Babangon siya

“[Ang] ating kaibigan ay namamahinga, ngunit maglalakbay ako patungo roon upang gisingin siya.”—JUAN 11:11.

AWIT: 142, 129
PAANO MO SASAGUTIN?
Anong mga ulat sa Bibliya ang nakatulong para magtiwala si Marta sa pagkabuhay-muli?
Paano tayo makatitiyak na magkakaroon ng pagkabuhay-muli sa hinaharap?
Gaya ni Marta, ano ang inaasam-asam mo?
1. Ano ang inaasahan ni Marta na mangyayari sa kapatid niya? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
NAGDADALAMHATI ang malapít na kaibigan at alagad ni Jesus na si Marta. Namatay kasi ang kapatid nitong si Lazaro. May makapagpapagaan kaya ng loob ni Marta? Oo. Tiniyak sa kaniya ni Jesus: “Ang iyong kapatid ay babangon.” Maaaring hindi nito tuluyang naalis ang kalungkutan ni Marta, pero nagtiwala siya sa sinabi ni Jesus. Sinabi ni Marta: “Alam kong babangon siya sa pagkabuhay-muli sa huling araw.” (Juan 11:20-24) Sigurado si Marta na mangyayari iyon sa hinaharap. Pero nang araw ding iyon, gumawa ng himala si Jesus: Binuhay niyang muli si Lazaro.

2. Bakit mo gustong magkaroon ng pagtitiwala na kagaya ng kay Marta?
2 Sa ngayon, hindi tayo umaasa na gagawa ng gayong himala si Jesus o ang kaniyang Ama para sa atin. Pero nagtitiwala ka ba, gaya ni Marta, na mabubuhay-muli ang mga mahal mo sa buhay sa hinaharap? Baka namatayan ka na ng asawa, nanay, tatay, lolo, lola, o ng isang anak pa nga. Sabik na sabik ka nang mayakap at makausap ang mahal mo sa buhay at tumawang kasama niya. Mabuti na lang, gaya ni Marta, mayroon kang dahilan para sabihin, ‘Alam kong babangon siya sa pagkabuhay-muli.’ Pero makabubuting pag-isipan ng bawat Kristiyano kung bakit tayo makapagtitiwala na mangyayari iyan.

3, 4. Paano posibleng napatibay ng mga pagbuhay-muli na ginawa ni Jesus ang pananampalataya ni Marta?
3 Dahil nakatira si Marta malapit sa Jerusalem, malamang na hindi niya nakita ang pagbuhay-muli ni Jesus sa anak ng isang biyuda malapit sa Nain sa Galilea. Pero posibleng narinig niya ang tungkol dito. At malamang na gayundin ang tungkol sa pagbuhay-muli ni Jesus sa anak na babae ni Jairo. Alam ng mga nasa bahay ng dalagita naito ay namatay.” Pero hinawakan ni Jesus ang kamay nito at sinabi: “Dalagita, bumangon ka!” At agad itong bumangon. (Luc. 7:11-17; 8:41, 42, 49-55) Alam ni Marta, at ng kapatid niyang si Maria, na kayang pagalingin ni Jesus ang mga maysakit. Dahil dito, naniniwala sila na kung kasama nila si Jesus noon, hindi sana namatay si Lazaro. Pero ngayong patay na ang minamahal na kaibigan ni Jesus, ano ang inaasahan ni Marta? Pansinin na sinabi ni Marta na bubuhaying muli si Lazaro sa hinaharap—“sa huling araw.” Bakit kumbinsido si Marta hinggil dito? At bakit ka makatitiyak na bubuhaying muli ang mga patay sa hinaharap, pati na ang iyong mga mahal sa buhay?

4 May mabubuting dahilan para manampalataya ka sa pagkabuhay-muli. Habang nirerepaso natin ang ilang dahilan, baka makita mo na may mga punto sa Salita ng Diyos na hindi mo dating naiuugnay sa pagkabuhay-muli.

MGA PANGYAYARING NAGBIBIGAY NG PAG-ASA!

5. Ano ang nagpatibay sa pagtitiwala ni Marta na bubuhaying muli si Lazaro?
5 Pansinin na hindi sinabi ni Marta: ‘Sana bumangon ang kapatid ko sa pagkabuhay-muli.’ Sa halip, sinabi niya: “Alam kong babangon siya sa pagkabuhay-muli.” Kumbinsido si Marta rito dahil sa mga himalang natutuhan niya bago pa man magsimula ang ministeryo ni Jesus. Bata pa siya nang matutuhan niya ang mga ito sa tahanan at sa sinagoga. Tingnan natin ang tatlong ulat sa Kasulatan tungkol sa pagkabuhay-muli.

6. Anong kamangha-manghang himala ang ginawa ni Elias? At ano ang posibleng epekto nito kay Marta?
6 Nangyari ang unang pagkabuhay-muli nang bigyang-kapangyarihan ng Diyos si propeta Elias na gumawa ng mga himala. Isang mahirap na biyuda sa Zarepat, isang bayan sa Fenicia, ang nagpatulóy sa propeta. Dahil sa himala ng Diyos, tumagal ang suplay ng harina at langis ng biyuda para makaraos sila ng kaniyang anak. (1 Hari 17:8-16) Nang maglaon, nagkasakit ang anak nito at namatay. Pero tinulungan ni Elias ang biyuda. Nanalangin si Elias: “Aking Diyos, pakisuyo, pabalikin mo [ang buhay] ng batang ito.” Dininig ng Diyos si Elias, at nabuhay ang bata! Iyan ang unang ulat ng pagkabuhay-muli sa Bibliya. (Basahin ang 1 Hari 17:17-24.) Tiyak na alam ni Marta ang mahalagang pangyayaring iyon.

7, 8. (a) Ilahad kung ano ang ginawa ni Eliseo para pawiin ang pamimighati ng isang ina. (b) Ano ang pinatutunayan ng ginawang himala ni Eliseo tungkol kay Jehova?
7 Ang ikalawang pagkabuhay-muli na nakaulat sa Kasulatan ay isinagawa ni propeta Eliseo, na kahalili ni Elias. Isang kilaláng babaeng Israelita sa Sunem ang malugod na nagpatulóy kay Eliseo. Kaya naman, ang babaeng ito at ang may-edad niyang asawa, na walang anak, ay pinagpala ng Diyos ng isang anak na lalaki. Pero pagkalipas ng ilang taon, namatay ang bata. Isip-isipin ang pamimighati ng babae! Sa pahintulot ng kaniyang asawa, naglakbay ang babae nang mga 30 kilometro para puntahan si Eliseo sa Bundok Carmel. Pinauna ng propeta ang tagapaglingkod niyang si Gehazi pabalik ng Sunem. Pero hindi nito kayang buhayin ang bata. Pagkatapos, dumating ang nagdadalamhating ina kasama si Eliseo.—2 Hari 4:8-31.

8 Pumasok si Eliseo sa bahay sa Sunem, kung saan naroon ang patay na bata, at nanalangin. Makahimalang nabuhay ang bata at nakapiling muli ng kaniyang ina! (Basahin ang 2 Hari 4:32-37.) Posibleng naalaala ng babae ang panalangin ng dating baog na si Hana nang dalhin nito si Samuel sa tabernakulo: “Si Jehova ay . . . nagbababa sa Sheol, at Siya ay nag-aahon.” (1 Sam. 2:6) Maliwanag, iniahon ng Diyos ang batang lalaki mula sa Sheol, o Libingan, at pinatunayan ang Kaniyang kakayahang bumuhay-muli ng patay.

9. Paano naganap ang ikatlong pagkabuhay-muli na iniulat sa Bibliya?
9 Pero hindi iyan ang huling kamangha-manghang pangyayari may kinalaman kay Eliseo. Naglingkod siya bilang propeta nang mahigit 50 taon, at pagkatapos, nagkaroon siya ngsakit na ikinamatay niya.’ Sa kalaunan, nang mga buto na lang ang nalabi sa katawan ni Eliseo, isang grupo ng mga kaaway ang dumating sa lupain. May mga Israelita noon na naglilibing ng isang lalaki. Para makatakas sa mga kaaway, inihagis nila ang bangkay sa libingan ni Eliseo. Mababasa natin: “Nang masagi ng lalaki ang mga buto ni Eliseo, kaagad siyang nabuhay at tumayo sa kaniyang mga paa.” (2 Hari 13:14, 20, 21) Isipin ang epekto ng mga ulat na iyon kay Marta! Pinatutunayan ng mga ito na may kapangyarihan ang Diyos laban sa kamatayan. Bulay-bulayin din ang kahulugan ng mga ulat na ito para sa iyo. Lalo kang magiging kumbinsido na ang kapangyarihan ng Diyos ay napakalakas at walang limitasyon.

MGA PANGYAYARI NOONG UNANG SIGLO

10. Ano ang ginawa ni Pedro para sa isang namatay na babaeng Kristiyano?
10 Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, may mababasa rin tayong mga ulat ng pagkabuhay-muli na isinagawa ng mga kinatawan ng Diyos. Kasama sa mga ito ang pagbuhay-muli na ginawa ni Jesus sa labas ng Nain at sa bahay ni Jairo. Kasama rin dito ang pagbuhay-muli ni apostol Pedro sa babaeng Kristiyano na si Dorcas (Tabita). Pumunta si Pedro sa silid na kinaroroonan ng patay, at nanalangin. Pagkatapos, sinabi niya: “Tabita, bumangon ka!” Agad na nabuhay ang babae, atiniharap siyang buháyni Pedro sa mga kapuwa Kristiyano. Dahil sa pangyayaring iyon, “marami ang naging mga mananampalataya sa Panginoon.” Kaya makapagbibigay sila ng patotoo tungkol sa Panginoon at lalo na sa kakayahan ni Jehova na bumuhay ng patay.—Gawa 9:36-42.

11. Ano ang iniulat ng manggagamot na si Lucas tungkol sa isang kabataang lalaki, at paano ito nakaapekto sa iba?
11 May isa pang pagkabuhay-muli na nasaksihan din ng iba. Minsan, si apostol Pablo ay nasa Troas, na ngayon ay hilagang-kanlurang Turkey. Sa isang silid sa ikatlong palapag, nagpahayag siya hanggang hatinggabi. Isang kabataang lalaki, si Eutico, ang nakaupo sa bintana at nakikinig. Pero nakatulog siya at nahulog sa labas. Marahil ang manggagamot na si Lucas ang unang tumingin kay Eutico at nakita niya na hindi lang ito basta nasaktan o nawalan ng malaypatay na si Eutico! Bumaba si Pablo at niyakap ang patay. Pagkatapos, tiyak na namangha ang iba nang sabihin niyang buháy si Eutico. Siguradong malaki ang epekto ng himalang ito sa mga nakasaksi! Dahil alam nila na talagang namatay ang kabataang lalaki at muling nabuhay, “di-masukat ang kanilang pagkaaliw.”—Gawa 20:7-12.

ISANG MAPANANALIGANG PAG-ASA

12, 13. Salig sa mga ulat ng pagkabuhay-muli na tinalakay natin, ano ang maaari nating itanong?
12 Ang mga ulat na tinalakay natin ay makatutulong sa iyo na magkaroon ng pagtitiwala, gaya ni Marta. Makapagtitiwala tayo na ang ating Diyos at Tagapagbigay-Buhay ay may kakayahang bumuhay ng patay. Gayunman, kapansin-pansin na nang gawin ni Jehova ang mga himalang iyon, mayroon siyang tapat na lingkod, gaya ni Elias, Jesus, o Pedro, na naroon. Pero kumusta naman ang mga namatay noong mga panahong hindi gumagawa ng pagbuhay-muli ang Diyos? Makaaasa ba ang tapat na mga lalaki at babae na bubuhaying muli ng Diyos ang mga patay sa hinaharap? Masasabi rin ba nila ang sinabi ni Marta: “Alam kong babangon [ang aking kapatid] sa pagkabuhay-muli sa huling araw”? Bakit siya nagtiwala na mangyayari iyon, at bakit makapagtitiwala ka rin?

13 Maraming ulat sa Bibliya ang nagpapakita na alam ng tapat na mga lingkod ni Jehova na magkakaroon ng pagkabuhay-muli sa hinaharap. Tingnan natin ang ilan sa mga ito.

14. Ano ang matututuhan natin hinggil sa pagkabuhay-muli mula sa ulat tungkol kay Abraham?
14 Pag-isipan ang iniutos ng Diyos kay Abraham na gawin kay Isaac, ang matagal nang hinihintay na tagapagmana. Sinabi ni Jehova: “Pakisuyo, kunin mo ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak na pinakaiibig mo, si Isaac, at . . . ihandog mo siya bilang handog na sinusunog.” (Gen. 22:2) Isip-isipin ang nadama ni Abraham nang marinig niya ang utos na ito. Nangako si Jehova na pagpapalain ang lahat ng bansa sa pamamagitan ng supling ni Abraham. (Gen. 13:14-16; 18:18; Roma 4:17, 18) Gayundin, sinabi ni Jehova na ang pagpapala ay daratingsa pamamagitan nga ni Isaac.” (Gen. 21:12) Pero paano mangyayari iyan kung papatayin ni Abraham si Isaac bilang hain? Ipinaliwanag ni Pablo na nagtiwala si Abraham na kayang ibangon ng Diyos si Isaac mula sa kamatayan. (Basahin ang Hebreo 11:17-19.) Hindi binabanggit ng Bibliya na umasa si Abraham na kung susunod siya, bubuhaying muli si Isaac sa loob lang ng ilang oras, isang araw, o isang linggo. Hindi alam ni Abraham kung kailan bubuhaying muli ang kaniyang anak. Pero nagtiwala siya na gagawin iyon ni Jehova.

15. Ano ang inaasahan ng patriyarkang si Job?
15 Umaasa rin ang patriyarkang si Job na magkakaroon ng pagkabuhay-muli sa hinaharap. Alam niya na kung ang isang puno ay puputulin, muli itong sisibol gaya ng isang bagong halaman. Pero hindi ganiyan ang tao. (Job 14:7-12; 19:25-27) Kapag namatay ang isang tao, wala siyang kakayahang buhaying muli ang sarili niya. (2 Sam. 12:23; Awit 89:48) Siyempre pa, hindi ito nangangahulugan na hindi kaya ng Diyos na bumuhay ng tao. Sa katunayan, naniniwala si Job na nagtakda si Jehova ng panahon para alalahanin siya. (Basahin ang Job 14:13-15.) Hindi alam ni Job kung kailan iyon mangyayari. Pero nagtiwala siya na kaya siyang alalahanin at buhaying muli ng Maylikha ng tao, at na gagawin Niya iyon.

16. Anong pampatibay ang sinabi ng anghel kay propeta Daniel?
16 Si Daniel ay isa ring tapat na lalaki. Naglingkod siya sa Diyos nang maraming dekada, at inalalayan siya ni Jehova. Minsan, tinawag ng isang anghel si Daniel na isanglubhang kalugud-lugod na lalaki,” at sinabi nito nasumakaniya nawa ang kapayapaanatmagpakalakas siya.’—Dan. 9:22, 23; 10:11, 18, 19.

17, 18. Ano ang ipinangako ni Jehova kay Daniel?
17 Si Daniel ay halos 100 taóng gulang na at malapit nang magwakas ang kaniyang buhay. Maaaring iniisip niya kung ano ang mangyayari sa kaniya sa hinaharap. Mabubuhay pa kayang muli si Daniel? Tiyak iyon! Sa huling bahagi ng aklat na isinulat ni Daniel, tiniyak ng Diyos sa kaniya: “Yumaon ka patungo sa kawakasan; at magpapahinga ka.” (Dan. 12:13) Alam ng matanda nang si Daniel na ang mga patay ay namamahinga lang, dahil walangkatha, ni kaalaman, ni karunungan man sa Sheol, ang dako na kaniyang paroroonan.’ (Ecles. 9:10) Pero hindi iyon ang magiging wakas ni Daniel. Nangako si Jehova ng isang magandang kinabukasan para sa kaniya.

18 Idinagdag pa ng anghel kay propeta Daniel: “Tatayo ka para sa iyong kahinatnan sa kawakasan ng mga araw.” Hindi sinabi kung kailan iyon eksaktong mangyayari. Si Daniel ay yayaon patungo sa kaniyang kawakasan, o kamatayan, at magpapahinga. Pero ang pangakongtatayo siya para sa kaniyang kahinatnansa hinaharap ay nangangahulugan na bubuhayin siyang mulikahit matagal na siyang patay. Mangyayari iyonsa kawakasan ng mga araw.” Ganito ang salin ng Magandang Balita Biblia sa pangako kay Daniel: “Mamamatay ka ngunit muling bubuhayin sa huling araw upang tanggapin ang iyong gantimpala.”

Isang ina ang nagbabasa tungkol sa pagkabuhay-muli at inaasam ang pagkabuhay-muli ng kaniyang anak
Gaya ni Marta, makapagtitiwala ka na magkakaroon ng pagkabuhay-muli (Tingnan ang parapo 19, 20)
19, 20. (a) Paano nauugnay ang mga pangyayaring tinalakay natin sa sinabi ni Marta kay Jesus? (b) Ano ang tatalakayin natin sa susunod na artikulo?
19 Maliwanag na may dahilan si Marta para magtiwala na ang kaniyang tapat na kapatid na si Lazaro aybabangon sa pagkabuhay-muli sa huling araw.’ Ang pangako ni Jehova kay Daniel at ang pananampalataya ni Marta ay nagbibigay-katiyakan sa mga Kristiyano sa ngayon. Magkakaroon ng pagkabuhay-muli.

20 Pinatutunayan ng aktuwal na mga pangyayari noon na talagang puwedeng mabuhay-muli ang mga patay. At umaasa ang tapat na mga lalaki at babaeng naglingkod sa Diyos na mangyayari iyan sa hinaharap. Pero mayroon bang ebidensiya na puwedeng maganap ang pagkabuhay-muli kahit matagal na itong ipinangako? Kung oo, gaya ni Marta, may karagdagan tayong dahilan para magtiwala sa pagkabuhay-muli sa hinaharap. Pero kailan ito mangyayari? Tatalakayin natin ang mga puntong iyan sa susunod na artikulo.

Nauna
Susunod
“[Áng] áting kaibígan ay namamahinga, ngúnit maglalakbay akó patúngo roón úpang gisingin siyá.”—JUÁN 11:11.

ÁWIT: 142, 129
PAÁNO MO SASAGUTÍN?
Anóng mgá úlat sa Bíbliya áng nakatúlong pára magtiwála si Márta sa pagkabúhay-mulî?
Paáno táyo makatítiyak ná magkakaroón ng pagkabúhay-mulî sa hináharáp?
Gáya ni Márta, anó áng ináasam-asam mo?
1. Anó áng ináasáhan ni Márta ná mangyayári sa kapatíd niyá? (Tingnán áng laráwan sa simulá ng artíkulo.)
NAGDÁDALAMHÁTI áng malapít ná kaibígan at alagád ni Jesús ná si Márta. Namatáy kasí áng kapatíd nitóng si Lázaro. May makapagpapagaan kayâ ng loób ni Márta? Óo. Tiniyák sa kaniyá ni Jesús: “Áng iyóng kapatíd ay babángon.” Maaáring hindî nitó tuluyang naalis áng kalungkútan ni Márta, péro nagtiwála siyá sa sinábi ni Jesús. Sinábi ni Márta: “Alám kong babángon siyá sa pagkabúhay-mulî sa hulíng áraw.” (Juán 11:20-24) Sigurádo si Márta ná mangyayári iyón sa hináharáp. Péro nang áraw ding iyón, gumawâ ng himalá si Jesús: Binuháy niyáng mulî si Lázaro.

2. Bákit mo gustóng magkaroón ng pagtitiwála ná kagáya ng kay Márta?
2 Sa ngayón, hindî táyo umaása ná gágawâ ng gayóng himalá si Jesús o áng kaniyáng Amá pára sa átin. Péro nagtitiwála ka ba, gáya ni Márta, ná mabubúhay-mulî áng mgá mahál mo sa búhay sa hináharáp? Bakâ namatáyan ka ná ng asáwa, nánay, tatay, lolo, lola, o ng isáng anák pa ngâ. Sabík ná sabík ka nang mayakap at makausap áng mahál mo sa búhay at tumawang kasáma niyá. Mabúti ná lang, gáya ni Márta, mayroón kang dahilán pára sabíhin, ‘Alám kong babángon siyá sa pagkabúhay-mulî.’ Péro makabubúting pag-isípan ng báwat Kristiyáno kung bákit táyo makapagtitiwála ná mangyayári iyán.

3, 4. Paáno posíbleng napatíbay ng mgá pagbuhay-mulî ná ginawâ ni Jesús áng pananámpalatáya ni Márta?
3 Dáhil nakatirá si Márta malapít sa Jerusalém, malamáng ná hindî niyá nakíta áng pagbuhay-mulî ni Jesús sa anák ng isáng biyúda malapít sa Nain sa Galiléa. Péro posíbleng nariníg niyá áng tungkól díto. At malamáng ná gayundín áng tungkól sa pagbuhay-mulî ni Jesús sa anák ná babáe ni Jairo. Alám ng mgá nása báhay ng dalagíta náitó ay namatáy.” Péro hinawákan ni Jesús áng kamáy nitó at sinábi: “Dalagíta, bumángon ka!” At agád itóng bumángon. (Luc. 7:11-17; 8:41, 42, 49-55) Alám ni Márta, at ng kapatíd niyáng si María, ná káyang pagalingin ni Jesús áng mgá maysakít. Dáhil díto, naniniwála silá ná kung kasáma nilá si Jesús noón, hindî sána namatáy si Lázaro. Péro ngayóng patáy ná áng minámahal ná kaibígan ni Jesús, anó áng ináasáhan ni Márta? Pansinín ná sinábi ni Márta ná búbuháying mulî si Lázaro sa hináharáp—“sa hulíng áraw.” Bákit kumbinsído si Márta hinggíl díto? At bákit ka makatítiyak ná búbuháying mulî áng mgá patáy sa hináharáp, patí ná áng iyóng mgá mahál sa búhay?

4 May mabubúting dahilán pára manámpalatáya ka sa pagkabúhay-mulî. Hábang nirerepaso nátin áng iláng dahilán, bakâ makíta mo ná may mgá púnto sa Salitâ ng Diyós ná hindî mo datíng naiuugnay sa pagkabúhay-mulî.

MGÁ PANGYAYÁRING NAGBÍBIGAY NG PAG-ÁSA!

5. Anó áng nagpatíbay sa pagtitiwála ni Márta ná búbuháying mulî si Lázaro?
5 Pansinín ná hindî sinábi ni Márta: ‘Sána bumángon áng kapatíd ko sa pagkabúhay-mulî.’ Sa halíp, sinábi niyá: “Alám kong babángon siyá sa pagkabúhay-mulî.” Kumbinsído si Márta ríto dáhil sa mgá himaláng natutúhan niyá bágo pa man magsimulá áng ministéryo ni Jesús. Batà pa siyá nang matutúhan niyá áng mgá itó sa tahánan at sa sinagóga. Tingnán nátin áng tatlóng úlat sa Kasulátan tungkól sa pagkabúhay-mulî.

6. Anóng kamanghâ-mangháng himalá áng ginawâ ni Élias? At anó áng posíbleng epékto nitó kay Márta?
6 Nangyári áng únang pagkabúhay-mulî nang bigyáng-kapangyaríhan ng Diyós si propéta Élias ná gumawâ ng mgá himalá. Isáng mahírap ná biyúda sa Zarepat, isáng báyan sa Fenicia, áng nagpatúloy sa propéta. Dáhil sa himalá ng Diyós, tumagál áng suplay ng harina at langís ng biyúda pára makaraos silá ng kaniyáng anák. (1 Hári 17:8-16) Nang magláon, nagkasakit áng anák nitó at namatáy. Péro tinulúngan ni Élias áng biyúda. Nanalángin si Élias: “Áking Diyós, pakisúyo, pabalikin mo [áng búhay] ng bátang itó.” Dininíg ng Diyós si Élias, at nabúhay áng batà! Iyán áng únang úlat ng pagkabúhay-mulî sa Bíbliya. (Basáhin áng 1 Hári 17:17-24.) Tiyák ná alám ni Márta áng mahalagáng pangyayáring iyón.

7, 8. (a) Ilahád kung anó áng ginawâ ni Eliseo pára pawíin áng pamimighatí ng isáng iná. (b) Anó áng pinatútunáyan ng ginawáng himalá ni Eliseo tungkól kay Jehóva?
7 Áng ikalawáng pagkabúhay-mulî ná nakaúlat sa Kasulátan ay isinagawa ni propéta Eliseo, ná kahalili ni Élias. Isáng kilaláng babaeng Israelíta sa Sunem áng malugod ná nagpatúloy kay Eliseo. Kayâ namán, áng babaeng itó at áng may-edád niyáng asáwa, ná waláng anák, ay pinagpála ng Diyós ng isáng anák ná laláki. Péro pagkalipás ng iláng taón, namatáy áng batà. Ísip-isípin áng pamimighatí ng babáe! Sa pahintulot ng kaniyáng asáwa, naglakbáy áng babáe nang mgá 30 kilométro pára puntahán si Eliseo sa Bundók Carmel. Pinauna ng propéta áng tagapaglingkod niyáng si Gehazi pabalík ng Sunem. Péro hindî nitó káyang buhayin áng batà. Pagkatápos, dumatíng áng nagdádalamháting iná kasáma si Eliseo.—2 Hári 4:8-31.

8 Pumások si Eliseo sa báhay sa Sunem, kung saán naroón áng patáy ná batà, at nanalángin. Makahimaláng nabúhay áng batà at nakapiling mulî ng kaniyáng iná! (Basáhin áng 2 Hári 4:32-37.) Posíbleng naálaála ng babáe áng panalángin ng datíng baog ná si Hána nang dalhín nitó si Samuél sa tabernakulo: “Si Jehóva ay . . . nagbababa sa Sheol, at Siyá ay nag-aahon.” (1 Sam. 2:6) Maliwánag, iniahon ng Diyós áng bátang laláki mulâ sa Sheol, o Libíngan, at pinatunáyan áng Kaniyáng kakayaháng bumúhay-mulî ng patáy.

9. Paáno naganáp áng ikatlóng pagkabúhay-mulî ná iniúlat sa Bíbliya?
9 Péro hindî iyán áng hulíng kamanghâ-mangháng pangyayári may kinaláman kay Eliseo. Naglingkód siyá bílang propéta nang mahigít 50 taón, at pagkatápos, nagkaroón siyá ngsakít ná ikinamatay niyá.’ Sa kalaúnan, nang mgá butó ná lang áng nalabi sa katawán ni Eliseo, isáng grúpo ng mgá kaáway áng dumatíng sa lupaín. May mgá Israelíta noón ná naglilibing ng isáng laláki. Pára makatakas sa mgá kaáway, inihágis nilá áng bangkáy sa libíngan ni Eliseo. Mababása nátin: “Nang masagi ng laláki áng mgá butó ni Eliseo, kaagad siyáng nabúhay at tumayo sa kaniyáng mgá paá.” (2 Hári 13:14, 20, 21) Isípin áng epékto ng mgá úlat ná iyón kay Márta! Pinatútunáyan ng mgá itó ná may kapangyaríhan áng Diyós lában sa kamatáyan. Búlay-bulayín din áng kahulugán ng mgá úlat ná itó pára sa iyó. Lálo kang magíging kumbinsído ná áng kapangyaríhan ng Diyós ay napakalakás at waláng limitasyón.

MGÁ PANGYAYÁRI NOÓNG ÚNANG SÍGLO

10. Anó áng ginawâ ni Pédro pára sa isáng namatáy ná babaeng Kristiyáno?
10 Sa Kristiyánong Griégong Kasulátan, may mababása rín táyong mgá úlat ng pagkabúhay-mulî ná isinagawa ng mgá kinatawán ng Diyós. Kasáma sa mgá itó áng pagbuhay-mulî ná ginawâ ni Jesús sa labás ng Nain at sa báhay ni Jairo. Kasáma rín díto áng pagbuhay-mulî ni apostól Pédro sa babaeng Kristiyáno ná si Dorcas (Tabita). Pumuntá si Pédro sa silíd ná kinaroroonan ng patáy, at nanalángin. Pagkatápos, sinábi niyá: “Tabita, bumángon ka!” Agád ná nabúhay áng babáe, atiniharáp siyáng búhayni Pédro sa mgá kápuwa Kristiyáno. Dáhil sa pangyayáring iyón, “marámi áng nagíng mgá mananampalatáya sa Panginoón.” Kayâ makapagbibigáy silá ng patotoó tungkól sa Panginoón at lálo ná sa kakayahán ni Jehóva ná bumúhay ng patáy.—Gawâ 9:36-42.

11. Anó áng iniúlat ng manggagamot ná si Lúcas tungkól sa isáng kabatáang laláki, at paáno itó nakaapékto sa ibá?
11 May isá pang pagkabúhay-mulî ná násaksihán din ng ibá. Mínsan, si apostól Páblo ay nása Troas, ná ngayón ay hilágang-kanlurang Turkey. Sa isáng silíd sa ikatlóng palapag, nagpahayág siyá hanggáng hatinggabí. Isáng kabatáang laláki, si Eutico, áng nakaupó sa bintana at nakíkiníg. Péro nakatulóg siyá at nahúlog sa labás. Maráhil áng manggagamot ná si Lúcas áng únang tumingín kay Eutico at nakíta niyá ná hindî lang itó bastá nasaktán o nawalán ng malaypatáy ná si Eutico! Bumabá si Páblo at niyakap áng patáy. Pagkatápos, tiyák ná namanghâ áng ibá nang sabíhin niyáng búhay si Eutico. Sigurádong malakí áng epékto ng himaláng itó sa mgá nakasaksi! Dáhil alám nilá ná talagáng namatáy áng kabatáang laláki at mulíng nabúhay, “dí-masukat áng kaniláng pagkaaliw.”—Gawâ 20:7-12.

ISÁNG MAPANANALIGANG PAG-ÁSA

12, 13. Sálig sa mgá úlat ng pagkabúhay-mulî ná tinalákay nátin, anó áng maaári náting itanóng?
12 Áng mgá úlat ná tinalákay nátin ay makatutúlong sa iyó ná magkaroón ng pagtitiwála, gáya ni Márta. Makapagtitiwála táyo ná áng áting Diyós at Tagapagbigáy-Búhay ay may kakayaháng bumúhay ng patáy. Gayunmán, kapansín-pansín ná nang gawín ni Jehóva áng mgá himaláng iyón, mayroón siyáng tapát ná lingkód, gáya ni Élias, Jesús, o Pédro, ná naroón. Péro kumustá namán áng mgá namatáy noóng mgá panahóng hindî gumágawa ng pagbuhay-mulî áng Diyós? Makaaása ba áng tapát ná mgá laláki at babáe ná búbuháying mulî ng Diyós áng mgá patáy sa hináharáp? Masasábi rín ba nilá áng sinábi ni Márta: “Alám kong babángon [áng áking kapatíd] sa pagkabúhay-mulî sa hulíng áraw”? Bákit siyá nagtiwála ná mangyayári iyón, at bákit makapagtitiwála ka rín?

13 Maráming úlat sa Bíbliya áng nagpápakíta ná alám ng tapát ná mgá lingkód ni Jehóva ná magkakaroón ng pagkabúhay-mulî sa hináharáp. Tingnán nátin áng ilán sa mgá itó.

14. Anó áng matútutúhan nátin hinggíl sa pagkabúhay-mulî mulâ sa úlat tungkól kay Abrahám?
14 Pag-isípan áng iniútos ng Diyós kay Abrahám ná gawín kay Isaác, áng matagál nang hiníhintáy ná tagapagmana. Sinábi ni Jehóva: “Pakisúyo, kunin mo áng iyóng anák, áng iyóng kaisá-isáng anák ná pinakaiibig mo, si Isaác, at . . . ihandog mo siyá bílang handóg ná sinusunog.” (Gen. 22:2) Ísip-isípin áng nadamá ni Abrahám nang mariníg niyá áng útos ná itó. Nangáko si Jehóva ná pagpápaláin áng lahát ng bansâ sa pamamagítan ng supling ni Abrahám. (Gen. 13:14-16; 18:18; Róma 4:17, 18) Gayundín, sinábi ni Jehóva ná áng pagpapála ay dáratingsa pamamagítan ngâ ni Isaác.” (Gen. 21:12) Péro paáno mangyayári iyán kung papatayín ni Abrahám si Isaác bílang hain? Ipinaliwánag ni Páblo ná nagtiwála si Abrahám ná káyang ibángon ng Diyós si Isaác mulâ sa kamatáyan. (Basáhin áng Hébreo 11:17-19.) Hindî binábanggít ng Bíbliya ná umása si Abrahám ná kung súsunod siyá, búbuháying mulî si Isaác sa loób lang ng iláng óras, isáng áraw, o isáng línggo. Hindî alám ni Abrahám kung kailán búbuháying mulî áng kaniyáng anák. Péro nagtiwála siyá ná gágawin iyón ni Jehóva.

15. Anó áng ináasáhan ng patriyárkang si Job?
15 Umaása rín áng patriyárkang si Job ná magkakaroón ng pagkabúhay-mulî sa hináharáp. Alám niyá ná kung áng isáng punó ay puputulin, mulî itóng sisibol gáya ng isáng bágong haláman. Péro hindî ganiyán áng táo. (Job 14:7-12; 19:25-27) Kapág namatáy áng isáng táo, walâ siyáng kakayaháng buháying mulî áng saríli niyá. (2 Sam. 12:23; Áwit 89:48) Síyempre pa, hindî itó nangangahúlugan ná hindî kayâ ng Diyós ná bumúhay ng táo. Sa katunáyan, naniniwála si Job ná nagtakdâ si Jehóva ng panahón pára alalahánin siyá. (Basáhin áng Job 14:13-15.) Hindî alám ni Job kung kailán iyón mangyayári. Péro nagtiwála siyá ná kayâ siyáng alalahánin at buháying mulî ng Maylikhâ ng táo, at ná gágawin Niyá iyón.

16. Anóng pampatíbay áng sinábi ng anghél kay propéta Daniél?
16 Si Daniél ay isá ring tapát ná laláki. Naglingkód siyá sa Diyós nang maráming dekáda, at inalaláyan siyá ni Jehóva. Mínsan, tináwag ng isáng anghél si Daniél ná isánglubháng kalugúd-lugód ná laláki,” at sinábi nitó násumakaniya nawâ áng kapayapáanatmagpakalakás siyá.’—Dan. 9:22, 23; 10:11, 18, 19.

17, 18. Anó áng ipinangáko ni Jehóva kay Daniél?
17 Si Daniél ay hálos 100 táong gúlang ná at malapít nang magwakás áng kaniyáng búhay. Maaáring iniísip niyá kung anó áng mangyayári sa kaniyá sa hináharáp. Mabubúhay pa káyang mulî si Daniél? Tiyák iyón! Sa hulíng bahági ng aklát ná isinúlat ni Daniél, tiniyák ng Diyós sa kaniyá: “Yumaon ka patúngo sa kawakásan; at magpapahinga ka.” (Dan. 12:13) Alám ng matanda nang si Daniél ná áng mgá patáy ay namamahinga lang, dáhil walángkatha, ni kaalamán, ni karunúngan man sa Sheol, áng dáko ná kaniyáng paroroonan.’ (Ecles. 9:10) Péro hindî iyón áng magíging wakás ni Daniél. Nangáko si Jehóva ng isáng magandáng kinabukásan pára sa kaniyá.

18 Idinagdág pa ng anghél kay propéta Daniél: “Tátayo ka pára sa iyóng kahinatnan sa kawakásan ng mgá áraw.” Hindî sinábi kung kailán iyón eksáktong mangyayári. Si Daniél ay yayaon patúngo sa kaniyáng kawakásan, o kamatáyan, at magpapahinga. Péro áng pangákongtátayo siyá pára sa kaniyáng kahinatnansa hináharáp ay nangangahúlugan ná bubuháyin siyáng mulîkáhit matagál ná siyáng patáy. Mangyayári iyónsa kawakásan ng mgá áraw.” Ganitó áng sálin ng Magandáng Balíta Biblia sa pangáko kay Daniél: “Mamamátay ka ngúnit mulíng bubuháyin sa hulíng áraw úpang tanggapín áng iyóng gantimpála.”

Isáng iná áng nagbabasá tungkól sa pagkabúhay-mulî at ináasam áng pagkabúhay-mulî ng kaniyáng anák
Gáya ni Márta, makapagtitiwála ka ná magkakaroón ng pagkabúhay-mulî (Tingnán áng párapo 19, 20)
19, 20. (a) Paáno nauugnáy áng mgá pangyayáring tinalákay nátin sa sinábi ni Márta kay Jesús? (b) Anó áng tátalakáyin nátin sa súsunod ná artíkulo?
19 Maliwánag ná may dahilán si Márta pára magtiwála ná áng kaniyáng tapát ná kapatíd ná si Lázaro aybabángon sa pagkabúhay-mulî sa hulíng áraw.’ Áng pangáko ni Jehóva kay Daniél at áng pananámpalatáya ni Márta ay nagbíbigay-katiyakan sa mgá Kristiyáno sa ngayón. Magkakaroón ng pagkabúhay-mulî.

20 Pinatútunáyan ng aktuwál ná mgá pangyayári noón ná talagáng puwédeng mabúhay-mulî áng mgá patáy. At umaása áng tapát ná mgá laláki at babaeng naglingkód sa Diyós ná mangyayári iyán sa hináharáp. Péro mayroón bang ebidénsiya ná puwédeng maganáp áng pagkabúhay-mulî káhit matagál ná itóng ipinangáko? Kung óo, gáya ni Márta, may karagdágan táyong dahilán pára magtiwála sa pagkabúhay-mulî sa hináharáp. Péro kailán itó mangyayári? Tátalakáyin nátin áng mgá púntong iyán sa súsunod ná artíkulo.

Naúna
Súsunod