Lucas 2:1-20

2 At nang mga araw na iyon ay lumabas ang isang batas mula kay Cesar Augusto na ang buong tinatahanang lupa ay magparehistro; 2 (naganap ang unang pagpaparehistrong ito noong si Quirinio ay gobernador ng Sirya;) 3 at ang lahat ng mga tao ay naglakbay upang magparehistro, bawat isa sa kaniyang sariling lunsod. 4 Sabihin pa, si Jose rin ay umahon mula sa Galilea, mula sa lunsod ng Nazaret, patungo sa Judea, sa lunsod ni David, na tinatawag na Betlehem, dahil sa kaniyang pagiging miyembro ng sambahayan at pamilya ni David, 5 upang magparehistrong kasama ni Maria, na ibinigay sa kaniya upang mapangasawa gaya ng ipinangako, na sa kasalukuyan ay kagampan. 6 Habang naroon sila, ang mga araw ay dumating sa kalubusan upang magsilang siya. 7 At isinilang niya ang kaniyang anak na lalaki, ang panganay, at binalot niya ito ng mga telang pamigkis at inihiga ito sa isang sabsaban, sapagkat walang dako sa silid-tuluyan para sa kanila.
Mayroon ding mga pastol sa mismong lupaing iyon na naninirahan sa labas at patuloy na nagbabantay sa gabi sa kanilang mga kawan. 9 At bigla na lang, ang anghel ni Jehova ay tumayo sa tabi nila, at ang kaluwalhatian ni Jehova ay suminag sa palibot nila, at lubha silang natakot. 10 Ngunit sinabi ng anghel sa kanila: “Huwag kayong matakot, sapagkat, narito! ipinahahayag ko sa inyo ang mabuting balita tungkol sa malaking kagalakan na tataglayin ng lahat ng mga tao, 11 sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon ang isang Tagapagligtas, na siyang Kristo na Panginoon, sa lunsod ni David. 12 At ito ang isang tanda para sa inyo: masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nakabalot ng mga telang pamigkis at nakahiga sa sabsaban.” 13 At bigla na lang nakisama sa anghel ang isang karamihan ng makalangit na hukbo, na pumupuri sa Diyos at nagsasabi: 14 “Kaluwalhatian sa kaitaasan sa Diyos, at sa lupa ay kapayapaan sa gitna ng mga taong may kabutihang-loob.”
15 Kaya nang makaalis ang mga anghel mula sa kanila patungo sa langit, ang mga pastol ay nagsimulang magsabi sa isat isa: “Pumaroon nga tayo hanggang sa Betlehem at tingnan ang bagay na ito na naganap, na inihayag sa atin ni Jehova.” 16 At dali-dali silang pumaroon at nasumpungan si Maria at gayundin si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. 17 Nang makita nila ito, ipinaalam nila ang pananalita na sinalita sa kanila may kinalaman sa batang ito. 18 At ang lahat ng nakarinig ay namangha sa mga bagay na sinabi sa kanila ng mga pastol, 19 ngunit pinasimulang ingatan ni Maria ang lahat ng mga pananalitang ito, na bumubuo ng mga palagay sa kaniyang puso. 20 Sa gayon ay bumalik ang mga pastol, na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos dahil sa lahat ng mga bagay na kanilang narinig at nakita, kung paanong ang mga ito ay sinabi sa kanila.
2 At nang mgá áraw ná iyón ay lumabás áng isáng batás mulâ kay César Augústo ná áng buóng tinatahánang lúpa ay magparehístro; 2 (naganáp áng únang pagpaparehistrong itó noóng si Quirinio ay gobernadór ng Sirya;) 3 at áng lahát ng mgá táo ay naglakbáy úpang magparehístro, báwat isá sa kaniyáng saríling lunsód. 4 Sabíhin pa, si José rín ay umáhon mulâ sa Galiléa, mulâ sa lunsód ng Názaret, patúngo sa Judéa, sa lunsód ni Davíd, ná tinatáwag ná Bétlehem, dáhil sa kaniyáng pagíging miyémbro ng sambahayán at pamílya ni Davíd, 5 úpang magparehistrong kasáma ni María, ná ibinigáy sa kaniyá úpang mapangasawa gáya ng ipinangáko, ná sa kasalukúyan ay kagámpan. 6 Hábang naroón silá, áng mgá áraw ay dumatíng sa kalubúsan úpang magsilang siyá. 7 At isinílang niyá áng kaniyáng anák ná laláki, áng panganáy, at binalot niyá itó ng mgá telang pamigkis at inihiga itó sa isáng sabsaban, sapagkát waláng dáko sa silíd-tuluyan pára sa kanilá.
Mayroón ding mgá pastól sa mísmong lupaíng iyón ná nániniráhan sa labás at patúloy ná nagbábantáy sa gabí sa kaniláng mgá káwan. 9 At biglá ná lang, áng anghél ni Jehóva ay tumayo sa tabí nilá, at áng kaluwalhatían ni Jehóva ay sumínag sa palíbot nilá, at lubhâ siláng natákot. 10 Ngúnit sinábi ng anghél sa kanilá: “Huwág kayóng matákot, sapagkát, nárito! ipinaháhayag ko sa inyó áng mabúting balíta tungkól sa malakíng kagalákan ná tataglayin ng lahát ng mgá táo, 11 sapagkát ipinanganák sa inyó ngayón áng isáng Tagapagligtás, ná siyáng Krísto ná Panginoón, sa lunsód ni Davíd. 12 At itó áng isáng tandâ pára sa inyó: masúsumpungán ninyó áng isáng sanggól ná nakabálot ng mgá telang pamigkis at nakahiga sa sabsaban.” 13 At biglá ná lang nakisama sa anghél áng isáng karamíhan ng makalángit ná hukbó, ná pumupúri sa Diyós at nagsasábi: 14 “Kaluwalhatían sa kaitaasan sa Diyós, at sa lúpa ay kapayapáan sa gitnâ ng mgá táong may kabutihang-loób.”
15 Kayâ nang makaalis áng mgá anghél mulâ sa kanilá patúngo sa lángit, áng mgá pastól ay nagsimuláng magsábi sa isát isá: “Pumaroón ngâ táyo hanggáng sa Bétlehem at tingnán áng bágay ná itó ná naganáp, ná inihayág sa átin ni Jehóva.” 16 At dáli-dáli siláng pumaroón at nasúmpungan si María at gayundín si José, at áng sanggól ná nakahiga sa sabsaban. 17 Nang makíta nilá itó, ipinaalám nilá áng panánalitá ná sinalitá sa kanilá may kinaláman sa bátang itó. 18 At áng lahát ng nakarinig ay namanghâ sa mgá bágay ná sinábi sa kanilá ng mgá pastól, 19 ngúnit pinasimuláng ingátan ni María áng lahát ng mgá pananalitáng itó, ná bumubúo ng mgá palagáy sa kaniyáng púso. 20 Sa gayón ay bumalík áng mgá pastól, ná nilúluwalháti at pinupúri áng Diyós dáhil sa lahát ng mgá bágay ná kaniláng nariníg at nakíta, kung paánong áng mgá itó ay sinábi sa kanilá.