Bantayan Anong Uri ng Pag-ibig

Anong Uri ng Pag-ibig ang Nagbibigay ng Tunay na Kaligayahan?
Maligaya ang bayan na ang Diyos ay si Jehova!”—AWIT 144:15.
AWIT: 111, 109
PAANO MO SASAGUTIN?
Paano natin maiiwasan ang sobrang pagmamahal sa sarili?
Bakit hindi maligaya ang mga maibigin sa salapi?
Paano natin masusuri ang pananaw natin sa kaluguran?
1.Bakit natatangi ang panahong kinabubuhayan natin?
1 NABUBUHAY tayo sa natatanging panahon ng kasaysayan. Gaya ng inihula ng Bibliya, tinitipon ni Jehova angisang malaking pulutong . . . mula sa lahat ng mga bansa at mga tribo at mga bayan at mga wika.” Ang mga natipon ay bumubuo ng isangmakapangyarihang bansang mahigit walong milyong maliligayang tao nanag-uukol [sa Diyos] ng sagradong paglilingkod araw at gabi.” (Apoc. 7:9, 15; Isa. 60:22) Ngayon lang dumami nang ganito ang mga umiibig sa Diyos at sa kanilang kapuwa.
2. Anong maling uri ng pag-ibig ang makikita sa mga taong hiwalay sa Diyos? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
2 Pero inihula rin ng Kasulatan na sa panahon natin, isang maling uri ng pag-ibig, na makasarili, ang makikita sa mga taong hiwalay sa Diyos. Isinulat ni apostol Pablo: “Sa mga huling araw . . . , ang mga tao ay magiging mga maibigin sa kanilang sarili, mga maibigin sa salapi, . . . mga maibigin sa mga kaluguran kaysa maibigin sa Diyos.” (2 Tim. 3:1-4) Ang ganitong makasariling pag-ibig ay salungat sa Kristiyanong pag-ibig. Ang makasariling mga tunguhin ay hindi nagdudulot ng kaligayahang inaasam-asam ng mga tao. Sa halip, lumilikha ito ng makasariling mundo namahirap pakitunguhan.”
3. Ano ang susuriin natin sa artikulong ito, at bakit?
3 Kinilala ni Pablo na mapanganib sa mga Kristiyano ang paglaganap ng makasariling pag-ibig. Kaya naman nagbabala siya nalayuannatin ang mga nagpapakita nito. (2 Tim. 3:5) Pero hindi natin lubusang maiiwasan ang mga taong iyon. Kaya paano natin mapoprotektahan ang ating sarili sa makasanlibutang mga saloobin para mapaluguran si Jehova, ang Diyos ng pag-ibig? Paghambingin natin ang makadiyos na pag-ibig at ang pag-ibig na inilalarawan sa 2 Timoteo 3:2-4. Sa ganitong paraan, masusuri natin at mapadadalisay ang pag-ibig na ipinakikita natinang uri ng pag-ibig na nagbibigay ng tunay na kaligayahan.
PAG-IBIG SA DIYOS O PAG-IBIG SA SARILI?
4. Bakit hindi maling magkaroon ng balanseng pag-ibig sa sarili?
4 “Ang mga tao ay magiging mga maibigin sa kanilang sarili,” ang isinulat ng apostol. Mali bang ibigin ang ating sarili? Hindi. Normal lang, at mahalaga pa nga, na magkaroon ng tamang pag-ibig sa sarili. Ganiyan ang pagkakadisenyo sa atin ni Jehova. Sinabi ni Jesus: “Iibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.” (Mar. 12:31) Kung hindi natin iniibig ang ating sarili, hindi natin puwedeng ibigin ang ating kapuwa. Mababasa rin natin sa Kasulatan: “Dapat ibigin ng mga asawang lalaki ang kani-kanilang asawang babae na gaya ng sa kanilang sariling mga katawan. Siya na umiibig sa kaniyang asawang babae ay umiibig sa kaniyang sarili, sapagkat walang taong napoot kailanman sa kaniyang sariling laman; kundi pinakakain at inaaruga niya ito.” (Efe. 5:28, 29) Kaya mahalagang magkaroon tayo ng tamang pag-ibig sa sarili.
5. Paano mo ilalarawan ang mga taong sobra-sobra ang pagmamahal sa sarili?
5 Pero ang pag-ibig sa sarili na binanggit sa 2 Timoteo 3:2 ay hindi normal o makatuwirang pag-ibig. Pilipit ito at makasarili. Ang mga taong sobra-sobra ang pagmamahal sa sarili ay nag-iisip nang higit tungkol sa kanilang sarili kaysa sa nararapat nilang isipin. (Basahin ang Roma 12:3.) Walang ibang mahalaga sa kanila kundi ang sarili. Wala silang malasakit sa iba. Kapag nagkaproblema, sinisisi nila ang iba sa halip na ang kanilang sarili. Ang gayong mga tao ay hindi tunay na maligaya.
6. Ano ang magagandang resulta ng pag-ibig sa Diyos?
6 Sinasabi ng mga iskolar ng Bibliya na inuna ni apostol Pablo ang pag-ibig sa sarili sa listahan ng masasamang ugali na magiging palasak sa mga huling araw dahil ito ang ugat ng iba pang pag-uugali. Pero iba ang bungang makikita sa mga taong umiibig sa Diyos. Iniuugnay ng Bibliya ang makadiyos na pag-ibig sa kagalakan, kapayapaan, mahabang pagtitiis, kabaitan, kabutihan, pananampalataya, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. (Gal. 5:22, 23) “Maligaya ang bayan na ang Diyos ay si Jehova!” ang isinulat ng salmista. (Awit 144:15) Si Jehova ay maligayang Diyos, at maligaya rin ang kaniyang bayan. Di-tulad ng mga maibigin sa sarili na tanggap lang nang tanggap, ang mga lingkod ni Jehova ay masayang nagsasakripisyo para sa kapakanan ng iba.—Gawa 20:35.
7. Anong mga tanong ang tutulong para masuri natin ang ating pag-ibig sa Diyos?
7 Paano natin malalaman kung nadaraig na ng pagibig sa sarili ang pag-ibig natin sa Diyos? Pansinin ang payo sa Filipos 2:3, 4: “[Huwag gumawa] ng anuman dahil sa hilig na makipagtalo o dahil sa egotismo, kundi may kababaan ng pag-iisip na itinuturing na ang iba ay nakatataas sa inyo, na itinutuon ang mata, hindi lamang sa personal na kapakanan ng inyong sariling mga bagay-bagay, kundi sa personal na kapakanan din ng iba.” Tanungin ang sarili: ‘Sinusunod ko ba ang payong iyan sa buhay ko? Talaga bang ginagawa ko ang kalooban ng Diyos? Sinisikap ko bang tulungan ang iba sa kongregasyon at sa ministeryo?’ Hindi madaling ibigay ang ating panahon at lakas. Kailangan dito ang pagsisikap at pagsasakripisyo. Pero wala nang mas makapagpapasaya sa atin kaysa sa pagkaalam na sinasangayunan tayo ng Soberano ng uniberso!
8. Ano ang ginawa ng ilang Kristiyano dahil sa kanilang pag-ibig sa Diyos?
8 Dahil mahal nila ang Diyos, tinalikuran ng ilan ang kanilang magagandang karera para mas makapaglingkod kay Jehova. Si Ericka, na nakatira sa United States, ay isang doktor. Pero sa halip na magpokus sa kaniyang karera sa medisina, nag-regular payunir siya at nakapaglingkod sa ilang bansa kasama ng kaniyang asawa. Sinabi niya: “Talagang naging maligaya kami dahil sa maraming karanasan namin sa pangangaral sa teritoryong banyaga ang wika, at dahil sa mga naging kaibigan namin. Nagtatrabaho pa rin ako bilang doktor, pero ang paggamit ng aking panahon at lakas para pagalingin ang mga tao sa espirituwal at para asikasuhin ang pangangailangan ng kongregasyon ang talagang nagbibigay sa akin ng kagalakan at kasiyahan.”
KAYAMANAN SA LANGIT O KAYAMANAN SA LUPA?
9. Bakit hindi magbibigay ng kaligayahan ang pag-ibig sa salapi?
9 Isinulat ni Pablo na ang mga tao ay magigingmaibigin sa salapi.” Ilang taon na ang nakararaan, isang payunir sa Ireland ang nakipag-usap sa isang lalaki tungkol sa Diyos. Inilabas ng lalaki ang kaniyang wallet, kumuha ng ilang perang papel, itinaas ang mga iyon, at nagmamalaking sinabi, “Ito ang diyos ko!” Kahit hindi nila aminin, marami ang may ganiyang kaisipan. Mahal nila ang pera at ang mga bagay na nabibili nito. Pero sinasabi ng Bibliya: “Ang maibigin sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak, ni ang sinumang maibigin sa yaman ay masisiyahan sa kita.” (Ecles. 5:10) Ang ganitong mga tao ay laging maghahangad ng higit pang pera, at sa pagkakamal nito, magdudulot lang sila ngmaraming kirot [sa] kanilang sarili.”—1 Tim. 6:9, 10.
10. Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa kayamanan at karalitaan?
10 Siyempre pa, lahat tayo ay nangangailangan ng pera. Naglalaan ito ng proteksiyon. (Ecles. 7:12) Pero puwede bang maging tunay na maligaya ang isang tao kung pangunahing pangangailangan lang niya ang mayroon siya? Oo naman! (Basahin ang Eclesiastes 5:12.) Isinulat ni Agur na anak ni Jakeh: “Huwag mo akong bigyan ng karalitaan ni ng kayamanan man. Ipaubos mo sa akin ang pagkaing itinakda para sa akin.” Maiintindihan natin kung bakit ayaw niyang maging napakadukha. Ipinaliwanag niya na ayaw niyang matuksong magnakaw dahil ang pagnanakaw ay lalapastangan sa Diyos. Pero bakit ayaw rin niyang maging mayaman? Isinulat niya: “Upang hindi ako mabusog at ikaila nga kita at sabihin ko: ‘Sino si Jehova?’” (Kaw. 30:8, 9) Malamang na may kilala kang mga tao na nagtitiwala sa kanilang kayamanan sa halip na sa Diyos.
11. Anong payo ang ibinigay ni Jesus tungkol sa salapi?
11 Ang mga maibigin sa salapi ay hindi makalulugod sa Diyos. Sinabi ni Jesus: “Walang sinuman ang maaaring magpaalipin sa dalawang panginoon; sapagkat alinman sa kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, o pipisan siya sa isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring magpaalipin sa Diyos at sa Kayamanan.” Bago iyan, sinabi niya: “Huwag na kayong mag-imbak para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa lupa, kung saan ang tang ` a at kalawang ay nang-uubos, at kung saan ang mga magnanakaw ay nanloloob at nagnanakaw. Sa halip, mag-imbak kayo para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa langit, kung saan kahit ang tang ` a o ang kalawang man ay hindi nang-uubos, at kung saan ang mga magnanakaw ay hindi nanloloob at nagnanakaw.”—Mat. 6:19, 20, 24.

Paano natin maiiwasang maging maibigin sa sarili, sa pera, o sa kaluguran? (Tingnan ang parapo 7, 13, 18)
12. Paano makatutulong ang pamumuhay nang simple para mas makapaglingkod sa Diyos? Magbigay ng halimbawa.
12 Napatunayan ng marami na dahil sa pamumuhay nang simple, naging mas maligaya sila at nagkaroon ng mas maraming panahon para maglingkod kay Jehova. Halimbawa, ipinagbili ni Jack, na nakatira sa United States, ang kanilang malaking bahay at negosyo para makapagpayunir kasama ng kaniyang asawa. Sinabi niya: “Nahirapan akong bitiwan ang aming magandang tahanan at property sa lalawigan. Pero maraming taon na akong umuuwing konsumido dahil sa mga problema sa trabaho. Samantala, ang asawa ko, na isang regular pioneer, ay laging masaya. Sinasabi niya, ‘The best sa lahat ang boss ko!’ Ngayong nagpapayunir na rin ako, iisa na ang pinaglilingkuran namin, si Jehova.”
13. Paano natin masusuri ang pananaw natin sa pera?
13 Para masuri ang pananaw natin sa pera, tapatan nating pag-isipan kung paano natin sasagutin ang mga ito: ‘Talaga bang naniniwala ako sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa pera at namumuhay ayon dito? Pangunahin ba sa buhay ko ang kumita ng pera? Mas mahalaga ba sa akin ang materyal na mga bagay kaysa sa kaugnayan ko kay Jehova at sa kaniyang bayan? Talaga bang nagtitiwala ako na ilalaan ni Jehova ang mga pangangailangan ko?’ Makatitiyak tayo na hindi niya bibiguin ang mga umaasa sa kaniya.—Mat. 6:33.
MAHAL BA NATIN SI JEHOVA O ANG MGA KALUGURAN?
14. Ano ang balanseng pananaw sa kaluguran?
14 Gaya ng inihula, maraming tao ngayon angmaibigin sa mga kaluguran.” Kung paanong walang masama sa balanse at makatuwirang pananaw sa sarili at sa pera, wala rin namang masama sa balanseng pananaw sa kaluguran. Ayaw ni Jehova na labis nating pagkaitan ang ating sarili o umiwas tayo sa mabubuting gawain na nagdudulot ng kasiyahan. Pinasisigla ng Bibliya ang mga tapat: “Yumaon ka, kainin mo ang iyong pagkain nang may pagsasaya at inumin mo ang iyong alak nang may mabuting puso.”—Ecles. 9:7.
15. Anong uri ng kaluguran ang tinutukoy sa 2 Timoteo 3:4?
15 Tinutukoy ng 2 Timoteo 3:4 ang pagtataguyod ng kaluguran na hiwalay sa Diyos. Pansinin na hindi sinasabi ng talata na iibigin ng mga tao ang mga kaluguran nang higit sa Diyos, na para bang may kaunti silang pagibig para sa kaniya. Sa halip, sinasabi nito nakaysa sa Diyos.’ Isinulat ng isang iskolar: “Hindi ibig sabihin [ng talatang ito] na mahal din nila ang Diyos kahit paano. Nangangahulugan ito na hindi talaga nila mahal ang Diyos.” Seryosong babala nga ito para sa mga labislabis ang pag-ibig sa kaluguran! Angkop na inilalarawan ng pariralangmaibigin sa mga kaluguranang mga taongnagpapadala sa mga kaluguran sa buhay na ito.’—Luc. 8:14.
16, 17. Anong halimbawa ang ipinakita ni Jesus pagdating sa kaluguran?
16 Nagpakita si Jesus ng sakdal at balanseng pananaw sa kaluguran. Dumalo siya ng isangpiging ng kasalanat ngisang malaking piging.” (Juan 2:1-10; Luc. 5:29) Sa kasalan, makahimala niyang ginawang alak ang tubig, dahil kinapos ang suplay ng alak. Minsan naman, tinuligsa niya ang mga mapagmatuwid na pumupuna sa kaniya dahil sa pagkain at pag-inom.—Luc. 7:33-36.
17 Pero hindi nagpakasasa sa kaluguran si Jesus. Inuna niya si Jehova at walang-kapagurang naglingkod alang-alang sa iba. Kusang-loob pa nga siyang namatay sa isang pahirapang tulos para iligtas ang sangkatauhan. Sinabi ni Jesus sa mga gustong sumunod sa kaniyang mga yapak: “Maligaya kayo kapag dinudusta kayo ng mga tao at pinag-uusig kayo at may-kasinungalingang sinasalita ang bawat uri ng balakyot na bagay laban sa inyo dahil sa akin. Magsaya kayo at lumukso sa kagalakan, yamang malaki ang inyong gantimpala sa langit; sapagkat sa gayong paraan nila pinag-usig ang mga propetang nauna sa inyo.”—Mat. 5:11, 12.
18. Anong mga tanong ang tutulong sa atin na masuri kung maibigin tayo sa kaluguran?
18 Paano natin masusuri kung maibigin tayo sa kaluguran? Tanungin ang sarili: ‘Mas mahalaga ba sa akin ang paglilibang kaysa sa mga pulong at ministeryo? Handa ba akong isakripisyo ang mga bagay na naeenjoy ko dahil gusto kong maglingkod sa Diyos? Kapag pumipili ng libangan, iniisip ko ba kung ano ang magiging tingin ni Jehova sa mga pagpili ko?’ Kung talagang mahal natin ang Diyos, iiwasan natin hindi lang ang mga bagay na alam nating kinapopootan niya kundi pati ang mga bagay na sa palagay natin ay hindi nakalulugod sa kaniya.—Basahin ang Mateo 22:37, 38.
KUNG PAANO MAGIGING TUNAY NA MALIGAYA
19. Sino ang mga hindi magiging tunay na maligaya?
19 Pagkatapos ng mga 6,000 taon ng pagdurusa ng tao, magwawakas na rin ang sanlibutan ni Satanas. Ang lupa ay pun ˆ o ng mga taong may sobra-sobrang pagmamahal sa sarili, sa pera, at sa kaluguran. Sila ang mga taong sabik sa mga bagay na makukuha nila, mga taong inuuna ang kanilang sariling kagustuhan sa buhay. Ang ganitong mga tao ay hindi magiging tunay na maligaya. Sa kabaligtaran, sinabi ng salmista: “Maligaya siya na ang kaniyang pinakasaklolo ay ang Diyos ni Jacob, na ang kaniyang pag-asa ay kay Jehova na kaniyang Diyos.”—Awit 146:5.
20. Paano ka naging maligaya dahil sa pag-ibig mo sa Diyos?
20 Lumalago ang pag-ibig sa Diyos sa gitna ng bayan ni Jehova. At taon-taon, parami tayo nang parami. Katibayan ito na namamahala na ang Kaharian ng Diyos at malapit na itong magdulot ng kamangha-manghang mga pagpapala! Ang tunay at namamalaging kasiyahan ay nagmumula sa paggawa ng kalooban ng Diyos, sa pagkaalam na nakalulugod tayo sa Kadaki-dakilaan. Ang mga umiibig kay Jehova ay magiging masaya magpakailanman! Sa susunod na artikulo, tatalakayin natin ang ilang pag-uugaling resulta ng makasariling pag-ibig at kung paano naiiba ang mga ito sa mga katangiang ipinakikita ng mga lingkod ni Jehova.

Anóng Urì ng Pag-íbig áng Nagbíbigay ng Túnay ná Kaligayáhan?
Maligáya áng báyan ná áng Diyós ay si Jehóva!”—ÁWIT 144:15.
ÁWIT: 111, 109
PAÁNO MO SASAGUTÍN?
Paáno nátin maiiwásan áng sóbrang pagmamahál sa saríli?
Bákit hindî maligáya áng mgá maibigín sa salapi?
Paáno nátin masusuri áng pananáw nátin sa kalugúran?
1.Bákit natatángi áng panahóng kinabúbuháyan nátin?
1 NABUBÚHAY táyo sa natatánging panahón ng kasaysáyan. Gáya ng inihúla ng Bíbliya, tinitípon ni Jehóva ángisáng malakíng pulutóng . . . mulâ sa lahát ng mgá bansâ at mgá tríbo at mgá báyan at mgá wikà.” Áng mgá natipon ay bumubúo ng isángmakapangyaríhang bansâng mahigít walóng milyóng maliligáyang táo nánag-uúkol [sa Diyós] ng sagrádong paglilingkód áraw at gabí.” (Apoc. 7:9, 15; Isá. 60:22) Ngayón lang dumami nang ganitó áng mgá umiíbig sa Diyós at sa kaniláng kápuwa.
2. Anóng malíng urì ng pag-íbig áng makikíta sa mgá táong hiwalay sa Diyós? (Tingnán áng laráwan sa simulá ng artíkulo.)
2 Péro inihúla rín ng Kasulátan ná sa panahón nátin, isáng malíng urì ng pag-íbig, ná makasarilí, áng makikíta sa mgá táong hiwalay sa Diyós. Isinúlat ni apostól Páblo: “Sa mgá hulíng áraw . . . , áng mgá táo ay magíging mgá maibigín sa kaniláng saríli, mgá maibigín sa salapi, . . . mgá maibigín sa mgá kalugúran káysa maibigín sa Diyós.” (2 Tim. 3:1-4) Áng ganitóng makasariling pag-íbig ay salungát sa Kristiyánong pag-íbig. Áng makasariling mgá tungúhin ay hindî nagdudúlot ng kaligayahang ináasam-asam ng mgá táo. Sa halíp, lumílikhâ itó ng makasariling mundó námahírap pakitungúhan.”
3. Anó áng susuríin nátin sa artíkulong itó, at bákit?
3 Kinilála ni Páblo ná mapangánib sa mgá Kristiyáno áng paglagánap ng makasariling pag-íbig. Kayâ namán nagbabalá siyá nálayuannátin áng mgá nagpápakíta nitó. (2 Tim. 3:5) Péro hindî nátin lubúsang maiiwásan áng mgá táong iyón. Kayâ paáno nátin mapoprotektahán áng áting saríli sa makasanlibutáng mgá saloobín pára mapaluguran si Jehóva, áng Diyós ng pag-íbig? Paghambingin nátin áng makadiyós ná pag-íbig at áng pag-íbig ná inilálaráwan sa 2 Timotéo 3:2-4. Sa ganitóng paraán, masusuri nátin at mapadadalisay áng pag-íbig ná ipinakikíta nátináng urì ng pag-íbig ná nagbíbigay ng túnay ná kaligayáhan.
PAG-ÍBIG SA DIYÓS O PAG-ÍBIG SA SARÍLI?
4. Bákit hindî malíng magkaroón ng balanseng pag-íbig sa saríli?
4 “Áng mgá táo ay magíging mgá maibigín sa kaniláng saríli,” áng isinúlat ng apostól. Malî bang ibígin áng áting saríli? Hindî. Normal lang, at mahalagá pa ngâ, ná magkaroón ng támang pag-íbig sa saríli. Ganiyán áng pagkakadisenyo sa átin ni Jehóva. Sinábi ni Jesús: “Iibígin mo áng iyóng kápuwa gáya ng iyóng saríli.” (Mar. 12:31) Kung hindî nátin iniíbig áng áting saríli, hindî nátin puwédeng ibígin áng áting kápuwa. Mababása rín nátin sa Kasulátan: “Dápat ibígin ng mgá asáwang laláki áng kaní-kaniláng asáwang babáe ná gáya ng sa kaniláng saríling mgá katawán. Siyá ná umiíbig sa kaniyáng asáwang babáe ay umiíbig sa kaniyáng saríli, sapagkát waláng táong napoot kailanmán sa kaniyáng saríling lamán; kundî pinakakáin at inaaruga niyá itó.” (Efe. 5:28, 29) Kayâ mahalagáng magkaroón táyo ng támang pag-íbig sa saríli.
5. Paáno mo ilalarawan áng mgá táong sobra-sobra áng pagmamahál sa saríli?
5 Péro áng pag-íbig sa saríli ná binanggít sa 2 Timotéo 3:2 ay hindî normal o makatuwírang pag-íbig. Pilipit itó at makasarilí. Áng mgá táong sobra-sobra áng pagmamahál sa saríli ay nag-iísip nang higít tungkól sa kaniláng saríli káysa sa nararápat niláng isípin. (Basáhin áng Róma 12:3.) Waláng ibáng mahalagá sa kanilá kundî áng saríli. Walâ siláng malasákit sa ibá. Kapág nagkaprobléma, sinisisi nilá áng ibá sa halíp ná áng kaniláng saríli. Áng gayóng mgá táo ay hindî túnay ná maligáya.
6. Anó áng magagandáng resúlta ng pag-íbig sa Diyós?
6 Sinasábi ng mgá iskólar ng Bíbliya ná inúna ni apostól Páblo áng pag-íbig sa saríli sa listáhan ng masasamáng ugáli ná magíging palasák sa mgá hulíng áraw dáhil itó áng ugát ng ibá pang pag-uugali. Péro ibá áng búngang makikíta sa mgá táong umiíbig sa Diyós. Iniuugnay ng Bíbliya áng makadiyós ná pag-íbig sa kagalákan, kapayapáan, mahábang pagtitiís, kabaítan, kabutihan, pananámpalatáya, kahinahúnan, at pagpipígil sa saríli. (Gal. 5:22, 23) “Maligáya áng báyan ná áng Diyós ay si Jehóva!” áng isinúlat ng salmísta. (Áwit 144:15) Si Jehóva ay maligáyang Diyós, at maligáya rín áng kaniyáng báyan. Dí-túlad ng mgá maibigín sa saríli ná tanggáp lang nang tanggáp, áng mgá lingkód ni Jehóva ay masayáng nagsásakripísyo pára sa kapakanán ng ibá.—Gawâ 20:35.
7. Anóng mgá tanóng áng tutúlong pára masúri nátin áng áting pag-íbig sa Diyós?
7 Paáno nátin malaláman kung nadaraig ná ng pagibig sa saríli áng pag-íbig nátin sa Diyós? Pansinín áng páyo sa Filípos 2:3, 4: “[Huwág gumawâ] ng anumán dáhil sa hílig ná makipagtalo o dáhil sa egotismo, kundî may kababáan ng pag-iísip ná itinutúring ná áng ibá ay nakatátaás sa inyó, ná itinutuon áng matá, hindî lámang sa personál ná kapakanán ng inyóng saríling mgá bágay-bágay, kundî sa personál ná kapakanán din ng ibá.” Tanungín áng saríli: ‘Sinúsunod ko ba áng páyong iyán sa búhay ko? Talagá bang ginágawâ ko áng kaloóban ng Diyós? Sinisíkap ko bang tulúngan áng ibá sa kongregasyón at sa ministéryo?’ Hindî madalíng ibigáy áng áting panahón at lakás. Kailángan díto áng pagsisíkap at pagsasakripísyo. Péro walâ nang mas makapagpapasaya sa átin káysa sa pagkaalám ná sinasangayunan táyo ng Soberáno ng unibérso!
8. Anó áng ginawâ ng iláng Kristiyáno dáhil sa kaniláng pag-íbig sa Diyós?
8 Dáhil mahál nilá áng Diyós, tinalikuran ng ilán áng kaniláng magagandáng karera pára mas makapaglingkód kay Jehóva. Si Ericka, ná nakatirá sa United States, ay isáng doktor. Péro sa halíp ná magpókus sa kaniyáng karera sa medisína, nag-regulár payunír siyá at nakapaglingkod sa iláng bansâ kasáma ng kaniyáng asáwa. Sinábi niyá: “Talagáng nagíng maligáya kamí dáhil sa maráming karanasán námin sa pangangáral sa teritoryong banyaga áng wikà, at dáhil sa mgá nagíng kaibígan námin. Nagtátrabáho pa rín akó bílang doktor, péro áng paggámit ng áking panahón at lakás pára pagalingin áng mgá táo sa espirituwál at pára asíkasúhin áng pangangailángan ng kongregasyón áng talagáng nagbíbigay sa ákin ng kagalákan at kasiyáhan.”
KAYAMÁNAN SA LÁNGIT O KAYAMÁNAN SA LÚPA?
9. Bákit hindî magbibigáy ng kaligayáhan áng pag-íbig sa salapi?
9 Isinúlat ni Páblo ná áng mgá táo ay magígingmaibigín sa salapi.” Iláng taón ná áng nakararaán, isáng payunír sa Ireland áng nakípag-úsap sa isáng laláki tungkól sa Diyós. Inilabás ng laláki áng kaniyáng wallet, kumúha ng iláng perang papél, itinaás áng mgá iyón, at nagmamalaking sinábi, “Itó áng diyós ko!” Káhit hindî nilá aminin, marámi áng may ganiyáng kaisipán. Mahál nilá áng péra at áng mgá bágay ná nabibili nitó. Péro sinasábi ng Bíbliya: “Áng maibigín sa pílak ay hindî masísiyáhan sa pílak, ni áng sinumáng maibigín sa yaman ay masísiyáhan sa kíta.” (Ecles. 5:10) Áng ganitóng mgá táo ay láging maghahangad ng higít pang péra, at sa pagkakamál nitó, magdudúlot lang silá ngmaráming kirót [sa] kaniláng saríli.”—1 Tim. 6:9, 10.
10. Anó áng sinasábi ng Bíbliya tungkól sa kayamánan at karalitaan?
10 Síyempre pa, lahát táyo ay nangangailángan ng péra. Naglálaan itó ng proteksiyón. (Ecles. 7:12) Péro puwéde bang magíng túnay ná maligáya áng isáng táo kung pangunáhing pangangailángan lang niyá áng mayroón siyá? Óo namán! (Basáhin áng Eclesiastes 5:12.) Isinúlat ni Agur ná anák ni Jakeh: “Huwág mo akóng bigyán ng karalitaan ni ng kayamánan man. Ipaubos mo sa ákin áng pagkáing itinakdâ pára sa ákin.” Maiintindihan nátin kung bákit áyaw niyáng magíng napakadukha. Ipinaliwánag niyá ná áyaw niyáng matuksong magnakaw dáhil áng pagnanákaw ay lalapastangan sa Diyós. Péro bákit áyaw rín niyáng magíng mayáman? Isinúlat niyá: “Úpang hindî akó mabusog at ikaila ngâ kíta at sabíhin ko: ‘Síno si Jehóva?’” (Kaw. 30:8, 9) Malamáng ná may kilála kang mgá táo ná nagtitiwála sa kaniláng kayamánan sa halíp ná sa Diyós.
11. Anóng páyo áng ibinigáy ni Jesús tungkól sa salapi?
11 Áng mgá maibigín sa salapi ay hindî makalúlugód sa Diyós. Sinábi ni Jesús: “Waláng sinumán áng maaáring magpaalípin sa dalawáng panginoón; sapagkát alinmán sa kapopootan niyá áng isá at iibígin áng ikalawâ, o pipísan siyá sa isá at hahamakin áng ikalawâ. Hindî kayó maaáring magpaalípin sa Diyós at sa Kayamánan.” Bágo iyán, sinábi niyá: “Huwág ná kayóng mag-imbak pára sa inyóng saríli ng mgá kayamánan sa lúpa, kung saán áng tang ` a at kalawang ay nang-uubos, at kung saán áng mgá magnanákaw ay nanloloob at nagnanakaw. Sa halíp, mag-imbak kayó pára sa inyóng saríli ng mgá kayamánan sa lángit, kung saán káhit áng tang ` a o áng kalawang man ay hindî nang-uubos, at kung saán áng mgá magnanákaw ay hindî nanloloob at nagnanakaw.”—Mat. 6:19, 20, 24.

Paáno nátin maiiwásang magíng maibigín sa saríli, sa péra, o sa kalugúran? (Tingnán áng párapo 7, 13, 18)
12. Paáno makatutúlong áng pamumúhay nang símple pára mas makapaglingkód sa Diyós? Magbigáy ng halimbáwa.
12 Napatunáyan ng marámi ná dáhil sa pamumúhay nang símple, nagíng mas maligáya silá at nagkaroón ng mas maráming panahón pára maglingkód kay Jehóva. Halimbáwa, ipinagbilí ni Jack, ná nakatirá sa United States, áng kaniláng malakíng báhay at negósyo pára makapagpayunir kasáma ng kaniyáng asáwa. Sinábi niyá: “Nahirápan akóng bitiwan áng áming magandáng tahánan at property sa lalawígan. Péro maráming taón ná akóng umuuwing konsumido dáhil sa mgá probléma sa trabáho. Samantála, áng asáwa ko, ná isáng regulár pioneer, ay láging masáya. Sinasábi niyá, ‘The best sa lahát áng boss ko!’ Ngayóng nagpapayunir ná rín akó, íisa ná áng pinaglilingkuran námin, si Jehóva.”
13. Paáno nátin masusuri áng pananáw nátin sa péra?
13 Pára masúri áng pananáw nátin sa péra, tapatan náting pag-isípan kung paáno nátin sasagutín áng mgá itó: ‘Talagá bang naniniwála akó sa sinasábi ng Bíbliya tungkól sa péra at namumuhay áyon díto? Pangunáhin ba sa búhay ko áng kumíta ng péra? Mas mahalagá ba sa ákin áng materyál ná mgá bágay káysa sa kaugnáyan ko kay Jehóva at sa kaniyáng báyan? Talagá bang nagtitiwála akó ná ilálaán ni Jehóva áng mgá pangangailángan ko?’ Makatítiyak táyo ná hindî niyá bíbigúin áng mgá umaása sa kaniyá.—Mat. 6:33.
MAHÁL BA NÁTIN SI JEHÓVA O ÁNG MGÁ KALUGÚRAN?
14. Anó áng balanseng pananáw sa kalugúran?
14 Gáya ng inihúla, maráming táo ngayón ángmaibigín sa mgá kalugúran.” Kung paánong waláng masamâ sa balánse at makatuwírang pananáw sa saríli at sa péra, walâ rín namáng masamâ sa balanseng pananáw sa kalugúran. Áyaw ni Jehóva ná lábis náting pagkaitan áng áting saríli o umiwas táyo sa mabubúting gawáin ná nagdudúlot ng kasiyáhan. Pinasísigla ng Bíbliya áng mgá tapát: “Yumaon ka, kaínin mo áng iyóng pagkáin nang may pagsásayá at inumín mo áng iyóng álak nang may mabúting púso.”—Ecles. 9:7.
15. Anóng urì ng kalugúran áng tinutúkoy sa 2 Timotéo 3:4?
15 Tinutúkoy ng 2 Timotéo 3:4 áng pagtátagúyod ng kalugúran ná hiwalay sa Diyós. Pansinín ná hindî sinasábi ng taláta ná iibígin ng mgá táo áng mgá kalugúran nang higít sa Diyós, ná pára bang may kaúnti siláng pagibig pára sa kaniyá. Sa halíp, sinasábi nitó nákáysa sa Diyós.’ Isinúlat ng isáng iskólar: “Hindî íbig sabíhin [ng talátang itó] ná mahál din nilá áng Diyós káhit paáno. Nangangahúlugan itó ná hindî talagá nilá mahál áng Diyós.” Seryosong babalá ngâ itó pára sa mgá labislabis áng pag-íbig sa kalugúran! Angkóp ná inilálaráwan ng parirálangmaibigín sa mgá kalugúranáng mgá táongnagpapadala sa mgá kalugúran sa búhay ná itó.’—Luc. 8:14.
16, 17. Anóng halimbáwa áng ipinakíta ni Jesús pagdatíng sa kalugúran?
16 Nagpakíta si Jesús ng sakdál at balanseng pananáw sa kalugúran. Dumaló siyá ng isángpigíng ng kasálanat ngisáng malakíng pigíng.” (Juán 2:1-10; Luc. 5:29) Sa kasálan, makahimalá niyáng ginawáng álak áng túbig, dáhil kinapos áng suplay ng álak. Mínsan namán, tinuligsa niyá áng mgá mapagmatuwíd ná pumupuna sa kaniyá dáhil sa pagkáin at pag-inóm.—Luc. 7:33-36.
17 Péro hindî nagpakasasa sa kalugúran si Jesús. Inúna niyá si Jehóva at waláng-kapagurang naglingkód álang-álang sa ibá. Kúsang-loób pa ngâ siyáng namatáy sa isáng pahirápang tulos pára iligtás áng sángkataúhan. Sinábi ni Jesús sa mgá gustóng sumunód sa kaniyáng mgá yapak: “Maligáya kayó kapág dinudusta kayó ng mgá táo at pínag-uúsig kayó at may-kasinungalíngang sinasalita áng báwat urì ng balakyot ná bágay lában sa inyó dáhil sa ákin. Magsaya kayó at lumuksó sa kagalákan, yámang malakí áng inyóng gantimpála sa lángit; sapagkát sa gayóng paraán nilá pínag-usig áng mgá propetang naúna sa inyó.”—Mat. 5:11, 12.
18. Anóng mgá tanóng áng tutúlong sa átin ná masúri kung maibigín táyo sa kalugúran?
18 Paáno nátin masusuri kung maibigín táyo sa kalugúran? Tanungín áng saríli: ‘Mas mahalagá ba sa ákin áng paglilibáng káysa sa mgá púlong at ministéryo? Handâ ba akóng isakripisyo áng mgá bágay ná naeenjoy ko dáhil gustó kong maglingkód sa Diyós? Kapág pumipíli ng libángan, iniísip ko ba kung anó áng magíging tingín ni Jehóva sa mgá pagpíli ko?’ Kung talagáng mahál nátin áng Diyós, iiwasan nátin hindî lang áng mgá bágay ná alám náting kinapópoótan niyá kundî patí áng mgá bágay ná sa palagáy nátin ay hindî nakalúlugód sa kaniyá.—Basáhin áng Matéo 22:37, 38.
KUNG PAÁNO MAGÍGING TÚNAY NÁ MALIGÁYA
19. Síno áng mgá hindî magíging túnay ná maligáya?
19 Pagkatápos ng mgá 6,000 taón ng pagdurúsa ng táo, magwawakas ná rín áng sanlibután ni Satanás. Áng lúpa ay pun ˆ o ng mgá táong may sobra-sóbrang pagmamahál sa saríli, sa péra, at sa kalugúran. Silá áng mgá táong sabík sa mgá bágay ná makukúha nilá, mgá táong inuúna áng kaniláng saríling kagustúhan sa búhay. Áng ganitóng mgá táo ay hindî magíging túnay ná maligáya. Sa kabaligtarán, sinábi ng salmísta: “Maligáya siyá ná áng kaniyáng pinakasaklolo ay áng Diyós ni Jacób, ná áng kaniyáng pag-ása ay kay Jehóva ná kaniyáng Diyós.”—Áwit 146:5.
20. Paáno ka nagíng maligáya dáhil sa pag-íbig mo sa Diyós?
20 Lumálagó áng pag-íbig sa Diyós sa gitnâ ng báyan ni Jehóva. At taón-taón, parami táyo nang parami. Katibáyan itó ná namamahála ná áng Kaharián ng Diyós at malapít ná itóng magdúlot ng kamanghâ-mangháng mgá pagpapála! Áng túnay at namamaláging kasiyáhan ay nagmumulâ sa paggawà ng kaloóban ng Diyós, sa pagkaalám ná nakalúlugód táyo sa Kadaki-dakilaan. Áng mgá umiíbig kay Jehóva ay magíging masáya magpakailanmán! Sa súsunod ná artíkulo, tátalakáyin nátin áng iláng pag-uugaling resúlta ng makasariling pag-íbig at kung paáno naíibá áng mgá itó sa mgá katangíang ipinakikíta ng mgá lingkód ni Jehóva.