Tangginhan bantayan


Pinag-uusapan ng mga kapatid sa unang-siglong kongregasyon sa Colosas ang liham ni Pablo sa kanila

Tanggihan ang Makasanlibutang Kaisipan

00:0022:49
Mag-ingat: baka may sinumang tumangay sa inyo bilang kaniyang nasila sa pamamagitan ng pilosopiya at walang-katuturang panlilinlang . . . ng sanlibutan.”—COL. 2:8.

AWIT: 38, 31
ANO ANG SAGOT MO?
Anong maibiging payo ang ibinigay ni apostol Pablo tungkol sa makasanlibutang kaisipan?
Ano ang isang halimbawa ng makasanlibutang kaisipan, at paano natin ito tatanggihan?
Paano nakatulong sa iyo ang artikulong ito?
1. Anong payo ang isinulat ni apostol Pablo sa kaniyang mga kapuwa Kristiyano? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
ISINULAT ni apostol Pablo ang kaniyang liham sa mga Kristiyano sa Colosas noong mga 60-61 C.E., habang nakabilanggo siya sa Roma. Ipinaliwanag niya sa kanila ang kahalagahan ng pagkakaroon ngespirituwal na pagkaunawa.” (Col. 1:9) Sinabi pa ni Pablo: “Ito ay sinasabi ko upang walang sinumang tao ang luminlang sa inyo sa mapanghikayat na mga argumento. Mag-ingat: baka may sinumang tumangay sa inyo bilang kaniyang nasila sa pamamagitan ng pilosopiya at walang-katuturang panlilinlang ayon sa tradisyon ng mga tao, ayon sa panimulang mga bagay ng sanlibutan at hindi ayon kay Kristo.” (Col. 2:4, 8) Saka ipinaliwanag ni Pablo kung bakit mali ang ilang popular na ideya noon at kung bakit gusto ng maraming tao ang mga iyon. Halimbawa, dahil sa mga ideyang iyon, baka isipin ng isa na mas marunong siya at mas magaling kaysa sa iba. Kaya naman lumiham si Pablo para tulungan ang mga kapatid na tanggihan ang makasanlibutang kaisipan at maling mga gawain.—Col. 2:16, 17, 23.

2. Bakit natin tatalakayin ang mga halimbawa ng makasanlibutang kaisipan?
2 Binabale-wala o minamaliit ng makasanlibutang kaisipan ang mga pamantayan ni Jehova, at kung hindi tayo mag-iingat, maaari nitong unti-unting pahinain ang ating pananampalataya. Lahat tayo sa ngayon ay nalalantad sa makasanlibutang kaisipansa telebisyon, Internet, trabaho, at sa paaralan. Sa artikulong ito, susuriin natin kung paano natin maiiwasan ang masamang impluwensiya nito. Tatalakayin natin ang limang halimbawa ng makasanlibutang kaisipan at kung paano natin tatanggihan ang mga ito.

KAILANGAN BA NATING MANIWALA SA DIYOS?

3. Anong ideya ang gusto ng maraming tao, at bakit?
3 “Puwede akong maging mabuting tao kahit hindi ako naniniwala sa Diyos.” Sa maraming bansa, hindi na kataka-taka na may mga taong hindi naniniwala sa Diyos; para sa kanila, wala silang relihiyon. Baka hindi naman nila nasuri kung totoo ngang may Diyos, pero gusto nila ang ideya na malaya silang gawin ang anumang nais nila. (Basahin ang Awit 10:4.) Pakiramdam ng iba, matalino sila kapag sinasabi nila, “May prinsipyo ako kahit hindi ako naniniwala sa Diyos.”

4. Ano ang puwede nating sabihin sa mga naniniwalang walang Maylikha?
4 Makatuwiran ba ang sinasabi ng mga naniniwalang walang Maylikha? Kung sa siyensiya ka aasa para sa kasagutan, baka malito ka dahil sa pagkarami-raming impormasyon. Pero simple lang naman talaga ang sagot. Kung ang isang gusali ay nangangailangan ng tagapagtayo, lalong higit ang mga bagay na may buhay! Sa katunayan, ang pinakasimpleng buháy na mga selula ay mas masalimuot kaysa sa alinmang bahay dahil nagagawa nila ang di-kayang gawin ng alinmang bahayang magparami. Ang mga selulang ito ay nakakapag-imbak at nakakakopya ng impormasyong kailangan para makapagparami sila. Saan galing ang disenyo para sa buháy na mga selula? Ang sagot ng Bibliya: “Bawat bahay ay may nagtayo, ngunit siya na nagtayo ng lahat ng bagay ay ang Diyos.”—Heb. 3:4.

5. Ano ang masasabi natin tungkol sa ideya na kaya nating alamin kung ano ang mabuti kahit hindi tayo naniniwala sa Diyos?
5 Paano tayo mangangatuwiran sa mga naniniwala na kaya nating alamin kung ano ang mabuti kahit hindi tayo naniniwala sa Diyos? Kinikilala ng Bibliya na mayroon ding magagandang prinsipyo sa buhay ang mga hindi naniniwala sa Diyos. (Roma 2:14, 15) Halimbawa, baka iginagalang naman nila at minamahal ang kanilang mga magulang. Pero gaano katatag ang mga pamantayang moral ng taong hindi kumikilala sa karapatan ng ating maibiging Maylikha na magtakda ng mga pamantayan ng tama at mali? (Isa. 33:22) Dahil sa kalunos-lunos na mga kalagayan sa mundo, aaminin ng maraming taong bukás ang isip na kailangan ng mga tao ang tulong ng Diyos. (Basahin ang Jeremias 10:23.) Kaya huwag nating isipin na kaya nating alamin kung ano ang mabuti kahit hindi tayo naniniwala sa Diyos at hindi sumusunod sa kaniyang mga pamantayan.—Awit 146:3.

KAILANGAN BA NATIN ANG RELIHIYON?

6. Ano ang pananaw ng maraming tao tungkol sa relihiyon?
6 “Puwede kang maging masaya kahit wala kang relihiyon.” Gusto ng marami ang makasanlibutang kaisipan na ito dahil para sa kanila, ang relihiyon ay nakababagot at walang silbi. Lumalayo rin ang mga tao sa Diyos dahil sa maraming relihiyon na nagtuturo tungkol sa impiyerno, nangongolekta ng pera, o nakikialam sa politika. Kaya naman parami nang parami ang nagsasabing masaya sila kahit wala silang relihiyon. Baka sabihin nila, “Interesado ako sa espirituwal na mga bagay pero ayokong umanib sa isang relihiyon.”

7. Paano ka magiging masaya sa tulong ng tunay na relihiyon?
7 Puwede nga ba tayong maging masaya kahit walang relihiyon? Puwedeng maging masaya ang isang tao kahit walang huwad na relihiyon, pero para maging tunay na maligaya, kailangan niyang magkaroon ng kaugnayan kay Jehova, angmaligayang Diyos.” (1 Tim. 1:11) Lahat ng ginagawa ng Diyos ay para sa kapakanan natin. At masaya ang kaniyang mga lingkod dahil nakapokus sila sa pagtulong sa iba. (Gawa 20:35) Halimbawa, tingnan kung paanong ang tunay na pagsamba ay nakatutulong para maging maligaya ang mga pamilya. Tinuturuan tayo nito na parangalan at igalang ang ating asawa, ituring na sagrado ang panata sa pag-aasawa, umiwas sa pangangalunya, palakihin ang mga anak na maging magalang, at magpakita ng tunay na pag-ibig. Kaya dahil sa tunay na pagsamba, ang mga lingkod ng Diyos ay nagkakaisa bilang kongregasyon at bilang isang maligayang pandaigdig na kapatiran.—Basahin ang Isaias 65:13, 14.

8. Paano natin magagamit ang Mateo 5:3 para sagutin ang tanong na, Ano ang nagpapasaya sa mga tao?
8 Himayin natin ang makasanlibutang ideya na puwede tayong maging masaya kahit hindi naglilingkod sa Diyos. Pag-isipan ito: Ano nga ba ang nagpapasaya sa tao? Ang ilan ay masaya dahil sa kanilang propesyon, sports, o hobby. Ang iba naman ay nasisiyahan sa pag-aasikaso sa kanilang mga kapamilya o kaibigan. Kasiya-siya naman ang mga ito, pero may mas dakilang layunin ang buhay natin na nagdudulot ng namamalaging kaligayahan. Di-gaya ng mga hayop, puwede nating makilala ang ating Maylikha at paglingkuran siya nang tapat. Nilikha tayo sa paraang magiging maligaya tayo sa paggawa niyan. (Basahin ang Mateo 5:3.) Halimbawa, masaya tayo at napapatibay sa mga pagtitipon kasama ng mga kapatid para sambahin si Jehova. (Awit 133:1) Nasisiyahan din tayo dahil bahagi tayo ng nagkakaisang kapatiran, namumuhay nang malinis, at may magandang pag-asa sa hinaharap.

KAILANGAN BA NATIN NG MGA PAMANTAYANG MORAL?

9. (a) Anong ideya tungkol sa sekso ang laganap sa mundo? (b) Bakit ipinagbabawal ng Salita ng Diyos ang pagtatalik ng mga hindi mag-asawa?
9 “Anong masama sa pagtatalik ng mga hindi mag-asawa?” Baka may magsabi: “Dapat i-enjoy ang buhay. Bakit nyo hinuhusgahan ang pagtatalik ng mga hindi kasal?” Pero mali ito dahil ipinagbabawal ng Salita ng Diyos ang seksuwal na imoralidad. * (Basahin ang 1 Tesalonica 4:3-8.) Karapatan ni Jehova na gumawa ng mga batas para sa atin dahil nilikha niya tayo. Ang utos ng Diyos na nagsasabing ang pagtatalik ay para lang sa lalaki at babae na mag-asawa ay mahalagang bahagi ng kaayusan sa pag-aasawa. Binigyan tayo ng Diyos ng mga utos dahil mahal niya tayo. Ang mga ito ay para sa kapakinabangan natin. Ang mga pamilyang sumusunod sa mga ito ay nagmamahalan, may paggalang sa isat isa, at panatag. Hindi kukunsintihin ng Diyos ang tahasang pagsuway sa kaniyang kautusan.—Heb. 13:4.

10. Paano maiiwasan ng isang Kristiyano ang seksuwal na imoralidad?
10 Tinuturuan tayo ng Salita ng Diyos kung paano natin maiiwasan ang seksuwal na imoralidad. Ang isang mahalagang paraan ay ang pagkontrol sa ating mga tinitingnan. Sinabi ni Jesus: “Ang bawat isa na patuloy na tumitingin sa isang babae upang magkaroon ng masidhing pagnanasa sa kaniya ay nangalunya na sa kaniya sa kaniyang puso. Ngayon, kung ang kanang mata mong iyan ay nagpapatisod sa iyo, dukitin mo ito at itapon mula sa iyo.” (Mat. 5:28, 29) Kung gayon, dapat iwasan ng isang Kristiyano ang pornograpya at ang pakikinig sa musikang may imoral na mga liriko. Sumulat si apostol Pablo sa mga kapuwa Kristiyano: “Patayin ninyo . . . ang mga sangkap ng inyong katawan na nasa ibabaw ng lupa may kinalaman sa pakikiapid [o, seksuwal na imoralidad].” (Col. 3:5) Kailangan din nating kontrolin ang mga bagay na iniisip at pinag-uusapan natin.—Efe. 5:3-5.

DAPAT BA TAYONG MAGPOKUS SA SEKULAR NA KARERA?

11. Bakit marami ang gustong magkaroon ng magandang karera?
11 “Magandang karera ang susi sa kaligayahan.” Pinasisigla tayo ng marami na gawing tunguhin sa buhay ang pagkakaroon ng sekular na karera. Tutulong daw ito para tayo ay maging tanyag, makapangyarihan, at mayaman. Dahil marami ang may ganitong tunguhin, baka mahawa ang isang Kristiyano sa ganitong kaisipan.

12. Matagumpay na karera ba ang susi sa kaligayahan?
12 Talaga nga kayang magiging maligaya ang isa dahil sa karerang nagbibigay ng kapangyarihan at katanyagan? Hindi. Tandaan na nasilo si Satanas ng paghahangad ng kapangyarihan at katanyagan, pero galít siya at hindi maligaya. (Mat. 4:8, 9; Apoc. 12:12) Limitado lang ang kasiyahang dulot ng sekular na karera kung ihahambing sa namamalaging kasiyahang nagmumula sa pagtulong sa iba na makinabang sa karunungan ng Diyos at magkamit ng buhay na walang hanggan. Napakatindi rin ng kompetisyon sa mundo. Dahil dito, ang mga tao ay nagsisikap na makaangat sa iba at nag-iinggitan, kaya sa bandang huli, para silangnaghahabol sa hangin.’—Ecles. 4:4.

13. (a) Ano ang dapat nating maging pananaw sa sekular na trabaho? (b) Ayon sa liham ni Pablo sa mga taga-Tesalonica, ano ang nagdulot sa kaniya ng tunay na kaligayahan?
13 Totoo, kailangan nating maghanapbuhay, at hindi masamang pumili ng trabahong gusto natin. Pero hindi dapat maging pangunahin sa buhay natin ang ating trabaho. Sinabi ni Jesus: “Walang sinuman ang maaaring magpaalipin sa dalawang panginoon; sapagkat alinman sa kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, o pipisan siya sa isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring magpaalipin sa Diyos at sa Kayamanan.” (Mat. 6:24) Kung pangunahin sa atin ang paglilingkod kay Jehova at ang pagtuturo sa iba ng kaniyang Salita, magiging maligaya tayo. Isa si apostol Pablo sa nakaranas niyan. Noong una, mayroon siyang matagumpay na karera sa Judaismo. Pero naging maligaya siya nang tulungan niya ang mga tao na maging alagad at makitang nagbago ang buhay nila dahil sa mensahe ng Diyos. (Basahin ang 1 Tesalonica 2:13, 19, 20.) Wala nang ibang karera ang makapagdudulot ng ganiyang kasiyahan.

Isang sister ang masayang naghahanda para sa Bible study, nagtuturo ng katotohanan sa isang babae, at dumadalo sa pulong kasama nito
Namamalaging kasiyahan ang resulta ng pagtulong sa iba na makinabang sa karunungan ng Diyos (Tingnan ang parapo 12, 13)
KAYA BA NATING LUTASIN ANG MGA PROBLEMA SA MUNDO?

14. Bakit gusto ng marami ang ideya na kayang lutasin ng mga tao ang kanilang mga problema?
14 “Kayang lutasin ng mga tao ang kanilang mga problema.” Gusto ng marami ang ideyang ito. Bakit? Dahil kung totoo ito, hindi na kailangan ng mga tao ang patnubay ng Diyos, at puwede nilang gawin ang anumang gusto nila. Mukhang kapani-paniwala rin ang ideyang ito dahil ayon sa ilang pag-aaral, nababawasan na ang digmaan, krimen, sakit, at kahirapan. Ayon sa isang report: “Kaya bumubuti ang lagay ng sangkatauhan ay dahil nagpasiya na ang mga tao na pagandahin ang kalagayan ng mundo.” Ibig bang sabihin, nalulutas na ng mga tao ang mga problemang matagal nang nagpapahirap sa kanila? Para masagot iyan, suriin nating mabuti ang mga problemang iyon.

15. Ano ang nagpapakita na malala na ang mga problema ng sangkatauhan?
15 Digmaan: Dahil sa dalawang digmaang pandaigdig, tinatayang 60 milyon o mahigit pa ang namatay. Pero mula noon, hindi naman natutong umiwas sa digmaan ang sangkatauhan. Pagsapit ng 2015, umabot na nang mga 65 milyon ang nagsilikas dahil sa digmaan o pag-uusig. Tinatayang 12.4 milyon ang nagsilikas noong 2015 lang. Krimen: Totoong nabawasan ang ilang uri ng krimen sa ilang lugar, pero nakababahala ang pagtaas ng bilang ng mga krimen na gaya ng cybercrime, karahasan sa pamilya, at terorismo. Bukod diyan, marami ang naniniwala na lumala ang korapsiyon sa mundo. Hindi kayang alisin ng tao ang krimen. Sakit: May mga sakit na kontrolado na. Pero ayon sa isang report noong 2013, taon-taon, mahigit siyam na milyon katao na wala pang edad 60 ang namamatay dahil sa sakit sa puso, stroke, cancer, respiratory disease, at diabetes. Kahirapan: Ayon sa World Bank, sa Africa pa lang, tumaas ang bilang ng mga dumaranas ng matinding kahirapan mula 280 milyon noong 1990 at naging 330 milyon noong 2012.

16. (a) Bakit Kaharian lang ng Diyos ang makalulutas sa problema ng sangkatauhan? (b) Anong mga pagpapala ng Kaharian ang inihula ni Isaias at ng isang salmista?
16 Ang kasalukuyang sistema ng ekonomiya at politika ay hawak ng sakim na mga tao. Kaya maliwanag na hindi nila kayang alisin ang digmaan, krimen, sakit, at kahirapan. Kaharian lang ng Diyos ang makagagawa nito. Isip-isipin kung ano ang gagawin ni Jehova para sa mga tao. Digmaan: Aalisin ng Kaharian ng Diyos ang ugat ng digmaan, gaya ng kasakiman, korapsiyon, pagkamakabayan, huwad na relihiyon, at si Satanas mismo. (Awit 46:8, 9) Krimen: Tinuturuan na ng Kaharian ng Diyos ang milyon-milyon na mahalin at pagkatiwalaan ang isat isa, na di-kayang gawin ng alinmang gobyerno. (Isa. 11:9) Sakit: Bibigyan ni Jehova ng sakdal na kalusugan ang kaniyang mga lingkod. (Isa. 35:5, 6) Kahirapan: Aalisin ito ni Jehova at bibigyan niya ang kaniyang bayan ng kasaganaan sa espirituwal at pisikal, na mas mahalaga kaysa sa anumang kayamanan.—Awit 72:12, 13.

ALAMIN KUNG PAANO KAYO DAPAT MAGBIGAY NG SAGOT

17. Paano mo tatanggihan ang makasanlibutang kaisipan?
17 Kung makarinig ka ng makasanlibutang ideya na parang kumukuwestiyon sa iyong pananampalataya, magsaliksik at alamin ang sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol dito at ipakipag-usap ito sa isang makaranasang kapatid. Pag-isipan kung bakit gusto ng mga tao ang ideyang iyon, kung bakit hindi tama iyon, at kung paano mo iyon mapasisinungalingan. Oo, puwede nating protektahan ang ating sarili laban sa makasanlibutang kaisipan kung susundin natin ang paalaalang ibinigay ni Pablo sa kongregasyon sa Colosas: “Patuloy na lumakad na may karunungan sa mga nasa labas. [Alamin] kung paano kayo dapat magbigay ng sagot sa bawat isa.”—Col. 4:5, 6.

Pínag-uusapan ng mgá kapatíd sa únang-síglong kongregasyón sa Colósas áng líham ni Páblo sa kanilá

Tanggihán áng Makasanlibutáng Kaisipán

00:0022:49
Mag-íngat: bakâ may sinumáng tumangay sa inyó bílang kaniyáng nasila sa pamamagítan ng pilosópiya at waláng-katuturang panlilinlang . . . ng sanlibután.”—COL. 2:8.

ÁWIT: 38, 31
ANÓ ÁNG SAGÓT MO?
Anóng maibigíng páyo áng ibinigáy ni apostól Páblo tungkól sa makasanlibutáng kaisipán?
Anó áng isáng halimbáwa ng makasanlibutáng kaisipán, at paáno nátin itó tátanggíhan?
Paáno nakatúlong sa iyó áng artíkulong itó?
1. Anóng páyo áng isinúlat ni apostól Páblo sa kaniyáng mgá kápuwa Kristiyáno? (Tingnán áng laráwan sa simulá ng artíkulo.)
ISINÚLAT ni apostól Páblo áng kaniyáng líham sa mgá Kristiyáno sa Colósas noóng mgá 60-61 C.E., hábang nakabilanggô siyá sa Róma. Ipinaliwánag niyá sa kanilá áng kahálagáhan ng pagkákaroón ngespirituwál ná pagkaunáwa.” (Col. 1:9) Sinábi pa ni Páblo: “Itó ay sinasábi ko úpang waláng sinumáng táo áng luminlang sa inyó sa mapanghikayat ná mgá arguménto. Mag-íngat: bakâ may sinumáng tumangay sa inyó bílang kaniyáng nasila sa pamamagítan ng pilosópiya at waláng-katuturang panlilinlang áyon sa tradisyon ng mgá táo, áyon sa panimuláng mgá bágay ng sanlibután at hindî áyon kay Krísto.” (Col. 2:4, 8) Saká ipinaliwánag ni Páblo kung bákit malî áng iláng populár ná idéya noón at kung bákit gustó ng maráming táo áng mgá iyón. Halimbáwa, dáhil sa mgá ideyang iyón, bakâ isípin ng isá ná mas marúnong siyá at mas magalíng káysa sa ibá. Kayâ namán lumiham si Páblo pára tulúngan áng mgá kapatíd ná tanggihán áng makasanlibutáng kaisipán at malíng mgá gawáin.—Col. 2:16, 17, 23.

2. Bákit nátin tátalakáyin áng mgá halimbáwa ng makasanlibutáng kaisipán?
2 Binabále-walâ o minamaliit ng makasanlibutáng kaisipán áng mgá pamantáyan ni Jehóva, at kung hindî táyo mag-iíngat, maaári nitóng untí-untíng pahináin áng áting pananámpalatáya. Lahát táyo sa ngayón ay nalalantad sa makasanlibutáng kaisipánsa telebisyón, Internét, trabáho, at sa páaralán. Sa artíkulong itó, susuríin nátin kung paáno nátin maiiwásan áng masamáng impluwénsiya nitó. Tátalakáyin nátin áng limáng halimbáwa ng makasanlibutáng kaisipán at kung paáno nátin tátanggíhan áng mgá itó.

KAILÁNGAN BA NÁTING MANIWÁLA SA DIYÓS?

3. Anóng idéya áng gustó ng maráming táo, at bákit?
3 “Puwéde akóng magíng mabúting táo káhit hindî akó naniniwála sa Diyós.” Sa maráming bansâ, hindî ná kataká-taká ná may mgá táong hindî naniniwála sa Diyós; pára sa kanilá, walâ siláng relihiyón. Bakâ hindî namán nilá nasuri kung totoó ngang may Diyós, péro gustó nilá áng idéya ná maláya siláng gawín áng anumáng náis nilá. (Basáhin áng Áwit 10:4.) Pakiramdám ng ibá, matalíno silá kapág sinasábi nilá, “May prinsipyo akó káhit hindî akó naniniwála sa Diyós.”

4. Anó áng puwéde náting sabíhin sa mgá naniniwalang waláng Maylikhâ?
4 Makatuwíran ba áng sinasábi ng mgá naniniwalang waláng Maylikhâ? Kung sa siyénsiya ka aasa pára sa kasagutan, bakâ malito ka dáhil sa pagkarámi-raming impormasyón. Péro símple lang namán talagá áng sagót. Kung áng isáng gusáli ay nangangailángan ng tagapagtayó, lálong higít áng mgá bágay ná may búhay! Sa katunáyan, áng pínakasímpleng búhay ná mgá selula ay mas masalimuót káysa sa alinmang báhay dáhil nagágawâ nilá áng dí-káyang gawín ng alinmang báhayáng magparami. Áng mgá selulang itó ay nakakapag-imbak at nakakakopya ng impormasyóng kailángan pára makapagparámi silá. Saán galíng áng disényo pára sa búhay ná mgá selula? Áng sagót ng Bíbliya: “Báwat báhay ay may nagtayó, ngúnit siyá ná nagtayó ng lahát ng bágay ay áng Diyós.”—Heb. 3:4.

5. Anó áng masasábi nátin tungkól sa idéya ná kayâ náting alamín kung anó áng mabúti káhit hindî táyo naniniwála sa Diyós?
5 Paáno táyo mangángatuwíran sa mgá naniniwála ná kayâ náting alamín kung anó áng mabúti káhit hindî táyo naniniwála sa Diyós? Kiníkilála ng Bíbliya ná mayroón ding magagandáng prinsipyo sa búhay áng mgá hindî naniniwála sa Diyós. (Róma 2:14, 15) Halimbáwa, bakâ iginagálang namán nilá at minámahal áng kaniláng mgá magúlang. Péro gaáno katatag áng mgá pámantáyang morál ng táong hindî kumikilala sa karapatán ng áting maibigíng Maylikhâ ná magtakdâ ng mgá pamantáyan ng tamà at malî? (Isá. 33:22) Dáhil sa kalunos-lunos ná mgá kalagáyan sa mundó, aaminin ng maráming táong bukás áng ísip ná kailángan ng mgá táo áng túlong ng Diyós. (Basáhin áng Jeremias 10:23.) Kayâ huwág náting isípin ná kayâ náting alamín kung anó áng mabúti káhit hindî táyo naniniwála sa Diyós at hindî sumúsunod sa kaniyáng mgá pamantáyan.—Áwit 146:3.

KAILÁNGAN BA NÁTIN ÁNG RELIHIYÓN?

6. Anó áng pananáw ng maráming táo tungkól sa relihiyón?
6 “Puwéde kang magíng masáya káhit walâ kang relihiyón.” Gustó ng marámi áng makasanlibutáng kaisipán ná itó dáhil pára sa kanilá, áng relihiyón ay nakababagot at waláng silbí. Lumalayo rín áng mgá táo sa Diyós dáhil sa maráming relihiyón ná nagtutúro tungkól sa impiyérno, nangongolekta ng péra, o nakikialam sa polítika. Kayâ namán parami nang parami áng nagsasábing masáya silá káhit walâ siláng relihiyón. Bakâ sabíhin nilá, “Interesádo akó sa espirituwál ná mgá bágay péro ayokong umánib sa isáng relihiyón.”

7. Paáno ka magíging masáya sa túlong ng túnay ná relihiyón?
7 Puwéde ngâ ba táyong magíng masáya káhit waláng relihiyón? Puwédeng magíng masáya áng isáng táo káhit waláng huwád ná relihiyón, péro pára magíng túnay ná maligáya, kailángan niyáng magkaroón ng kaugnáyan kay Jehóva, ángmaligáyang Diyós.” (1 Tim. 1:11) Lahát ng ginágawâ ng Diyós ay pára sa kapakanán nátin. At masáya áng kaniyáng mgá lingkód dáhil nakapókus silá sa pagtúlong sa ibá. (Gawâ 20:35) Halimbáwa, tingnán kung paánong áng túnay ná pagsambá ay nakatutúlong pára magíng maligáya áng mgá pamílya. Tinuturúan táyo nitó ná parangalán at igálang áng áting asáwa, itúring ná sagrado áng panáta sa pag-aasáwa, umiwas sa pangangalunyá, palakihín áng mgá anák ná magíng magálang, at magpakíta ng túnay ná pag-íbig. Kayâ dáhil sa túnay ná pagsambá, áng mgá lingkód ng Diyós ay nagkakáisá bílang kongregasyón at bílang isáng maligáyang pandaigdíg ná kapatíran.—Basáhin áng Isáias 65:13, 14.

8. Paáno nátin magagámit áng Matéo 5:3 pára sagutín áng tanóng ná, Anó áng nagpapasayá sa mgá táo?
8 Himayin nátin áng makasanlibutáng idéya ná puwéde táyong magíng masáya káhit hindî naglílingkód sa Diyós. Pag-isípan itó: Anó ngâ ba áng nagpapasayá sa táo? Áng ilán ay masáya dáhil sa kaniláng propesyón, sports, o hobby. Áng ibá namán ay nasisiyahán sa pag-aasikáso sa kaniláng mgá kapamílya o kaibígan. Kasiyá-siyá namán áng mgá itó, péro may mas dakílang layúnin áng búhay nátin ná nagdudúlot ng namamaláging kaligayáhan. Dí-gáya ng mgá háyop, puwéde náting makilála áng áting Maylikhâ at paglingkurán siyá nang tapát. Nilikhá táyo sa paraáng magíging maligáya táyo sa paggawà niyán. (Basáhin áng Matéo 5:3.) Halimbáwa, masáya táyo at napapatibay sa mgá pagtitípon kasáma ng mgá kapatíd pára sambahín si Jehóva. (Áwit 133:1) Nasisiyahán din táyo dáhil bahági táyo ng nagkakaisang kapatíran, namumuhay nang malínis, at may magandáng pag-ása sa hináharáp.

KAILÁNGAN BA NÁTIN NG MGÁ PÁMANTÁYANG MORÁL?

9. (a) Anóng idéya tungkól sa sekso áng lagánap sa mundó? (b) Bákit ipinagbabáwal ng Salitâ ng Diyós áng pagtatalik ng mgá hindî mag-asáwa?
9 “Anóng masamâ sa pagtatalik ng mgá hindî mag-asáwa?” Bakâ may magsábi: “Dápat i-enjoy áng búhay. Bákit nyo hinuhusgahan áng pagtatalik ng mgá hindî kasál?” Péro malî itó dáhil ipinagbabáwal ng Salitâ ng Diyós áng seksuwál ná imoralidád. * (Basáhin áng 1 Tesalónica 4:3-8.) Karapatán ni Jehóva ná gumawâ ng mgá batás pára sa átin dáhil nilikhá niyá táyo. Áng útos ng Diyós ná nagsasábing áng pagtatalik ay pára lang sa laláki at babáe ná mag-asáwa ay mahalagáng bahági ng kaayusán sa pag-aasáwa. Binigyán táyo ng Diyós ng mgá útos dáhil mahál niyá táyo. Áng mgá itó ay pára sa kapakinabangán nátin. Áng mgá pamílyang sumúsunod sa mgá itó ay nagmamahalan, may paggálang sa isát isá, at panátag. Hindî kúkunsintihín ng Diyós áng tahasang pagsuwáy sa kaniyáng kautusán.—Heb. 13:4.

10. Paáno maiiwásan ng isáng Kristiyáno áng seksuwál ná imoralidád?
10 Tinuturúan táyo ng Salitâ ng Diyós kung paáno nátin maiiwásan áng seksuwál ná imoralidád. Áng isáng mahalagáng paraán ay áng pagkontrol sa áting mgá tinítingnán. Sinábi ni Jesús: “Áng báwat isá ná patúloy ná tumítingín sa isáng babáe úpang magkaroón ng masidhíng pagnanása sa kaniyá ay nangalunyá ná sa kaniyá sa kaniyáng púso. Ngayón, kung áng kánang matá mong iyán ay nagpapatisod sa iyó, dukitin mo itó at itápon mulâ sa iyó.” (Mat. 5:28, 29) Kung gayón, dápat iwásan ng isáng Kristiyáno áng pornográpya at áng pakikinig sa musikang may imorál ná mgá liriko. Sumúlat si apostól Páblo sa mgá kápuwa Kristiyáno: “Patayín ninyó . . . áng mgá sangkap ng inyóng katawán ná nása ibábaw ng lúpa may kinaláman sa pakikiapíd [o, seksuwál ná imoralidád].” (Col. 3:5) Kailángan din náting kontrolín áng mgá bágay ná iniísip at pínag-uusapan nátin.—Efe. 5:3-5.

DÁPAT BA TÁYONG MAGPÓKUS SA SEKULÁR NÁ KARERA?

11. Bákit marámi áng gustóng magkaroón ng magandáng karera?
11 “Magandáng karera áng súsi sa kaligayáhan.” Pinasísigla táyo ng marámi ná gawíng tungúhin sa búhay áng pagkákaroón ng sekulár ná karera. Tutúlong daw itó pára táyo ay magíng tanyág, makapangyaríhan, at mayáman. Dáhil marámi áng may ganitóng tungúhin, bakâ mahawa áng isáng Kristiyáno sa ganitóng kaisipán.

12. Matagumpáy ná karera ba áng súsi sa kaligayáhan?
12 Talagá ngâ káyang magíging maligáya áng isá dáhil sa karerang nagbíbigay ng kapangyaríhan at katanyagán? Hindî. Tandaán ná nasilo si Satanás ng paghahangád ng kapangyaríhan at katanyagán, péro galít siyá at hindî maligáya. (Mat. 4:8, 9; Apoc. 12:12) Limitádo lang áng kasiyáhang dúlot ng sekulár ná karera kung iháhambíng sa namamaláging kasiyáhang nagmumulâ sa pagtúlong sa ibá ná makinábang sa karunúngan ng Diyós at magkamit ng búhay ná waláng hanggán. Napakatindí rín ng kompetisyón sa mundó. Dáhil díto, áng mgá táo ay nagsisíkap ná makaangat sa ibá at nag-iinggitan, kayâ sa bandáng hulí, pára silángnaghahabol sa hángin.’—Ecles. 4:4.

13. (a) Anó áng dápat náting magíng pananáw sa sekulár ná trabáho? (b) Áyon sa líham ni Páblo sa mgá tága-Tesalónica, anó áng nagdúlot sa kaniyá ng túnay ná kaligayáhan?
13 Totoó, kailángan náting maghanapbuhay, at hindî masamáng pumíli ng trabáhong gustó nátin. Péro hindî dápat magíng pangunáhin sa búhay nátin áng áting trabáho. Sinábi ni Jesús: “Waláng sinumán áng maaáring magpaalípin sa dalawáng panginoón; sapagkát alinmán sa kapopootan niyá áng isá at iibígin áng ikalawâ, o pipísan siyá sa isá at hahamakin áng ikalawâ. Hindî kayó maaáring magpaalípin sa Diyós at sa Kayamánan.” (Mat. 6:24) Kung pangunáhin sa átin áng paglilingkód kay Jehóva at áng pagtutúro sa ibá ng kaniyáng Salitâ, magíging maligáya táyo. Isá si apostól Páblo sa nakaránas niyán. Noóng úna, mayroón siyáng matagumpáy ná karera sa Judaismo. Péro nagíng maligáya siyá nang tulúngan niyá áng mgá táo ná magíng alagád at makítang nagbágo áng búhay nilá dáhil sa mensáhe ng Diyós. (Basáhin áng 1 Tesalónica 2:13, 19, 20.) Walâ nang ibáng karera áng makapagdudulot ng ganiyáng kasiyáhan.

Isáng síster áng masayáng naghahandâ pára sa Bible study, nagtutúro ng katotohánan sa isáng babáe, at dumádalo sa púlong kasáma nitó
Namamaláging kasiyáhan áng resúlta ng pagtúlong sa ibá ná makinábang sa karunúngan ng Diyós (Tingnán áng párapo 12, 13)
KAYÂ BA NÁTING LUTASÍN ÁNG MGÁ PROBLÉMA SA MUNDÓ?

14. Bákit gustó ng marámi áng idéya ná káyang lutasín ng mgá táo áng kaniláng mgá probléma?
14 “Káyang lutasín ng mgá táo áng kaniláng mgá probléma.” Gustó ng marámi áng ideyang itó. Bákit? Dáhil kung totoó itó, hindî ná kailángan ng mgá táo áng patnúbáy ng Diyós, at puwéde niláng gawín áng anumáng gustó nilá. Mukháng kapani-paniwala rín áng ideyang itó dáhil áyon sa iláng pag-aáral, nababawasan ná áng digmáan, krímen, sakít, at kahirápan. Áyon sa isáng report: “Kayâ bumubuti áng lagay ng sángkataúhan ay dáhil nagpasiyá ná áng mgá táo ná pagandahin áng kalagáyan ng mundó.” Íbig bang sabíhin, nalúlutas ná ng mgá táo áng mgá problémang matagál nang nagpapahírap sa kanilá? Pára masagót iyán, suríin náting mabúti áng mgá problémang iyón.

15. Anó áng nagpápakíta ná malalá ná áng mgá probléma ng sángkataúhan?
15 Digmáan: Dáhil sa dalawáng digmáang pandaigdíg, tinatayang 60 milyón o mahigít pa áng namatáy. Péro mulâ noón, hindî namán natutong umiwas sa digmáan áng sángkataúhan. Pagsapit ng 2015, umábot ná nang mgá 65 milyón áng nagsilikas dáhil sa digmáan o pag-uúsig. Tinatayang 12.4 milyón áng nagsilikas noóng 2015 lang. Krímen: Totoóng nabawásan áng iláng urì ng krímen sa iláng lugár, péro nakababahala áng pagtaas ng bílang ng mgá krímen ná gáya ng cybercrime, karahasán sa pamílya, at terorismo. Bukód diyán, marámi áng naniniwála ná lumalá áng korapsiyon sa mundó. Hindî káyang alisín ng táo áng krímen. Sakít: May mgá sakít ná kontroládo ná. Péro áyon sa isáng report noóng 2013, taón-taón, mahigít siyám ná milyón katáo ná walâ pang edád 60 áng namamatay dáhil sa sakít sa púso, stroke, cancer, respiratory disease, at diabetes. Kahirápan: Áyon sa World Bank, sa Africa pa lang, tumaas áng bílang ng mgá dumaránas ng matindíng kahirápan mulâ 280 milyón noóng 1990 at nagíng 330 milyón noóng 2012.

16. (a) Bákit Kaharián lang ng Diyós áng makalúlutas sa probléma ng sángkataúhan? (b) Anóng mgá pagpapála ng Kaharián áng inihúla ni Isáias at ng isáng salmísta?
16 Áng kasalukúyang sistéma ng ekonomiya at polítika ay háwak ng sakim ná mgá táo. Kayâ maliwánag ná hindî nilá káyang alisín áng digmáan, krímen, sakít, at kahirápan. Kaharián lang ng Diyós áng makagágawâ nitó. Ísip-isípin kung anó áng gágawin ni Jehóva pára sa mgá táo. Digmáan: Áalisín ng Kaharián ng Diyós áng ugát ng digmáan, gáya ng kasakimán, korapsiyon, pagkamakabayan, huwád ná relihiyón, at si Satanás mísmo. (Áwit 46:8, 9) Krímen: Tinuturúan ná ng Kaharián ng Diyós áng milyón-milyón ná mahálin at pagkatiwalaan áng isát isá, ná dí-káyang gawín ng alinmang gobyérno. (Isá. 11:9) Sakít: Bíbigyán ni Jehóva ng sakdál ná kalusúgan áng kaniyáng mgá lingkód. (Isá. 35:5, 6) Kahirápan: Áalisín itó ni Jehóva at bíbigyán niyá áng kaniyáng báyan ng kasaganáan sa espirituwál at pisikál, ná mas mahalagá káysa sa anumáng kayamánan.—Áwit 72:12, 13.

ALAMÍN KUNG PAÁNO KAYÓ DÁPAT MAGBIGÁY NG SAGÓT

17. Paáno mo tátanggíhan áng makasanlibutáng kaisipán?
17 Kung makariníg ka ng makasanlibutáng idéya ná párang kumukuwestiyon sa iyóng pananámpalatáya, magsaliksík at alamín áng sinasábi ng Salitâ ng Diyós tungkól díto at ipakipág-úsap itó sa isáng makaranasáng kapatíd. Pag-isípan kung bákit gustó ng mgá táo áng ideyang iyón, kung bákit hindî tamà iyón, at kung paáno mo iyón mapasisinungalingan. Óo, puwéde náting protéktahan áng áting saríli lában sa makasanlibutáng kaisipán kung súsundin nátin áng paálaálang ibinigáy ni Páblo sa kongregasyón sa Colósas: “Patúloy ná lumákad ná may karunúngan sa mgá nása labás. [Alamín] kung paáno kayó dápat magbigáy ng sagót sa báwat isá.”—Col. 4:5, 6.