Bastayan tularan


Nahabag si Jesus sa lalaking may tuyot na kamay

Tularan ang Pagkamahabagin ni Jehova

00:0019:31
Si Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno ay . . . nahabag sa kaniyang bayan.”—2 CRO. 36:15.

AWIT: 142, 12
PAANO MO SASAGUTIN?
Bakit mahirap magpakita ng habag kung minsan?
Paano tinuturuan ni Jehova ang kaniyang bayan na maging mahabagin?
Sa anong mga sitwasyon ka maaaring magpakita ng habag?
1. Sa anong espesyal na paraan isiniwalat ni Jehova ang kaniyang sarili kay Moises? At bakit ito mahalaga?
MINSAN, isiniwalat ng Diyos ang kaniyang sarili kay Moises sa pamamagitan ng paghahayag ng Kaniyang pangalan at mga katangian. Ang unang binanggit niya ay ang awa at kagandahang-loob [“compassionate,” nwt-E]. (Basahin ang Exodo 34:5-7.) Puwede sanang itampok ni Jehova ang kaniyang kapangyarihan o karunungan. Pero para kay Moises, na humihingi ng katibayan ng tulong ng Diyos, idiniin ni Jehova ang mga katangiang nagpapakita na handa Siyang tumulong sa kaniyang mga lingkod. (Ex. 33:13) Hindi ba nakaaantig na unang binanggit ng Diyos ang mga katangiang ito kaysa sa iba pa? Tatalakayin ng artikulong ito ang katangian ng pagkamahabaginang damdamin ng pakikiramay sa pagdurusa o kapighatian ng iba lakip ang pagnanais na maibsan iyon.

2, 3. (a) Bakit likas sa mga tao na maging mahabagin? (b) Bakit dapat kang maging interesado sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagkamahabagin?
2 Ang mga tao ay nilalang ayon sa larawan ng Diyos. Kaya naman, dahil si Jehova ay mahabagin, likas sa tao ang magmalasakit sa kapuwa. Kahit ang mga hindi nakakakilala sa tunay na Diyos ay nagpapakita rin ng habag. (Gen. 1:27) Sa Bibliya, maraming ulat tungkol sa mga taong nagpakita ng habag. Halimbawa, noong panahon ni Haring Solomon, may dalawang babae na parehong nag-aangking ina ng isang sanggol. Nang subukin sila ni Solomon at ipag-utos na hatiin ang sanggol, nahabag ang tunay na ina. Ito ang nagpakilos sa kaniya na ipaubaya na lang ang sanggol. (1 Hari 3:23-27) Tandaan din ang anak na babae ni Paraon na nagligtas sa buhay ng sanggol na si Moises. Kahit alam niya na anak ito ng mga Hebreo at hindi ito dapat mabuhay, “nahabag siya ritoat ipinasiyang kupkupin ito bilang anak.—Ex. 2:5, 6.

3 Bakit dapat kang maging interesado sa pagiging mahabagin? Dahil pinasisigla ka ng Bibliya na tularan si Jehova. (Efe. 5:1) Nilikha tayo na maging mahabagin. Pero bilang mga di-sakdal na inapo ni Adan, may tendensiya tayong unahin ang sarili. Kung minsan, hindi madaling magpasiya kung tutulungan natin ang iba o magpopokus na lang sa ating sarili. Para sa ilan, kailangan nilang manimbang. Ano ang tutulong sa iyo na magkaroon ng malasakit sa iba at mapanatili ito? Una, pag-aralan natin kung paano nagpakita ng habag si Jehova at ang iba. Pagkatapos, tingnan kung paano mo matutularan ang halimbawa ng Diyos at kung bakit makabubuti ito sa iyo.

SI JEHOVAANG SAKDAL NA HUWARAN NG PAGKAMAHABAGIN

4. (a) Bakit nagsugo si Jehova ng mga anghel sa Sodoma? (b) Ano ang itinuturo sa atin ng ulat tungkol kay Lot at sa kaniyang pamilya?
4 Sa Bibliya, maraming ulat na nagpakita si Jehova ng habag. Nariyan ang ginawa niya para kay Lot. Ang matuwid na taong iyon aynabagabagsa may-kapangahasang paggawi ng mga nakatira sa Sodoma at Gomorra. Ipinasiya ng Diyos na karapat-dapat mamatay ang imoral na mga taong iyon. (2 Ped. 2:7, 8) Nagsugo ang Diyos ng mga anghel para iligtas si Lot. Hinimok ng mga ito si Lot at ang kaniyang pamilya na iwan ang mga lunsod na nakatakdang puksain. “Nang siya ay nagluluwat pa, sa habag nga ni Jehova sa kaniya, sinunggaban ng mga [anghel] ang kaniyang kamay at ang kamay ng kaniyang asawa at ang mga kamay ng kaniyang dalawang anak at inilabas nila siya at inilagay siya sa labas ng lunsod.” (Gen. 19:16) Hindi ba ipinakikita nito na alam na alam ni Jehova ang mahihirap na sitwasyong pinagdaraanan ng kaniyang tapat na mga lingkod?—Isa. 63:7-9; Sant. 5:11; 2 Ped. 2:9.

5. Paano tayo tinutulungan ng Salita ng Diyos na maging mahabagin, gaya ng makikita sa 1 Juan 3:17?
5 Bukod sa pagpapakita ng habag, tinuturuan din ni Jehova ang kaniyang mga lingkod na maging mahabagin. Pansinin ang isang batas na ibinigay niya sa bansang Israel tungkol sa pagkuha sa kasuotan ng isang tao bilang paniguro sa pautang. (Basahin ang Exodo 22:26, 27.) Kung ang isang nagpautang ay walang awa, baka agawin niya ang kasuotan ng taong may utang sa kaniya, na pantakip nito sa pagtulog. Pero tinuruan ni Jehova ang kaniyang bayan na huwag maging manhid at walang malasakit. Sa halip, dapat silang maging mahabagin. Hindi ba tayo naaantig sa simulaing nasa likod ng batas na iyon? Tiyak na hindi natin pababayaang magdusa ang ating mga kapatid kung may magagawa tayo para maibsan ang kanilang paghihirap!—Col. 3:12; Sant. 2:15, 16; basahin ang 1 Juan 3:17.

6. Anong aral ang matututuhan natin sa paulit-ulit na pagsisikap ni Jehova na tulungang magbago ang makasalanang mga Israelita?
6 Naging mahabagin si Jehova sa kaniyang bayang Israel kahit noong magkasala sila. Mababasa natin: “Si Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno ay patuloy na nagsugo laban sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga mensahero, na nagsusugo nang paulit-ulit, sapagkat siya ay nahabag sa kaniyang bayan at sa kaniyang tahanan.” (2 Cro. 36:15) Hindi ba dapat din tayong mahabag sa mga makasalanan na maaaring magsisi at maging kaibigan ng Diyos? Ayaw ni Jehova na mapuksa ang sinuman sa dumarating na paghatol. (2 Ped. 3:9) Kaya hanggat hindi pa kumikilos ang Diyos para puksain ang masasama, patuloy nating ihayag ang kaniyang babalang mensahe para makinabang ang iba sa kaniyang habag.

7, 8. Bakit naniniwala ang isang pamilya na pinagpakitaan sila ni Jehova ng habag?
7 Sa ngayon, maraming lingkod ng Diyos ang nakadama ng kaniyang habag. Nariyan ang pamilya ng 12-anyos na si Milan. Dekada ’90 noon at naglilipulan ang mga grupong etniko sa Bosnia. Si Milan, ang kaniyang nakababatang kapatid at mga magulang, kasama ng iba pang mga Saksi, ay nakasakay sa bus mula Bosnia papuntang Serbia. Dadalo sila ng kombensiyon kung saan babautismuhan ang mga magulang ni Milan. Pagdating sa border, pinababa ng mga sundalo ang pamilya dahil iba ang lahi ng mga ito, pero pinayagan nilang magpatuloy sa paglalakbay ang ibang mga kapatid. Pagkaraan ng dalawang araw sa kustodiya, tinawagan ng opisyal sa radyo ang nakatataas sa kaniya para malaman kung ano ang gagawin sa pamilya. Nakatayo ang opisyal sa harap ng pamilya kaya dinig na dinig nila ang sagot, “Kunin nyo sila at pagbabarilin!”

8 Habang kausap ng opisyal ang kaniyang mga tauhan, dalawang estranghero ang lumapit sa pamilya at nagpakilalang mga Saksi. Nabalitaan nila ang nangyari mula sa ibang nakasakay sa bus. Sinabihan nila si Milan at ang kapatid nito na sumakay sa kanilang kotse na tatawid sa border, dahil hindi naman tinitingnan ang papeles ng mga bata. Pagkatapos, sinabihan nila ang mga magulang ni Milan na maglakad at dumaan sa likod ng himpilan ng border at tagpuin sila sa kabilang panig. Hindi alam ni Milan kung matatawa siya o maiiyak sa sinabi nila. Nagtanong ang mga magulang, “Sa tingin nyo ba, basta na lang nila kami hahayaang makaalis?” Pero habang naglalakad sila papalayo, parang hindi sila nakikita ng mga sundalo. Nagkita-kita ang pamilya sa kabilang panig ng border. Naglakbay sila papunta sa lunsod ng kombensiyon, na kumbinsidong sinagot ni Jehova ang kanilang marubdob na panalangin. Alam natin na sa Bibliya, may mga panahong hindi tuwirang namagitan si Jehova para protektahan ang kaniyang mga lingkod. (Gawa 7:58-60) Pero sinabi ni Milan, “Para bang binulag ng mga anghel ang mga sundalo at iniligtas kami ni Jehova.”—Awit 97:10.

9. Ano ang naging reaksiyon ni Jesus sa kalagayan ng mga taong sumusunod sa kaniya? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
9 May aral tayong matututuhan kay Jesus. Nahabag siya sa mga taong nakita niya dahilsila ay nabalatan at naipagtabuyan kung saan-saan tulad ng mga tupang walang pastol.” Ano ang ginawa niya? “Nagsimula siyang magturo sa kanila ng maraming bagay.” (Mat. 9:36; basahin ang Marcos 6:34.) Ibang-iba nga siya sa mga Pariseo, na ayaw tumulong sa karaniwang mga tao. (Mat. 12:9-14; 23:4; Juan 7:49) Gaya ni Jesus, gustong-gusto mo rin bang tulungan ang mga taong gutóm sa espirituwal?

10, 11. Dapat ba tayong magpakita ng habag sa lahat ng sitwasyon? Ipaliwanag.
10 Hindi ibig sabihin nito na angkop magpakita ng habag sa lahat ng sitwasyon. Halimbawa, inakala ni Haring Saul na nagpapakita siya ng habag dahil hindi niya pinatay si Agag, na isang kaaway ng bayan ng Diyos, pati na ang pinakamainam ng kawan. Pero pagsuway ito sa utos ni Jehova, kung kaya itinakwil niya si Saul sa pagiging hari ng Israel. (1 Sam. 15:3, 9, 15) Siyempre pa, si Jehova ang matuwid na Hukom. Nababasa niya ang puso ng tao at alam niya kung kailan hindi nararapat magpakita ng habag. (Panag. 2:17; Ezek. 5:11) Malapit na niyang ilapat ang hatol sa lahat ng ayaw sumunod sa kaniya. (2 Tes. 1:6-10) Sa panahong iyon, hindi na niya pagpapakitaan ng habag ang mga hinatulan niya bilang masasama. Sa halip, pupuksain niya ang mga ito bilang kapahayagan ng kaniyang habag para sa mga matuwid, na kaniyang ililigtas.

11 Malinaw kung gayon na hindi tayo ang hahatol kung sino ang dapat mapuksa o maligtas. Pero dapat nating gawin ang ating buong makakaya ngayon para tulungan ang mga tao. Kaya paano tayo makapagpapakita ng angkop na habag sa ating kapuwa? Tingnan natin ang ilang paraan.

KUNG PAANO TAYO MAGPAPAKITA NG HABAG

12. Paano ka magpapakita ng habag sa pakikitungo mo sa iba?
12 Maging matulungin sa pang-araw-araw na buhay. Kahilingan sa mga Kristiyano ang pagpapakita ng habag sa kapuwa at sa kanilang mga kapatid. (Juan 13:34, 35; 1 Ped. 3:8) Ang isang kahulugan ng habag ay angmagdusang magkasama.” Ang taong may habag ay napakikilos na ibsan ang pagdurusa ng iba at tulungan sila sa kanilang mga problema. Kaya maghanap ng mga pagkakataon para magawa iyan. Halimbawa, puwede mo bang tulungan ang iba sa kanilang mga gawain sa bahay, o sa anumang gusto nilang ipakisuyo sa iyo?—Mat. 7:12.

Tinutulungan ng isang kabataang brother ang isang may-edad nang brother sa gadyet nito
Magpakita ng habag sa pamamagitan ng pag-aalok ng praktikal na tulong (Tingnan ang parapo 12)
13. Anong mga katangian ng bayan ng Diyos ang litaw na litaw pagkatapos ng mga sakuna?
13 Tulungan ang mga nasalanta. Marami ang nahahabag at gustong tumulong sa mga biktima ng sakuna. Kilala ang bayan ni Jehova sa pagtulong sa mga nasalanta. (1 Ped. 2:17) Halimbawa, isang sister sa Japan ang nakatira sa lugar na matinding napinsala ng lindol at tsunami noong 2011. Sinabi niya natalagang napatibay at naaliwsiya dahil maraming boluntaryo ang dumating mula sa ibat ibang bahagi ng Japan at mula sa ibang bansa para kumpunihin ang nasirang mga bahay at Kingdom Hall. Isinulat niya: “Dahil sa naranasan kong ito, nakita ko na nagmamalasakit si Jehova. At nagmamalasakit ang mga kapuwa Saksi sa isat isa. Maraming kapatid sa buong daigdig ang nananalangin para sa amin.”

14. Paano mo matutulungan ang mga maysakit at may-edad?
14 Tulungan ang mga maysakit at may-edad. Nahahabag tayo sa mga dumaranas ng masasamang epekto ng kasalanan ni Adan. Gustong-gusto na nating mawala ang pagkakasakit at pagtanda. Kaya naman idinadalangin nating dumating na sana ang Kaharian ng Diyos. Samantala, ginagawa natin ang ating buong makakaya para tulungan ang mga nangangailangan. Pansinin ang isinulat ng isang awtor tungkol sa may-edad niyang ina na may sakit na Alzheimers. Isang araw, nadumhan ng kaniyang ina ang damit nito. Habang naglilinis ito ng sarili, tumunog ang doorbell. Naroon ang dalawang Saksi na regular na dumadalaw sa kaniya. Nagtanong ang mga sister kung may maitutulong sila. “Nakakahiya man, pero oo,” ang sagot ng babae. Tinulungan siya ng mga sister na maglinis. Pagkatapos, ipinaghanda nila siya ng tsaa at nakipagkuwentuhan. Laking pasasalamat ng anak dahil dito. “Saludo ako sa mga Saksing ito,” ang isinulat niya. “Ginagawa nila ang sinasabi nila.” Pinakikilos ka ba ng habag sa mga maysakit at may-edad na gawin ang iyong buong makakaya para maibsan ang kanilang paghihirap?—Fil. 2:3, 4.

15. Paano nakatutulong sa iba ang ating gawaing pangangaral?
15 Tulungan ang mga tao sa espirituwal na paraan. Kapag nakikita natin ang mga problema at álalahanín ng mga tao, napakikilos tayong tulungan sila sa espirituwal. Ang pinakamagandang paraan ay ang pagtuturo sa kanila ng tungkol sa Diyos at sa kaniyang Kaharian. Ang isa pang paraan ay ipakita sa kanila na matalinong mamuhay ayon sa mga pamantayan ng Diyos. (Isa. 48:17, 18) Ang ministeryo ay gawaing nagpaparangal kay Jehova at nagpapakita ng iyong habag sa iba. Maaari mo bang dagdagan ang pakikibahagi mo rito?—1 Tim. 2:3, 4.

MAKABUBUTI RIN SA IYO ANG PAGIGING MAHABAGIN

16. Paano makabubuti sa iyo ang pagiging mahabagin?
16 Ayon sa mga eksperto sa kalusugan ng isip, ang pagiging mahabagin ay makabubuti sa kalusugan at sa ating kaugnayan sa ibang tao. Kapag tinutulungan mo ang mga nagdurusa, mas magiging maligaya ka, positibo, di-gaanong malungkutin, at di-masyadong nag-iisip ng negatibong mga bagay. Oo, makabubuti rin sa iyo ang pagiging mahabagin. (Efe. 4:31, 32) Kapag inuudyukan tayo ng pag-ibig na tumulong sa iba, nagkakaroon tayo ng mabuting budhi dahil alam nating kumikilos tayo ayon sa mga simulain ng Diyos. Dahil dito, nagiging mas mahusay tayong magulang, asawa, at kaibigan. At ang mga nagpapakita ng habag sa iba ay mas malamang na tumanggap ng tulong kapag sila naman ang nangangailangan.—Basahin ang Mateo 5:7; Lucas 6:38.

17. Bakit mo gustong maging mahabagin?
17 Siyempre pa, nagpapakita ka ng habag hindi lang dahil makabubuti ito sa iyo. Sa halip, ang pangunahing dahilan mo ay para tularan at luwalhatiin ang Bukal ng pag-ibig at habag, ang Diyos na Jehova. (Kaw. 14:31) Siya ang nagpapakita ng sakdal na halimbawa sa atin. Kung gayon, gawin natin ang ating buong makakaya na tularan ang Diyos sa pagpapakita ng habag. Sa paggawa nito, magiging malapít tayo sa ating mga kapatid at magkakaroon ng mabuting kaugnayan sa ating kapuwa.—Gal. 6:10; 1 Juan 4:16.

Nahabag si Jesús sa laláking may tuyot ná kamáy

Tuláran áng Pagkamahabagin ni Jehóva

00:0019:31
Si Jehóva ná Diyós ng kaniláng mgá ninúno ay . . . nahabag sa kaniyáng báyan.”—2 CRO. 36:15.

ÁWIT: 142, 12
PAÁNO MO SASAGUTÍN?
Bákit mahírap magpakíta ng habág kung mínsan?
Paáno tinuturúan ni Jehóva áng kaniyáng báyan ná magíng mahabagin?
Sa anóng mgá sitwasyón ka maaáring magpakíta ng habág?
1. Sa anóng espesyál ná paraán isiniwálat ni Jehóva áng kaniyáng saríli kay Móises? At bákit itó mahalagá?
MÍNSAN, isiniwálat ng Diyós áng kaniyáng saríli kay Móises sa pamamagítan ng pághahayág ng Kaniyáng pangálan at mgá katangían. Áng únang binanggít niyá ay áng áwa at kagandaháng-loób [“compassionate,” nwt-E]. (Basáhin áng Exodo 34:5-7.) Puwéde sánang itampók ni Jehóva áng kaniyáng kapangyaríhan o karunúngan. Péro pára kay Móises, ná humíhingí ng katibáyan ng túlong ng Diyós, idiniín ni Jehóva áng mgá katangíang nagpápakíta ná handâ Siyáng tumúlong sa kaniyáng mgá lingkód. (Ex. 33:13) Hindî ba nakaáantíg ná únang binanggít ng Diyós áng mgá katangíang itó káysa sa ibá pa? Tátalakáyin ng artíkulong itó áng katangían ng pagkamahabagináng damdámin ng pakikiramay sa pagdurúsa o kapighatían ng ibá lákip áng pagnanáis ná maibsan iyón.

2, 3. (a) Bákit likás sa mgá táo ná magíng mahabagin? (b) Bákit dápat kang magíng interesádo sa sinasábi ng Bíbliya tungkól sa pagkamahabagin?
2 Áng mgá táo ay nilaláng áyon sa laráwan ng Diyós. Kayâ namán, dáhil si Jehóva ay mahabagin, likás sa táo áng magmalasakit sa kápuwa. Káhit áng mgá hindî nakakakilala sa túnay ná Diyós ay nagpápakíta rín ng habág. (Gen. 1:27) Sa Bíbliya, maráming úlat tungkól sa mgá táong nagpakíta ng habág. Halimbáwa, noóng panahón ni Háring Solomón, may dalawáng babáe ná parehong nag-aangkíng iná ng isáng sanggól. Nang subúkin silá ni Solomón at ipag-útos ná hatiin áng sanggól, nahabag áng túnay ná iná. Itó áng nagpakilos sa kaniyá ná ipaubáya ná lang áng sanggól. (1 Hári 3:23-27) Tandaán din áng anák ná babáe ni Paraon ná nagligtás sa búhay ng sanggól ná si Móises. Káhit alám niyá ná anák itó ng mgá Hébreo at hindî itó dápat mabúhay, “nahabag siyá rítoat ipinasiyang kupkupin itó bílang anák.—Ex. 2:5, 6.

3 Bákit dápat kang magíng interesádo sa pagíging mahabagin? Dáhil pinasísigla ka ng Bíbliya ná tuláran si Jehóva. (Efe. 5:1) Nilikhá táyo ná magíng mahabagin. Péro bílang mgá dí-sakdál ná inapó ni Adán, may tendénsiya táyong unáhin áng saríli. Kung mínsan, hindî madalíng magpasiyá kung tútulungan nátin áng ibá o magpopókus ná lang sa áting saríli. Pára sa ilán, kailángan niláng manimbang. Anó áng tutúlong sa iyó ná magkaroón ng malasákit sa ibá at mapanatíli itó? Úna, pag-arálan nátin kung paáno nagpakíta ng habág si Jehóva at áng ibá. Pagkatápos, tingnán kung paáno mo matútuláran áng halimbáwa ng Diyós at kung bákit makabubúti itó sa iyó.

SI JEHÓVAÁNG SAKDÁL NÁ HUWARAN NG PAGKAMAHABAGIN

4. (a) Bákit nagsúgo si Jehóva ng mgá anghél sa Sodóma? (b) Anó áng itinutúro sa átin ng úlat tungkól kay Lot at sa kaniyáng pamílya?
4 Sa Bíbliya, maráming úlat ná nagpakíta si Jehóva ng habág. Náriyan áng ginawâ niyá pára kay Lot. Áng matuwíd ná táong iyón aynabagábagsa may-kapangahasang paggáwì ng mgá nakatirá sa Sodóma at Gomórra. Ipinasiyá ng Diyós ná karápat-dápat mamatáy áng imorál ná mgá táong iyón. (2 Ped. 2:7, 8) Nagsúgo áng Diyós ng mgá anghél pára iligtás si Lot. Hinímok ng mgá itó si Lot at áng kaniyáng pamílya ná íwan áng mgá lunsód ná nakatakdáng puksaín. “Nang siyá ay nagluluwat pa, sa habág ngâ ni Jehóva sa kaniyá, sinunggaban ng mgá [anghél] áng kaniyáng kamáy at áng kamáy ng kaniyáng asáwa at áng mgá kamáy ng kaniyáng dalawáng anák at inilabás nilá siyá at inilagáy siyá sa labás ng lunsód.” (Gen. 19:16) Hindî ba ipinakikíta nitó ná alám ná alám ni Jehóva áng mahihírap ná sitwasyóng pinagdaraánan ng kaniyáng tapát ná mgá lingkód?—Isá. 63:7-9; Sant. 5:11; 2 Ped. 2:9.

5. Paáno táyo tinútulúngan ng Salitâ ng Diyós ná magíng mahabagin, gáya ng makikíta sa 1 Juán 3:17?
5 Bukód sa pagpapakita ng habág, tinuturúan din ni Jehóva áng kaniyáng mgá lingkód ná magíng mahabagin. Pansinín áng isáng batás ná ibinigáy niyá sa bansáng Israél tungkól sa pagkúha sa kasuotan ng isáng táo bílang paniguro sa pautang. (Basáhin áng Exodo 22:26, 27.) Kung áng isáng nagpautang ay waláng áwa, bakâ agáwin niyá áng kasuotan ng táong may útang sa kaniyá, ná pantakip nitó sa pagtulog. Péro tinurúan ni Jehóva áng kaniyáng báyan ná huwág magíng manhid at waláng malasákit. Sa halíp, dápat siláng magíng mahabagin. Hindî ba táyo naaantig sa simuláing nása likód ng batás ná iyón? Tiyák ná hindî nátin pababayaang magdúsa áng áting mgá kapatíd kung may magágawa táyo pára maibsan áng kaniláng paghihiráp!—Col. 3:12; Sant. 2:15, 16; basáhin áng 1 Juán 3:17.

6. Anóng áral áng matútutúhan nátin sa paúlit-úlit ná pagsisíkap ni Jehóva ná tulungang magbágo áng makasalánang mgá Israelíta?
6 Nagíng mahabagin si Jehóva sa kaniyáng báyang Israél káhit noóng magkasála silá. Mababása nátin: “Si Jehóva ná Diyós ng kaniláng mgá ninúno ay patúloy ná nagsúgo lában sa kanilá sa pamamagítan ng kaniyáng mgá mensahéro, ná nagsusugo nang paúlit-úlit, sapagkát siyá ay nahabag sa kaniyáng báyan at sa kaniyáng tahánan.” (2 Cro. 36:15) Hindî ba dápat din táyong mahabag sa mgá makasalánan ná maaáring magsísi at magíng kaibígan ng Diyós? Áyaw ni Jehóva ná mapuksa áng sinumán sa dumárating ná paghátol. (2 Ped. 3:9) Kayâ hanggát hindî pa kumikílos áng Diyós pára puksaín áng masasamá, patúloy náting ihayag áng kaniyáng babaláng mensáhe pára makinábang áng ibá sa kaniyáng habág.

7, 8. Bákit naniniwála áng isáng pamílya ná pinagpakitáan silá ni Jehóva ng habág?
7 Sa ngayón, maráming lingkód ng Diyós áng nakádamá ng kaniyáng habág. Náriyan áng pamílya ng 12-ányos ná si Milan. Dekáda ’90 noón at naglilipulan áng mgá grúpong etniko sa Bosnia. Si Milan, áng kaniyáng nakababatang kapatíd at mgá magúlang, kasáma ng ibá pang mgá Saksí, ay nakasakáy sa bus mulâ Bosnia papuntang Serbia. Dadalo silá ng kombénsiyon kung saán babautismuhan áng mgá magúlang ni Milan. Pagdatíng sa border, pinababa ng mgá sundalo áng pamílya dáhil ibá áng láhì ng mgá itó, péro pinayágan niláng magpatúloy sa paglalakbáy áng ibáng mgá kapatíd. Pagkaraán ng dalawáng áraw sa kustodiya, tinawágan ng opisyál sa rádyo áng nakatátaás sa kaniyá pára malamán kung anó áng gágawin sa pamílya. Nakatayó áng opisyál sa haráp ng pamílya kayâ diníg ná diníg nilá áng sagót, “Kunin nyo silá at pagbabarilin!”

8 Hábang kaúsap ng opisyál áng kaniyáng mgá taúhan, dalawáng estranghero áng lumápit sa pamílya at nagpakilalang mgá Saksí. Nabalitáan nilá áng nangyári mulâ sa ibáng nakasakáy sa bus. Sinabíhan nilá si Milan at áng kapatíd nitó ná sumakáy sa kaniláng kotse ná tatawid sa border, dáhil hindî namán tinítingnán áng papeles ng mgá batà. Pagkatápos, sinabíhan nilá áng mgá magúlang ni Milan ná maglakad at dumaán sa likód ng himpilan ng border at tagpuin silá sa kabílang pánig. Hindî alám ni Milan kung matatawa siyá o maiiyak sa sinábi nilá. Nagtanóng áng mgá magúlang, “Sa tingín nyo ba, bastá ná lang nilá kamí háhayáang makaalis?” Péro hábang naglálakad silá papalayo, párang hindî silá nakikíta ng mgá sundalo. Nagkita-kíta áng pamílya sa kabílang pánig ng border. Naglakbáy silá papúnta sa lunsód ng kombénsiyon, ná kumbinsídong sinagót ni Jehóva áng kaniláng marubdób ná panalángin. Alám nátin ná sa Bíbliya, may mgá panahóng hindî tuwirang namagitan si Jehóva pára protéktahan áng kaniyáng mgá lingkód. (Gawâ 7:58-60) Péro sinábi ni Milan, “Pára bang binulag ng mgá anghél áng mgá sundalo at iniligtás kamí ni Jehóva.”—Áwit 97:10.

9. Anó áng nagíng reaksiyón ni Jesús sa kalagáyan ng mgá táong sumúsunod sa kaniyá? (Tingnán áng laráwan sa simulá ng artíkulo.)
9 May áral táyong matútutúhan kay Jesús. Nahabag siyá sa mgá táong nakíta niyá dáhilsilá ay nabalatan at naipagtabuyan kung saán-saán túlad ng mgá túpang waláng pastól.” Anó áng ginawâ niyá? “Nagsimulâ siyáng magtúrò sa kanilá ng maráming bágay.” (Mat. 9:36; basáhin áng Marcos 6:34.) Ibáng-ibá ngâ siyá sa mgá Pariséo, ná áyaw tumúlong sa karaníwang mgá táo. (Mat. 12:9-14; 23:4; Juán 7:49) Gáya ni Jesús, gustóng-gustó mo rín bang tulúngan áng mgá táong gutóm sa espirituwál?

10, 11. Dápat ba táyong magpakíta ng habág sa lahát ng sitwasyón? Ipaliwánag.
10 Hindî íbig sabíhin nitó ná angkóp magpakíta ng habág sa lahát ng sitwasyón. Halimbáwa, inakála ni Háring Saúl ná nagpápakíta siyá ng habág dáhil hindî niyá pinatáy si Agag, ná isáng kaáway ng báyan ng Diyós, patí ná áng pinakamainam ng káwan. Péro pagsuwáy itó sa útos ni Jehóva, kung kayâ itinakwíl niyá si Saúl sa pagíging hári ng Israél. (1 Sam. 15:3, 9, 15) Síyempre pa, si Jehóva áng matuwíd ná Hukóm. Nababasá niyá áng púso ng táo at alám niyá kung kailán hindî nararápat magpakíta ng habág. (Panag. 2:17; Ezek. 5:11) Malapít ná niyáng ilapat áng hátol sa lahát ng áyaw sumunód sa kaniyá. (2 Tes. 1:6-10) Sa panahóng iyón, hindî ná niyá pagpapakitaan ng habág áng mgá hinatúlan niyá bílang masasamá. Sa halíp, pupuksaín niyá áng mgá itó bílang kapahayagán ng kaniyáng habág pára sa mgá matuwíd, ná kaniyáng ilíligtás.

11 Malínaw kung gayón ná hindî táyo áng hahatol kung síno áng dápat mapuksa o maligtás. Péro dápat náting gawín áng áting buóng makakáya ngayón pára tulúngan áng mgá táo. Kayâ paáno táyo makapagpapakita ng angkóp ná habág sa áting kápuwa? Tingnán nátin áng iláng paraán.

KUNG PAÁNO TÁYO MAGPÁPAKÍTA NG HABÁG

12. Paáno ka magpápakíta ng habág sa pakikitúngo mo sa ibá?
12 Magíng matulungin sa pang-áraw-áraw ná búhay. Kahilíngan sa mgá Kristiyáno áng pagpapakita ng habág sa kápuwa at sa kaniláng mgá kapatíd. (Juán 13:34, 35; 1 Ped. 3:8) Áng isáng kahulugán ng habág ay ángmagdusang magkasáma.” Áng táong may habág ay napakikilos ná ibsan áng pagdurúsa ng ibá at tulúngan silá sa kaniláng mgá probléma. Kayâ maghanáp ng mgá pagkakátaon pára magawâ iyán. Halimbáwa, puwéde mo bang tulúngan áng ibá sa kaniláng mgá gawáin sa báhay, o sa anumáng gustó niláng ipakisuyo sa iyó?—Mat. 7:12.

Tinútulúngan ng isáng kabatáang bróther áng isáng may-edád nang bróther sa gadyet nitó
Magpakíta ng habág sa pamamagítan ng pag-aalok ng praktikál ná túlong (Tingnán áng párapo 12)
13. Anóng mgá katangían ng báyan ng Diyós áng litaw ná litaw pagkatápos ng mgá sakunâ?
13 Tulúngan áng mgá nasalanta. Marámi áng nahahabag at gustóng tumúlong sa mgá bíktima ng sakunâ. Kilála áng báyan ni Jehóva sa pagtúlong sa mgá nasalanta. (1 Ped. 2:17) Halimbáwa, isáng síster sa Japan áng nakatirá sa lugár ná matindíng napinsala ng lindól at tsunami noóng 2011. Sinábi niyá nátalagáng napatíbay at naalíwsiyá dáhil maráming boluntáryo áng dumatíng mulâ sa ibát ibáng bahági ng Japan at mulâ sa ibáng bansâ pára kumpunihin áng nasirang mgá báhay at Kingdom Hall. Isinúlat niyá: “Dáhil sa naranásan kong itó, nakíta ko ná nagmámalasákit si Jehóva. At nagmámalasákit áng mgá kápuwa Saksí sa isát isá. Maráming kapatíd sa buóng daigdíg áng nanánalángin pára sa ámin.”

14. Paáno mo matutulúngan áng mgá maysakít at may-edád?
14 Tulúngan áng mgá maysakít at may-edád. Nahahabag táyo sa mgá dumaránas ng masasamáng epékto ng kasalánan ni Adán. Gustóng-gustó ná náting mawalá áng pagkákasákit at pagtandá. Kayâ namán idinadalangin náting dumatíng ná sána áng Kaharián ng Diyós. Samantála, ginágawâ nátin áng áting buóng makakáya pára tulúngan áng mgá nangangailángan. Pansinín áng isinúlat ng isáng áwtor tungkól sa may-edád niyáng iná ná may sakít ná Alzheimers. Isáng áraw, nadumhan ng kaniyáng iná áng damít nitó. Hábang naglilinis itó ng saríli, tumunog áng doorbell. Naroón áng dalawáng Saksí ná regulár ná dumadálaw sa kaniyá. Nagtanóng áng mgá síster kung may maitutúlong silá. “Nakakahiya man, péro óo,” áng sagót ng babáe. Tinulúngan siyá ng mgá síster ná maglínis. Pagkatápos, ipinaghanda nilá siyá ng tsaa at nakipagkuwentuhan. Lakíng pasasalámat ng anák dáhil díto. “Saludo akó sa mgá Saksing itó,” áng isinúlat niyá. “Ginágawâ nilá áng sinasábi nilá.” Pinakikilos ka ba ng habág sa mgá maysakít at may-edád ná gawín áng iyóng buóng makakáya pára maibsan áng kaniláng paghihiráp?—Fil. 2:3, 4.

15. Paáno nakatutúlong sa ibá áng áting gawáing pangangáral?
15 Tulúngan áng mgá táo sa espirituwál ná paraán. Kapág nakikíta nátin áng mgá probléma at alalahánin ng mgá táo, napakikilos táyong tulúngan silá sa espirituwál. Áng pínakamagandáng paraán ay áng pagtutúro sa kanilá ng tungkól sa Diyós at sa kaniyáng Kaharián. Áng isá pang paraán ay ipakíta sa kanilá ná matalínong mamúhay áyon sa mgá pamantáyan ng Diyós. (Isá. 48:17, 18) Áng ministéryo ay gawáing nagpaparangal kay Jehóva at nagpápakíta ng iyóng habág sa ibá. Maaári mo bang dagdagan áng pakíkibahagi mo ríto?—1 Tim. 2:3, 4.

MAKABUBÚTI RÍN SA IYÓ ÁNG PAGÍGING MAHABAGIN

16. Paáno makabubúti sa iyó áng pagíging mahabagin?
16 Áyon sa mgá eksperto sa kalusúgan ng ísip, áng pagíging mahabagin ay makabubúti sa kalusúgan at sa áting kaugnáyan sa ibáng táo. Kapág tinútulúngan mo áng mgá nagdurusa, mas magíging maligáya ka, positíbo, dí-gaánong malungkutin, at dí-masyádong nag-iísip ng negatíbong mgá bágay. Óo, makabubúti rín sa iyó áng pagíging mahabagin. (Efe. 4:31, 32) Kapág inuudyúkan táyo ng pag-íbig ná tumúlong sa ibá, nagkákaroón táyo ng mabúting budhî dáhil alám náting kumikílos táyo áyon sa mgá simuláin ng Diyós. Dáhil díto, nagíging mas mahúsay táyong magúlang, asáwa, at kaibígan. At áng mgá nagpápakíta ng habág sa ibá ay mas malamáng ná tumanggáp ng túlong kapág silá namán áng nangangailángan.—Basáhin áng Matéo 5:7; Lúcas 6:38.

17. Bákit mo gustóng magíng mahabagin?
17 Síyempre pa, nagpápakíta ka ng habág hindî lang dáhil makabubúti itó sa iyó. Sa halíp, áng pangunáhing dahilán mo ay pára tuláran at luwalhatíin áng Bukál ng pag-íbig at habág, áng Diyós ná Jehóva. (Kaw. 14:31) Siyá áng nagpápakíta ng sakdál ná halimbáwa sa átin. Kung gayón, gawín nátin áng áting buóng makakáya ná tuláran áng Diyós sa pagpapakita ng habág. Sa paggawà nitó, magíging malapít táyo sa áting mgá kapatíd at magkakaroón ng mabúting kaugnáyan sa áting kápuwa.—Gal. 6:10; 1 Juán 4:16.