Jesus 2

DINALAW NI MARIA ANG KAMAG-ANAL NIYANG SI ELISABET
Pagkatapos sabihin ni anghel Gabriel sa dalagang si Maria na siya ay magsisilang ng isang anak na lalaki, na tatawaging Jesus at magiging Hari magpakailanman, itinanong ni Maria: “Paano ito mangyayari? Wala pa akong asawa.”—Lucas 1:34.
Sasaiyo ang banal na espiritu,” ang sagot ni Gabriel, “at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya ang isisilang mo ay tatawaging banal, Anak ng Diyos.”—Lucas 1:35.
Marahil para maniwala si Maria sa mensahe, sinabi pa ni Gabriel: “Nagdadalang-tao rin ang kamag-anak mong si Elisabet. Anim na buwan na niyang ipinagbubuntis ang isang anak na lalaki, kahit matanda na siya at tinatawag na babaeng baog; dahil walang imposible sa Diyos.”—Lucas 1:36, 37.
Makikita sa sagot ni Maria na tinanggap niya ang sinabi ni Gabriel. “Ako ay aliping babae ni Jehova!” ang sabi niya. “Mangyari nawa sa akin ang lahat ng sinabi mo.”—Lucas 1:38.
Pag-alis ni Gabriel, naghanda na si Maria para dalawin si Elisabet, na nakatira kasama ng asawa niyang si Zacarias sa mga burol ng Juda malapit sa Jerusalem. Mula sa tahanan ni Maria sa Nazaret, mga tatlo o apat na araw ang paglalakbay.
Sa wakas, nakarating si Maria sa bahay nina Zacarias. Pagpasok niya, binati niya si Elisabet. Pagkatapos, napuspos si Elisabet ng banal na espiritu, at sinabi niya kay Maria: “Pinagpala ka sa lahat ng babae, at pinagpala ang sanggol na isisilang mo! Sino ba ako para mabigyan ng ganitong karangalan, na madalaw ng ina ng aking Panginoon? Dahil nang marinig ko ang pagbati mo, napalukso sa tuwa ang sanggol sa sinapupunan ko.”—Lucas 1:42-44. Buong-pusong nagpasalamat si Maria, na sinasabi: “Dinadakila ko si Jehova, at hindi mapigilan ng puso ko na mag-umapaw sa kagalakan dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas, dahil binigyang-pansin niya ang mababang kalagayan ng kaniyang aliping babae. Mula ngayon, tatawagin akong maligaya ng lahat ng henerasyon dahil ang makapangyarihang Diyos ay gumawa ng dakilang mga bagay para sa akin.” Mapapansin na kahit nabigyan ng Diyos si Maria ng ganito kalaking pagpapala, iniukol pa rin niya sa Diyos ang lahat ng papuri. “Banal ang pangalan niya,” ang sabi ni Maria, “at sa bawat lumilipas na henerasyon, ang kaniyang awa ay para sa mga natatakot sa kaniya.”—Lucas 1: 46-50.
Sa mga makahulang salita, patuloy na pinapurihan ni Maria ang Diyos, sa pagsasabi: “Kumilos siya gamit ang malakas niyang bisig; pinangalat niya ang mga hambog. Ibinaba niya ang makapangyarihang mga tao mula sa kanilang trono, at itinaas niya ang mabababa; lubusan niyang binusog ng mabubuting bagay ang mga gut ´ om at pinaalis nang walang dala ang mayayaman. Sinaklolohan niya ang Israel na kaniyang lingkod para alalahanin ang kaniyang awa, gaya ng ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kaniyang supling, magpakailanman.”—Lucas 1:51-55. Mga tatlong buwang nanatili si Maria kasama ni Elisabet, kaya malamang na naalalayan niya si Elisabet sa huling mga linggo ng pagbubuntis nito. Kay buti nga na ang dalawang tapat na babaeng ito, na parehong nagdalang-tao sa tulong ng Diyos, ay magkasama sa mga panahong ito ng kanilang buhay!
Pansinin din ang karangalang ibinigay kay Jesus bago pa man siya isilang. Tinawag siya ni Elisabet naaking Panginoon,” at ang sanggol sa sinapupunan nito aynapalukso sa tuwanang dumating si Maria. Ibang-iba ito sa magiging pakikitungo ng ibang tao kay Maria at sa kaniyang di-pa-naisisilang na sanggol, gaya ng makikita natin.
Ano ang sinabi ni Gabriel para tulungan si Maria na maintindihan kung paano siya magdadalang-tao?
Paano pinarangalan si Jesus bago pa man siya isilang?
Gaano katagal nanatili si Maria kasama ni Elisabet, at bakit niya ginawa iyon?
DINALAW NI MARÍA ÁNG KAMÁG-ANAL NIYÁNG SI ELÍSABET
Pagkatápos sabíhin ni anghél Gabriel sa dalagang si María ná siyá ay magsisilang ng isáng anák ná laláki, ná tatawáging Jesús at magíging Hári magpakailanmán, itinanóng ni María: “Paáno itó mangyayári? Walâ pa akóng asáwa.”—Lúcas 1:34.
Sasaiyo áng banál ná espíritu,” áng sagót ni Gabriel, “at lililiman ka ng kapangyaríhan ng Kátaás-taásan. Kayâ áng isisílang mo ay tatawáging banál, Anák ng Diyós.”—Lúcas 1:35.
Maráhil pára maniwála si María sa mensáhe, sinábi pa ni Gabriel: “Nagdádalang-táo rín áng kamág-anák mong si Elísabet. Ánim ná buwán ná niyáng ipinagbubuntis áng isáng anák ná laláki, káhit matanda ná siyá at tinatáwag ná babaeng baog; dáhil waláng imposíble sa Diyós.”—Lúcas 1:36, 37.
Makikíta sa sagót ni María ná tinanggáp niyá áng sinábi ni Gabriel. “Akó ay alíping babáe ni Jehóva!” áng sábi niyá. “Mangyári nawâ sa ákin áng lahát ng sinábi mo.”—Lúcas 1:38.
Pag-alís ni Gabriel, naghandá ná si María pára daláwin si Elísabet, ná nakatirá kasáma ng asáwa niyáng si Zacárias sa mgá búrol ng Júda malapít sa Jerusalém. Mulâ sa tahánan ni María sa Názaret, mgá tatló o ápat ná áraw áng paglalakbáy.
Sa wakás, nakaratíng si María sa báhay nína Zacárias. Pagpasok niyá, bináti niyá si Elísabet. Pagkatápos, napuspós si Elísabet ng banál ná espíritu, at sinábi niyá kay María: “Pinagpála ka sa lahát ng babáe, at pinagpála áng sanggól ná isisílang mo! Síno ba akó pára mabigyán ng ganitóng karangálan, ná madalaw ng iná ng áking Panginoón? Dáhil nang mariníg ko áng pagbáti mo, napalukso sa tuwá áng sanggól sa sinapupúnan ko.”—Lúcas 1:42-44. Buóng-púsong nagpasalamat si María, ná sinasábi: “Dinadakíla ko si Jehóva, at hindî mapigilan ng púso ko ná mag-umapaw sa kagalákan dáhil sa Diyós ná áking Tagapagligtás, dáhil binigyáng-pansín niyá áng mababang kalagáyan ng kaniyáng alíping babáe. Mulâ ngayón, tatawágin akóng maligáya ng lahát ng henerasyón dáhil áng makapangyaríhang Diyós ay gumawâ ng dakílang mgá bágay pára sa ákin.” Mapápansín ná káhit nabigyan ng Diyós si María ng ganitó kalakíng pagpapála, iniúkol pa rín niyá sa Diyós áng lahát ng papúri. “Banál áng pangálan niyá,” áng sábi ni María, “at sa báwat lumilípas ná henerasyón, áng kaniyáng áwa ay pára sa mgá natatákot sa kaniyá.”—Lúcas 1: 46-50.
Sa mgá makahúlang salitâ, patúloy ná pinapuríhan ni María áng Diyós, sa pagsasábi: “Kumílos siyá gámit áng malakás niyáng bisíg; pinangalat niyá áng mgá hambóg. Ibinaba niyá áng makapangyaríhang mgá táo mulâ sa kaniláng tróno, at itinaás niyá áng mababába; lubúsan niyáng binusog ng mabubúting bágay áng mgá gut ´ om at pinaalis nang waláng dála áng mayayaman. Sinaklolohan niyá áng Israél ná kaniyáng lingkód pára alalahánin áng kaniyáng áwa, gáya ng ipinangáko niyá sa áting mgá ninúno, kay Abrahám at sa kaniyáng supling, magpakailanmán.”—Lúcas 1:51-55. Mgá tatlóng buwang nanatíli si María kasáma ni Elísabet, kayâ malamáng ná naalalayan niyá si Elísabet sa hulíng mgá línggo ng pagbubuntis nitó. Kay buti ngâ ná áng dalawáng tapát ná babaeng itó, ná parehong nagdaláng-táo sa túlong ng Diyós, ay magkasáma sa mgá panahóng itó ng kaniláng búhay!
Pansinín din áng karangalang ibinigáy kay Jesús bágo pa man siyá isílang. Tináwag siyá ni Elísabet nááking Panginoón,” at áng sanggól sa sinapupúnan nitó aynapalukso sa tuwánang dumatíng si María. Ibáng-ibá itó sa magíging pakikitúngo ng ibáng táo kay María at sa kaniyáng dí-pa-naisisilang ná sanggól, gáya ng makikíta nátin.
Anó áng sinábi ni Gabriel pára tulúngan si María ná maintindihán kung paáno siyá magdadalang-táo?
Paáno pinarangalan si Jesús bágo pa man siyá isílang?
Gaáno katagál nanatíli si María kasáma ni Elísabet, at bákit niyá ginawâ iyón?