapág natutukso táyong labagin áng útos ng Diyós. Bágo nagíng Saksí, pinaglabánan ng ilán áng lábis ná pagkáin at pag-inóm, paninigarílyo, pag-abúso sa dróga, seksuwál ná imoralidád, at ibá pa. At káhit nabautismuhán ná silá, bakâ natutukso pa rín siláng balikán áng dáti niláng mgá gawáin. Kayâ kung natutukso kang labagin áng útos ni Jehóva, patibáyin mo áng iyóng determinasyón sa pamamagítan ng pag-iísip sa masasamáng resúlta ng hindî pagpipígil sa saríli. Patiúnang alamín áng mgá sitwasyón kung saán ka puwédeng mapaharáp sa tuksó at planúhin kung paáno iiwasan áng mgá iyón. (Áwit 26:4, 5; Kaw. 22:3) At kung mapaharáp ka man sa gayóng pagsúbok, humingî kay Jehóva ng karunúngan at pagpipígil sa saríli.

10, 11. (a) Anóng sitwasyón áng kinakaharap ng maráming kabatáan sa páaralán? (b) Anó áng makatutúlong sa mgá kabatáang Kristiyáno ná labánan áng panggigipít ná gumawâ ng malî?
10 Maráming kabatáang Kristiyáno áng napapaharáp sa sitwasyóng kagáya ng kay José. Isá ná ríto si Kim. Karamíhan sa mgá kákláse niyá ay nakikipagtalik ná, at pagkatápos ng weekend, ipinagyayabang nilá áng kaniláng seksuwál ná mgá gawáin. Waláng maikuwentong ganoón si Kim. Dáhil naíibá siyá, inámin ni Kim ná kung mínsan, nakadárama siyá ng kalungkútan at pag-íisa. Itinutúring din siyáng kakatwá ng mgá kákláse niyá kasí hindî siyá nakikípag-date. Péro alám ni Kim ná talagáng tuksó sa maráming kabatáan ngayón áng mákipag-sex. (2 Tim. 2:22) Madalás siyáng tanungín ng mgá kaeskuwéla niyá kung virgin pa siyá. Kayâ nagkákaroón siyá ng pagkakátaong ipaliwánag áng kaniyáng paninindígan. Ipinagmámalakí nátin áng mgá kabatáang Kristiyáno ná determinádong umiwas sa seksuwál ná imoralidád, at ipinagmámalakí rín silá ni Jehóva!

11 Sa Bíbliya, may mgá babaláng halimbáwa ng mgá hindî nagpakíta ng pagpipígil sa saríli pagdatíng sa seksuwál ná paggáwì at áng masasamáng resúlta nitó. Kung napapaharáp ka sa sitwasyóng kagáya ng kay Kim, makabubúting pag-isípan mo áng nangyári sa waláng-karanasang kabatáang laláki ná inilaráwan sa Kawikaán kabanáta 7. Isípin din áng ginawâ ni Amnon at áng masakláp ná resúlta nitó. (2 Sam. 13:1, 2, 10-15, 28-32) Matutulúngan ng mgá magúlang áng kaniláng mgá anák ná magkaroón ng karunúngan at pagpipígil sa saríli kung pag-uusapan nilá itó sa kaniláng pámpamílyang pagsambá gámit áng nabanggít ná mgá téksto at úlat sa Bíbliya.

12. (a) Paáno kinontrol ni José áng kaniyáng emosyón noóng nakikitúngo siyá sa kaniyáng mgá kapatíd? (b) Sa anóng mgá sitwasyón angkóp ná kontrolín áng áting emosyón?
12 May isá pang magandáng halimbáwa ná ipinakíta si José pagdatíng sa pagpipígil sa saríli. Pára malamán kung anó áng nása púso ng kaniyáng mgá kapatíd, itinágo ni José áng kaniyáng katauhan nang pumuntá áng mgá itó sa Ehípto pára bumilí ng pagkáin. At nang magíng emosyonál siyá, pumuntá siyá sa isáng pribadong lugár pára umiyak. (Gen. 43:30, 31; 45:1) Kapág isáng kápuwa Kristiyáno o mahál sa búhay áng nakagawâ ng malî, maiiwásan mong kumílos nang pabigla-biglá kung kokontrolin mo áng iyóng saríli, gáya ni José. (Kaw. 16:32; 17:27) Kung may mgá kamág-anák kang tiwalag, bakâ kailángan mong kontrolín áng iyóng damdámin pára maiwásan áng dí-kinakailángang pakíkipag-ugnáyan sa kanilá. Hindî madalíng magpigil ng saríli sa gayóng mgá sitwasyón, péro makatutúlong kung iisípin náting tinutuláran nátin áng halimbáwa ng Diyós at sinúsunod áng kaniyáng páyo.

13. Anóng mgá áral áng matútutúhan nátin sa halimbáwa ni Háring Davíd?
13 Makikíta sa Bíbliya áng magandáng halimbáwa ni Háring Davíd. Káhit may kakayahán siyáng lumában kay Saúl at kay Simei, nagpigil siyá ng galít at hindî siyá gumanti. (1 Sam. 26:9-11; 2 Sam. 16:5-10) Péro hindî íbig sabíhin ná láging nakokontrol ni Davíd áng saríli niyá. Alám nátin áng pagkakasala niyá may kinaláman kay Bat-shéba, at áng nagíng reaksiyón niyá sa maramot ná si Nabál. (1 Sam. 25:10-13; 2 Sam. 11:2-4) Péro may mgá áral táyong matútutúhan kay Davíd. Úna, áng mgá tagapangasíwa sa báyan ng Diyós ay lálong dápat ná magpakíta ng pagpipígil sa saríli pára maiwásan áng pag-abúso sa kaniláng awtoridád. Ikalawâ, hindî táyo dápat magíng kampante at isíping ligtás táyo sa tuksó.—1 Cor. 10:12.

PRAKTIKÁL NÁ MGÁ BÁGAY NÁ PUWÉDE MONG GAWÍN

14. Anó áng nagíng karanasán ng isáng bróther? At bákit mahalagá áng áting reaksiyón sa katúlad ná mgá sitwasyón?
14 Anó áng puwéde mong gawín pára mapasúlong áng iyóng pagpipígil sa saríli? Tingnán áng isáng totoóng pangyayári. Binangga ng isáng sasakyán áng likurán ng kotse ni Luigi. Ininsulto siyá ng drayber káhit itó áng may kasalánan, at gustó pa nitóng mákipag-away. Nanalángin si Luigi at hinilíng kay Jehóva ná tulúngan siyáng magíng mahinahon. Sinubúkan din niyáng pakalmahín áng drayber, péro áyaw nitó. Kinúha ná lang ni Luigi áng detálye ng insurance ng drayber at umalís siyá hábang nagsisisigaw pa itó. Pagkaraán ng isáng línggo, sa isáng pagdálaw-mulî ni Luigi sa isáng babáe, naláman niyá ná asáwa palá nitó áng drayber ná iyón! Hiyáng-hiya áng laláki at humingî ng táwad sa pagwawala niyá. Nag-alók siyá ná kausápin áng insurance company ni Luigi pára mapabilis áng pagkumpuni sa sasakyán nitó. Sumáli áng laláki sa pag-uúsap nilá tungkól sa Bíbliya at natuwá sa mgá nariníg niyá. Dáhil díto, nakíta ni Luigi ná mahalagá palá ná nanatíli siyáng kalmádo sa kabilá ng aksidénte. Naísip din niyá áng masasamáng resúlta kung hindî siyá nakapagtimpi.—Basáhin áng 2 Corinto 6:3, 4.

Makaáapékto sa ministéryo ng isáng Saksí áng pagkákaroón o kawalán ng pagpipígil sa saríli
Makaáapékto sa áting ministéryo áng pagkákaroón o kawalán ng pagpipígil sa saríli (Tingnán áng párapo 14)
15, 16. Paáno makatutúlong áng pag-aáral ng Bíbliya pára malináng mo at ng iyóng pamílya áng pagpipígil sa saríli?
15 Áng masíkap ná pag-aáral ng Bíbliya ay tutúlong sa mgá Kristiyáno ná malináng áng pagpipígil sa saríli. Alalahánin áng sinábi ng Diyós kay Josue: “Áng aklát ná itó ng kautusán ay huwág mahihiwalay sa iyóng bíbig, at babasahin mo itó nang pabulong áraw at gabí, úpang maingátan mong gawín áng áyon sa lahát ng nakasulat díto; sapagkát sa gayón ay gágawin mong matagumpáy áng iyóng lákad at sa gayón ay kikílos ka nang may karunúngan.” (Jos. 1:8) Paáno makatutúlong áng pag-aáral ng Bíbliya pára malináng mo áng pagpipígil sa saríli?

16 Gáya ng natutúhan nátin, malínaw ná ipinakikíta ng Bíbliya áng mabubuti at masasamáng resúlta ng áting mgá pagkílos. May dahilán si Jehóva kung bákit niyá ipinasulat áng mgá úlat ná itó. (Róma 15:4) Katalinúhan ngâ kung babasahin, búbuláy-bulayín, at pag-aarálan nátin áng mgá itó! Unawáin kung paáno makatutúlong áng mgá itó sa iyó at sa iyóng pamílya. Hingín áng túlong ni Jehóva pára masunód mo áng kaniyáng Salitâ. Kung makíta mong kúlang ka ng pagpipígil sa saríli, aminin itó. Ipanalángin itó, at pagsikápang sumúlong. (Sant. 1:5) Magsaliksík sa áting mgá publikasyón pára makakita ng angkóp ná materyál ná makatutúlong sa iyó.

17. Paáno matutulúngan ng mgá magúlang áng kaniláng mgá anák ná magkaroón ng pagpipígil sa saríli?
17 Paáno mo matutulúngan áng iyóng mgá anák ná magkaroón ng pagpipígil sa saríli? Alám ng mgá magúlang ná hindî naturál sa mgá batà áng katangíang itó. Kayâ dápat nilá itóng itúro sa pamamagítan ng kaniláng mabúting halimbáwa. (Efe. 6:4) Kung nakikíta mong nahihirápan áng iyóng mgá anák ná kontrolín áng kaniláng saríli, pag-isípan áng ipinakikíta mong halimbáwa. Makapagpapakita ka ng mabúting halimbáwa kung regulár ka sa ministéryo, sa pagdaló sa púlong, at sa pagdaráos ng pámpamílyang pagsambá. Huwág magdalawang-ísip ná tanggihán áng gustó ng iyóng mgá anák kung kinakailángan! Nagbigáy si Jehóva ng mgá limitasyón kína Adán at Évamgá limitasyong nakatúlong sána sa kanilá ná matútong igálang áng awtoridád ng Diyós. Sa katúlad ná paraán, áng disiplína at halimbáwa ng mgá magúlang ay magtutúro sa mgá anák ná magkaroón ng pagpipígil sa saríli. Áng pag-íbig sa awtoridád ng Diyós at paggálang sa kaniyáng mgá pamantáyan áng ilán sa pinakamahahalagang katangían ná puwéde mong itúro sa iyóng mgá anák.—Basáhin áng Kawikaán 1:5, 7, 8.

18. Bákit isáng pagpapála áng mabubúting kasáma?
18 Isá ka mang magúlang o hindî, tandaán ná mahalagáng pumíli ng mabubúting kaibígan. Makisáma sa mgá táong magpápasigla sa iyó ná magkaroón ng makabuluháng mgá tungúhin at umiwas sa kapahamakán. (Kaw. 13:20) Mabúting impluwénsiya sa iyó áng mgá kaibígang palaisíp sa espirituwál ná mgá bágay dáhil mapasísiglá kang tuláran áng kaniláng pagpipígil sa saríli. Áng mabúting paggáwì mo namán ay magpápasigla rín sa mgá kaibígan mo. Kung mayroón kang pagpipígil sa saríli, makákamít mo áng págsang-áyon ng Diyós, masísiyáhan ka sa búhay, at magkakaroón ka ng magandáng kaugnáyan sa iyóng mgá minámahal.

Naúna
Súsunod

I-print
I-share