Tularan bantayan


Isang brother na lungkot na lungkot ang nakikipag-usap sa mga elder

Tularan ang Katarungan at Awa ni Jehova

00:0020:57
Humatol kayo taglay ang tunay na katarungan; at magpakita kayo sa isat isa ng maibiging-kabaitan at kaawaan.”—ZAC. 7:9.

AWIT: 125, 88
MAIPALILIWANAG MO BA?
Paano natin matutularan ang awa ni Jehova kapag kailangan ng iba ang ating pagpapatawad?
Paano natin naipakikita na tinutularan natin ang pananaw ni Jehova tungkol sa buhay?
Paano dapat tularan ng mga elder ang katarungan ni Jehova sa paghatol sa mga kaso ng pagkakasala?
1, 2. (a) Ano ang nadama ni Jesus sa Kautusan ng Diyos? (b) Paano pinilipit ng mga eskriba at mga Pariseo ang Kautusan?
MAHAL ni Jesus ang Kautusang Mosaiko. Bakit? Dahil ang Kautusan ay galing sa pinakaimportanteng Persona sa buhay niyaang kaniyang Ama, si Jehova. Inihula ang malalim na pagmamahal ni Jesus sa kautusan ng Diyos sa Awit 40:8: “Ang gawin ang iyong kalooban, O Diyos ko, ay kinalulugdan ko, at ang iyong kautusan ay nasa aking mga panloob na bahagi.” Sa salita at gawa, pinatunayan ni Jesus na ang Kautusan ng Diyos ay sakdal, kapaki-pakinabang, at tiyak na matutupad.—Mat. 5:17-19.

2 Kaya siguradong nasaktan si Jesus nang makita niyang pinipilipit ng mga eskriba at mga Pariseo ang Kautusan ng kaniyang Ama! Napakametikuloso nila sa kaliit-liitang detalye ng ilang utos. Alam ito ni Jesus, kaya sinabi niya: “Ibinibigay ninyo ang ikasampu ng yerbabuena at ng eneldo at ng komino.” Pero ano ang problema? Idinagdag niya: “Ngunit winalang-halaga ninyo ang mas mabibigat na bagay ng Kautusan, samakatuwid nga, katarungan at awa at katapatan.” (Mat. 23:23) Di-gaya ng mapagmatuwid na mga Pariseo, naunawaan ni Jesus ang diwa ng Kautusan, ang makadiyos na mga katangiang nasa likod ng bawat utos.

3. Ano ang tatalakayin natin sa artikulong ito?
3 Bilang mga Kristiyano, wala na tayo sa ilalim ng tipang Kautusan. (Roma 7:6) Pero iningatan ni Jehova ang Kautusan sa kaniyang Salita, ang Bibliya. Ayaw niyang masyado tayong magpokus sa mga detalye ng Kautusan, kundi gusto niyang unawain natin at sundin angmas mabibigat na bagaynito, ang matataas na simulaing nasa likod ng bawat utos. Halimbawa, anong mga simulain ang matututuhan natin sa kaayusan ng mga kanlungang lunsod? Sa naunang artikulo, tinalakay natin ang mga aral mula sa mga hakbang na kailangang gawin ng di-sinasadyang nakapatay. Pero matututuhan din natin sa mga kanlungang lunsod ang tungkol kay Jehova at kung paano natin matutularan ang mga katangian niya. Kaya sasagutin sa artikulong ito ang tatlong tanong: Paano masasalamin sa mga kanlungang lunsod ang awa ni Jehova? Ano ang matututuhan natin sa mga ito hinggil sa pananaw niya tungkol sa buhay? Paano masasalamin sa mga ito ang kaniyang perpektong katarungan? Sa bawat tanong, alamin kung paano mo matutularan ang iyong makalangit na Ama.—Basahin ang Efeso 5:1.

MGA LUNSOD NA KUMBINYENTE PARA SA INYO”—KAPAHAYAGAN NG AWA NG DIYOS

Mapa ng anim na kanlungang lunsod sa Israel at isang maayos na daan
4, 5. (a) Bakit ginawang madaling puntahan ang mga kanlungang lunsod, at paano? (b) Ano ang itinuturo nito tungkol kay Jehova?
4 Madaling puntahan ang anim na kanlungang lunsod. Iniutos ni Jehova sa Israel na pumili ng tigatlong lunsod sa magkabilang panig ng Ilog Jordan. Bakit? Para maging madali at kumbinyenteng puntahan ng sinumang nakapatay nang di-sinasadya. (Bil. 35:11-14) Tinitiyak na laging maayos ang mga daan papunta sa mga kanlungang lunsod. (Deut. 19:3) Ayon sa tradisyong Judio, may mga posteng pananda na nagtuturo ng direksiyon papunta sa mga iyon. Dahil sa mga kanlungang lunsod, ang nakapatay nang di-sinasadya ay hindi kailangang tumakas sa banyagang lupain, kung saan posibleng masangkot siya sa huwad na pagsamba.

5 Pag-isipan ito: Si Jehovaang Isa na nagsaayos ng parusang kamatayan para sa mga pumatay nang sinasadyaay nagbigay ng pagkakataon sa mga nakapatay nang di-sinasadya na makatanggap ng habag at proteksiyon! “Ang lahat ay ginawang malinaw, simple, at madali hanggat posible,” ang isinulat ng isang komentarista. “Napakabuti talaga ng Diyos.” Si Jehova ay hindi isang walang-awang hukom na sabik parusahan ang kaniyang mga lingkod. Sa halip, siya aymayaman sa awa.”—Efe. 2:4.

6. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng saloobin ng mga Pariseo at ng pagiging maawain ng Diyos.
6 Pero ang mga Pariseo ay nagkakait ng awa. Halimbawa, ayon sa tradisyon, hindi na nila mapapatawad ang isa na nakagawa ng gayunding pagkakamali nang higit sa tatlong beses. Para idiin ang maling saloobin nila, inilahad ni Jesus ang ilustrasyon tungkol sa isang Pariseo na nanalangin: “O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo na hindi ako gaya ng ibang tao, mga mangingikil, mga di-matuwid, mga mangangalunya, o maging ng maniningil ng buwis na ito”—isang maniningil ng buwis na mapagpakumbabang nananalangin para sa awa ng Diyos. Bakit ayaw ng mga Pariseo na magpakita ng awa? Sinasabi ng Bibliya naitinuturing [nila] na walang kabuluhan ang iba.”—Luc. 18:9-14.

Isang brother na nakikinig sa isang brother na humihingi ng tawad
Bukás ba at madaling puntahan angdaansa iyong pagpapatawad? Madali ka bang lapitan? (Tingnan ang parapo 4-8)
7, 8. (a) Kapag may nagkasala sa iyo, paano mo matutularan si Jehova? (b) Bakit nasusubok ang kapakumbabaan natin kung handa tayong magpatawad?
7 Tularan si Jehova, hindi ang mga Pariseo. Maging mahabagin. (Basahin ang Colosas 3:13.) Huwag pahirapan ang iba na humihingi ng tawad sa iyo. (Luc. 17:3, 4) Tanungin ang sarili: ‘Handa ko bang patawarin ang mga nakagawa ng pagkakamali sa akin, kahit nauulit nila iyon? Gustong-gusto ko bang ibalik ang kapayapaan sa nakasamaan ko ng loob o nakasakit sa akin?’

8 Masusubok ang kapakumbabaan natin kung handa tayong magpatawad. Nabigo riyan ang mga Pariseo dahil itinuturing nilang nakabababa ang ibang tao. Pero bilang mga Kristiyano, dapat tayong maging mapagpakumbaba, “na itinuturing na ang iba ay nakatataassa atin at karapat-dapat sa ating pagpapatawad. (Fil. 2:3) Tutularan mo ba si Jehova at patutunayang mapagpakumbaba ka? Panatilihing bukás at madaling puntahan angdaansa iyong pagpapatawad. Maging mabilis sa pagpapakita ng awa at mabagal sa paghihinanakit.—Ecles. 7:8, 9.

IGALANG ANG BUHAY, ATWALANG PAGKAKASALA SA DUGO ANG MAPAPASAIYO

9. Paano idiniin ni Jehova sa mga Israelita ang kabanalan ng buhay ng tao?
9 Isang pangunahing layunin ng mga kanlungang lunsod ay ang ipagsanggalang ang mga Israelita mula sa pagkakasala sa dugo. (Deut. 19:10) Napakahalaga ng buhay kay Jehova, at kinapopootan niya angmga kamay na nagbububo ng dugong walang-sala.” (Kaw. 6:16, 17) Dahil siya ay Diyos na makatarungan at banal, hindi niya ipinagkikibit-balikat kahit ang aksidenteng pagpatay. Totoo, pinagpapakitaan ng awa ang nakapatay nang di-sinasadya. Pero kailangan pa rin niyang iharap sa matatandang lalaki ang kaniyang kaso, at kung ideklara ngang aksidente ito, kailangan niyang manatili sa kanlungang lunsod hanggang sa mamatay ang mataas na saserdote. Kaya posibleng habambuhay na siyang maninirahan doon. Naidiin nito sa lahat ng Israelita ang kabanalan ng buhay ng tao. Para maparangalan ang kanilang Tagapagbigay-Buhay, kailangan nilang tiyakin na hindi nila naisasapanganib ang buhay ng iba dahil sa kanilang kapabayaan.

10. Paano ipinakita ni Jesus na walang pakundangan sa buhay ang mga eskriba at mga Pariseo?
10 Di-gaya ni Jehova, ang mga eskriba at mga Pariseo ay walang pakundangan sa buhay. Bakit? Sinabi ni Jesus sa kanila: “Inalis ninyo ang susi ng kaalaman; kayo mismo ay hindi pumasok, at yaong mga pumapasok ay hinadlangan ninyo!” (Luc. 11:52) Dapat sana ay buksan nila, o ipaliwanag, ang kahulugan ng Salita ng Diyos at tulungan ang iba na lumakad sa daan patungo sa buhay na walang hanggan. Pero inilayo nila ang mga tao saPunong Ahente ng buhay,” si Jesus, at inakay sila sa landas ng walang-hanggang pagkapuksa. (Gawa 3:15) Dahil makasarili at mapagmataas ang mga eskriba at mga Pariseo, wala silang pakialam sa buhay at kapakanan ng kanilang kapuwa. Napakalupit nila!

11. (a) Paano ipinakita ni apostol Pablo na tinularan niya ang pananaw ng Diyos tungkol sa buhay? (b) Ano ang tutulong sa atin na matularan ang saloobin ni Pablo sa ministeryo?
11 Paano natin matutularan si Jehova at maiiwasan ang saloobin ng mga eskriba at mga Pariseo? Dapat nating igalang at pahalagahan ang regalong buhay. Ginawa iyan ni apostol Pablo dahil lubusan siyang nagpatotoo tungkol sa Kaharian. Kaya nasabi niya: “Ako ay malinis sa dugo ng lahat ng tao.” (Basahin ang Gawa 20:26, 27.) Hindi ito ginawa ni Pablo dahil nakokonsensiya siya o obligadong mangaral. Sa halip, mahal niya ang mga tao, at mahalaga sa kaniya ang buhay nila. (1 Cor. 9:19-23) Dapat din nating tularan ang pananaw ng Diyos tungkol sa buhay. “Nais [ni Jehova] na ang lahat ay makaabot sa pagsisisi.” (2 Ped. 3:9) Ganiyan ka rin ba? Kung maawain ka, pakikilusin ka ng puso mo na maging mas masigasig sa ministeryo at magiging mas masaya ka sa gawaing ito.

12. Bakit mahalaga ang safety para sa bayan ng Diyos?
12 Matutularan din natin ang pananaw ni Jehova tungkol sa buhay kung palaisip tayo sa safety. Dapat tayong maging maingat sa pagmamaneho at pagtatrabahopati na kapag nagtatayo at nagmamantini ng mga lugar ng pagsamba, o nagbibiyahe papunta sa mga ito. Ang kalusugan at pagiging ligtas ang dapat na maging pangunahin sa atin, hindi ang bilis ng trabaho, gastos, o mga iskedyul. Laging ginagawa ng ating makatarungang Diyos ang tama at angkop. Gusto natin siyang tularan. Ang mga elder ay lalo nang dapat na maging palaisip sa kaligtasan nila at ng mga nakapaligid sa kanila. (Kaw. 22:3) Kaya kung paalalahanan ka ng isang elder tungkol sa mga tagubilin at pamantayan sa safety, tanggapin mo ito. (Gal. 6:1) Tularan ang pananaw ni Jehova tungkol sa buhay, atwalang pagkakasala sa dugo ang mapapasaiyo.”

HUMATOL KAYOAYON SA MGA KAHATULANG ITO

13, 14. Paano matutularan ng matatandang lalaki sa Israel ang katarungan ni Jehova?
13 Inutusan ni Jehova ang matatandang lalaki sa Israel na tularan ang kaniyang mataas na pamantayan sa katarungan. Kailangan muna nilang alamin ang buong katotohanan. Dapat din nilang maingat na timbang-timbangin ang motibo, saloobin, at nakaraang paggawi ng nakapatay bago magpasiya kung pagpapakitaan siya ng awa. Para matularan ang katarungan ng Diyos, kailangan nilang malaman kung ginawa niya ito dahil sapagkapootat kunginaabanganniya ang biktima dahil may masama siyang balak. (Basahin ang Bilang 35:20-24.) Kung may mga saksi, di-bababa sa dalawa ang kailangang tumestigo para mapatunayan kung sinadya nga ang pagpatay.—Bil. 35:30.

14 Kaya kapag nalaman na ng matatandang lalaki ang buong katotohanan, isasaalang-alang nila ang pagkatao ng indibiduwal, hindi lang ang ginawa niya. Kailangan nila ng kaunawaan para makita ang mga bagay na hindi agad napapansin, at maintindihan ang dahilan sa likod ng pangyayari. Higit sa lahat, kailangan nila ang banal na espiritu ni Jehova para matularan nila ang kaniyang kaunawaan, awa, at katarungan.—Ex. 34:6, 7.

15. Paano naiiba ang pananaw ni Jesus sa pananaw ng mga Pariseo sa mga makasalanan?
15 Ang mga Pariseo ay nagpokus lang sa nagawa ng nagkasala sa halip na sa pagkatao nito. Nang pumunta si Jesus sa salusalo sa bahay ni Mateo, tinanong ng mga Pariseo ang mga alagad: “Bakit nga ang inyong guro ay kumakain na kasama ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?” Sumagot si Jesus: “Ang mga taong malusog ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit. Humayo kayo, kung gayon, at alamin kung ano ang kahulugan nito, ‘Ang ibig ko ay awa, at hindi hain.’ Sapagkat ako ay pumarito upang tawagin, hindi ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan.” (Mat. 9:9-13) Kinukunsinti ba ni Jesus ang malulubhang kasalanan? Hindi. Sa katunayan, mahalagang bahagi ng mensahe ni Jesus ang panawagan na magsisi sa kasalanan. (Mat. 4:17) Pero dahil may kaunawaan siya, alam ni Jesus na maymga maniningil ng buwis at mga makasalananna gustong magbago. Hindi sila pumunta sa bahay ni Mateo para lang kumain. Sa halip, marami sa kanila ang sumusunod kay Jesus. (Mar. 2:15) Nakalulungkot, hindi nakita ng karamihan sa mga Pariseo ang nakita ni Jesus sa mga taong iyon. Itinuring ng mga Pariseo ang mga ito bilang makasalanan at wala nang pag-asang magbago. Ibang-iba nga sila sa makatarungan at maawaing Diyos na inaangkin nilang sinasamba!

16. Ano ang sisikaping maunawaan ng isang hudisyal na komite?
16 Dapat tularan ng mga elder sa ngayon si Jehova, namaibigin sa katarungan.” (Awit 37:28) Kailangan muna nilangmagsiyasat at mag-usisa nang lubusanpara tiyakin kung may nagawang pagkakasala. Kung mayroon nga, dapat nilang hawakan ang kaso ayon sa Kasulatan. (Deut. 13:12-14) Kapag humahatol sila bilang bahagi ng hudisyal na komite, dapat nilang maingat na tiyakin kung ang Kristiyanong nakagawa ng malubhang kasalanan ay nagsisisi. Hindi laging madaling makita kung nagsisisi o hindi ang isa. Sangkot dito ang kaniyang pananaw, disposisyon, at kalagayan ng puso. (Apoc. 3:3) Para tumanggap ng awa, dapat ay nagsisisi ang nagkasala. *

17, 18. Paano malalaman ng mga elder kung talagang nagsisisi ang nagkasala? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
17 Di-gaya ni Jehova at ni Jesus, ang mga elder ay hindi nakababasa ng puso. Kaya kung isa kang elder, paano mo malalaman kung talagang nagsisisi ang nagkasala? Una, manalangin para sa karunungan at kaunawaan. (1 Hari 3:9) Ikalawa, kumonsulta sa Salita ng Diyos at sa mga publikasyon ng tapat na alipin para malaman mo ang pagkakaiba ngkalungkutan ng sanlibutanat ngkalungkutan sa makadiyos na paraan,” ang tunay na pagsisisi. (2 Cor. 7:10, 11) Tingnan kung paano inilalarawan ng Kasulatan ang damdamin, saloobin, at paggawi ng mga nagsisisi at ng mga hindi nagsisisi.

18 Ikatlo, sikaping makita ang pagkatao ng nagkasala. Isaalang-alang ang kaniyang pinagmulan, motibo, at mga limitasyon. Inihula ng Bibliya tungkol kay Jesus, ang ulo ng kongregasyon: “Hindi siya hahatol ayon lamang sa nakita ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ayon lamang sa narinig ng kaniyang mga tainga. At sa katuwiran ay hahatulan niya ang mga maralita, at sa katapatan ay sasaway siya alang-alang sa maaamo sa lupa.” (Isa. 11:3, 4) Mga elder, kayo ang mga katulong na pastol ni Jesus, at tutulungan niya kayong makahatol ayon sa paraan niya. (Mat. 18:18-20) Nagpapasalamat tayo na mayroon tayong mapagkalingang mga elder! Pinahahalagahan natin ang kanilang walang-sawang pagsisikap na itaguyod ang awa at katarungan sa kongregasyon.

19. Anong aral mula sa mga kanlungang lunsod ang gusto mong ikapit?
19 Ang Kautusang Mosaiko ay maybalangkas ng kaalaman at ng katotohanantungkol kay Jehova at sa kaniyang matuwid na mga simulain. (Roma 2:20) Halimbawa, ang mga kanlungang lunsod ay nagtuturo sa mga elder nahumatol . . . taglay ang tunay na katarungan,” at nagtuturo sa ating lahat namagpakita . . . sa isat isa ng maibiging-kabaitan at kaawaan.” (Zac. 7:9) Wala na tayo sa ilalim ng Kautusan. Pero si Jehova ay hindi nagbabago at mahalaga pa rin sa kaniya ang katarungan at awa. Pribilehiyo nating sambahin ang Diyos na lumikha sa atin ayon sa kaniyang larawan. Kaya tularan natin siya at gawing kanlungan!

Nauna
Susunod

Isáng bróther ná lungkót ná lungkót áng nakikípag-úsap sa mgá élder

Tuláran áng Katarúngan at Áwa ni Jehóva

00:0020:57
Humatol kayó tagláy áng túnay ná katarúngan; at magpakíta kayó sa isát isá ng maibigíng-kabaítan at kaawaan.”—ZAC. 7:9.

ÁWIT: 125, 88
MAIPALILIWÁNAG MO BA?
Paáno nátin matútuláran áng áwa ni Jehóva kapág kailángan ng ibá áng áting pagpapatáwad?
Paáno nátin naipakikíta ná tinutuláran nátin áng pananáw ni Jehóva tungkól sa búhay?
Paáno dápat tuláran ng mgá élder áng katarúngan ni Jehóva sa paghátol sa mgá káso ng pagkakasala?
1, 2. (a) Anó áng nadamá ni Jesús sa Kautusán ng Diyós? (b) Paáno pinilipit ng mgá eskriba at mgá Pariséo áng Kautusán?
MAHÁL ni Jesús áng Kautusáng Mosáiko. Bákit? Dáhil áng Kautusán ay galíng sa pinakaimportánteng Persóna sa búhay niyááng kaniyáng Amá, si Jehóva. Inihúla áng malálim ná pagmamahál ni Jesús sa kautusán ng Diyós sa Áwit 40:8: “Áng gawín áng iyóng kaloóban, O Diyós ko, ay kinalúlugdán ko, at áng iyóng kautusán ay nása áking mgá panloób ná bahági.” Sa salitâ at gawâ, pinatunáyan ni Jesús ná áng Kautusán ng Diyós ay sakdál, kapakí-pakinábang, at tiyák ná matútupád.—Mat. 5:17-19.

2 Kayâ sigurádong nasaktán si Jesús nang makíta niyáng pinipilipit ng mgá eskriba at mgá Pariséo áng Kautusán ng kaniyáng Amá! Napakametikuloso nilá sa kaliit-liitang detálye ng iláng útos. Alám itó ni Jesús, kayâ sinábi niyá: “Ibínibigáy ninyó áng ikasampu ng yerbabuena at ng eneldo at ng komino.” Péro anó áng probléma? Idinagdág niyá: “Ngúnit winalang-halagá ninyó áng mas mabibigát ná bágay ng Kautusán, samakatuwíd ngâ, katarúngan at áwa at katapátan.” (Mat. 23:23) Dí-gáya ng mapagmatuwíd ná mgá Pariséo, naunawáan ni Jesús áng díwa ng Kautusán, áng makadiyós ná mgá katangíang nása likód ng báwat útos.

3. Anó áng tátalakáyin nátin sa artíkulong itó?
3 Bílang mgá Kristiyáno, walâ ná táyo sa ilálim ng tipáng Kautusán. (Róma 7:6) Péro iningátan ni Jehóva áng Kautusán sa kaniyáng Salitâ, áng Bíbliya. Áyaw niyáng masyádo táyong magpókus sa mgá detálye ng Kautusán, kundî gustó niyáng unawáin nátin at sundín ángmas mabibigát ná bágaynitó, áng matataás ná simuláing nása likód ng báwat útos. Halimbáwa, anóng mgá simuláin áng matútutúhan nátin sa kaayusán ng mgá kanlungang lunsód? Sa naúnang artíkulo, tinalákay nátin áng mgá áral mulâ sa mgá hakbáng ná kailángang gawín ng dí-sinasadyang nakapatay. Péro matútutúhan din nátin sa mgá kanlungang lunsód áng tungkól kay Jehóva at kung paáno nátin matútuláran áng mgá katangían niyá. Kayâ sasagutín sa artíkulong itó áng tatlóng tanóng: Paáno masásalamín sa mgá kanlungang lunsód áng áwa ni Jehóva? Anó áng matútutúhan nátin sa mgá itó hinggíl sa pananáw niyá tungkól sa búhay? Paáno masásalamín sa mgá itó áng kaniyáng perpektong katarúngan? Sa báwat tanóng, alamín kung paáno mo matútuláran áng iyóng makalángit ná Amá.—Basáhin áng Eféso 5:1.

MGÁ LUNSÓD NÁ KUMBINYENTE PÁRA SA INYÓ”—KAPAHAYAGÁN NG ÁWA NG DIYÓS

Mapa ng ánim ná kanlungang lunsód sa Israél at isáng maáyos ná daán
4, 5. (a) Bákit ginawáng madalíng puntahán áng mgá kanlungang lunsód, at paáno? (b) Anó áng itinutúro nitó tungkól kay Jehóva?
4 Madalíng puntahán áng ánim ná kanlungang lunsód. Iniútos ni Jehóva sa Israél ná pumíli ng tigatlong lunsód sa magkabilang pánig ng Ílog Jordán. Bákit? Pára magíng madalí at kumbinyenteng puntahán ng sinumáng nakapatay nang dí-sinásadyá. (Bil. 35:11-14) Tinítiyák ná láging maáyos áng mgá daán papúnta sa mgá kanlungang lunsód. (Deut. 19:3) Áyon sa tradisyong Judió, may mgá posteng pananda ná nagtutúro ng direksiyón papúnta sa mgá iyón. Dáhil sa mgá kanlungang lunsód, áng nakapatay nang dí-sinásadyá ay hindî kailángang tumákas sa banyágang lupaín, kung saán posíbleng másangkót siyá sa huwád ná pagsambá.

5 Pag-isípan itó: Si Jehóvaáng Isá ná nagsaayos ng parusang kamatáyan pára sa mgá pumatáy nang sinásadyáay nagbigáy ng pagkakátaon sa mgá nakapatay nang dí-sinásadyá ná makatanggap ng habág at proteksiyón! “Áng lahát ay ginawáng malínaw, símple, at madalí hanggát posíble,” áng isinúlat ng isáng komentarísta. “Napakabuti talagá ng Diyós.” Si Jehóva ay hindî isáng waláng-áwang hukóm ná sabík parusáhan áng kaniyáng mgá lingkód. Sa halíp, siyá aymayáman sa áwa.”—Efe. 2:4.

6. Ipaliwánag áng pagkakaibá ng saloobín ng mgá Pariséo at ng pagíging maawaín ng Diyós.
6 Péro áng mgá Pariséo ay nagkakait ng áwa. Halimbáwa, áyon sa tradisyon, hindî ná nilá mapapatawad áng isá ná nakagawâ ng gayundíng pagkakámalî nang higít sa tatlóng béses. Pára idiín áng malíng saloobín nilá, iniláhad ni Jesús áng ilustrasyón tungkól sa isáng Pariséo ná nanalángin: “O Diyós, nagpapasalámat akó sa iyó ná hindî akó gáya ng ibáng táo, mgá mangingikil, mgá dí-matuwíd, mgá mangangalunyá, o magíng ng maníningíl ng buwís ná itó”—isáng maníningíl ng buwís ná mapagpakumbabáng nanánalángin pára sa áwa ng Diyós. Bákit áyaw ng mgá Pariséo ná magpakíta ng áwa? Sinasábi ng Bíbliya náitinutúring [nilá] ná waláng kabuluhán áng ibá.”—Luc. 18:9-14.

Isáng bróther ná nakíkiníg sa isáng bróther ná humíhingí ng táwad
Bukás ba at madalíng puntahán ángdaánsa iyóng pagpapatáwad? Madalí ka bang lapítan? (Tingnán áng párapo 4-8)
7, 8. (a) Kapág may nagkasála sa iyó, paáno mo matútuláran si Jehóva? (b) Bákit nasusúbok áng kapakúmbabaán nátin kung handâ táyong magpatáwad?
7 Tuláran si Jehóva, hindî áng mgá Pariséo. Magíng mahabagin. (Basáhin áng Colósas 3:13.) Huwág pahirapan áng ibá ná humíhingí ng táwad sa iyó. (Luc. 17:3, 4) Tanungín áng saríli: ‘Handâ ko bang patawárin áng mgá nakagawâ ng pagkakámalî sa ákin, káhit nauulit nilá iyón? Gustóng-gustó ko bang ibalík áng kapayapáan sa nakasamaan ko ng loób o nakasakít sa ákin?’

8 Masúsúbok áng kapakúmbabaán nátin kung handâ táyong magpatáwad. Nabigó riyán áng mgá Pariséo dáhil itinutúring niláng nakababába áng ibáng táo. Péro bílang mgá Kristiyáno, dápat táyong magíng mapagpakumbabá, “ná itinutúring ná áng ibá ay nakatátaássa átin at karápat-dápat sa áting pagpapatáwad. (Fil. 2:3) Tútuláran mo ba si Jehóva at patutunayang mapagpakumbabá ka? Panatilihing bukás at madalíng puntahán ángdaánsa iyóng pagpapatáwad. Magíng mabilís sa pagpapakita ng áwa at mabágal sa paghihinanakit.—Ecles. 7:8, 9.

IGÁLANG ÁNG BÚHAY, ATWALÁNG PAGKAKASALA SA DUGÔ ÁNG MAPAPASAIYO

9. Paáno idiniín ni Jehóva sa mgá Israelíta áng kabanálan ng búhay ng táo?
9 Isáng pangunáhing layúnin ng mgá kanlungang lunsód ay áng ipagsanggalang áng mgá Israelíta mulâ sa pagkakasala sa dugô. (Deut. 19:10) Nápakahalagá ng búhay kay Jehóva, at kinapópoótan niyá ángmgá kamáy ná nagbububo ng dugong waláng-sala.” (Kaw. 6:16, 17) Dáhil siyá ay Diyós ná makatarúngan at banál, hindî niyá ipinagkikibit-balikát káhit áng aksidenteng pagpatáy. Totoó, pinagpapakitaan ng áwa áng nakapatay nang dí-sinásadyá. Péro kailángan pa rín niyáng iharáp sa matatandáng laláki áng kaniyáng káso, at kung ideklara ngang aksidénte itó, kailángan niyáng manatíli sa kanlungang lunsód hanggáng sa mamatáy áng mataás ná saserdóte. Kayâ posíbleng habambúhay ná siyáng maniniráhan doón. Naidiín nitó sa lahát ng Israelíta áng kabanálan ng búhay ng táo. Pára maparangalan áng kaniláng Tagapagbigáy-Búhay, kailángan niláng tiyakín ná hindî nilá naisasapanganib áng búhay ng ibá dáhil sa kaniláng kapabayaan.

10. Paáno ipinakíta ni Jesús ná waláng pakundángan sa búhay áng mgá eskriba at mgá Pariséo?
10 Dí-gáya ni Jehóva, áng mgá eskriba at mgá Pariséo ay waláng pakundángan sa búhay. Bákit? Sinábi ni Jesús sa kanilá: “Inalís ninyó áng súsi ng kaalamán; kayó mísmo ay hindî pumások, at yaóng mgá pumapások ay hinadlangan ninyó!” (Luc. 11:52) Dápat sána ay buksán nilá, o ipaliwánag, áng kahulugán ng Salitâ ng Diyós at tulúngan áng ibá ná lumákad sa daán patúngo sa búhay ná waláng hanggán. Péro inilayo nilá áng mgá táo saPunóng Ahente ng búhay,” si Jesús, at inákay silá sa landás ng waláng-hanggáng pagkapuksá. (Gawâ 3:15) Dáhil makasarilí at mapagmataás áng mgá eskriba at mgá Pariséo, walâ siláng pakialam sa búhay at kapakanán ng kaniláng kápuwa. Napakalupít nilá!

11. (a) Paáno ipinakíta ni apostól Páblo ná tinularan niyá áng pananáw ng Diyós tungkól sa búhay? (b) Anó áng tutúlong sa átin ná matuláran áng saloobín ni Páblo sa ministéryo?
11 Paáno nátin matútuláran si Jehóva at maiiwásan áng saloobín ng mgá eskriba at mgá Pariséo? Dápat náting igálang at pahalagahán áng regálong búhay. Ginawâ iyán ni apostól Páblo dáhil lubúsan siyáng nagpatotoó tungkól sa Kaharián. Kayâ nasábi niyá: “Akó ay malínis sa dugô ng lahát ng táo.” (Basáhin áng Gawâ 20:26, 27.) Hindî itó ginawâ ni Páblo dáhil nakokonsénsiya siyá o obligádong mangáral. Sa halíp, mahál niyá áng mgá táo, at mahalagá sa kaniyá áng búhay nilá. (1 Cor. 9:19-23) Dápat din náting tuláran áng pananáw ng Diyós tungkól sa búhay. “Náis [ni Jehóva] ná áng lahát ay makaabót sa pagsisísi.” (2 Ped. 3:9) Ganiyán ka rín ba? Kung maawaín ka, pakikilúsin ka ng púso mo ná magíng mas masigásig sa ministéryo at magíging mas masáya ka sa gawáing itó.

12. Bákit mahalagá áng safety pára sa báyan ng Diyós?
12 Matútuláran din nátin áng pananáw ni Jehóva tungkól sa búhay kung palaisíp táyo sa safety. Dápat táyong magíng maíngat sa pagmamaneho at pagtatrabáhopatí ná kapág nagtatayo at nagmamantini ng mgá lugár ng pagsambá, o nagbibiyahe papúnta sa mgá itó. Áng kalusúgan at pagíging ligtás áng dápat ná magíng pangunáhin sa átin, hindî áng bilis ng trabáho, gastos, o mgá iskédyul. Láging ginágawâ ng áting makatarúngang Diyós áng tamà at angkóp. Gustó nátin siyáng tuláran. Áng mgá élder ay lálo nang dápat ná magíng palaisíp sa kaligtásan nilá at ng mgá nakapalígid sa kanilá. (Kaw. 22:3) Kayâ kung paalalahanan ka ng isáng élder tungkól sa mgá tagubílin at pamantáyan sa safety, tanggapín mo itó. (Gal. 6:1) Tuláran áng pananáw ni Jehóva tungkól sa búhay, atwaláng pagkakasala sa dugô áng mapapasaiyo.”

HUMATOL KAYÓÁYON SA MGÁ KAHATULANG ITÓ

13, 14. Paáno matútuláran ng matatandáng laláki sa Israél áng katarúngan ni Jehóva?
13 Inutúsan ni Jehóva áng matatandáng laláki sa Israél ná tuláran áng kaniyáng mataás ná pamantáyan sa katarúngan. Kailángan múna niláng alamín áng buóng katotohánan. Dápat din niláng maíngat ná timbang-timbangin áng motíbo, saloobín, at nakaraáng paggáwì ng nakapatay bágo magpasiyá kung pagpapakitaan siyá ng áwa. Pára matuláran áng katarúngan ng Diyós, kailángan niláng malamán kung ginawâ niyá itó dáhil sapagkapoótat kunginaabanganniyá áng bíktima dáhil may masamâ siyáng balak. (Basáhin áng Bílang 35:20-24.) Kung may mgá saksí, dí-bababa sa dalawâ áng kailángang tumestigo pára mapatunáyan kung sinadya ngâ áng pagpatáy.—Bil. 35:30.

14 Kayâ kapág naláman ná ng matatandáng laláki áng buóng katotohánan, isásaálang-álang nilá áng pagkatáo ng indibiduwál, hindî lang áng ginawâ niyá. Kailángan nilá ng kaunawaán pára makíta áng mgá bágay ná hindî agád napápansín, at maintindihán áng dahilán sa likód ng pangyayári. Higít sa lahát, kailángan nilá áng banál ná espíritu ni Jehóva pára matuláran nilá áng kaniyáng kaunawaán, áwa, at katarúngan.—Ex. 34:6, 7.

15. Paáno naíibá áng pananáw ni Jesús sa pananáw ng mgá Pariséo sa mgá makasalánan?
15 Áng mgá Pariséo ay nagpókus lang sa nagawâ ng nagkasála sa halíp ná sa pagkatáo nitó. Nang pumuntá si Jesús sa salusalo sa báhay ni Matéo, tinanóng ng mgá Pariséo áng mgá alagád: “Bákit ngâ áng inyóng gúro ay kumakáin ná kasáma ng mgá maníningíl ng buwís at ng mgá makasalánan?” Sumagót si Jesús: “Áng mgá táong malusóg ay hindî nangangailángan ng manggagamot, kundî áng mgá may sakít. Humáyo kayó, kung gayón, at alamín kung anó áng kahulugán nitó, ‘Áng íbig ko ay áwa, at hindî hain.’ Sapagkát akó ay pumarito úpang tawágin, hindî áng mgá táong matuwíd, kundî áng mgá makasalánan.” (Mat. 9:9-13) Kinukunsintí ba ni Jesús áng malulubháng kasalánan? Hindî. Sa katunáyan, mahalagáng bahági ng mensáhe ni Jesús áng panawagan ná magsísi sa kasalánan. (Mat. 4:17) Péro dáhil may kaunawaán siyá, alám ni Jesús ná maymgá maníningíl ng buwís at mgá makasalánanná gustóng magbágo. Hindî silá pumuntá sa báhay ni Matéo pára lang kumáin. Sa halíp, marámi sa kanilá áng sumúsunod kay Jesús. (Mar. 2:15) Nakalúlungkót, hindî nakíta ng karamíhan sa mgá Pariséo áng nakíta ni Jesús sa mgá táong iyón. Itinúring ng mgá Pariséo áng mgá itó bílang makasalánan at walâ nang pag-ásang magbágo. Ibáng-ibá ngâ silá sa makatarúngan at maawaíng Diyós ná inaangkín niláng sinásambá!

16. Anó áng sisikaping maunawáan ng isáng hudisyál ná komite?
16 Dápat tuláran ng mgá élder sa ngayón si Jehóva, námaibigín sa katarúngan.” (Áwit 37:28) Kailángan múna nilángmagsiyasat at mag-usisa nang lubúsanpára tiyakín kung may nagawáng pagkakasala. Kung mayroón ngâ, dápat niláng hawakan áng káso áyon sa Kasulátan. (Deut. 13:12-14) Kapág humahatol silá bílang bahági ng hudisyál ná komite, dápat niláng maíngat ná tiyakín kung áng Kristiyánong nakagawâ ng malubháng kasalánan ay nagsisísi. Hindî láging madalíng makíta kung nagsisísi o hindî áng isá. Sangkót díto áng kaniyáng pananáw, disposisyon, at kalagáyan ng púso. (Apoc. 3:3) Pára tumanggáp ng áwa, dápat ay nagsisísi áng nagkasála. *

17, 18. Paáno malaláman ng mgá élder kung talagáng nagsisísi áng nagkasála? (Tingnán áng laráwan sa simulá ng artíkulo.)
17 Dí-gáya ni Jehóva at ni Jesús, áng mgá élder ay hindî nakababasa ng púso. Kayâ kung isá kang élder, paáno mo malaláman kung talagáng nagsisísi áng nagkasála? Úna, manalángin pára sa karunúngan at kaunawaán. (1 Hári 3:9) Ikalawâ, kumonsulta sa Salitâ ng Diyós at sa mgá publikasyón ng tapát ná alípin pára malamán mo áng pagkakaibá ngkalungkútan ng sanlibutánat ngkalungkútan sa makadiyós ná paraán,” áng túnay ná pagsisísi. (2 Cor. 7:10, 11) Tingnán kung paáno inilálaráwan ng Kasulátan áng damdámin, saloobín, at paggáwì ng mgá nagsisísi at ng mgá hindî nagsisísi.

18 Ikatló, sikáping makíta áng pagkatáo ng nagkasála. Isaálang-álang áng kaniyáng pinagmulán, motíbo, at mgá limitasyón. Inihúla ng Bíbliya tungkól kay Jesús, áng úlo ng kongregasyón: “Hindî siyá hahatol áyon lámang sa nakíta ng kaniyáng mgá matá, ni sasaway man áyon lámang sa nariníg ng kaniyáng mgá táinga. At sa katuwíran ay háhatúlan niyá áng mgá maralita, at sa katapátan ay sasaway siyá álang-álang sa maaámo sa lúpa.” (Isá. 11:3, 4) Mgá élder, kayó áng mgá katúlong ná pastól ni Jesús, at tútulungan niyá kayóng makahatol áyon sa paraán niyá. (Mat. 18:18-20) Nagpapasalámat táyo ná mayroón táyong mapagkalingang mgá élder! Pinaháhalagahán nátin áng kaniláng waláng-sawang pagsisíkap ná itagúyod áng áwa at katarúngan sa kongregasyón.

19. Anóng áral mulâ sa mgá kanlungang lunsód áng gustó mong ikápit?
19 Áng Kautusáng Mosáiko ay maybalangkas ng kaalamán at ng katotohánantungkól kay Jehóva at sa kaniyáng matuwíd ná mgá simuláin. (Róma 2:20) Halimbáwa, áng mgá kanlungang lunsód ay nagtutúro sa mgá élder náhumatol . . . tagláy áng túnay ná katarúngan,” at nagtutúro sa áting lahát námagpakíta . . . sa isát isá ng maibigíng-kabaítan at kaawaan.” (Zac. 7:9) Walâ ná táyo sa ilálim ng Kautusán. Péro si Jehóva ay hindî nagbabágo at mahalagá pa rín sa kaniyá áng katarúngan at áwa. Pribiléhiyo náting sambahín áng Diyós ná lumikha sa átin áyon sa kaniyáng laráwan. Kayâ tuláran nátin siyá at gawíng kanlúngan!

Naúna
Súsunod