Bantayan Tingnan ang Pagkakaiba

Tingnan ang Pagkakaiba ng mga Tao
Tiyak na makikita [ninyo] ang pagkakaiba sa pagitan ng matuwid at ng balakyot.”—MAL. 3:18.
AWIT: 127, 101
PAANO NATIN MAPASUSULONG . . .
ang pananaw natin sa ating sarili?
ang pakikitungo natin sa iba?
ang ating personalidad?
1, 2. Anong hamon ang napapaharap sa bayan ng Diyos ngayon? (Tingnan ang mga larawan sa simula ng artikulo.)
MARAMING doktor at nars ang nagtatrabaho sa gitna ng mga pasyenteng may sakit na nakahahawa. Inaalagaan nila ang mga maysakit dahil gusto nilang tulungan ang mga ito. Pero para magawa ito, kailangan nilang protektahan ang ka nilang sarili para hindi sila mahawa sa sakit na sinisikap nilang gamutin. Sa katulad na paraan, marami sa atin ang namumuhay at nagtatrabaho kasama ng mga taong nahawahan ng mga saloobin at pag-uugaling salungat sa makadiyos na mga katangian. Nagiging hamon ito para sa atin.
2 Sa mga huling araw na ito, binabale-wala ng mga taong hindi umiibig sa Diyos ang kaniyang mga pamantayang moral. Inilalarawan ng ikalawang liham ni apostol Pablo kay Timoteo ang pag-uugali ng mga taong hiwalay sa Diyosmga pag-uugaling lalong magiging litaw sa darating na mga araw. (Basahin ang 2 Timoteo 3:1-5, 13.) Baka magulat tayo sa paglaganap ng mga pag-uugaling iyon, pero puwede tayong maimpluwensiyahan ng paggawi at saloobin ng mga tao sa palibot natin. (Kaw. 13:20) Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung paano nagkakaiba ang mga pag-uugali ng mga tao sa mga huling araw na ito at ang mga katangian ng bayan ng Diyos. Makikita rin natin kung paano natin mapoprotektahan ang ating sarili para huwag mahawa sa masasamang ugaling ito habang tinutulungan natin ang iba sa espirituwal na paraan.
3. Kanino kumakapit ang talaan ng masasamang ugaling makikita sa 2 Timoteo 3:2-5?
3 “Sa mga huling araw,” ang isinulat ni Pablo, “ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan.” Pagkatapos, nagtala siya ng 19 na masasamang ugali na makikita sa mga tao sa panahong ito. Ang talaang ito ay katulad ng talaang makikita sa Roma 1:29-31, bagaman ang talaan sa liham ni Pablo kay Timoteo ay gumagamit ng mga terminong wala sa ibang bahagi ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Sinimulan ni Pablo ang kaniyang talaan sa mga salitangang mga tao ay magiging . . . ” Pero hindi lahat ng tao ay magpapakita ng ganitong pag-uugali. Ibang-iba ang mga katangiang ipinakikita ng mga Kristiyano.—Basahin ang Malakias 3:18.
ANG PANANAW NATIN SA SARILI
4. Paano mo ilalarawan ang mga mapagmalaki?
4 Matapos sabihing marami ang magiging maibigin sa kanilang sarili at sa salapi, sinabi rin ni Pablo na ang mga tao ay magiging mapagmapuri sa sarili, palalo, at mapagmalaki. Kadalasan, ipinahihiwatig ng mga katangiang ito na nadarama ng isa na nakahihigit siya sa iba dahil sa kaniyang mga abilidad, hitsura, yaman, o katayuan sa buhay. Gustong-gusto ng mga taong ito na sila ay hangaan at mahalin. Ganito ang isinulat ng isang iskolar tungkol sa taong nilamon na ng pride: “Sa kaniyang puso, mayroon siyang maliit na altar kung saan yumuyukod siya sa kaniyang sarili.” May mga nagsasabi pa nga na talagang kasuklam-suklam ang sobrang pride kung kaya kinaiinisan ito kahit ng mayayabang kapag nakikita nila ito sa iba.
5. Paano nadaig ng pagmamapuri kahit ang tapat na mga lingkod ni Jehova?
5 Talagang nasusuklam si Jehova sa pagmamapuri. Napopoot siya samatayog na mga mata.” (Kaw. 6: 16, 17) Ang kapalaluan ay makahahadlang sa paglapit natin sa Diyos. (Awit 10:4) Ang katangiang ito ay pagkakakilanlan ng Diyablo. (1 Tim. 3:6) Nakalulungkot na kahit ang ilang tapat na lingkod ni Jehova ay nahawahan ng pagmamapuri. Halimbawa, si Uzias, isang hari ng Juda, ay naging tapat sa loob ng maraming taon. “Gayunman,” ang sabi ng Bibliya, “nang siya ay malakas na, ang kaniyang puso ay nagpalalo hanggang sa naging sanhi pa nga ng kapahamakan, anupat gumawi siya nang di-tapat laban kay Jehova na kaniyang Diyos at pumasok sa templo ni Jehova upang magsunog ng insenso sa ibabaw ng altar ng insenso.” Nang maglaon, kahit si Haring Hezekias ay naging palalo nang sandaling panahon.—2 Cro. 26:16; 32:25, 26.
6. Ano sana ang puwedeng ipagmalaki ni David, pero bakit hindi niya ginawa iyon?
6 Ang ilan ay nagmamalaki dahil sa kanilang magandang hitsura, popularidad, husay sa musika, pisikal na lakas, o mataas na posisyon. Taglay ni David ang lahat ng ito; pero nanatili siyang mapagpakumbaba buong buhay niya. Matapos niyang patayin si Goliat at alukin siyang mapangasawa ng anak ni Haring Saul, sinabi ni David: “Sino ako at sino ang aking mga kaanak, ang pamilya ng aking ama, sa Israel, anupat magiging manugang ako ng hari?” (1 Sam. 18:18) Paano nakapanatiling mapagpakumbaba si David? Alam niya na ang mga katangian, abilidad, at pribilehiyong taglay niya ay resulta ngpagpapakababa,’ o pagpapakumbaba, ng Diyos, para magbigay-pansin sa kaniya. (Awit 113: 5-8) Naunawaan ni David na anumang mabuting bagay na mayroon siya ay tinanggap lang niya kay Jehova. —Ihambing ang 1 Corinto 4:7.
7. Ano ang tutulong sa atin na magpakita ng kapakumbabaan?
7 Gaya ni David, sinisikap din ng bayan ni Jehova sa ngayon na maging mapagpakumbaba. Namamangha tayo dahil si Jehova, ang pinakadakilang Persona sa uniberso, ay nagpapakita ng kapakumbabaan. (Awit 18:35) Sinusunod natin ang payong ito: “Damtan ninyo ang inyong sarili ng magiliw na pagmamahal na may habag, kabaitan, kababaan ng pag-iisip, kahinahunan, at mahabang pagtitiis.” (Col. 3:12) Alam din natin na ang pag-ibig ayhindi nagyayabang, hindi nagmamalaki.” (1 Cor. 13:4) Kapag nakikita ng mga tao na mapagpakumbaba tayo, maaaring gustuhin din nilang makilala si Jehova. Kung paanong puwedeng mawagi ang mga asawang lalaki sa pamamagitan ng paggawi ng kanilang asawang babae, maaari ding maakay sa Diyos ang iba dahil sa kapakumbabaan ng kaniyang mga lingkod.—1 Ped. 3:1. ANG PAKIKITUNGO NATIN SA IBA
8. (a) Ano ang tingin ng ilan sa pagkamasuwayin sa mga magulang? (b) Ano ang iniuutos ng Bibliya na gawin ng mga bata?
8 Inilarawan ni Pablo kung paano makikitungo sa isat isa ang mga tao sa mga huling araw. Isinulat niya na ang mga anak ay magiging masuwayin sa mga magulang. Sa ngayon, maraming aklat, pelikula, at mga programa sa telebisyon ang nagpapakitang normal lang at katanggap-tanggap para sa mga bata na maging masuwayin sa mga magulang. Pero ang totoo, pinahihina nito ang pamilyaang pangunahing yunit ng lipunan. Matagal nang alam ng mga tao ang katotohanang ito. Halimbawa, sa sinaunang Gresya, kapag sinaktan ng isa ang kaniyang mga magulang, mawawalan siya ng mga karapatang sibil; sa batas ng Roma, ang pananakit sa ama ay kasimbigat ng pagpaslang. Ang Hebreong Kasulatan at ang Kristiyanong Griegong Kasulatan ay parehong nag-uutos sa mga anak na parangalan ang kanilang mga magulang.—Ex. 20:12; Efe. 6:1-3.
9. Ano ang makatutulong para maging masunurin ang mga anak sa kanilang mga magulang?
9 Para huwag mahawa ang mga anak sa pagkamasuwayin ng mga tao sa palibot nila, dapat nilang pag-isipan ang mabubuting bagay na ginawa ng kanilang mga magulang para sa kanila. Lalo silang magiging mapagpahalaga kung tatandaan nila na kahilingan ng Diyos, ang Ama nating lahat, na maging masunurin sila sa kanilang mga magulang. Kung magsasalita sila ng magagandang bagay tungkol sa kanilang mga magulang, matutulungan nila ang ibang kabataan na igalang din ang sarili nilang mga magulang. Siyempre pa, kung ang mga magulang ay walang likas na pagmamahal sa kanilang mga anak, mahihirapan ang mga anak na maging masunurin mula sa puso. Pero kapag nararamdaman ng bata na talagang mahal siya ng kaniyang mga magulang, mapakikilos siyang sumunod kahit nahihirapan siya. “Madalas, gusto kong makalusot,” ang sabi ni Austin, “pero gumagawa ang mga magulang ko ng makatuwirang mga patakaran, ipinapaliwanag ang dahilan kung bakit, at madalas silang nakikipag-usap sa akin. Nakatulong ito para maging masunurin ako. Kitang-kita ko na mahal nila ako, kaya naman gusto ko silang mapasaya.”
10, 11. (a) Anong masasamang ugali ang nagpapakitang walang pag-ibig ang mga tao para sa kanilang kapuwa? (b) Kanino dapat magpakita ng pag-ibig ang mga tunay na Kristiyano?
10 Itinala rin ni Pablo ang iba pang masasamang ugali na nagpapakitang walang pag-ibig ang mga tao para sa kanilang kapuwa. Kaya naman, kasunod ngmasuwayin sa mga magulang,” binanggit niya ang walang utangna-loob, dahil ganito ang saloobin ng mga taong walang pagpapahalaga sa kabaitang ipinakikita sa kanila. Gayundin, ang mga tao ay magiging di-matapat. Sila ay hindi bukas sa anumang kasunduan, dahil ayaw nilang maki pagpayapaan sa iba. Sila ay magiging mga mamumusong at mga mapagkanulo, na nagsasalita ng masasamang bagay tungkol sa ibang tao at pati na sa Diyos. Magkakaroon din ng mga maninirang-puri, na nagkakalat ng mga bagay na makasisira sa magandang reputasyon ng iba.
11 Kabaligtaran ng mga tao sa ngayon, ang mga sumasamba kay Jehova ay tunay na nagmamahal sa kanilang kapuwa. Totoo iyan noon pa man. Sinabi ni Jesus na ang pag-ibig sa kapuwa, isang anyo ng a·gape, ang ikalawang pinakamahalagang utos sa Kautusang Mosaiko, pangalawa sa pag-ibig sa Diyos. (Mat. 22: 38, 39) Sinabi rin ni Jesus na ang mga tunay na Kristiyano ay makikilala dahil sa pag-ibig nila sa isat isa. (Basahin ang Juan 13:34, 35.) Ang Kristiyanong pagibig na ito ay dapat ipakita kahit sa mga kaaway ng isa. —Mat. 5:43, 44.
*Ang salitang Griego para samaninirang-puriotagapag-akusaay di·abo·los, isang terminong ginagamit sa Bibliya bilang titulo ni Satanas, ang ubod-samang naninirang-puri sa Diyos.
12. Paano ipinakita ni Jesus na mahal niya ang mga tao?
12 Ipinakita ni Jesus na mahal na mahal niya ang mga tao. Naglakbay siya sa ibat ibang lunsod at itinuro sa kanila ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. Pinagaling niya ang mga bulag, pilay, ketongin, at mga bingi. Binuhay niyang muli ang mga patay. (Luc. 7:22) At kahit marami ang napopoot sa kaniya, ibinigay pa nga ni Jesus ang kaniyang buhay alang-alang sa sangkatauhan. Perpektong masasalamin kay Jesus ang pag-ibig na ipinakikita ng kaniyang Ama. Bilang pagtulad kay Jesus, ang mga Saksi ni Jehova sa buong mundo ay nagpapakita ng makadiyos na pag-ibig sa kanilang kapuwa.
13. Paano maaaring mapalap´ ıt kay Jehova ang iba dahil sa pagibig na ipinakikita natin?
13 Kapag ipinakikita nating mahal natin ang iba, posibleng maakay rin sila sa ating makalangit na Ama. Halimbawa, isang lalaki sa Thailand ang naantig sa pag-ibig na nakita niya sa mga kapatid sa isang panrehiyong kombensiyon. Pagkauwi, nagpa-Bible study siya nang dalawang beses linggo-linggo. Nangaral siya sa lahat ng kamag-anak niya, at anim na buwan lang pagkatapos ng kombensiyon, ginampanan niya ang kaniyang unang bahagi sa Kingdom Hall na pagbabasa ng Bibliya. Nagpapakita rin ba tayo ng pag-ibig sa iba? Tanungin ang sarili: ‘Sinisikap ko bang tulungan ang iba sa aming pamilya, kongregasyon, at sa ministeryo? Sinisikap ko bang tularan ang pananaw ni Jehova sa kanila?’
MGA LOBO AT MGA KORDERO
14, 15. Anong makahayop na pag-uugali ang ipinakikita ng marami, pero paano nagbago ang ilan?
14 Sa mga huling araw na ito, may iba pang masasamang ugaling ipinakikita ang mga tao kung kaya dapat silang iwasan ng mga Kristiyano. Halimbawa, marami ang walang pag-ibig sa kabutihan, o ayon sa ibang salin, “namumuhi sa mabutiokaaway ng mabuti.” Sila ay walang pagpipigil sa sarili at mabangis. Ang ilan ay magiging matigas ang ulo, o padalos-dalos at walang ingat.
15 Maraming may makahayop na pag-uugali noon ang nagbago na. Inihula ng Bibliya ang napakagandang pagbabagong ito. (Basahin ang Isaias 11:6, 7.) Doon, mababasa natin na ang mababangis na hayop, gaya ng mga lobo at leon, ay mamumuhay nang payapa kasama ng maaamong hayop, gaya ng mga kordero at guya. Pansinin na iiral ang mapayapang kalagayang ito dahilang lupa ay tiyak na mapupuno ng kaalaman kay Jehova.” (Isa. 11:9) Dahil hindi naman puwedeng matuto ang mga hayop tungkol kay Jehova, tiyak na mga tao ang tinutukoy ng espirituwal na katuparan ng hulang ito.
16. Paano tinulungan ng Bibliya ang mga tao na baguhin ang kanilang personalidad?
16 Marami ang dating mababangis na gaya ng lobo pero payapa nang namumuhay ngayon kasama ng iba. Mababasa ang karanasan ng ilan sa kanila sa seryengBinago ng Bibliya ang Kanilang Buhay,” na makikita sa jw.org. Ang mga nakakilala at naglilingkod kay Jehova ay di-gaya ng mga may anyo ng makadiyos na debosyon ngunit nagbubulaan sa kapangyarihan nito, na nagkukunwaring sumasamba sa Diyos pero pinasisinungalingan nila ito sa kanilang paggawi. Sa halip, ang dating mababangis na tao ay nagbihis na ngbagong personalidad na nilalang ayon sa kalooban ng Diyos sa tunay na katuwiran at pagkamatapat.” (Efe. 4:23, 24) Habang natututo ang mga tao tungkol sa Diyos, nakikita nila na kailangan nilang sumunod sa kaniyang mga pamantayan. Kaya naman binabago nila ang kanilang mga paniniwala, saloobin, at paggawi. Hindi madaling gawin ang mga pagbabagong ito, pero tutulungan ng espiritu ng Diyos ang mga taimtim na nagnanais na gawin ang kaniyang kalooban.
Binabago ng mga simulain sa Bibliya ang buhay ng mga tao! (Tingnan ang parapo 16)
LAYUAN MO ANG MGA ITO
17. Paano natin maiiwasang maimpluwensiyahan ng mga nagpapakita ng di-makadiyos na pag-uugali?
17 Lalong nagiging malinaw ang pagkakaiba ng mga naglilingkod sa Diyos at ng mga hindi naglilingkod sa kaniya. Tayong mga naglilingkod sa Diyos ay nag-iingat na huwag maimpluwensiyahan ng masasamang saloobin ng iba. Kaya naman, may-katalinuhan nating sinusunod ang payo na layuan ang mga taong nagpapakita ng pag-uugaling inilarawan sa 2 Timoteo 3:2-5. Siyempre pa, hindi natin lubusang maiiwasan ang mga taong ito. Kailangan nating magtrabaho, pumasok sa paaralan, o mamuhay kasama nila. Pero maiiwasan nating gayahin ang kanilang pag-iisip at pag-uugali kung patitibayin natin ang ating espirituwalidad sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya at pakikipagsamahan sa mga determinadong maglingkod kay Jehova.
18. Paano makatutulong sa iba ang ating pananalita at paggawi?
18 Pagsikapan din nating tulungan ang iba sa espirituwal na paraan. Maghanap ng mga pagkakataon para makapagpatotoo ka at hilingin kay Jehova na tulungan kang sabihin ang tamang bagay sa tamang panahon. Dapat tayong magpakilala bilang mga Saksi ni Jehova para ang mabuting paggawi natin ay magbigay-kapurihan sa Diyos at hindi sa atin. Tinuruan tayo ni Jehova naitakwil ang pagka-di-makadiyos at makasanlibutang mga pagnanasa at mamuhay na taglay ang katinuan ng pag-iisip at katuwiran at makadiyos na debosyon sa gitna ng kasalukuyang sistemang ito ng mga bagay.” (Tito 2:11-14) Kung gagawi tayo sa makadiyos na paraan, mapapansin ito ng iba, at baka sabihin pa nila: “Yayaon kaming kasama ninyo, sapagkat narinig namin na ang Diyos ay sumasainyo.”—Zac. 8:23.
Tingnán áng Pagkakaibá ng mgá Táo
Tiyák ná makikíta [ninyó] áng pagkakaibá sa pagítan ng matuwíd at ng balakyot.”—MAL. 3:18.
ÁWIT: 127, 101
PAÁNO NÁTIN MAPASUSULONG . . .
áng pananáw nátin sa áting saríli?
áng pakikitúngo nátin sa ibá?
áng áting personalidád?
1, 2. Anóng hámon áng napapaharáp sa báyan ng Diyós ngayón? (Tingnán áng mgá laráwan sa simulá ng artíkulo.)
MARÁMING doktor at nars áng nagtátrabáho sa gitnâ ng mgá pasyenteng may sakít ná nakahahawa. Ináalagáan nilá áng mgá maysakít dáhil gustó niláng tulúngan áng mgá itó. Péro pára magawâ itó, kailángan niláng protéktahan áng ka niláng saríli pára hindî silá mahawa sa sakít ná sinisíkap niláng gamutin. Sa katúlad ná paraán, marámi sa átin áng namumuhay at nagtátrabáho kasáma ng mgá táong nahawahan ng mgá saloobín at pag-uugaling salungát sa makadiyós ná mgá katangían. Nagíging hámon itó pára sa átin.
2 Sa mgá hulíng áraw ná itó, binabále-walâ ng mgá táong hindî umiíbig sa Diyós áng kaniyáng mgá pámantáyang morál. Inilálaráwan ng ikalawáng líham ni apostól Páblo kay Timotéo áng pag-uugali ng mgá táong hiwalay sa Diyósmgá pag-uugaling lálong magíging litaw sa dárating ná mgá áraw. (Basáhin áng 2 Timotéo 3:1-5, 13.) Bakâ magulat táyo sa paglagánap ng mgá pag-uugaling iyón, péro puwéde táyong maimpluwénsiyahan ng paggáwì at saloobín ng mgá táo sa palíbot nátin. (Kaw. 13:20) Sa artíkulong itó, tátalakáyin nátin kung paáno nagkákaibá áng mgá pag-uugali ng mgá táo sa mgá hulíng áraw ná itó at áng mgá katangían ng báyan ng Diyós. Makikíta rín nátin kung paáno nátin mapoprotektahán áng áting saríli pára huwág mahawa sa masasamáng ugáling itó hábang tinútulúngan nátin áng ibá sa espirituwál ná paraán.
3. Kaníno kumakapit áng talaan ng masasamáng ugáling makikíta sa 2 Timotéo 3:2-5?
3 “Sa mgá hulíng áraw,” áng isinúlat ni Páblo, “ay dárating áng mgá panahóng mapangánib ná mahírap pakitungúhan.” Pagkatápos, nagtala siyá ng 19 ná masasamáng ugáli ná makikíta sa mgá táo sa panahóng itó. Áng talaang itó ay katúlad ng talaang makikíta sa Róma 1:29-31, bagamán áng talaan sa líham ni Páblo kay Timotéo ay gumagámit ng mgá términong walâ sa ibáng bahági ng Kristiyánong Griégong Kasulátan. Sinimulán ni Páblo áng kaniyáng talaan sa mgá salitángáng mgá táo ay magíging . . . ” Péro hindî lahát ng táo ay magpápakíta ng ganitóng pag-uugali. Ibáng-ibá áng mgá katangíang ipinakikíta ng mgá Kristiyáno.—Basáhin áng Malákias 3:18.
ÁNG PANANÁW NÁTIN SA SARÍLI
4. Paáno mo ilalarawan áng mgá mapagmalaki?
4 Matápos sabíhing marámi áng magíging maibigín sa kaniláng saríli at sa salapi, sinábi rín ni Páblo ná áng mgá táo ay magíging mapagmapuri sa saríli, palálo, at mapagmalaki. Kadalásan, ipinahihiwátig ng mgá katangíang itó ná nadárama ng isá ná nakahíhigít siyá sa ibá dáhil sa kaniyáng mgá abilidad, hitsúra, yaman, o katayúan sa búhay. Gustóng-gustó ng mgá táong itó ná silá ay hangaan at mahálin. Ganitó áng isinúlat ng isáng iskólar tungkól sa táong nilamon ná ng pride: “Sa kaniyáng púso, mayroón siyáng maliít ná altár kung saán yumuyukod siyá sa kaniyáng saríli.” May mgá nagsasábi pa ngâ ná talagáng kasuklam-suklam áng sóbrang pride kung kayâ kinaiinisan itó káhit ng mayayabang kapág nakikíta nilá itó sa ibá.
5. Paáno nadaig ng págmamapurí káhit áng tapát ná mgá lingkód ni Jehóva?
5 Talagáng nasusuklam si Jehóva sa págmamapurí. Napopoot siyá samatayog ná mgá matá.” (Kaw. 6: 16, 17) Áng kapalaluan ay makaháhadláng sa paglápit nátin sa Diyós. (Áwit 10:4) Áng katangíang itó ay pagkakákilanlán ng Diyáblo. (1 Tim. 3:6) Nakalúlungkót ná káhit áng iláng tapát ná lingkód ni Jehóva ay nahawahan ng págmamapurí. Halimbáwa, si Úzias, isáng hári ng Júda, ay nagíng tapát sa loób ng maráming taón. “Gayunmán,” áng sábi ng Bíbliya, “nang siyá ay malakás ná, áng kaniyáng púso ay nagpalálo hanggáng sa nagíng sanhî pa ngâ ng kapahamakán, anupát gumáwi siyá nang dí-tapát lában kay Jehóva ná kaniyáng Diyós at pumások sa témplo ni Jehóva úpang magsúnog ng insénso sa ibábaw ng altár ng insénso.” Nang magláon, káhit si Háring Hezekias ay nagíng palálo nang sandalíng panahón.—2 Cro. 26:16; 32:25, 26.
6. Anó sána áng puwédeng ipagmalaki ni Davíd, péro bákit hindî niyá ginawâ iyón?
6 Áng ilán ay nagmamalaki dáhil sa kaniláng magandáng hitsúra, popularidad, husay sa músika, pisikál ná lakás, o mataás ná posisyón. Tagláy ni Davíd áng lahát ng itó; péro nanatíli siyáng mapagpakumbabá buóng búhay niyá. Matápos niyáng patayín si Goliat at alukin siyáng mapangasawa ng anák ni Háring Saúl, sinábi ni Davíd: “Síno akó at síno áng áking mgá kaanak, áng pamílya ng áking amá, sa Israél, anupát magíging manugang akó ng hári?” (1 Sam. 18:18) Paáno nakapanatíling mapagpakumbabá si Davíd? Alám niyá ná áng mgá katangían, abilidad, at pribiléhiyong tagláy niyá ay resúlta ngpagpapakababa,’ o pagpapakumbaba, ng Diyós, pára magbigáy-pansín sa kaniyá. (Áwit 113: 5-8) Naunawáan ni Davíd ná anumáng mabúting bágay ná mayroón siyá ay tinanggáp lang niyá kay Jehóva. —Ihambíng áng 1 Corinto 4:7.
7. Anó áng tutúlong sa átin ná magpakíta ng kapakúmbabaán?
7 Gáya ni Davíd, sinisíkap din ng báyan ni Jehóva sa ngayón ná magíng mapagpakumbabá. Namamangha táyo dáhil si Jehóva, áng pínakadakílang Persóna sa unibérso, ay nagpápakíta ng kapakúmbabaán. (Áwit 18:35) Sinúsunod nátin áng páyong itó: “Damtan ninyó áng inyóng saríli ng magíliw ná pagmamahál ná may habág, kabaítan, kababáan ng pag-iísip, kahinahúnan, at mahábang pagtitiís.” (Col. 3:12) Alám din nátin ná áng pag-íbig ayhindî nagyayabang, hindî nagmamalaki.” (1 Cor. 13:4) Kapág nakikíta ng mgá táo ná mapagpakumbabá táyo, maaáring gustuhin din niláng makilála si Jehóva. Kung paánong puwédeng mawagî áng mgá asáwang laláki sa pamamagítan ng paggáwì ng kaniláng asáwang babáe, maaári ding maakay sa Diyós áng ibá dáhil sa kapakúmbabaán ng kaniyáng mgá lingkód.—1 Ped. 3:1. ÁNG PAKIKITÚNGO NÁTIN SA IBÁ
8. (a) Anó áng tingín ng ilán sa pagkamasuwayin sa mgá magúlang? (b) Anó áng iniuútos ng Bíbliya ná gawín ng mgá batà?
8 Inilaráwan ni Páblo kung paáno makikitungo sa isát isá áng mgá táo sa mgá hulíng áraw. Isinúlat niyá ná áng mgá anák ay magíging masuwayin sa mgá magúlang. Sa ngayón, maráming aklát, pelíkula, at mgá prográma sa telebisyón áng nagpápakítang normal lang at katanggáp-tanggáp pára sa mgá batà ná magíng masuwayin sa mgá magúlang. Péro áng totoó, pinahihína nitó áng pamílyaáng pangunáhing yunit ng lipúnan. Matagál nang alám ng mgá táo áng katotohánang itó. Halimbáwa, sa sinaúnang Gresya, kapág sinaktán ng isá áng kaniyáng mgá magúlang, mawawalan siyá ng mgá karapatáng sibíl; sa batás ng Róma, áng pananakít sa amá ay kasimbigat ng pagpaslang. Áng Hébreong Kasulátan at áng Kristiyánong Griégong Kasulátan ay parehong nag-uútos sa mgá anák ná parangalán áng kaniláng mgá magúlang.—Ex. 20:12; Efe. 6:1-3.
9. Anó áng makatutúlong pára magíng masunúrin áng mgá anák sa kaniláng mgá magúlang?
9 Pára huwág mahawa áng mgá anák sa pagkamasuwayin ng mgá táo sa palíbot nilá, dápat niláng pag-isípan áng mabubúting bágay ná ginawâ ng kaniláng mgá magúlang pára sa kanilá. Lálo siláng magíging mapagpahalagá kung tátandaán nilá ná kahilíngan ng Diyós, áng Amá náting lahát, ná magíng masunúrin silá sa kaniláng mgá magúlang. Kung magsásalitá silá ng magagandáng bágay tungkól sa kaniláng mgá magúlang, matutulúngan nilá áng ibáng kabatáan ná igálang din áng saríli niláng mgá magúlang. Síyempre pa, kung áng mgá magúlang ay waláng likás ná pagmamahál sa kaniláng mgá anák, mahihirapan áng mgá anák ná magíng masunúrin mulâ sa púso. Péro kapág nararamdamán ng batà ná talagáng mahál siyá ng kaniyáng mgá magúlang, mapakikilos siyáng sumunód káhit nahihirápan siyá. “Madalás, gustó kong makalusot,” áng sábi ni Austin, “péro gumágawa áng mgá magúlang ko ng makatuwírang mgá patakarán, ipinapaliwanag áng dahilán kung bákit, at madalás siláng nakikípag-úsap sa ákin. Nakatúlong itó pára magíng masunúrin akó. Kitáng-kíta ko ná mahál nilá akó, kayâ namán gustó ko siláng mapasaya.”
10, 11. (a) Anóng masasamáng ugáli áng nagpápakítang waláng pag-íbig áng mgá táo pára sa kaniláng kápuwa? (b) Kaníno dápat magpakíta ng pag-íbig áng mgá túnay ná Kristiyáno?
10 Itinala rín ni Páblo áng ibá pang masasamáng ugáli ná nagpápakítang waláng pag-íbig áng mgá táo pára sa kaniláng kápuwa. Kayâ namán, kasunód ngmasuwayin sa mgá magúlang,” binanggít niyá áng waláng utangna-loób, dáhil ganitó áng saloobín ng mgá táong waláng pagpapahalagá sa kabaítang ipinakikíta sa kanilá. Gayundín, áng mgá táo ay magíging dí-matapát. Silá ay hindî bukás sa anumáng kasundúan, dáhil áyaw niláng maki pagpayapaan sa ibá. Silá ay magíging mgá mámumúsong at mgá mapagkanulo, ná nagsásalitá ng masasamáng bágay tungkól sa ibáng táo at patí ná sa Diyós. Magkakaroón din ng mgá maninirang-púri, ná nagkakalat ng mgá bágay ná makasisíra sa magandáng reputasyón ng ibá.
11 Kabaligtarán ng mgá táo sa ngayón, áng mgá sumásambá kay Jehóva ay túnay ná nagmamahal sa kaniláng kápuwa. Totoó iyán noón pa man. Sinábi ni Jesús ná áng pag-íbig sa kápuwa, isáng anyó ng a·gape, áng ikalawáng pínakamahalagáng útos sa Kautusáng Mosáiko, pangalawa sa pag-íbig sa Diyós. (Mat. 22: 38, 39) Sinábi rín ni Jesús ná áng mgá túnay ná Kristiyáno ay makikilala dáhil sa pag-íbig nilá sa isát isá. (Basáhin áng Juán 13:34, 35.) Áng Kristiyánong pagibig ná itó ay dápat ipakíta káhit sa mgá kaáway ng isá. —Mat. 5:43, 44.
*Áng salitáng Griégo pára samaninirang-púriotagapág-akusáay dí·abo·los, isáng términong ginagámit sa Bíbliya bílang título ni Satanás, áng ubod-samáng naninirang-púri sa Diyós.
12. Paáno ipinakíta ni Jesús ná mahál niyá áng mgá táo?
12 Ipinakíta ni Jesús ná mahál ná mahál niyá áng mgá táo. Naglakbáy siyá sa ibát ibáng lunsód at itinúro sa kanilá áng mabúting balíta ng Kaharián ng Diyós. Pinagalíng niyá áng mgá bulag, pilay, ketóngin, at mgá bingi. Binuháy niyáng mulî áng mgá patáy. (Luc. 7:22) At káhit marámi áng napopoot sa kaniyá, ibinigáy pa ngâ ni Jesús áng kaniyáng búhay álang-álang sa sángkataúhan. Perpektong masásalamín kay Jesús áng pag-íbig ná ipinakikíta ng kaniyáng Amá. Bílang pagtúlad kay Jesús, áng mgá Saksí ni Jehóva sa buóng mundó ay nagpápakíta ng makadiyós ná pag-íbig sa kaniláng kápuwa.
13. Paáno maaáring mapalap´ ıt kay Jehóva áng ibá dáhil sa pagibig ná ipinakikíta nátin?
13 Kapág ipinakikíta náting mahál nátin áng ibá, posíbleng maakay rín silá sa áting makalángit ná Amá. Halimbáwa, isáng laláki sa Thailand áng naantíg sa pag-íbig ná nakíta niyá sa mgá kapatíd sa isáng panrehiyong kombénsiyon. Pagkauwi, nagpa-Bible study siyá nang dalawáng béses línggo-línggo. Nangáral siyá sa lahát ng kamág-anák niyá, at ánim ná buwán lang pagkatápos ng kombénsiyon, ginampanán niyá áng kaniyáng únang bahági sa Kingdom Hall ná pagbabasá ng Bíbliya. Nagpápakíta rín ba táyo ng pag-íbig sa ibá? Tanungín áng saríli: ‘Sinisíkap ko bang tulúngan áng ibá sa áming pamílya, kongregasyón, at sa ministéryo? Sinisíkap ko bang tuláran áng pananáw ni Jehóva sa kanilá?’
MGÁ LOBO AT MGÁ KORDÉRO
14, 15. Anóng makahayop ná pag-uugali áng ipinakikíta ng marámi, péro paáno nagbágo áng ilán?
14 Sa mgá hulíng áraw ná itó, may ibá pang masasamáng ugáling ipinakikíta áng mgá táo kung kayâ dápat siláng iwásan ng mgá Kristiyáno. Halimbáwa, marámi áng waláng pag-íbig sa kabutihan, o áyon sa ibáng sálin, “namumuhi sa mabútiokaáway ng mabúti.” Silá ay waláng pagpipígil sa saríli at mabangis. Áng ilán ay magíging matigás áng úlo, o padalos-dálos at waláng íngat.
15 Maráming may makahayop ná pag-uugali noón áng nagbágo ná. Inihúla ng Bíbliya áng nápakagandáng pagbabágong itó. (Basáhin áng Isáias 11:6, 7.) Doón, mababása nátin ná áng mababangis ná háyop, gáya ng mgá lobo at leon, ay mamumuhay nang payápa kasáma ng maaámong háyop, gáya ng mgá kordéro at guya. Pansinín ná iiral áng mapayápang kalagáyang itó dáhiláng lúpa ay tiyák ná mapupuno ng kaalamán kay Jehóva.” (Isá. 11:9) Dáhil hindî namán puwédeng matúto áng mgá háyop tungkól kay Jehóva, tiyák ná mgá táo áng tinutúkoy ng espirituwál ná katupáran ng húlang itó.
16. Paáno tinulúngan ng Bíbliya áng mgá táo ná bagúhin áng kaniláng personalidád?
16 Marámi áng datíng mababangis ná gáya ng lobo péro payápa nang namumuhay ngayón kasáma ng ibá. Mababása áng karanasán ng ilán sa kanilá sa séryengBinágo ng Bíbliya áng Kaniláng Búhay,” ná makikíta sa jw.org. Áng mgá nakakilala at naglílingkód kay Jehóva ay dí-gáya ng mgá may anyó ng makadiyós ná debosyón ngúnit nagbubulaan sa kapangyaríhan nitó, ná nagkukunwaring sumásambá sa Diyós péro pinasísinungalíngan nilá itó sa kaniláng paggáwì. Sa halíp, áng datíng mababangis ná táo ay nagbihis ná ngbágong personalidád ná nilaláng áyon sa kaloóban ng Diyós sa túnay ná katuwíran at pagkámatapát.” (Efe. 4:23, 24) Hábang natutúto áng mgá táo tungkól sa Diyós, nakikíta nilá ná kailángan niláng sumunód sa kaniyáng mgá pamantáyan. Kayâ namán binabágo nilá áng kaniláng mgá paniniwála, saloobín, at paggáwì. Hindî madalíng gawín áng mgá pagbabágong itó, péro tútulungan ng espíritu ng Diyós áng mgá taimtím ná nagnanais ná gawín áng kaniyáng kaloóban.
Binabágo ng mgá simuláin sa Bíbliya áng búhay ng mgá táo! (Tingnán áng párapo 16)
LAYUAN MO ÁNG MGÁ ITÓ
17. Paáno nátin maiiwásang maimpluwénsiyahan ng mgá nagpápakíta ng dí-makadiyós ná pag-uugali?
17 Lálong nagíging malínaw áng pagkakaibá ng mgá naglílingkód sa Diyós at ng mgá hindî naglílingkód sa kaniyá. Táyong mgá naglílingkód sa Diyós ay nag-iíngat ná huwág maimpluwénsiyahan ng masasamáng saloobín ng ibá. Kayâ namán, may-katalinúhan náting sinúsunod áng páyo ná layuan áng mgá táong nagpápakíta ng pag-uugaling inilaráwan sa 2 Timotéo 3:2-5. Síyempre pa, hindî nátin lubúsang maiiwásan áng mgá táong itó. Kailángan náting magtrabáho, pumások sa páaralán, o mamúhay kasáma nilá. Péro maiiwásan náting gayáhin áng kaniláng pag-iísip at pag-uugali kung patitibáyin nátin áng áting espirituwalidád sa pamamagítan ng pag-aáral ng Bíbliya at pakikipagsamahan sa mgá determinádong maglingkód kay Jehóva.
18. Paáno makatutúlong sa ibá áng áting panánalitá at paggáwì?
18 Pagsikápan din náting tulúngan áng ibá sa espirituwál ná paraán. Maghanáp ng mgá pagkakátaon pára makapagpatotoo ka at hilingín kay Jehóva ná tulúngan kang sabíhin áng támang bágay sa támang panahón. Dápat táyong magpakilala bílang mgá Saksí ni Jehóva pára áng mabúting paggáwì nátin ay magbigáy-kapurihán sa Diyós at hindî sa átin. Tinurúan táyo ni Jehóva náitakwíl áng págka-dí-makadiyós at makasanlibutáng mgá pagnanása at mamúhay ná tagláy áng katinuán ng pag-iísip at katuwíran at makadiyós ná debosyón sa gitnâ ng kasalukúyang sistémang itó ng mgá bágay.” (Tito 2:11-14) Kung gagawi táyo sa makadiyós ná paraán, mapápansín itó ng ibá, at bakâ sabíhin pa nilá: “Yayaon kamíng kasáma ninyó, sapagkát nariníg námin ná áng Diyós ay sumásainyó.”—Zac. 8:23.