Bantayan amo ay pagas a sa Diyos

Ako ay May Pag-asa sa Diyos

00:0023:03
Ang huling Adan ay naging espiritung nagbibigay-buhay.”—1 COR. 15:45.

AWIT: 151, 147
PAANO MO SASAGUTIN?
Paano ipinakikita ng Awit 118 na puwedeng maganap ang pagkabuhay-muli kahit matagal na itong inihula?
Paano natupad ang Awit 16:10?
Sino ang mga bubuhaying muli sa panahon ng pagkanaririto ni Kristo, at paano?
1-3. (a) Ano ang dapat na kabilang sa mga pangunahing paniniwala natin? (b) Bakit napakahalaga ng pagkabuhay-muli? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
KUNG tatanungin ka, ‘Ano ang mga pangunahing turo ng relihiyon nyo?’ ano ang isasagot mo? Tiyak na sasabihin mong si Jehova ang Maylikha at Tagapagbigay-Buhay. Malamang na babanggitin mo rin na naniniwala ka kay Jesu-Kristo, na namatay bilang pantubos. At masaya mong sasabihin na magiging paraiso ang lupa, kung saan mabubuhay magpakailanman ang bayan ng Diyos. Pero babanggitin mo rin ba ang pagkabuhay-muli bilang isa sa mga turong pinahahalagahan mo?

2 May mabubuti tayong dahilan para banggitin ang pagkabuhay-muli bilang isa sa mga pangunahing turo, kahit umaasa tayong makaligtas nang buháy sa malaking kapighatian at mabuhay magpakailanman sa lupa. Ipinakita ni apostol Pablo kung bakit napakahalaga ng pagkabuhay-muli: “Kung wala ngang pagkabuhay-muli ng mga patay, hindi rin naman ibinangon si Kristo.” Kung hindi binuhay-muli si Kristo, hindi siya puwedeng maging Hari sa langit, at mawawalang-kabuluhan ang pagtuturo natin tungkol sa kaniyang pamamahala. (Basahin ang 1 Corinto 15:12-19.) Pero alam nating binuhay-muli si Jesus. Hindi tayo katulad ng mga Judiong Saduceo, na hindi naniniwala sa pagkabuhay-muli. Kahit na tuyain tayo, matatag tayo sa ating paniniwala.—Mar. 12:18; Gawa 4:2, 3; 17:32; 23:6-8.

3 Nang isulat ni Pablo ang tungkol sapang-unang doktrina tungkol sa Kristo,” isinama niya angturo tungkol sa . . . pagkabuhay-muli.” (Heb. 6:1, 2) At idiniin ni Pablo na talagang nananampalataya siya rito. (Gawa 24:10, 15, 24, 25) Pero bagaman ang pagkabuhay-muli ay kabilang sa pang-unang doktrina at isa samga panimulang bagay ng mga sagradong kapahayagan ng Diyos,” hindi nangangahulugan na simpleng turo lang ito. (Heb. 5:12) Bakit?

4. Ano ang maaari nating itanong tungkol sa pagkabuhay-muli?
4 Habang pinag-aaralan ng mga tao ang Bibliya, malamang na mabasa nila ang mga ulat ng pagkabuhay-muli na nangyari noon, gaya ng kay Lazaro. Matututuhan din nila na sina Abraham, Job, at Daniel ay nananampalataya na mabubuhay-muli ang mga patay sa hinaharap. Pero paano ka tutugon kung hanapan ka ng ebidensiya na matutupad ang mga pangako tungkol sa pagkabuhay-muli kahit daan-daang taon na ang lumipas mula nang ipangako ang mga ito? At ipinahihiwatig ba ng Bibliya kung kailan mangyayari ang pagkabuhay-muli? Dahil may kaugnayan ang mga puntong ito sa ating pananampalataya, suriin natin ang sinasabi ng Kasulatan.

PAGKABUHAY-MULING INIHULA DAAN-DAANG TAON PATIUNA

5. Ano muna ang tatalakayin natin tungkol sa pagkabuhay-muli?
5 Madaling isipin ang pagkabuhay-muli ng isang tao na kamamatay lang. (Juan 11:11; Gawa 20:9, 10) Pero kumusta naman kung ang ipinangakong pagkabuhay-muli ay tutuparin pagkaraan ng maraming taon, o daan-daang taon pa nga? Magtitiwala ka ba sa gayon katagal na pangako? Mangyayari ba talaga ang pagkabuhay-mulipara man ito sa isang kamamatay lang o sa isang matagal nang patay? Ang totoo, may nangyari nang gayon, at nananampalataya ka rito. Sino ang tinutukoy natin? At paano ito nakaaapekto sa pag-asa mo tungkol sa pagkabuhay-muli sa hinaharap?

6. Paano nauugnay kay Jesus ang katuparan ng Awit 118?
6 Tungkol sa isang pagkabuhay-muli na inihula daan-daang taon patiuna, isaalang-alang ang Awit 118, na malamang ay isinulat ni David. Mababasa natin dito ang pakiusap ng salmista: “Jehova, magligtas ka, pakisuyo! . . . Pagpalain nawa ang Isa na dumarating sa pangalan ni Jehova.” Marahil naalaala mo na sinipi ng mga tao ang hulang ito tungkol sa Mesiyas nang pumasok si Jesus sa Jerusalem noong Nisan 9, nang malapit na siyang mamatay. (Awit 118:25, 26; Mat. 21:7-9) Pero paano tinukoy ng Awit 118 ang isang pagkabuhay-muli na mangyayari maraming taon pa sa hinaharap? Pansinin na inihula rin nito: “Ang bato na itinakwil ng mga tagapagtayo ang naging ulo ng panulukan [o pangulong batong-panulok].”—Awit 118:22.

Itinakwil si Jesus ng mga Judiong lider; namatay si Jesus sa pahirapang tulos
Itinakwil ng mga tagapagtayoang Mesiyas (Tingnan ang parapo 7)
7. Paano itinakwil ng mga Judio si Jesus?
7 Angmga tagapagtayona nagtakwil sa Mesiyas ay ang mga Judiong lider. Hindi lang nila binale-wala si Jesus o tinanggihan bilang Kristo. Ipinagsigawan pa ng maraming Judio na ipapatay siya. (Luc. 23:18-23) Oo, responsable rin sila sa kamatayan ni Jesus.

Ang binuhay-muling si Jesus sa kaniyang makalangit na trono
Si Jesus ay binuhay-muli para magingulo ng panulukan” (Tingnan ang parapo 8, 9)
8. Paano nagingulo ng panulukansi Jesus?
8 Kung itinakwil si Jesus at pinatay, paano siya magigingulo ng panulukan”? Mangyayari lang iyan kung bubuhayin siyang muli. Tinukoy ito ni Jesus nang ilahad niya ang isang ilustrasyon tungkol sa mga tagapagsaka ng ubasan na nagmaltrato sa mga isinugo sa kanila ng may-ari, gaya ng pagmamalupit ng mga Israelita sa mga propetang isinugo ng Diyos. Sa wakas, isinugo ng may-ari ang kaniyang minamahal na anak, ang tagapagmana. Tinanggap ba ng mga tagapagsaka ang anak? Hindi. Pinatay pa nga nila siya. Matapos ilahad ni Jesus ang ilustrasyong iyon, sinipi niya ang hula sa Awit 118:22. (Luc. 20:9-17) Tinukoy rin ni apostol Pedro ang hulang iyan nang kausap niya ang mga Judiongtagapamahala at matatandang lalaki at mga eskriba,” na nagkakatipon sa Jerusalem. Binanggit niya sa kanila siJesu-Kristo na Nazareno, na ibinayubay ninyo ngunit ibinangon ng Diyos mula sa mga patay.” Pagkatapos, sinabi ni Pedro: “Itoang bato na itinuring ninyong mga tagapagtayo bilang walang halaga na naging ulo ng panulukan.’”—Gawa 3:15; 4:5-11; 1 Ped. 2:5-7.

9. Anong mahalagang pangyayari ang inihula ng Awit 118:22?
9 Oo, daan-daang taon patiuna, inihula na ng Awit 118:22 ang isang pagkabuhay-muli. Itatakwil ang Mesiyas at papatayin, pero bubuhayin siyang muli para maging ulo ng panulukan. Matapos buhaying muli, ang Anak na ito lang ang may pangalangibinigay sa mga tao na siya nating dapat ikaligtas.”—Gawa 4:12; Efe. 1:20.

10. (a) Ano ang inihula sa Awit 16:10? (b) Bakit natin masasabi na hindi kay David natupad ang Awit 16:10?
10 Tingnan natin ang isa pang teksto tungkol sa isang inihulang pagkabuhay-muli. Isinulat ito mahigit sanlibong taon patiuna, kaya mapatitibay nito ang ating pagtitiwala na puwedeng maganap ang pagkabuhay-muli kahit matagal na itong inihula o ipinangako. Sa Awit 16, isinulat ni David: “Hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol. Hindi mo pahihintulutang makita ng iyong matapat ang hukay.” (Awit 16:10) Hindi sinasabi ni David na hindi siya mamamatay o mapupunta sa karaniwang libingan ng sangkatauhan. Malinaw na ipinakikita ng Salita ng Diyos na tumanda si David, at nang mamatay siya, siya ay namahinga ohumigang kasama ng kaniyang mga ninuno at inilibing sa Lunsod ni David.” (1 Hari 2:1, 10) Kaya sino ang tinutukoy sa Awit 16:10?

11. Kailan ipinaliwanag ni Pedro ang tungkol sa Awit 16:10?
11 Mahigit isang milenyo matapos isulat ang awit na iyon at ilang linggo pagkaraang mamatay at buhaying muli si Jesus, nagsalita si Pedro sa libo-libong Judio at proselita tungkol sa Awit 16:10. (Basahin ang Gawa 2:29-32.) Sinabi niya na namatay nga si David at inilibing. Alam iyon ng mga nakikinig kay Pedro. At walang sinasabi ang ulat na may tumutol sa sinabi ni Pedro nanakita [ni David] nang patiuna at sinalita ang tungkol sa pagkabuhay-muling Mesiyas.

12. Paano natupad ang Awit 16:10? At ano ang tinitiyak nito tungkol sa pangako ng pagkabuhay-muli?
12 Idiniin ni Pedro ang kaniyang punto nang sipiin niya ang sinabi ni David sa Awit 110:1. (Basahin ang Gawa 2:33-36.) Dahil sa pangangatuwiran ni Pedro gamit ang Kasulatan, nakumbinsi ang malaking grupong kausap niya na si Jesus aykapuwa Panginoon at Kristo.” At mas mahalaga, kinilala nila na ang Awit 16:10 ay natupad noong buhaying muli si Jesus. Ganito rin ang pangangatuwirang ginamit ni apostol Pablo nang kausap niya ang mga Judio sa lunsod ng Antioquia sa Pisidia. Talagang nakumbinsi sila sa paliwanag niya kung kaya gusto pa nilang matuto. (Basahin ang Gawa 13:32-37, 42.) Dapat din itong makakumbinsi sa atin na mapagkakatiwalaan ang mga pangako ng Bibliya tungkol sa pagkabuhay-muli sa hinaharap, kahit daan-daang taon na ang lumipas mula nang ihula ang mga iyon.

KAILAN MAGAGANAP ANG PAGKABUHAY-MULI?

13. Ano ang maitatanong natin tungkol sa pagkabuhay-muli?
13 Nakapagpapatibay ngang malaman na puwedeng maganap ang pagkabuhay-muli kahit daan-daang taon na itong ipinangako. Pero baka maitanong mo: ‘Ibig bang sabihin, maghihintay pa ako nang mahabang panahon bago ko makitang muli ang mga mahal ko sa buhay? Kailan ba matutupad ang pagkabuhay-muli?’ Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga apostol na may mga bagay na hindi nila alam at hindi puwedeng malaman. May mga detalye tungkol samga panahon o mga kapanahunan na inilagay ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan.” (Gawa 1:6, 7; Juan 16:12) Pero may makukuha naman tayong ilang impormasyon kung kailan mangyayari ang pagkabuhay-muli.

14. Paano naiiba ang pagkabuhay-muli ni Jesus sa mga naunang pagkabuhay-muli?
14 Alalahanin ang mga pagkabuhay-muli na inihula sa Bibliya. Ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang kay Jesus. Kung hindi siya binuhay-muli, wala tayong pag-asa na makita pa ang mga namatay nating mahal sa buhay. Ang mga binuhay-muli bago si Jesus, gaya noong panahon nina Elias at Eliseo, ay hindi naman nabuhay magpakailanman. Namatay silang muli at nakakita ng kasiraan. Peroibinangon [si Jesus] mula sa mga patay, [at] hindi na namamatay; ang kamatayan ay hindi na namamanginoon sa kaniya.” Sa langit, siya aynabubuhay magpakailan-kailanman,” at hindi na makakakita ng kasiraan.—Roma 6:9; Apoc. 1:5, 18; Col. 1:18; 1 Ped. 3:18.

15. Bakit tinawag si Jesus naunang bunga”?
15 Si Jesus ang unang binuhay-muli bilang espiritu sa langit at ang kaniyang pagkabuhay-muli ang pinakamahalaga. (Gawa 26:23) Pero hindi lang siya ang bubuhaying muli sa langit. Nangako si Jesus sa kaniyang tapat na mga apostol na mamamahala sila sa langit kasama niya. (Luc. 22:28-30) Para matanggap ang kanilang gantimpala, kailangan muna nilang mamatay. Pagkatapos, gaya ni Kristo, bubuhayin silang muli taglay ang katawang espiritu. Isinulat ni Pablo: “Si Kristo nga ay ibinangon mula sa mga patay, ang unang bunga niyaong mga natulog na sa kamatayan.” Binanggit din ni Pablo na may iba pang bubuhaying muli sa langit: “Bawat isa ay sa kani-kaniyang katayuan: si Kristo ang unang bunga, pagkatapos ay yaong mga kay Kristo sa panahon ng kaniyang pagkanaririto.”—1 Cor. 15:20, 23.

16. Anong ideya ang mayroon tayo kung kailan magaganap ang makalangit na pagkabuhay-muli?
16 Binibigyan tayo nito ng ideya kung kailan magaganap ang makalangit na pagkabuhay-muli—“sa panahon ng kaniyang pagkanaririto.” Matagal nang napatunayan ng mga Saksi ni Jehova na ayon sa Kasulatan, nabubuhay na tayo sa panahon ngpagkanariritoni Jesus mula noong 1914. Nagpapatuloy ito, at napakalapit na ng wakas ng masamang sistemang ito.

17, 18. Ano ang mangyayari sa ilang pinahiran sa panahon ng pagkanaririto ni Kristo?
17 May karagdagang detalye pa ang Bibliya tungkol sa makalangit na pagkabuhay-muli: “Hindi namin ibig na kayo ay walang-alam may kinalaman sa mga natutulog sa kamatayan . . . Sapagkat kung tayo ay nananampalataya na namatay si Jesus at muling bumangon, sa gayunding paraan, yaong mga natulog na sa kamatayan . . . ay dadalhin ng Diyos kasama niya . . . Tayong mga buháy na natitira hanggang sa pagkanaririto ng Panginoon ay hindi sa anumang paraan mauuna roon sa mga natulog na sa kamatayan; sapagkat ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit na may nag-uutos na panawagan, . . . at yaong mga patay na kaisa ni Kristo ang unang babangon. Pagkatapos tayong mga buháy na siyang natitira, kasama nila, ay aagawin sa mga ulap upang salubungin ang Panginoon sa hangin; at sa gayon ay lagi na tayong makakasama ng Panginoon.”—1 Tes. 4:13-17.

18 Ang unang pagkabuhay-muli ay magaganap ilang panahon pagkatapos magsimula angpagkanariritoni Kristo. Ang mga pinahirang buháy pa sa panahon ng malaking kapighatian ayaagawin sa mga ulap.” (Mat. 24:31) Ang mgaaagawinay hindi namatutulog sa kamatayan”; ibig sabihin, hindi sila mananatiling patay nang mahabang panahon. Silanglahat ay babaguhin, sa isang iglap, sa isang kisap-mata, sa panahon ng huling trumpeta.”—1 Cor. 15:51, 52.

19. Ano angmas mabuting pagkabuhay-mulina mangyayari sa hinaharap?
19 Sa ngayon, karamihan sa tapat na mga Kristiyano ay hindi pinahiran at hindi tinawag para maglingkod sa langit kasama ni Kristo. Sa halip, hinihintay nila angaraw ni Jehova,” kung kailan magwawakas ang masamang sistemang ito. Walang nakaaalam sa eksaktong oras ng wakas, pero ipinakikita ng ebidensiya na malapit na ito. (1 Tes. 5:1-3) Pagkatapos nito, magaganap ang naiibang uri ng pagkabuhay-muliang pagkabuhay-muli sa isang paraisong lupa. Ang mga bubuhaying muli sa lupa ay may pag-asang maging sakdal at hindi na muling mamamatay. Iyon ay magigingmas mabuting pagkabuhay-mulikung ikukumpara sa mga binuhay-muli noon na namatay rin nang maglaon.—Heb. 11:35.

20. Bakit tayo makatitiyak na magiging organisado ang pagkabuhay-muli?
20 Sinasabi ng Bibliya na ang mga makararanas ng makalangit na pagkabuhay-muli ay ibabangonsa kani-kaniyang katayuan.” (1 Cor. 15:23) Kung gayon, makatitiyak tayo na ang makalupang pagkabuhay-muli ay magaganap din sa maayos na paraan. Kaya baka maitanong natin: Ang mga namatay ba kamakailan ay bubuhayin sa pagsisimula ng Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo at sasalubungin ng mga mahal nila sa buhay? Mauuna bang buhaying muli ang mga sinaunang lalaking tapat na may kakayahang manguna para tumulong na organisahin ang bayan ng Diyos sa bagong sanlibutan? Kumusta naman ang mga namatay na hindi lingkod ni Jehova? Kailan at saan sila bubuhaying muli? Marami pa tayong maitatanong. Pero kailangan ba talaga nating pakaisipin ang mga tanong na ito? Hindi ba mas mabuting abangan na lang natin ang mangyayari? Kapana-panabik ngang makita kung ano ang gagawin ni Jehova.

21. Ano ang pag-asa natin tungkol sa pagkabuhay-muli?
21 Samantala, dapat nating patibayin ang ating pananampalataya kay Jehova. Sa pamamagitan ni Jesus, nangako siya na bubuhayin niyang muli ang mga nasa alaala niya. (Juan 5:28, 29; 11:23) Pinatunayan ni Jesus na kayang buhayin ni Jehova ang mga patay nang sabihin niya na para kay Jehova, sina Abraham, Isaac, at Jacobay buháy sa kaniya.” (Luc. 20:37, 38) Maliwanag, gaya ni Pablo, marami tayong dahilan para sabihin: “Ako ay may pag-asa sa Diyos . . . na magkakaroon ng pagkabuhay-muli.”—Gawa 24:15.

Nauna
Susunod
Akó ay May Pag-ása sa Diyós

00:0023:03
Áng hulíng Adán ay nagíng espirítung nagbíbigay-búhay.”—1 COR. 15:45.

ÁWIT: 151, 147
PAÁNO MO SASAGUTÍN?
Paáno ipinakikíta ng Áwit 118 ná puwédeng maganáp áng pagkabúhay-mulî káhit matagál ná itóng inihúla?
Paáno natupád áng Áwit 16:10?
Síno áng mgá búbuháying mulî sa panahón ng pagkanáriritó ni Krísto, at paáno?
1-3. (a) Anó áng dápat ná kabílang sa mgá pangunáhing paniniwála nátin? (b) Bákit nápakahalagá ng pagkabúhay-mulî? (Tingnán áng laráwan sa simulá ng artíkulo.)
KUNG tatanungin ka, ‘Anó áng mgá pangunáhing túro ng relihiyón nyo?’ anó áng isasagot mo? Tiyák ná sásabíhin mong si Jehóva áng Maylikhâ at Tagapagbigáy-Búhay. Malamáng ná babanggitin mo rín ná naniniwála ka kay Jésu-Krísto, ná namatáy bílang pantubós. At masáya mong sásabíhin ná magíging paraíso áng lúpa, kung saán mabubúhay magpakailanmán áng báyan ng Diyós. Péro babanggitin mo rín ba áng pagkabúhay-mulî bílang isá sa mgá túrong pinaháhalagahán mo?

2 May mabubuti táyong dahilán pára banggitín áng pagkabúhay-mulî bílang isá sa mgá pangunáhing túro, káhit umaása táyong makaligtas nang búhay sa malakíng kapighatían at mabúhay magpakailanmán sa lúpa. Ipinakíta ni apostól Páblo kung bákit nápakahalagá ng pagkabúhay-mulî: “Kung walâ ngang pagkabúhay-mulî ng mgá patáy, hindî rín namán ibinángon si Krísto.” Kung hindî binuháy-mulî si Krísto, hindî siyá puwédeng magíng Hári sa lángit, at mawawalang-kabuluhán áng pagtutúro nátin tungkól sa kaniyáng pamámahála. (Basáhin áng 1 Corinto 15:12-19.) Péro alám náting binuháy-mulî si Jesús. Hindî táyo katúlad ng mgá Judióng Saducéo, ná hindî naniniwála sa pagkabúhay-mulî. Káhit ná tuyain táyo, matatág táyo sa áting paniniwála.—Mar. 12:18; Gawâ 4:2, 3; 17:32; 23:6-8.

3 Nang isúlat ni Páblo áng tungkól sapang-únang doktrína tungkól sa Krísto,” isináma niyá ángtúro tungkól sa . . . pagkabúhay-mulî.” (Heb. 6:1, 2) At idiniín ni Páblo ná talagáng nanánampalatáya siyá ríto. (Gawâ 24:10, 15, 24, 25) Péro bagamán áng pagkabúhay-mulî ay kabílang sa pang-únang doktrína at isá samgá panimuláng bágay ng mgá sagrádong kapahayagán ng Diyós,” hindî nangangahúlugan ná símpleng túro lang itó. (Heb. 5:12) Bákit?

4. Anó áng maaári náting itanóng tungkól sa pagkabúhay-mulî?
4 Hábang pínag-aarálan ng mgá táo áng Bíbliya, malamáng ná mabása nilá áng mgá úlat ng pagkabúhay-mulî ná nangyári noón, gáya ng kay Lázaro. Matútutúhan din nilá ná sína Abrahám, Job, at Daniél ay nanánampalatáya ná mabubúhay-mulî áng mgá patáy sa hináharáp. Péro paáno ka tutugón kung hanapan ka ng ebidénsiya ná matútupád áng mgá pangáko tungkól sa pagkabúhay-mulî káhit daán-daáng taón ná áng lumípas mulâ nang ipangako áng mgá itó? At ipinahihiwátig ba ng Bíbliya kung kailán mangyayári áng pagkabúhay-mulî? Dáhil may kaugnáyan áng mgá púntong itó sa áting pananámpalatáya, suríin nátin áng sinasábi ng Kasulátan.

PAGKABÚHAY-MULÍNG INIHÚLA DAÁN-DAÁNG TAÓN PATIÚNA

5. Anó múna áng tátalakáyin nátin tungkól sa pagkabúhay-mulî?
5 Madalíng isípin áng pagkabúhay-mulî ng isáng táo ná kamamatay lang. (Juán 11:11; Gawâ 20:9, 10) Péro kumustá namán kung áng ipinangákong pagkabúhay-mulî ay tútuparín pagkaraán ng maráming taón, o daán-daáng taón pa ngâ? Magtítiwála ka ba sa gayón katagál ná pangáko? Mangyayári ba talagá áng pagkabúhay-mulîpára man itó sa isáng kamamatay lang o sa isáng matagál nang patáy? Áng totoó, may nangyári nang gayón, at nanánampalatáya ka ríto. Síno áng tinutúkoy nátin? At paáno itó nakaáapekto sa pag-ása mo tungkól sa pagkabúhay-mulî sa hináharáp?

6. Paáno nauugnáy kay Jesús áng katupáran ng Áwit 118?
6 Tungkól sa isáng pagkabúhay-mulî ná inihúla daán-daáng taón patiúna, isaálang-álang áng Áwit 118, ná malamáng ay isinúlat ni Davíd. Mababása nátin díto áng pakiúsap ng salmísta: “Jehóva, magligtas ka, pakisúyo! . . . Pagpaláin nawâ áng Isá ná dumárating sa pangálan ni Jehóva.” Maráhil naálaála mo ná sinípi ng mgá táo áng húlang itó tungkól sa Mésiyas nang pumások si Jesús sa Jerusalém noóng Nisan 9, nang malapít ná siyáng mamatáy. (Áwit 118:25, 26; Mat. 21:7-9) Péro paáno tinúkoy ng Áwit 118 áng isáng pagkabúhay-mulî ná mangyayári maráming taón pa sa hináharáp? Pansinín ná inihúla rín nitó: “Áng bató ná itinakwíl ng mgá tagapagtayó áng nagíng úlo ng panulukan [o pangulong batóng-panulok].”—Áwit 118:22.

Itinakwíl si Jesús ng mgá Judióng líder; namatáy si Jesús sa pahirápang tulos
Itinakwíl ng mgá tagapagtayóáng Mésiyas (Tingnán áng párapo 7)
7. Paáno itinakwíl ng mgá Judió si Jesús?
7 Ángmgá tagapagtayóná nagtakwil sa Mésiyas ay áng mgá Judióng líder. Hindî lang nilá binale-walâ si Jesús o tínanggihán bílang Krísto. Ipinagsigawan pa ng maráming Judió ná ipapatay siyá. (Luc. 23:18-23) Óo, responsáble rín silá sa kamatáyan ni Jesús.

Áng binuháy-mulíng si Jesús sa kaniyáng makalángit ná tróno
Si Jesús ay binuháy-mulî pára magíngúlo ng panulukan” (Tingnán áng párapo 8, 9)
8. Paáno nagíngúlo ng panulukansi Jesús?
8 Kung itinakwíl si Jesús at pinatáy, paáno siyá magígingúlo ng panulukan”? Mangyayári lang iyán kung bubuháyin siyáng mulî. Tinúkoy itó ni Jesús nang ilahád niyá áng isáng ilustrasyón tungkól sa mgá tagapagsaka ng ubasán ná nagmaltrato sa mgá isinúgò sa kanilá ng may-arí, gáya ng pagmamalupit ng mgá Israelíta sa mgá propetang isinúgò ng Diyós. Sa wakás, isinúgò ng may-arí áng kaniyáng minámahal ná anák, áng tagapagmana. Tinanggáp ba ng mgá tagapagsaka áng anák? Hindî. Pinatáy pa ngâ nilá siyá. Matápos ilahád ni Jesús áng ilustrasyóng iyón, sinípi niyá áng húla sa Áwit 118:22. (Luc. 20:9-17) Tinúkoy rín ni apostól Pédro áng húlang iyán nang kaúsap niyá áng mgá Judióngtagapamahála at matatandáng laláki at mgá eskriba,” ná nagkakatípon sa Jerusalém. Binanggít niyá sa kanilá siJésu-Krísto ná Nazareno, ná ibinayubay ninyó ngúnit ibinángon ng Diyós mulâ sa mgá patáy.” Pagkatápos, sinábi ni Pédro: “Itóáng bató ná itinúring ninyóng mgá tagapagtayó bílang waláng halagá ná nagíng úlo ng panulukan.’”—Gawâ 3:15; 4:5-11; 1 Ped. 2:5-7.

9. Anóng mahalagáng pangyayári áng inihúla ng Áwit 118:22?
9 Óo, daán-daáng taón patiúna, inihúla ná ng Áwit 118:22 áng isáng pagkabúhay-mulî. Itátakwíl áng Mésiyas at papatayín, péro bubuháyin siyáng mulî pára magíng úlo ng panulukan. Matápos buháying mulî, áng Anák ná itó lang áng may pangálangibinigáy sa mgá táo ná siyá náting dápat ikaligtas.”—Gawâ 4:12; Efe. 1:20.

10. (a) Anó áng inihúla sa Áwit 16:10? (b) Bákit nátin masasábi ná hindî kay Davíd natupád áng Áwit 16:10?
10 Tingnán nátin áng isá pang téksto tungkól sa isáng inihúlang pagkabúhay-mulî. Isinúlat itó mahigít sanlibong taón patiúna, kayâ mapatitíbay nitó áng áting pagtitiwála ná puwédeng maganáp áng pagkabúhay-mulî káhit matagál ná itóng inihúla o ipinangáko. Sa Áwit 16, isinúlat ni Davíd: “Hindî mo iíwan áng áking káluluwá sa Sheol. Hindî mo pahihintulutang makíta ng iyóng matapát áng hukay.” (Áwit 16:10) Hindî sinasábi ni Davíd ná hindî siyá mamamátay o mapupunta sa karaníwang libíngan ng sángkataúhan. Malínaw ná ipinakikíta ng Salitâ ng Diyós ná tumanda si Davíd, at nang mamatáy siyá, siyá ay namahinga ohumigang kasáma ng kaniyáng mgá ninúno at inilibing sa Lunsód ni Davíd.” (1 Hári 2:1, 10) Kayâ síno áng tinutúkoy sa Áwit 16:10?

11. Kailán ipinaliwánag ni Pédro áng tungkól sa Áwit 16:10?
11 Mahigít isáng milenyo matápos isúlat áng áwit ná iyón at iláng línggo pagkaraang mamatáy at buháying mulî si Jesús, nagsalitá si Pédro sa líbo-líbong Judió at proselita tungkól sa Áwit 16:10. (Basáhin áng Gawâ 2:29-32.) Sinábi niyá ná namatáy ngâ si Davíd at inilibing. Alám iyón ng mgá nakíkiníg kay Pédro. At waláng sinasábi áng úlat ná may tumútol sa sinábi ni Pédro nánakíta [ni Davíd] nang patiúna at sinalitá áng tungkól sa pagkabúhay-mulîng Mésiyas.

12. Paáno natupád áng Áwit 16:10? At anó áng tinítiyák nitó tungkól sa pangáko ng pagkabúhay-mulî?
12 Idiniín ni Pédro áng kaniyáng púnto nang sipiin niyá áng sinábi ni Davíd sa Áwit 110:1. (Basáhin áng Gawâ 2:33-36.) Dáhil sa pangangatuwíran ni Pédro gámit áng Kasulátan, nakumbinsí áng malakíng grúpong kaúsap niyá ná si Jesús aykápuwa Panginoón at Krísto.” At mas mahalagá, kinilála nilá ná áng Áwit 16:10 ay natupád noóng buháying mulî si Jesús. Ganitó rín áng pangangatuwírang ginámit ni apostól Páblo nang kaúsap niyá áng mgá Judió sa lunsód ng Antioquia sa Pisidia. Talagáng nakumbinsí silá sa paliwánag niyá kung kayâ gustó pa niláng matúto. (Basáhin áng Gawâ 13:32-37, 42.) Dápat din itóng makakumbinsi sa átin ná mapagkakátiwalaan áng mgá pangáko ng Bíbliya tungkól sa pagkabúhay-mulî sa hináharáp, káhit daán-daáng taón ná áng lumípas mulâ nang ihula áng mgá iyón.

KAILÁN MAGÁGANAP ÁNG PAGKABÚHAY-MULÎ?

13. Anó áng maitatanong nátin tungkól sa pagkabúhay-mulî?
13 Nakapagpápatíbay ngang malamán ná puwédeng maganáp áng pagkabúhay-mulî káhit daán-daáng taón ná itóng ipinangáko. Péro bakâ maitanóng mo: ‘Íbig bang sabíhin, maghíhintay pa akó nang mahábang panahón bágo ko makítang mulî áng mgá mahál ko sa búhay? Kailán ba matútupád áng pagkabúhay-mulî?’ Sinábi ni Jesús sa kaniyáng mgá apostól ná may mgá bágay ná hindî nilá alám at hindî puwédeng malamán. May mgá detálye tungkól samgá panahón o mgá kapanahúnan ná inilagáy ng Amá sa kaniyáng saríling kapamahalaán.” (Gawâ 1:6, 7; Juán 16:12) Péro may makukúha namán táyong iláng impormasyón kung kailán mangyayári áng pagkabúhay-mulî.

14. Paáno naíibá áng pagkabúhay-mulî ni Jesús sa mgá naúnang pagkabúhay-mulî?
14 Alalahánin áng mgá pagkabúhay-mulî ná inihúla sa Bíbliya. Áng pinakamahalagá sa mgá itó ay áng kay Jesús. Kung hindî siyá binuháy-mulî, walâ táyong pag-ása ná makíta pa áng mgá namatáy náting mahál sa búhay. Áng mgá binuháy-mulî bágo si Jesús, gáya noóng panahón nína Élias at Eliseo, ay hindî namán nabúhay magpakailanmán. Namatáy siláng mulî at nakakíta ng kasiraan. Péroibinángon [si Jesús] mulâ sa mgá patáy, [at] hindî ná namamatay; áng kamatáyan ay hindî ná namamanginoon sa kaniyá.” Sa lángit, siyá aynabubúhay magpakailán-kailanmán,” at hindî ná makákakíta ng kasiraan.—Róma 6:9; Apoc. 1:5, 18; Col. 1:18; 1 Ped. 3:18.

15. Bákit tináwag si Jesús náúnang búnga”?
15 Si Jesús áng únang binuháy-mulî bílang espíritu sa lángit at áng kaniyáng pagkabúhay-mulî áng pinakamahalagá. (Gawâ 26:23) Péro hindî lang siyá áng búbuháying mulî sa lángit. Nangáko si Jesús sa kaniyáng tapát ná mgá apostól ná mamámahála silá sa lángit kasáma niyá. (Luc. 22:28-30) Pára matanggáp áng kaniláng gantimpála, kailángan múna niláng mamatáy. Pagkatápos, gáya ni Krísto, bubuháyin siláng mulî tagláy áng katawang espíritu. Isinúlat ni Páblo: “Si Krísto ngâ ay ibinángon mulâ sa mgá patáy, áng únang búnga niyaóng mgá natulog ná sa kamatáyan.” Binanggít din ni Páblo ná may ibá pang búbuháying mulî sa lángit: “Báwat isá ay sa kaní-kaniyáng katayúan: si Krísto áng únang búnga, pagkatápos ay yaóng mgá kay Krísto sa panahón ng kaniyáng pagkanáriritó.”—1 Cor. 15:20, 23.

16. Anóng idéya áng mayroón táyo kung kailán magáganap áng makalángit ná pagkabúhay-mulî?
16 Binibigyán táyo nitó ng idéya kung kailán magáganap áng makalángit ná pagkabúhay-mulî—“sa panahón ng kaniyáng pagkanáriritó.” Matagál nang napatunáyan ng mgá Saksí ni Jehóva ná áyon sa Kasulátan, nabubúhay ná táyo sa panahón ngpagkanáriritóni Jesús mulâ noóng 1914. Nagpapatúloy itó, at nápakalápit ná ng wakás ng masamáng sistémang itó.

17, 18. Anó áng mangyayári sa iláng pinahíran sa panahón ng pagkanáriritó ni Krísto?
17 May karagdágang detálye pa áng Bíbliya tungkól sa makalángit ná pagkabúhay-mulî: “Hindî námin íbig ná kayó ay waláng-alám may kinaláman sa mgá natutúlog sa kamatáyan . . . Sapagkát kung táyo ay nanánampalatáya ná namatáy si Jesús at mulíng bumángon, sa gayundíng paraán, yaóng mgá natulog ná sa kamatáyan . . . ay dádalhín ng Diyós kasáma niyá . . . Táyong mgá búhay ná natítira hanggáng sa pagkanáriritó ng Panginoón ay hindî sa anumáng paraán mauuna roón sa mgá natulog ná sa kamatáyan; sapagkát áng Panginoón mísmo ay bababa mulâ sa lángit ná may nag-uútos ná panawagan, . . . at yaóng mgá patáy ná kaisá ni Krísto áng únang babángon. Pagkatápos táyong mgá búhay ná siyáng natítira, kasáma nilá, ay aagawin sa mgá úlap úpang salubungin áng Panginoón sa hángin; at sa gayón ay lagì ná táyong makákasáma ng Panginoón.”—1 Tes. 4:13-17.

18 Áng únang pagkabúhay-mulî ay magáganap iláng panahón pagkatápos magsimulá ángpagkanáriritóni Krísto. Áng mgá pinahírang búhay pa sa panahón ng malakíng kapighatían ayaagawin sa mgá úlap.” (Mat. 24:31) Áng mgáaagawinay hindî námatutulog sa kamatáyan”; íbig sabíhin, hindî silá mananatíling patáy nang mahábang panahón. Silánglahát ay babaguhin, sa isáng iglap, sa isáng kisap-matá, sa panahón ng hulíng trumpeta.”—1 Cor. 15:51, 52.

19. Anó ángmas mabúting pagkabúhay-mulîná mangyayári sa hináharáp?
19 Sa ngayón, karamíhan sa tapát ná mgá Kristiyáno ay hindî pinahíran at hindî tináwag pára maglingkód sa lángit kasáma ni Krísto. Sa halíp, hiníhintáy nilá ángáraw ni Jehóva,” kung kailán magwawakas áng masamáng sistémang itó. Waláng nakaaalám sa eksáktong óras ng wakás, péro ipinakikíta ng ebidénsiya ná malapít ná itó. (1 Tes. 5:1-3) Pagkatápos nitó, magáganap áng naiibang urì ng pagkabúhay-mulîáng pagkabúhay-mulî sa isáng paraisong lúpa. Áng mgá búbuháying mulî sa lúpa ay may pag-ásang magíng sakdál at hindî ná mulíng mamamátay. Iyón ay magígingmas mabúting pagkabúhay-mulîkung ikukumpara sa mgá binuháy-mulî noón ná namatáy rín nang magláon.—Heb. 11:35.

20. Bákit táyo makatítiyak ná magíging organisado áng pagkabúhay-mulî?
20 Sinasábi ng Bíbliya ná áng mgá makararánas ng makalángit ná pagkabúhay-mulî ay ibabangonsa kaní-kaniyáng katayúan.” (1 Cor. 15:23) Kung gayón, makatítiyak táyo ná áng makalúpang pagkabúhay-mulî ay magáganap din sa maáyos ná paraán. Kayâ bakâ maitanóng nátin: Áng mgá namatáy ba kamakailán ay bubuháyin sa pagsísimulá ng Sanlibong Táong Paghahári ni Krísto at sasalubungin ng mgá mahál nilá sa búhay? Mauuna bang buháying mulî áng mgá sinaúnang laláking tapát ná may kakayaháng mangúna pára tumúlong ná organisahin áng báyan ng Diyós sa bágong sanlibután? Kumustá namán áng mgá namatáy ná hindî lingkód ni Jehóva? Kailán at saán silá búbuháying mulî? Marámi pa táyong maitatanong. Péro kailángan ba talagá náting pakaisipin áng mgá tanóng ná itó? Hindî ba mas mabúting abangan ná lang nátin áng mangyayári? Kapaná-panabík ngang makíta kung anó áng gágawin ni Jehóva.

21. Anó áng pag-ása nátin tungkól sa pagkabúhay-mulî?
21 Samantála, dápat náting patibáyin áng áting pananámpalatáya kay Jehóva. Sa pamamagítan ni Jesús, nangáko siyá ná bubuháyin niyáng mulî áng mgá nása alaála niyá. (Juán 5:28, 29; 11:23) Pinatunáyan ni Jesús ná káyang buhayin ni Jehóva áng mgá patáy nang sabíhin niyá ná pára kay Jehóva, sína Abrahám, Isaác, at Jacóbay búhay sa kaniyá.” (Luc. 20:37, 38) Maliwánag, gáya ni Páblo, marámi táyong dahilán pára sabíhin: “Akó ay may pag-ása sa Diyós . . . ná magkakaroón ng pagkabúhay-mulî.”—Gawâ 24:15.

Naúna
Súsunod