Bantayan Siya ay Nagbibigay

Siya ay Nagbibigay ng Lakas sa Pagod
Ang ating taunang teksto para sa 2018:
Ang mga umaasa kay Jehova ay magpapanibagong-lakas.’—ISA. 40:31.
AWIT: 3, 47
PAANO NAUUGNAY ANG MGA TEKSTONG ITO SA ATING TAUNANG TEKSTO?
Isaias 40:26
Mateo 11:28-30
2 Corinto 12:9, 10
1. Anong mga problema ang hinaharap natin? Pero ano ang dahilan ni Jehova para malugod sa kaniyang tapat na mga lingkod? (Tingnan ang mga larawan sa simula ng artikulo.)
1 ANG buhay sa sistemang ito ay puno ng problema. Marami sa inyo, mga minamahal naming kapatid, ang may malubhang sakit. Ang iba naman, kahit tumatanda na rin, ay nag-aalaga ng may-edad na mga ka4 mag-anak. Mayroon ding mga kumakayod nang husto para makapaglaan, hindi ng luho, kundi ng pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya. At alam namin na marami ang may patong-patong na problemang umuubos ng lakas, panahon, pati na ng pera! Pero naniniwala kayo na tutulungan kayo ng Diyos at matatag ang inyong pananampalataya sa mga pangako niya sa hinaharap. Tiyak na nalulugod si Jehova sa inyo!
2. Paano tayo mapatitibay ng Isaias 40:29? Pero anong kaisipan ang dapat nating iwasan?
2 Pero pakiramdam mo ba kung minsan ay nasasagad ka na dahil sa mga problema sa buhay? Kung oo, hindi ka nag-iisa. Sinasabi ng Bibliya na may tapat na mga lingkod noon na nakadamang hindi na nila kaya. (1 Hari 19:4; Job 7:7) Pero sa halip na sumuko, umasa sila kay Jehova para sa lakas. Hindi sila nabigo, dahil si Jehova aynagbibigay ng lakas sa pagod.” (Isa. 40:29) Nakalulungkot, iniisip ng ilan sa bayan ng Diyos na para maharap ang mga problema sa buhay, magandangmagpahinga muna sa katotohanan,’ na para bang nagiging pabigat ang mga gawaing Kristiyano sa halip na maging pagpapala. Kaya hindi na sila nagbabasa ng Bibliya, dumadalo sa mga pulong, at nakikibahagi sa ministeryoat iyan ang gustong mangyari ni Satanas.
3. (a) Paano natin maiiwasang mapahina tayo ni Satanas? (b) Ano ang tatalakayin natin sa artikulong ito?
3 Alam ng Diyablo na kung lubusan tayong makikiba hagi sa mga gawaing Kristiyano, mapalalakas tayoat ayaw niyang mangyari iyan. Kaya kapag pakiramdam mo ay nasasagad ka na sa pisikal at emosyonal, huwag kang bibitiw kay Jehova. Lalo ka pang lumapit sa kaniya, dahilpatatatagin ka niya, palalakasin ka niya.’ (1 Ped. 5:10; Sant. 4:8) Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang dalawang puwedeng maging dahilan para magmabagal tayo sa paglilingkod sa Diyos. Aalamin din natin kung paano makatutulong ang mga simulain sa Bibliya. Pero talakayin muna natin ang kakayahan ni Jehova na palakasin tayo, gaya ng makikita sa Isaias 40:26-31.
ANG MGA UMAASA KAY JEHOVA AY MAGPAPANIBAGONG-LAKAS
4. Anong aral ang matututuhan natin sa Isaias 40:26?
4 Basahin ang Isaias 40:26. Hindi mabibilang ninuman ang lahat ng bituin sa uniberso. Naniniwala ang mga siyentipiko na sa Milky Way galaxy pa lang, mayroon nang 400 bilyong bituin. Pero binigyan ni Jehova ng pangalan o katawagan ang bawat bituin. Anong aral ang matututuhan natin dito? Kung may personal na interes si Jehova sa mga bagay na walang buhay, lalo na sa iyo! Naglilingkod ka kay Jehova, hindi dahil nakaprograma kang gawin iyon, kundi dahil mahal mo siya! (Awit 19:1, 3, 14) Kilalang-kilala ka ng ating Ama. ‘Ang mismong mga buhok ng iyong ulo ay bil ´ ang niya lahat.’ (Mat. 10:30) Tinitiyak din sa atin ng salmista: “Batid ni Jehova ang mga araw [o, pinagdaraanan] ng mga walang pagkukulang.” (Awit 37:18) Oo, nakikita niya ang mga pagsubok na dinaranas mo, at mabibigyan ka niya ng lakas na matiis ang bawat pagsubok.
5. Paano tayo makatitiyak na mapalalakas tayo ni Jehova?
5 Basahin ang Isaias 40:28. Si Jehova ang Pinagmumulan ng dinamikong lakas. Halimbawa, pag-isipan ang dami ng enerhiya na isinusuplay niya sa ating araw. Si David Bodanis, isang manunulat tungkol sa siyensiya, ay nagsabi: “Ang mass na pinasasabog ng ating Araw bawat segundo para maging enerhiya ay katumbas ng [bilyon-bilyong atomic bomb].” Sa kalkulasyon ng isa pang mananaliksik, ang araw aykasalukuyang naglalabas [ng] enerhiya kada segundo na makasasapat sa pangangailangan ng sangkatauhan para sa 200,000 taon”! Tiyak na ang Isa na naglalaan ng enerhiya sa araw ay makapagbibigay sa atin ng lakas para maharap natin ang anumang problema.
6. Bakit natin masasabi na mabait ang pamatok ni Jesus, at ano ang epekto nito sa atin?
6 Basahin ang Isaias 40:29. Ang paglilingkod kay Jehova ay nagbibigay sa atin ng kagalakan. Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Pasanin ninyo ang aking pamatok.” At idinagdag niya: “Masusumpungan ninyo ang kaginhawahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagkat ang aking pamatok ay may-kabaitan at ang aking pasan ay magaan.” (Mat. 11:28-30) Totoong-totoo iyan! Kung minsan, pagod tayong umaalis ng bahay para dumalo sa pulong o maglingkod sa ministeryo. Pero ano ang pakiramdam natin pagkauwi? Naginhawahan tayo at mas handa nang harapin ang mga problema. Napakabait nga ng pamatok ni Jesus!
7. Maglahad ng karanasan na nagpapakitang totoo ang Mateo 11: 28-30.
7 Isang sister na tatawagin nating Kayla ang dumaranas ng chronic fatigue syndrome, depresyon, at mga pag-atake ng migraine. Kaya kung minsan, hir ´ ap siyang dumalo sa mga pulong. Pero nagsikap siyang dumalo sa isang pulong pangmadla. Sumulat siya: “Ang pahayag ay tungkol sa pagkasira ng loob. May empatiya at pagmamalasakit na itinawid ang impormasyon kung kaya napaluha ako. Naipaalaala nito sa akin na mahalagang daluhan ang mga pulong.” Masaya siya dahil nagsikap siyang dumalo.
8, 9. Ano ang ibig sabihin ni Pablo nang isulat niya: “Kung kailan ako mahina, saka naman ako malakas”?
8 Basahin ang Isaias 40:30. Marami man tayong kakayahan, limitado pa rin ang magagawa natin sa ating sariling lakas. Kailangan nating tanggapin iyan. Si apostol Pablo ay lalaking may kakayahan. Pero may mga limitasyon siya kaya hindi niya magawa ang lahat ng gusto niya. Nang sabihin niya sa Diyos ang nadarama niya, sinabi ni Jehova sa kaniya: “Ang aking kapangyarihan ay pinasasakdal sa kahinaan.” Naunawaan iyon ni Pablo, kaya si nabi niya: “Kung kailan ako mahina, saka naman ako malakas.” (2 Cor. 12:7-10) Ano ang ibig niyang sabihin?
9 Alam ni Pablo na limitado ang magagawa niya sa sariling lakas, kaya kailangan niya ang tulong ng Diyos. Mapalalakas siya ng banal na espiritu ng Diyos kapag nanghihina siya. Hindi lang iyon. Mabibigyang-kapangyarihan si Pablo ng banal na espiritu na magampanan ang mga atas na hindi niya magagawa sa sarili niyang lakas. Totoo rin iyan sa atin. Kapag binibigyan tayo ni Jehova ng banal na espiritu, tiyak na mapalalakas tayo!
10. Paano tinulungan ni Jehova si David na harapin ang mga hamon sa buhay?
10 Maraming beses na naranasan ng salmistang si David kung paano siya pinalakas ng banal na espiritu ng Diyos. Umawit siya: “Sa pamamagitan mo ay madadaluhong ko ang pangkat ng mandarambong; at sa pamamagitan ng aking Diyos ay makaaakyat ako sa pader.” (Awit 18:29) May mga pader, o problema, na hindi natinmaaakyatsa sarili nating lakas; kailangan natin ang tulong ni Jehova.
11. Paano makatutulong ang banal na espiritu para maharap natin ang mga problema?
11 Basahin ang Isaias 40:31. Ang agila ay nakalilipad nang malayo pero hindi dahil sa sarili nitong lakas. Sinasamantala ng agila ang pumapaitaas na mainit na hangin kaya kaunting enerhiya lang ang nagagamit nito. Kaya kapag napaharap ka sa malaking problema, alalahanin ang agila. Magsumamo kay Jehova na bigyan ka ng higit na lakas sa pamamagitan ngkatulong, ang banal na espiritu.” (Juan 14:26) Mabuti na lang, puwede natin itong hilingin kailanmat kailangan natin —24 oras bawat araw. At baka madama natin na mas kailangan natin ang tulong ng Diyos kapag mayroon tayong di-pagkakaunawaan sa isang kapatid. Pero bakit nangyayari ang mga di-pagkakaunawaan?
12, 13. (a) Bakit nagkakaroon ng di-pagkakasundo sa pagitan ng mga Kristiyano? (b) Ano ang matututuhan natin tungkol kay Jehova sa nangyari kay Jose?
12 Nagkakaroon ng mga di-pagkakasundo dahil lahat tayo ay hindi sakdal. Kaya paminsan-minsan, naiirita tayo sa sinasabi o ginagawa ng isang kapatido kung minsan, sila ang naiinis sa atin. Napakahirap na hamon ito. Pero gaya ng ibang pagsubok, hinahayaan ni Jehova na patunayan natin ang ating katapatan sa pamamagitan ng pagsisikap na maglingkod nang may pagkakaisa kasama ng ating mga kapatid, kahit hindi sila sakdal.
13 Hindi hinahadlangan ni Jehova ang mga pagsubok sa kaniyang mga lingkod, gaya ng makikita sa nangyari kay Jose. Noong kabataan si Jose, nainggit sa kaniya ang mga kapatid niya. Ipinagbili nila siya para maging alipin, at dinala siya sa Ehipto. (Gen. 37:28) Nakita ni Jehova ang nangyari at tiyak na nalungkot siya sa ginawa nila sa kaibigan niya at tapat na lingkod na si Jose. Pero hindi Niya ito pinigilan. Pagkatapos, nang akusa han si Jose ng tangkang panggagahasa sa asawa ni Potipar at mabilanggo, hindi rin nakialam si Jehova. Pinabayaan na ba ng Diyos si Jose? Hinding-hindi! Sa halip, “pinagtatagumpay ni Jehovaang anumang gawin ni Jose.—Gen. 39:21-23.
14. Paano nakabubuti sa espirituwal at sa pisikal angpag-iwassa galit? Hindi pinabayaan ni Jehova si Jose; hindi ka rin niya pababayaan (Tingnan ang parapo 13)
14 Ang isa pang halimbawa ay si David. Bihira ang mga taong nakaranas ng masamang pakikitungo na gaya ng naranasan ni David. Pero hindi hinayaan ng kaibigang ito ng Diyos na mapun ˆ o ng hinanakit ang kaniyang puso. Sa halip, isinulat niya: “Iwasan mo ang galit at iwanan mo ang pagngangalit; huwag kang mag-init na hahantong lamang sa paggawa ng masama.” (Awit 37:8) Ano ang pinakamahalagang dahilan paraiwasanang galit? Gusto nating tularan si Jehova, dahilhindi niya ginagawa sa atin ang ayon sa ating mga kasalanan.’ (Awit 103:10) Pero may iba pang praktikal na mga dahilan paraiwasanang galit. Ang galit ay posibleng maging sanhi ng mataas na presyon ng dugo at mga problema sa paghinga. Makasasama ito sa atay at lapay, at puwedeng maging sanhi ng mga problema sa panunaw. Kapag gal´ ıt tayo, kadalasan ay hindi tayo nakakapag-isip nang malinaw. At kung minsan, ang isang silakbo ng galit ay nasusundan ng nagtatagal na depresyon. Sa kabaligtaran, sinasabi ng Bibliya naang pusong mahinahon ay buhay ng katawan.” (Kaw. 14:30) Kaya ano ang dapat nating gawin kapag nasaktan tayo ng ating kapatid? At paano tayo makikipagpayapaan? Sundin natin ang matalinong payo ng Bibliya.
KAPAG DISMAYADO TAYO SA ATING MGA KAPATID
15, 16. Ano ang puwede nating gawin kapag may nakasakit sa atin?
15 Basahin ang Efeso 4:26. Hindi na tayo nagtataka kapag pinakikitunguhan tayo nang di-maganda ng mga hindi lingkod ni Jehova. Pero matindi ang epekto kapag kapananampalataya o kapamilya natin ang may nasabi o nagawa na nakasakit sa atin. Paano kung hindi natin ka yang kalimutan na lang ang nangyari? Paaabutin ba natin nang maraming taon ang hinanakit natin? O susundin natin ang matalinong payo ng Bibliya na makipag-ayos agad? Kapag pinatatagal natin ang problema, mas mahihirapan tayong makipagpayapaan sa ating kapatid.
16 Kung nasaktan ka ng isang kapatid at hindi mo kayang palampasin iyon, ano ang puwede mong gawin para makipagpayapaan? Una, marubdob na manalangin kay Jehova. Hilingin mo sa kaniya na tulungan kang kausapin ang iyong kapatid sa maayos na paraan. Tandaan, kaibigan din siya ni Jehova. (Awit 25:14) Mahal siya ng Diyos. Mabait si Jehova sa mga kaibigan niya, at gayundin ang inaasahan niyang magiging pakikitungo natin sa kanila. (Kaw. 15:23; Mat. 7:12; Col. 4:6) Pagkatapos, isiping mabuti ang sasabihin mo sa iyong kapatid. Huwag isiping sinadya ka niyang saktan o may masama siyang motibo. Maging handang tanggapin na baka may pagkakamali ka rin. Puwede mong simulan ang pakikipag-usap nang ganito, “Siguro masyado lang akong sensitibo, pero nong nag-uusap tayo kahapon, pakiramdam ko . . . ” Kung hindi positibo ang resulta ng pag-uusap ninyo, lapitan mo siya uli sa ibang pagkakataon para makipagpayapaan. Samantala, ipanalangin ang iyong kapatid; hilingin kay Jehova na pagpalain siya. Hilingin sa Diyos na tulungan kang magpokus sa magagandang katangian ng iyong kapatid. Anuman ang maging resulta, tiyak na matutuwa si Jehova sa taimtim na pagsisikap mong makipagpayapaan sa iyong kapatid, na isang kaibigan ng Diyos.
KAPAG NABABAGABAG TAYO DAHIL SA ATING NAKARAAN
17. Kapag nagkasala tayo, anong tulong ang inilalaan ni Jehova para makabangon tayo? At bakit dapat nating samantalahin iyon?
17 Nadarama ng ilan na hindi sila karapat-dapat maglingkod kay Jehova dahil nakagawa sila ng malubhang kasalanan noon. Sinusumbatan sila ng kanilang budhi kaya nawawala ang kanilang kapayapaan, kagalakan, at lakas. Naranasan iyan ni Haring David. Sinabi niya: “Nang manahimik ako ay nanghina ang aking mga buto dahil sa pagdaing ko buong araw. Sapagkat sa araw at gabi ay mabigat ang iyong kamay sa akin.” Mabuti na lang, hinarap ni David ang kaniyang problema bilang isang taong espirituwal. “Ang aking kasalanan ay ipinagtapat ko sa iyo sa wakas,” ang isinulat niya, “at pinagpaumanhinan mo ang kamalian ng aking mga kasalanan.” (Awit 32:3-5) Kung nagkasala ka nang malubha, handa kang tulungan ni Jehova para makabangon ka. Pero kailangan mong tanggapin ang tulong na inilalaan niya sa pamamagitan ng kongregasyon. (Kaw. 24:16; Sant. 5:13-15) Huwag magpalibannakataya rito ang walang-hanggang kinabukasan mo! Paano naman kung matagal nang napatawad ang kasalanan mo, pero nababagabag ka pa rin?
18. Paano makatutulong ang halimbawa ni Pablo sa mga nakadarama na hindi sila karapat-dapat maglingkod kay Jehova?
18 May mga panahong nababagabag din si apostol Pablo sa mga pagkakamaling nagawa niya. Inamin niya: “Ako ang pinakamababa sa mga apostol, at hindi ako nararapat tawaging apostol, sapagkat pinag-usig ko ang kongregasyon ng Diyos.” Pero idinagdag ni Pablo: “Ngunit dahil sa di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos, ako ay naging kung ano nga ako.” (1 Cor. 15:9, 10) Tanggap ni Jehova kung ano si Pablo, isang di-sakdal na tao, at gusto niyang tanggapin din iyon ni Pablo. Kung taimtim kang nagsisisi sa nagawa mong kasalanan at ipinagtapat mo na iyon kay Jehova, at sa mga elder kung kinakailangan, mapapanatag ka na dahil maawain si Jehova. Maniwala kang pinatawad ka na ni Jehova at tanggapin ang kapatawaran niya!—Isa. 55:6, 7.
19. Ano ang ating taunang teksto para sa 2018, at bakit ito angkop?
19 Habang papalap´ ıt ang wakas ng sistemang ito, asahan nating darami pa ang mga problema. Pero makatitiyak ka na ibibigay ni Jehova ang anumang kailangan mo para patuloy kang makapaglingkod nang tapat dahilsiya ay nagbibigay ng lakas sa pagod; at ang isa na walang dinamikong lakas ay pinasasagana niya sa lubos na kalakasan.” (Isa. 40:29; Awit 55:22; 68:19) Sa buong 2018, maaalaala natin ang mahalagang katotohanang iyan sa tuwing dadalo tayo ng pulong sa Kingdom Hall. Bakit? Dahil makikita natin doon ang ating taunang teksto: ‘Ang mga umaasa kay Jehova ay magpapanibagonglakas.’—Isa. 40:31.

Siyá ay Nagbíbigay ng Lakás sa Pagód
Áng áting taúnang téksto pára sa 2018:
Áng mgá umaása kay Jehóva ay magpapanibagong-lakás.’—ISÁ. 40:31.
ÁWIT: 3, 47
PAÁNO NAUUGNÁY ÁNG MGÁ TÉKSTONG ITÓ SA ÁTING TAÚNANG TÉKSTO?
Isáias 40:26
Matéo 11:28-30
2 Corinto 12:9, 10
1. Anóng mgá probléma áng hináharáp nátin? Péro anó áng dahilán ni Jehóva pára malugod sa kaniyáng tapát ná mgá lingkód? (Tingnán áng mgá laráwan sa simulá ng artíkulo.)
1 ÁNG búhay sa sistémang itó ay punó ng probléma. Marámi sa inyó, mgá minámahal náming kapatíd, áng may malubháng sakít. Áng ibá namán, káhit tumátandá ná rín, ay nag-aalága ng may-edád ná mgá ka4 mag-anák. Mayroón ding mgá kumakayod nang hustó pára makapaglaán, hindî ng luho, kundî ng pangunáhing pangangailángan ng kaniláng pamílya. At alám námin ná marámi áng may pátong-pátong ná problémang umuúbos ng lakás, panahón, patí ná ng péra! Péro naniniwála kayó ná tútulungan kayó ng Diyós at matatág áng inyóng pananámpalatáya sa mgá pangáko niyá sa hináharáp. Tiyák ná nalúlugod si Jehóva sa inyó!
2. Paáno táyo mapatitíbay ng Isáias 40:29? Péro anóng kaisipán áng dápat náting iwásan?
2 Péro pakiramdám mo ba kung mínsan ay nasasagad ka ná dáhil sa mgá probléma sa búhay? Kung óo, hindî ka nag-íisa. Sinasábi ng Bíbliya ná may tapát ná mgá lingkód noón ná nakadamang hindî ná nilá kayâ. (1 Hári 19:4; Job 7:7) Péro sa halíp ná sumúko, umása silá kay Jehóva pára sa lakás. Hindî silá nabigó, dáhil si Jehóva aynagbíbigay ng lakás sa pagód.” (Isá. 40:29) Nakalúlungkót, iniísip ng ilán sa báyan ng Diyós ná pára maharáp áng mgá probléma sa búhay, magandángmagpahinga múna sa katotohánan,’ ná pára bang nagíging pabigát áng mgá gawáing Kristiyáno sa halíp ná magíng pagpapála. Kayâ hindî ná silá nagbabasá ng Bíbliya, dumádalo sa mgá púlong, at nakikibahági sa ministéryoat iyán áng gustóng mangyári ni Satanás.
3. (a) Paáno nátin maiiwásang mapahina táyo ni Satanás? (b) Anó áng tátalakáyin nátin sa artíkulong itó?
3 Alám ng Diyáblo ná kung lubúsan táyong makikiba hagi sa mgá gawáing Kristiyáno, mapalálakás táyoat áyaw niyáng mangyári iyán. Kayâ kapág pakiramdám mo ay nasasagad ka ná sa pisikál at emosyonál, huwág kang bíbitíw kay Jehóva. Lálo ka pang lumápit sa kaniyá, dáhilpatatatagin ka niyá, palálakasín ka niyá.’ (1 Ped. 5:10; Sant. 4:8) Sa artíkulong itó, tátalakáyin nátin áng dalawáng puwédeng magíng dahilán pára magmabagal táyo sa paglilingkód sa Diyós. Áalamin din nátin kung paáno makatutúlong áng mgá simuláin sa Bíbliya. Péro talakáyin múna nátin áng kakayahán ni Jehóva ná palakasín táyo, gáya ng makikíta sa Isáias 40:26-31.
ÁNG MGÁ UMAÁSA KAY JEHÓVA AY MAGPAPANIBAGONG-LAKÁS
4. Anóng áral áng matútutúhan nátin sa Isáias 40:26?
4 Basáhin áng Isáias 40:26. Hindî mabibilang ninuman áng lahát ng bituín sa unibérso. Naniniwála áng mgá siyentípiko ná sa Milky Way galaxy pa lang, mayroón nang 400 bilyóng bituín. Péro binigyán ni Jehóva ng pangálan o katawagan áng báwat bituín. Anóng áral áng matútutúhan nátin díto? Kung may personál ná interés si Jehóva sa mgá bágay ná waláng búhay, lálo ná sa iyó! Naglílingkód ka kay Jehóva, hindî dáhil nakaprograma kang gawín iyón, kundî dáhil mahál mo siyá! (Áwit 19:1, 3, 14) Kilaláng-kilála ka ng áting Amá. ‘Áng mísmong mgá buhók ng iyóng úlo ay bil ´ áng niyá lahát.’ (Mat. 10:30) Tinítiyák din sa átin ng salmísta: “Batid ni Jehóva áng mgá áraw [o, pinagdaraánan] ng mgá waláng pagkukúlang.” (Áwit 37:18) Óo, nakikíta niyá áng mgá pagsúbok ná dinaranas mo, at mabíbigyán ka niyá ng lakás ná matiis áng báwat pagsúbok.
5. Paáno táyo makatítiyak ná mapalálakás táyo ni Jehóva?
5 Basáhin áng Isáias 40:28. Si Jehóva áng Pinagmúmulan ng dinamikong lakás. Halimbáwa, pag-isípan áng dámi ng enerhíya ná isinusuplay niyá sa áting áraw. Si Davíd Bodanis, isáng mánunulát tungkól sa siyénsiya, ay nagsábi: “Áng mass ná pinasasabog ng áting Áraw báwat segúndo pára magíng enerhíya ay katumbás ng [bilyon-bilyóng atomic bomb].” Sa kalkulasyon ng isá pang mananaliksík, áng áraw aykasalukúyang naglalabas [ng] enerhíya kada segúndo ná makasasapat sa pangangailángan ng sángkataúhan pára sa 200,000 taón”! Tiyák ná áng Isá ná naglálaan ng enerhíya sa áraw ay makapagbibigáy sa átin ng lakás pára maharáp nátin áng anumáng probléma.
6. Bákit nátin masasábi ná mabaít áng památok ni Jesús, at anó áng epékto nitó sa átin?
6 Basáhin áng Isáias 40:29. Áng paglilingkód kay Jehóva ay nagbíbigay sa átin ng kagalákan. Sinábi ni Jesús sa kaniyáng mgá alagád: “Pasánin ninyó áng áking památok.” At idinagdág niyá: “Masúsumpungán ninyó áng kaginhawahan ng inyóng mgá káluluwá. Sapagkát áng áking památok ay may-kabaítan at áng áking pasán ay magaan.” (Mat. 11:28-30) Totoóng-totoó iyán! Kung mínsan, pagód táyong umaalis ng báhay pára dumaló sa púlong o maglingkód sa ministéryo. Péro anó áng pakiramdám nátin pagkauwi? Naginhawahan táyo at mas handâ nang harapín áng mgá probléma. Napakabait ngâ ng památok ni Jesús!
7. Maglahad ng karanasán ná nagpápakítang totoó áng Matéo 11: 28-30.
7 Isáng síster ná tatawágin náting Kayla áng dumaránas ng chronic fatigue syndrome, depresyon, at mgá pag-atake ng migraine. Kayâ kung mínsan, hir ´ ap siyáng dumaló sa mgá púlong. Péro nagsíkap siyáng dumaló sa isáng púlong pangmadlá. Sumúlat siyá: “Áng paháyag ay tungkól sa pagkasíra ng loób. May empatíya at pagmamalasakit ná itinawid áng impormasyón kung kayâ napaluha akó. Naipaalaala nitó sa ákin ná mahalagáng daluhán áng mgá púlong.” Masáya siyá dáhil nagsíkap siyáng dumaló.
8, 9. Anó áng íbig sabíhin ni Páblo nang isúlat niyá: “Kung kailán akó mahína, saká namán akó malakás”?
8 Basáhin áng Isáias 40:30. Marámi man táyong kakayahán, limitádo pa rín áng magágawa nátin sa áting saríling lakás. Kailángan náting tanggapín iyán. Si apostól Páblo ay laláking may kakayahán. Péro may mgá limitasyón siyá kayâ hindî niyá magawâ áng lahát ng gustó niyá. Nang sabíhin niyá sa Diyós áng nadárama niyá, sinábi ni Jehóva sa kaniyá: “Áng áking kapangyaríhan ay pinasasakdal sa kahináan.” Naunawáan iyón ni Páblo, kayâ si nabi niyá: “Kung kailán akó mahína, saká namán akó malakás.” (2 Cor. 12:7-10) Anó áng íbig niyáng sabíhin?
9 Alám ni Páblo ná limitádo áng magágawa niyá sa saríling lakás, kayâ kailángan niyá áng túlong ng Diyós. Mapalálakás siyá ng banál ná espíritu ng Diyós kapág nanghihina siyá. Hindî lang iyón. Mabibigyang-kapangyaríhan si Páblo ng banál ná espíritu ná magampánan áng mgá átas ná hindî niyá magágawa sa saríli niyáng lakás. Totoó rín iyán sa átin. Kapág binibigyán táyo ni Jehóva ng banál ná espíritu, tiyák ná mapalálakás táyo!
10. Paáno tinulúngan ni Jehóva si Davíd ná harapín áng mgá hámon sa búhay?
10 Maráming béses ná naranásan ng salmístang si Davíd kung paáno siyá pinalakás ng banál ná espíritu ng Diyós. Umáwit siyá: “Sa pamamagítan mo ay madadaluhong ko áng pangkat ng mandarambong; at sa pamamagítan ng áking Diyós ay makaaakyat akó sa padér.” (Áwit 18:29) May mgá padér, o probléma, ná hindî nátinmaaakyatsa saríli náting lakás; kailángan nátin áng túlong ni Jehóva.
11. Paáno makatutúlong áng banál ná espíritu pára maharáp nátin áng mgá probléma?
11 Basáhin áng Isáias 40:31. Áng agila ay nakalilipad nang maláyo péro hindî dáhil sa saríli nitóng lakás. Sinasamantala ng agila áng pumapaitaas ná maínit ná hángin kayâ kauntíng enerhíya lang áng nagagamit nitó. Kayâ kapág napaharáp ka sa malakíng probléma, alalahánin áng agila. Magsumámo kay Jehóva ná bigyán ka ng higít ná lakás sa pamamagítan ngkatúlong, áng banál ná espíritu.” (Juán 14:26) Mabúti ná lang, puwéde nátin itóng hilingín kailanmát kailángan nátin —24 óras báwat áraw. At bakâ madamá nátin ná mas kailángan nátin áng túlong ng Diyós kapág mayroón táyong dí-pagkakaunawáan sa isáng kapatíd. Péro bákit nangyayári áng mgá dí-pagkakaunawáan?
12, 13. (a) Bákit nagkákaroón ng dí-pagkakasundo sa pagítan ng mgá Kristiyáno? (b) Anó áng matútutúhan nátin tungkól kay Jehóva sa nangyári kay José?
12 Nagkákaroón ng mgá dí-pagkakasundo dáhil lahát táyo ay hindî sakdál. Kayâ pamínsan-mínsan, naiirita táyo sa sinasábi o ginágawâ ng isáng kapatído kung mínsan, silá áng naiinis sa átin. Napakahírap ná hámon itó. Péro gáya ng ibáng pagsúbok, hinahayáan ni Jehóva ná patunáyan nátin áng áting katapátan sa pamamagítan ng pagsisíkap ná maglingkód nang may pagkakáisá kasáma ng áting mgá kapatíd, káhit hindî silá sakdál.
13 Hindî hinahadlangan ni Jehóva áng mgá pagsúbok sa kaniyáng mgá lingkód, gáya ng makikíta sa nangyári kay José. Noóng kabatáan si José, nainggit sa kaniyá áng mgá kapatíd niyá. Ipinagbilí nilá siyá pára magíng alípin, at dinalá siyá sa Ehípto. (Gen. 37:28) Nakíta ni Jehóva áng nangyári at tiyák ná nalungkót siyá sa ginawâ nilá sa kaibígan niyá at tapát ná lingkód ná si José. Péro hindî Niyá itó pinigilan. Pagkatápos, nang akusá han si José ng tangkang panggagahasa sa asáwa ni Potipar at mabilanggo, hindî rín nakialam si Jehóva. Pinabayaan ná ba ng Diyós si José? Hindíng-hindî! Sa halíp, “pinagtatagumpay ni Jehóvaáng anumáng gawín ni José.—Gen. 39:21-23.
14. Paáno nakabubúti sa espirituwál at sa pisikál ángpag-íwassa galít? Hindî pinabayaan ni Jehóva si José; hindî ka rín niyá pababayáan (Tingnán áng párapo 13)
14 Áng isá pang halimbáwa ay si Davíd. Bihíra áng mgá táong nakaránas ng masamáng pakikitúngo ná gáya ng naranásan ni Davíd. Péro hindî hinayáan ng kaibígang itó ng Diyós ná mapun ˆ o ng hínanakít áng kaniyáng púso. Sa halíp, isinúlat niyá: “Iwásan mo áng galít at iwanan mo áng pagngangalit; huwág kang mag-ínit ná háhantong lámang sa paggawà ng masamâ.” (Áwit 37:8) Anó áng pínakamahalagáng dahilán páraiwásanáng galít? Gustó náting tuláran si Jehóva, dáhilhindî niyá ginágawâ sa átin áng áyon sa áting mgá kasalánan.’ (Áwit 103:10) Péro may ibá pang praktikál ná mgá dahilán páraiwásanáng galít. Áng galít ay posíbleng magíng sanhî ng mataás ná presyon ng dugô at mgá probléma sa paghinga. Makasasama itó sa atay at lapay, at puwédeng magíng sanhî ng mgá probléma sa panunaw. Kapág gal´ ıt táyo, kadalásan ay hindî táyo nakakapag-ísip nang malínaw. At kung mínsan, áng isáng silakbo ng galít ay nasusundan ng nagtatagal ná depresyon. Sa kabaligtarán, sinasábi ng Bíbliya nááng púsong mahinahon ay búhay ng katawán.” (Kaw. 14:30) Kayâ anó áng dápat náting gawín kapág nasaktán táyo ng áting kapatíd? At paáno táyo makikipagpayapaan? Sundín nátin áng matalínong páyo ng Bíbliya.
KAPÁG DISMAYÁDO TÁYO SA ÁTING MGÁ KAPATÍD
15, 16. Anó áng puwéde náting gawín kapág may nakasakít sa átin?
15 Basáhin áng Eféso 4:26. Hindî ná táyo nagtataká kapág pinakikitungúhan táyo nang dí-magandá ng mgá hindî lingkód ni Jehóva. Péro matindí áng epékto kapág kapanánampalatáya o kapamílya nátin áng may nasábi o nagawâ ná nakasakít sa átin. Paáno kung hindî nátin ka yang kalimútan ná lang áng nangyári? Paaabutin ba nátin nang maráming taón áng hínanakít nátin? O súsundin nátin áng matalínong páyo ng Bíbliya ná mákipag-áyos agád? Kapág pinatatagal nátin áng probléma, mas mahihirapan táyong makipagpáyapaán sa áting kapatíd.
16 Kung nasaktán ka ng isáng kapatíd at hindî mo káyang palampasin iyón, anó áng puwéde mong gawín pára makipagpáyapaán? Úna, marubdób ná manalángin kay Jehóva. Hilingín mo sa kaniyá ná tulúngan kang kausápin áng iyóng kapatíd sa maáyos ná paraán. Tandaán, kaibígan din siyá ni Jehóva. (Áwit 25:14) Mahál siyá ng Diyós. Mabaít si Jehóva sa mgá kaibígan niyá, at gayundín áng ináasáhan niyáng magíging pakikitúngo nátin sa kanilá. (Kaw. 15:23; Mat. 7:12; Col. 4:6) Pagkatápos, isíping mabúti áng sásabíhin mo sa iyóng kapatíd. Huwág isíping sinadya ka niyáng saktan o may masamâ siyáng motíbo. Magíng handáng tanggapín ná bakâ may pagkakámalî ka rín. Puwéde mong simulán áng pakíkipag-úsap nang ganitó, “Siguro masyádo lang akóng sensitíbo, péro nong nag-uúsap táyo kahapon, pakiramdám ko . . . ” Kung hindî positíbo áng resúlta ng pag-uúsap ninyó, lapítan mo siyá ulî sa ibáng pagkakátaon pára makipagpáyapaán. Samantála, ipanalángin áng iyóng kapatíd; hilingín kay Jehóva ná pagpaláin siyá. Hilingín sa Diyós ná tulúngan kang magpókus sa magagandáng katangían ng iyóng kapatíd. Anumán áng magíng resúlta, tiyák ná matútuwa si Jehóva sa taimtím ná pagsisíkap mong makipagpáyapaán sa iyóng kapatíd, ná isáng kaibígan ng Diyós.
KAPÁG NABABAGÁBAG TÁYO DÁHIL SA ÁTING NAKARAAN
17. Kapág nagkasála táyo, anóng túlong áng inilálaán ni Jehóva pára makabángon táyo? At bákit dápat náting samantalahín iyón?
17 Nadárama ng ilán ná hindî silá karápat-dápat maglingkód kay Jehóva dáhil nakagawâ silá ng malubháng kasalánan noón. Sinusumbatan silá ng kaniláng budhî kayâ nawáwalâ áng kaniláng kapayapáan, kagalákan, at lakás. Naranásan iyán ni Háring Davíd. Sinábi niyá: “Nang manahimik akó ay nanghína áng áking mgá butó dáhil sa pagdaing ko buóng áraw. Sapagkát sa áraw at gabí ay mabigát áng iyóng kamáy sa ákin.” Mabúti ná lang, hinarap ni Davíd áng kaniyáng probléma bílang isáng táong espirituwál. “Áng áking kasalánan ay ipinagtapát ko sa iyó sa wakás,” áng isinúlat niyá, “at pinagpaumanhinan mo áng kamalían ng áking mgá kasalánan.” (Áwit 32:3-5) Kung nagkasála ka nang malubhâ, handâ kang tulúngan ni Jehóva pára makabángon ka. Péro kailángan mong tanggapín áng túlong ná inilálaán niyá sa pamamagítan ng kongregasyón. (Kaw. 24:16; Sant. 5:13-15) Huwág magpalibannakataya ríto áng waláng-hanggáng kinabukásan mo! Paáno namán kung matagál nang napatáwad áng kasalánan mo, péro nababagábag ka pa rín?
18. Paáno makatutúlong áng halimbáwa ni Páblo sa mgá nakadárama ná hindî silá karápat-dápat maglingkód kay Jehóva?
18 May mgá panahóng nababagábag din si apostól Páblo sa mgá pagkakámalíng nagawâ niyá. Inámin niyá: “Akó áng pinakamababa sa mgá apostól, at hindî akó nararápat tawaging apostól, sapagkát pínag-usig ko áng kongregasyón ng Diyós.” Péro idinagdág ni Páblo: “Ngúnit dáhil sa dí-sána-nararápat ná kabaítan ng Diyós, akó ay nagíng kung anó ngâ akó.” (1 Cor. 15:9, 10) Tanggáp ni Jehóva kung anó si Páblo, isáng dí-sakdál ná táo, at gustó niyáng tanggapín din iyón ni Páblo. Kung taimtím kang nagsisísi sa nagawâ mong kasalánan at ipinagtapát mo ná iyón kay Jehóva, at sa mgá élder kung kinakailángan, mapapanatag ka ná dáhil maawaín si Jehóva. Maniwála kang pinatáwad ka ná ni Jehóva at tanggapín áng kapatawarán niyá!—Isá. 55:6, 7.
19. Anó áng áting taúnang téksto pára sa 2018, at bákit itó angkóp?
19 Hábang papalap´ ıt áng wakás ng sistémang itó, asahan náting darami pa áng mgá probléma. Péro makatítiyak ka ná ibíbigay ni Jehóva áng anumáng kailángan mo pára patúloy kang makapaglingkód nang tapát dáhilsiyá ay nagbíbigay ng lakás sa pagód; at áng isá ná waláng dinamikong lakás ay pinasasagana niyá sa lubós ná kalakásan.” (Isá. 40:29; Áwit 55:22; 68:19) Sa buóng 2018, maaalaala nátin áng mahalagáng katotohánang iyán sa tuwíng dadalo táyo ng púlong sa Kingdom Hall. Bákit? Dáhil makikíta nátin doón áng áting taúnang téksto: ‘Áng mgá umaása kay Jehóva ay magpapanibagonglakas.’—Isá. 40:31.