Bantayan Tularan ang Pananampalataya

Tularan ang Pananampalataya at Pagkamasunurin Nina Noe, Daniel, at Job
Si Noe, si Daniel at si Job, sila mismo dahil sa kanilang katuwiran ay makapagliligtas ng kanilang kaluluwa.”—EZEK. 14:14.
AWIT: 89, 119
PAANO MO MATUTULARAN ANG PANANAMPALATAYA NI ... Noe? Daniel? Job?
1, 2. (a) Bakit tayo mapatitibay ng halimbawa nina Noe, Daniel, at Job? (b) Ano ang sitwasyon nang isulat ni Ezekiel ang mga salita sa Ezekiel 14:14? MAY pinagdaraanan ka ba, gaya ng pagkakasakit, problema sa pera, o 4 pag-uusig? Minsan ba ay nahihirapan kang manatiling masaya sa paglilingkod kay Jehova? Kung oo, mapatitibay ka ng halimbawa nina Noe, Daniel, at Job. Hindi sila sakdal, at napaharap sila sa mga hamong gaya ng nararanasan natin. Nanganib pa nga ang buhay nila. Pero nanatili silang tapat, kaya naman para sa Diyos, sila ay mga huwaran ng pananampalataya at pagkamasunurin.—Basahin ang Ezekiel 14:12-14.
2 Isinulat ni Ezekiel ang mga salita ng ating temang teksto noong 612 B.C.E. sa Babilonia. (Ezek. 1:1; 8:1) Malapit nang puksain noon ang apostatang Jerusalem, at nangyari ito noong 607 B.C.E. Iilang indibiduwal lang ang may mga katangiang gaya ng kina Noe, Daniel, at Job, na minarkahan para sa kaligtasan. (Ezek. 9:1-5) Kasama sa mga ito sina Jeremias, Baruc, Ebed-melec, at ang mga Recabita.
3. Ano ang tatalakayin natin sa artikulong ito?
3 Sa ngayon din naman, tanging mga taong matuwid sa paningin ni Jehovagaya nina Noe, Daniel, at Jobang mamarkahan para sa kaligtasan kapag nagwakas ang kasalukuyang sistema ng mga bagay. (Apoc. 7:9, 14) Kaya alamin natin kung bakit itinuring ni Jehova na matuwid sina Noe, Daniel, at Job. Suriin natin (1) kung anong mga hamon ang napaharap sa kanila at (2) kung paano Dinalang bihag si Ezekiel noong 617 B.C.E. Isinulat niya ang Ezekiel 8:1–19:14 “nang ikaanim na taonmatapos siyang ipatapon, o noong 612 B.C.E. natin matutularan ang kanilang pananampalataya at pagkamasunurin.
SI NOEMAY PANANAMPALATAYA AT MASUNURIN SA LOOB NG MAHIGIT 900 TAON
4, 5. Anong mga hamon ang napaharap kay Noe, at bakit kahangahanga ang kaniyang pagbabata?
4 Mga hamong napaharap kay Noe. Noong panahon ni Enoc, na lolo sa tuhod ni Noe, masyado nang dimakadiyos ang mga tao. Nagsasalita pa nga sila ngnakapangingilabot na mga bagaylaban kay Jehova. (Jud. 14, 15) Tumitindi ang karahasan. Sa katunayan, noong panahon ni Noe, “ang lupa ay napuno ng karahasan.” Ang masasamang anghel ay nagkatawang-tao, kumuha ng mga asawa, at nagkaroon ng mga anak na malulupit at mararahas. (Gen. 6:2-4, 11, 12) Pero ibang-iba si Noe. “Si Noe ay nakasumpong ng lingap sa paningin ni Jehova. . . . Siya ay walang pagkukulang sa gitna ng kaniyang mga kapanahon. Si Noe ay lumakad na kasama ng tunay na Diyos.”—Gen. 6:8, 9.
5 Ano ang ipinahihiwatig niyan tungkol kay Noe? Una, hindi siya lumakad kasama ng Diyos nang 70 o 80 taon langang karaniwang haba ng buhay ng mga tao sa ngayon. Halos 600 taon siyang nabuhay sa napakasamang sanlibutang iyon bago ang Baha! (Gen. 7:11) Ikalawa, di-tulad natin, wala siyang mga kakongregasyon na makapagpapatibay sa kaniya. Lumilitaw na kahit mga kapatid niya sa laman ay hindi rin nakatulong sa kaniya sa espirituwal.
6. Paano nagpakita si Noe ng lakas ng loob?
6 Para kay Noe, hindi sapat na maging mabuting tao lang. Siya rin ay naging matapang namangangaral ng katuwiran,” at ipinahayag niya sa iba ang pananampalataya niya kay Jehova. (2 Ped. 2:5) “Sa pamamagitan ng pananampalatayang ito ay hinatulan niya ang sanlibutan,” ang sabi ni apostol Pablo. (Heb. 11:7) Kaya tiyak na dumanas si Noe ng pagtuya at pagsalansang, at baka pinagbantaan pa nga siya na sasaktan. Pero hindi siyananginig sa harap ng mga tao.’ (Kaw. 29:25) Taglay ni Noe ang lakas ng loob na ibinibigay ni Jehova sa tapat na mga lingkod niya.
7. Anong mga hamon ang napaharap kay Noe sa pagtatayo ng arka?
7 Pagkatapos lumakad ni Noe kasama ng Diyos nang mahigit 500 taon, inutusan siya ni Jehova na magtayo ng arka para mailigtas ang mga tao at mga hayop. (Gen. 5:32; 6:14) Tiyak na napakahirap ng proyektong iyonat hindi lang dahil sa mismong pagtatayo nito! Alam ni Noe na lalo siyang tutuyain at sasalansangin dahil dito. Pero nanampalataya si Noe kay Jehova at sumunod siya. “Gayung-gayon ang ginawa niya.”—Gen. 6:22. Si Lamec, ang may takot sa Diyos na ama ni Noe, ay namatay mga limang taon bago ang Baha. Kung buh ´ ay man ang ina at mga kapatid ni Noe nang magsimula ang Baha, hindi sila nakaligtas.
8. Paano nagtiwala si Noe kay Jehova bilang kaniyang Tagapaglaan?
8 Ang isa pang hamon kay Noe ay ang paglalaan ng materyal na pangangailangan ng kaniyang asawa at mga anak. Bago ang Baha, hirap na hirap ang mga tao sa pagtatanim, at tiyak na gayundin si Noe. (Gen. 5: 28, 29) Pero naging pangunahin sa buhay niya ang paglilingkod sa Diyos, hindi ang pag-aalala sa materyal. Kahit abala siya sa pagtatayo ng arka, na maaaring inabot nang 40 o 50 taon, nanatiling nakapokus si Noe sa espirituwal. At patuloy niyang ginawa iyan nang 350 taon pa pagkatapos ng Baha! (Gen. 9:28) Napakahusay na halimbawa ng pananampalataya at pagkamasunurin!
9, 10. (a) Paano natin matutularan ang pananampalataya at pagkamasunurin ni Noe? (b) Kung determinado kang sumunod sa mga batas ng Diyos, ano ang maaasahan mo?
9 Kung paano natin matutularan ang pananampalataya at pagkamasunurin ni Noe. Magagawa natin ito kung itataguyod natin ang katuwiran ng Diyos, mananatiling hiwalay sa sanlibutan ni Satanas, at uunahin ang Kaharian. (Mat. 6:33; Juan 15:19) Kaya naman, ayaw sa atin ng sanlibutan. Sa katunayan, dahil sa ating paninindigan sa mga batas ng Diyos pagdating sa sekso at pagaasawa, umani tayo ng negatibong publisidad sa ilang bansa. (Basahin ang Malakias 3:17, 18.) Pero gaya ni Noe, may takot tayo kay Jehova, hindi sa mga tao. Alam nating siya lang ang makapagbibigay ng buhay na walang hanggan.—Luc. 12:4, 5.
10 Kumusta ka naman? Patuloy ka banglalakad na kasama ng Diyoskahit tinutuya o pinipintasan ka ng iba? Magtitiwala ka pa rin ba sa ating Tagapaglaan kahit mahirap ang buhay? Kung tutularan mo ang pananampalataya at pagkamasunurin ni Noe, makaaasa kang pangangalagaan ka ni Jehova.—Fil. 4:6, 7.
SI DANIELMAY PANANAMPALATAYA AT MASUNURIN KAHIT NASA UBOD-SAMANG LUNSOD
11. Anong mabibigat na hamon ang napaharap kay Daniel at sa kaniyang tatlong kasamahan sa Babilonya? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
11 Mga hamong napaharap kay Daniel. Namuhay si Daniel bilang isang bihag sa Babilonya, isang lunsod na pun ˆ o ng idolatriya at espiritismo. Hinahamak din ng mga Babilonyo ang mga Judio, pati na ang kanilang Diyos na si Jehova. (Awit 137:1, 3) Tiyak na napakasakit nito para sa tapat na mga Judio, gaya ni Daniel! Marami ring nagmamasid sa kaniya at sa kaniyang tatlong kasamahansina Hananias, Misael, at Azariasdahil sasanayin sila para maglingkod sa hari ng Babilonya. Pati ang pagkain nila ay itinakda. Di-nagtagal, naging isyu ang pagkain at inumin dahil ipinasiya ni Daniel nahindi niya durumhan ang kaniyang sarili ng masasarap na pagkain ng hari.”—Dan. 1:5-8, 14-17.
12. (a) Anong magagandang katangian ang ipinakita ni Daniel? (b) Ano ang tingin ni Jehova kay Daniel?
12 Maaaring napaharap din si Daniel sa isang kakaibang hamon. Dahil sa pambihirang husay at talino, nakatanggap siya ng espesyal na mga pribilehiyo. (Dan. 1:19, 20) Pero sa halip na maging arogante at isiping laging tama ang kaniyang opinyon, nanatili siyang mapagpakumbaba at lagi niyang ibinibigay ang kapurihan kay Jehova. (Dan. 2:30) Sa katunayan, kabataan pa si Daniel nang banggitin siya ni Jehova bilang mabuting halimbawa, kasama nina Noe at Job. May saligan ba ang tiwala ng Diyos kay Daniel? Oo naman! Hanggang sa huling sandali ng kaniyang buhay, may pananampalataya si Daniel at naging masunurin. Halos 100 ta ´ ong Kalugod-lugod kay Jehova ang mga nananatiling tapat sa kaniya (Tingnan ang parapo 14, 15) PEBRERO 2018 11 gulang na siya nang sabihin sa kaniya ng anghel ng Diyos: “O Daniel, ikaw [ay] lubhang kalugud-lugod na lalaki.”—Dan. 10:11.
13. Bakit posibleng naging pagpapala si Daniel sa kaniyang mga kapuwa Judio?
13 Dahil sa tulong ni Jehova, si Daniel ay naging mataas na opisyal sa ilalim ng Imperyo ng Babilonya, at nang maglaon, sa Imperyo ng Medo-Persia. (Dan. 1:21; 6:1, 2) Marahil, minaniobra ito ni Jehova para maging pagpapala si Daniel sa kaniyang mga kababayan, gaya ni Jose noon sa Ehipto at nina Esther at Mardokeo sa Persia. (Dan. 2:48) Tiyak na napatibay ang mga bihag na Judio, pati na si Ezekiel, dahil ginamit ni Jehova si Daniel para tulungan sila!
14, 15. (a) Ano ang pagkakatulad ng kalagayan natin sa sitwasyon noon ni Daniel? (b) Ano ang matututuhan ng mga magulang sa halimbawa ng mga magulang ni Daniel?
14 Kung paano natin matutularan ang pananampalataya at pagkamasunurin ni Daniel. Sa ngayon, namumuhay rin tayong gaya ng mga banyaga sa sanlibutang puno ng imoralidad at espiritismo dahil sa impluwensiya ng Babilonyang Dakila, ang pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon attahanang dako ng mga demonyo.” (Apoc. 18:2) Dahil dito, kitang-kita ang ating kaibahan, at nagiging puntirya tayo ng panunuya. (Mar. 13:13) Maaaring ganito rin ang ginawa ni Jehova sa tatlong kasamahan ni Daniel na nabigyan din ng mga posisyong may awtoridad.—Dan. 2:49. Kaya naman, gaya ni Daniel, maging malap´ ıt tayo sa ating Diyos na si Jehova. Kung tayo ay mapagpakumbaba, masunurin, at nagtitiwala sa kaniya, magiging kalugod-lugod din tayo sa kaniyang paningin.—Hag. 2:7.
15 Ano ang matututuhan ng mga magulang sa halimbawa ng mga magulang ni Daniel? Sa kabila ng masasamang kalagayan noon sa Juda, natutuhang ibigin ng batang si Daniel ang Diyos na Jehova. Hindi ito nagkataon lang. Katibayan ito ng mahusay na pagsasanay ng mga magulang niya. (Kaw. 22:6) Ipinahihiwatig din ng pangalan ni Daniel, na nangangahulugangAng Aking Hukom ay [ang] Diyos,” na may takot sa Diyos ang kaniyang mga magulang. (Dan. 1:6) Mga magulang, huwag sumuko. Matiyagang turuan ang inyong mga anak. (Efe. 6:4) Manalanging kasama nila at ipanalangin din sila. Kapag sinisikap ninyong itanim sa kanilang puso ang katotohanan, tiyak na pagpapalain kayo ni Jehova.—Awit 37:5.
SI JOBMAY PANANAMPALATAYA AT MASUNURIN MAYAMAN MAN O MAHIRAP
16, 17. Anong mga hamon ang naranasan ni Job?
16 Mga hamong napaharap kay Job. Dumanas si Job ng malalaking pagbabago sa kaniyang buhay. Noong una, siya angpinakadakila sa lahat ng mga taga-Silangan.” (Job 1:3) Mayaman siya, kilala, at talagang iginagalang. (Job 29:7-16) Pero hindi inisip ni Job na nakahihigit siya sa iba o na hindi na niya kailangan ang Diyos. Tinawag pa nga siya ni Jehova naaking lingkod,” at sinabing isa siyanglalaking walang kapintasan at matuwid, na natatakot sa Diyos at lumilihis sa kasamaan.”—Job 1:8.
17 Pero sa maikling panahon, biglang nagbago ang mundo ni Job. Nawala sa kaniya ang lahat kung kaya nanlumo siya at gusto nang mamatay. Alam natin na kagagawan ito ng maninirang-puri na si Satanas. Pinagbintangan niya si Job at sinabing naglilingkod lang ito sa Diyos dahil sa sariling pakinabang. (Basahin ang Job 1:9, 10.) Hindi binale-wala ni Jehova ang masamang bintang na iyon. Kaya naman binigyan Niya si Job ng pagkakataong patunayan na tapat siya at naglilingkod udyok ng pag-ibig.
18. (a) Ano ang hinahangaan mo sa katapatan ni Job? (b) Ano ang matututuhan natin kay Jehova sa pakikitungo niya kay Job?
18 Sunod-sunod ang pag-atake ni Satanas kay Job kung kaya inakala ni Job na kagagawan ng Diyos ang mga paghihirap niya. (Job 1:13-21) Dumating pa ang tatlong lalaki na kunwari ay mga kaibigan ni Job pero nagsabi lang ng masasakit na salita sa kaniya. Masama raw siya kung kaya pinarurusahan siya ng Diyos! (Job 2:11; 22:1, 5-10) Pero nanatili pa ring tapat si Job. Kung minsan, nakakapagsalita si Job nang padalos-dalos. Pero inunawa ni Jehova ang nadarama niya. (Job 6:1-3) Alam ng Diyos na nanlulumo si Job. At kahit paulit-ulit na sinalakay ni Satanas si Job sa pamamagitan ng pang-iinsulto, hindi tinalikuran ni Job ang Diyos. Kaya pagkatapos ng kalbaryo ni Job, binigyan siya ni Jehova nang doble ng mga bagay na taglay niya noon, at nabuhay pa siya nang 140 taon. (Sant. 5:11) Patuloy rin siyang nagbigay ng bukod-tanging debosyon kay Jehova. Paano natin nalaman? Dahil isinulat ni Ezekiel ang mga salita ng ating temang teksto daan-daang taon pagkamatay ni Job.
19, 20. (a) Paano natin matutularan ang pananampalataya at pagkamasunurin ni Job? (b) Sa pakikitungo natin sa iba, paano natin matutularan ang habag ng Diyos?
19 Kung paano natin matutularan ang pananampalataya at pagkamasunurin ni Job. Anuman ang sitwasyon natin, lagi nating unahin si Jehova sa ating buhay. Magtiwala tayo sa kaniya nang lubusan at sundin natin siya nang buong puso. Kumpara kay Job, mas marami tayong dahilan para gawin iyan! Pag-isipan ito: Mas marami na tayong alam tungkol kay Satanas at sa mga taktika niya. (2 Cor. 2:11) Nakatulong ang aklat ng Job para malaman natin kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa. Sa tulong naman ng hula ni Daniel, nauunawaan natin na ang Kaharian ng Diyos ay isang tunay na gobyernong pinamamahalaan ni Kristo Jesus. (Dan. 7: 13, 14) Alam din natin na tuluyang wawakasan ng Kahariang ito ang lahat ng pagdurusa.
20 Ipinakikita rin ng nangyari kay Job na kailangan tayong magpakita ng habag sa mga kapuwa Kristiyano na dumaranas ng mga problema. Gaya ni Job, baka makapagsalita sila nang padalos-dalos. (Ecles. 7:7) Huwag natin silang husgahan. Sa halip, unawain natin sila at kahabagan. Sa gayon, tinutularan natin si Jehova, ang ating maibigin at maawaing Ama.—Awit 103:8.
PALALAKASIN NIYA KAYO
21. Paano makikita sa buhay nina Noe, Daniel, at Job na totoo ang mga salita ng 1 Pedro 5:10?
21 Nabuhay sina Noe, Daniel, at Job sa magkakaibang panahon at kalagayan. Pero napagtagumpayan nila ang mga hamong napaharap sa kanila. Makikita sa karanasan nila na totoo ang isinulat ni apostol Pedro: “Pagkatapos ninyong magdusa nang kaunting panahon, ang Diyos ng buong di-sana-nararapat na kabaitan . . . ang mismong tatapos ng inyong pagsasanay, patatatagin niya kayo, palalakasin niya kayo.”—1 Ped. 5:10.
22. Ano ang tatalakayin natin sa susunod na artikulo?
22 Sa mga salitang iyan ni Pedro, tinitiyak sa atin ni Jehova na patatatagin at palalakasin niya ang kaniyang mga lingkod. Totoo rin ang mga salitang iyan sa bayan ng Diyos ngayon. Gusto nating lahat na palakasin tayo ni Jehova, at makapanatiling matatag sa paglilingkod sa kaniya. Kaya naman, gusto nating tularan ang pananampalataya at pagkamasunurin nina Noe, Daniel, at Job! Gaya ng makikita natin sa susunod na artikulo, nakapanatili silang tapat kay Jehova dahil kilalang-kilala nila siya. Sa katunayan, ‘naunawaan nila ang lahatng kaniyang mga kahilingan. (Kaw. 28:5) Magagawa rin natin iyan.

Tuláran áng Pananámpalatáya at Pagkamasunúrin Nína Noé, Daniél, at Job
Si Noé, si Daniél at si Job, silá mísmo dáhil sa kaniláng katuwíran ay makapaglíligtás ng kaniláng káluluwá.”—EZEK. 14:14.
ÁWIT: 89, 119
PAÁNO MO MATÚTULÁRAN ÁNG PANANÁMPALATÁYA NI ... Noé? Daniél? Job?
1, 2. (a) Bákit táyo mapatitíbay ng halimbáwa nína Noé, Daniél, at Job? (b) Anó áng sitwasyón nang isúlat ni Ezekiél áng mgá salitâ sa Ezekiél 14:14? MAY pinagdaraánan ka ba, gáya ng pagkákasákit, probléma sa péra, o 4 pag-uúsig? Mínsan ba ay nahihirápan kang manatíling masáya sa paglilingkód kay Jehóva? Kung óo, mapatitíbay ka ng halimbáwa nína Noé, Daniél, at Job. Hindî silá sakdál, at napaharáp silá sa mgá hámong gáya ng naráranasan nátin. Nangánib pa ngâ áng búhay nilá. Péro nanatíli siláng tapát, kayâ namán pára sa Diyós, silá ay mgá huwaran ng pananámpalatáya at pagkamasunúrin.—Basáhin áng Ezekiél 14:12-14.
2 Isinúlat ni Ezekiél áng mgá salitâ ng áting temang téksto noóng 612 B.C.E. sa Babilonia. (Ezek. 1:1; 8:1) Malapít nang puksaín noón áng apóstatang Jerusalém, at nangyári itó noóng 607 B.C.E. Iiláng indibiduwál lang áng may mgá katangíang gáya ng kína Noé, Daniél, at Job, ná minarkahan pára sa kaligtásan. (Ezek. 9:1-5) Kasáma sa mgá itó sína Jeremias, Báruc, Ebed-melec, at áng mgá Recabita.
3. Anó áng tátalakáyin nátin sa artíkulong itó?
3 Sa ngayón din namán, tánging mgá táong matuwíd sa paningín ni Jehóvagáya nína Noé, Daniél, at Jobáng mamarkahan pára sa kaligtásan kapág nagwakás áng kasalukúyang sistéma ng mgá bágay. (Apoc. 7:9, 14) Kayâ alamín nátin kung bákit itinúring ni Jehóva ná matuwíd sína Noé, Daniél, at Job. Suríin nátin (1) kung anóng mgá hámon áng napaharáp sa kanilá at (2) kung paáno Dinalang bíhag si Ezekiél noóng 617 B.C.E. Isinúlat niyá áng Ezekiél 8:1–19:14 “nang ikaánim ná taónmatápos siyáng ipatápon, o noóng 612 B.C.E. nátin matútuláran áng kaniláng pananámpalatáya at pagkamasunúrin.
SI NOÉMAY PANANÁMPALATÁYA AT MASUNÚRIN SA LOÓB NG MAHIGÍT 900 TAÓN
4, 5. Anóng mgá hámon áng napaharáp kay Noé, at bákit kahangahanga áng kaniyáng pagbabatá?
4 Mgá hámong napaharáp kay Noé. Noóng panahón ni Énoc, ná lolo sa túhod ni Noé, masyádo nang dimakadiyos áng mgá táo. Nagsásalitá pa ngâ silá ngnakapangíngilábot ná mgá bágaylában kay Jehóva. (Jud. 14, 15) Tumítindí áng karahasán. Sa katunáyan, noóng panahón ni Noé, “áng lúpa ay napuno ng karahasán.” Áng masasamáng anghél ay nagkatawáng-táo, kumúha ng mgá asáwa, at nagkaroón ng mgá anák ná malulupit at mararahás. (Gen. 6:2-4, 11, 12) Péro ibáng-ibá si Noé. “Si Noé ay nakasumpong ng língap sa paningín ni Jehóva. . . . Siyá ay waláng pagkukúlang sa gitnâ ng kaniyáng mgá kapanahon. Si Noé ay lumákad ná kasáma ng túnay ná Diyós.”—Gen. 6:8, 9.
5 Anó áng ipinahihiwátig niyán tungkól kay Noé? Úna, hindî siyá lumákad kasáma ng Diyós nang 70 o 80 taón langáng karaníwang habà ng búhay ng mgá táo sa ngayón. Hálos 600 taón siyáng nabúhay sa nápakasamáng sanlibutáng iyón bágo áng Bahâ! (Gen. 7:11) Ikalawâ, dí-túlad nátin, walâ siyáng mgá kákongregasyón ná makapagpápatíbay sa kaniyá. Lumílitáw ná káhit mgá kapatíd niyá sa lamán ay hindî rín nakatúlong sa kaniyá sa espirituwál.
6. Paáno nagpakíta si Noé ng lakás ng loób?
6 Pára kay Noé, hindî sapát ná magíng mabúting táo lang. Siyá rín ay nagíng matapang námangangáral ng katuwíran,” at ipinahayág niyá sa ibá áng pananámpalatáya niyá kay Jehóva. (2 Ped. 2:5) “Sa pamamagítan ng pananámpalatáyang itó ay hinatúlan niyá áng sanlibután,” áng sábi ni apostól Páblo. (Heb. 11:7) Kayâ tiyák ná dumánas si Noé ng pagtuya at pagsalansáng, at bakâ pinagbantaan pa ngâ siyá ná sasaktan. Péro hindî siyánanginig sa haráp ng mgá táo.’ (Kaw. 29:25) Tagláy ni Noé áng lakás ng loób ná ibínibigáy ni Jehóva sa tapát ná mgá lingkód niyá.
7. Anóng mgá hámon áng napaharáp kay Noé sa pagtatayó ng árka?
7 Pagkatápos lumákad ni Noé kasáma ng Diyós nang mahigít 500 taón, inutúsan siyá ni Jehóva ná magtáyo ng árka pára mailigtás áng mgá táo at mgá háyop. (Gen. 5:32; 6:14) Tiyák ná napakahírap ng proyektong iyónat hindî lang dáhil sa mísmong pagtatayó nitó! Alám ni Noé ná lálo siyáng tutuyain at sasalansangin dáhil díto. Péro nanámpalatáya si Noé kay Jehóva at sumunód siyá. “Gayung-gayón áng ginawâ niyá.”—Gen. 6:22. Si Lámec, áng may tákot sa Diyós ná amá ni Noé, ay namatáy mgá limáng taón bágo áng Bahâ. Kung buh ´ ay man áng iná at mgá kapatíd ni Noé nang magsimulá áng Bahâ, hindî silá nakaligtas.
8. Paáno nagtiwála si Noé kay Jehóva bílang kaniyáng Tagapaglaán?
8 Áng isá pang hámon kay Noé ay áng paglalaán ng materyál ná pangangailángan ng kaniyáng asáwa at mgá anák. Bágo áng Bahâ, hiráp ná hiráp áng mgá táo sa pagtatanim, at tiyák ná gayundín si Noé. (Gen. 5: 28, 29) Péro nagíng pangunáhin sa búhay niyá áng paglilingkód sa Diyós, hindî áng pag-áalalá sa materyál. Káhit abalá siyá sa pagtatayó ng árka, ná maaáring inabot nang 40 o 50 taón, nanatíling nakapókus si Noé sa espirituwál. At patúloy niyáng ginawâ iyán nang 350 taón pa pagkatápos ng Bahâ! (Gen. 9:28) Napakahusay ná halimbáwa ng pananámpalatáya at pagkamasunúrin!
9, 10. (a) Paáno nátin matútuláran áng pananámpalatáya at pagkamasunúrin ni Noé? (b) Kung determinádo kang sumunód sa mgá batás ng Diyós, anó áng maaasáhan mo?
9 Kung paáno nátin matútuláran áng pananámpalatáya at pagkamasunúrin ni Noé. Magágawa nátin itó kung itataguyod nátin áng katuwíran ng Diyós, mananatíling hiwalay sa sanlibután ni Satanás, at uunáhin áng Kaharián. (Mat. 6:33; Juán 15:19) Kayâ namán, áyaw sa átin ng sanlibután. Sa katunáyan, dáhil sa áting paninindígan sa mgá batás ng Diyós pagdatíng sa sekso at pagaasawa, umani táyo ng negatíbong publisidad sa iláng bansâ. (Basáhin áng Malákias 3:17, 18.) Péro gáya ni Noé, may tákot táyo kay Jehóva, hindî sa mgá táo. Alám náting siyá lang áng makapagbibigáy ng búhay ná waláng hanggán.—Luc. 12:4, 5.
10 Kumustá ka namán? Patúloy ka banglalákad ná kasáma ng Diyóskáhit tinútuya o pinipintasan ka ng ibá? Magtítiwála ka pa rín ba sa áting Tagapaglaán káhit mahírap áng búhay? Kung tútuláran mo áng pananámpalatáya at pagkamasunúrin ni Noé, makaaása kang pangangalagaan ka ni Jehóva.—Fil. 4:6, 7.
SI DANIÉLMAY PANANÁMPALATÁYA AT MASUNÚRIN KÁHIT NÁSA UBOD-SAMÁNG LUNSÓD
11. Anóng mabibigát ná hámon áng napaharáp kay Daniél at sa kaniyáng tatlóng kasamahán sa Babilónya? (Tingnán áng laráwan sa simulá ng artíkulo.)
11 Mgá hámong napaharáp kay Daniél. Namuhay si Daniél bílang isáng bíhag sa Babilónya, isáng lunsód ná pun ˆ o ng idolátriya at espiritismo. Hinahamak din ng mgá Babilonyo áng mgá Judió, patí ná áng kaniláng Diyós ná si Jehóva. (Áwit 137:1, 3) Tiyák ná napakasakit nitó pára sa tapát ná mgá Judió, gáya ni Daniél! Marámi ring nagmamasid sa kaniyá at sa kaniyáng tatlóng kasamahánsína Hanánias, Misaél, at Azáriasdáhil sasanáyin silá pára maglingkód sa hári ng Babilónya. Patí áng pagkáin nilá ay itinakdâ. Dí-nagtagál, nagíng ísyu áng pagkáin at inumín dáhil ipinasiyá ni Daniél náhindî niyá durumhan áng kaniyáng saríli ng masasaráp ná pagkáin ng hári.”—Dan. 1:5-8, 14-17.
12. (a) Anóng magagandáng katangían áng ipinakíta ni Daniél? (b) Anó áng tingín ni Jehóva kay Daniél?
12 Maaáring napaharáp din si Daniél sa isáng kakaibáng hámon. Dáhil sa pambihírang husay at talíno, nakatanggáp siyá ng espesyál ná mgá pribiléhiyo. (Dan. 1:19, 20) Péro sa halíp ná magíng arogánte at isíping láging tamà áng kaniyáng opinyón, nanatíli siyáng mapagpakumbabá at lagì niyáng ibínibigáy áng kapurihán kay Jehóva. (Dan. 2:30) Sa katunáyan, kabatáan pa si Daniél nang banggitín siyá ni Jehóva bílang mabúting halimbáwa, kasáma nína Noé at Job. May salígan ba áng tiwalà ng Diyós kay Daniél? Óo namán! Hanggáng sa hulíng sandalî ng kaniyáng búhay, may pananámpalatáya si Daniél at nagíng masunúrin. Hálos 100 ta ´ ong Kalugód-lugód kay Jehóva áng mgá nanánatíling tapát sa kaniyá (Tingnán áng párapo 14, 15) PEBRERO 2018 11 gúlang ná siyá nang sabíhin sa kaniyá ng anghél ng Diyós: “O Daniél, ikáw [ay] lubháng kalugúd-lugód ná laláki.”—Dan. 10:11.
13. Bákit posíbleng nagíng pagpapála si Daniél sa kaniyáng mgá kápuwa Judió?
13 Dáhil sa túlong ni Jehóva, si Daniél ay nagíng mataás ná opisyál sa ilálim ng Impéryo ng Babilónya, at nang magláon, sa Impéryo ng Medo-Persia. (Dan. 1:21; 6:1, 2) Maráhil, minaniobra itó ni Jehóva pára magíng pagpapála si Daniél sa kaniyáng mgá kababáyan, gáya ni José noón sa Ehípto at nína Ésther at Mardókeo sa Persia. (Dan. 2:48) Tiyák ná napatíbay áng mgá bíhag ná Judió, patí ná si Ezekiél, dáhil ginámit ni Jehóva si Daniél pára tulúngan silá!
14, 15. (a) Anó áng pagkakatulad ng kalagáyan nátin sa sitwasyón noón ni Daniél? (b) Anó áng matútutúhan ng mgá magúlang sa halimbáwa ng mgá magúlang ni Daniél?
14 Kung paáno nátin matútuláran áng pananámpalatáya at pagkamasunúrin ni Daniél. Sa ngayón, namumuhay rín táyong gáya ng mgá banyaga sa sanlibutáng punó ng imoralidád at espiritismo dáhil sa impluwénsiya ng Babilónyang Dakíla, áng pandaigdíg ná impéryo ng huwád ná relihiyón attahánang dáko ng mgá demónyo.” (Apoc. 18:2) Dáhil díto, kitáng-kíta áng áting kaibahán, at nagíging puntirya táyo ng panunuya. (Mar. 13:13) Maaáring ganitó rín áng ginawâ ni Jehóva sa tatlóng kasamahán ni Daniél ná nabigyan din ng mgá posisyóng may awtoridád.—Dan. 2:49. Kayâ namán, gáya ni Daniél, magíng malap´ ıt táyo sa áting Diyós ná si Jehóva. Kung táyo ay mapagpakumbabá, masunúrin, at nagtitiwála sa kaniyá, magíging kalugód-lugód din táyo sa kaniyáng paningín.—Hag. 2:7.
15 Anó áng matútutúhan ng mgá magúlang sa halimbáwa ng mgá magúlang ni Daniél? Sa kabilá ng masasamáng kalagáyan noón sa Júda, natutuhang ibígin ng bátang si Daniél áng Diyós ná Jehóva. Hindî itó nagkátaon lang. Katibáyan itó ng mahúsay ná pagsasánay ng mgá magúlang niyá. (Kaw. 22:6) Ipinahihiwátig din ng pangálan ni Daniél, ná nangangahulugángÁng Áking Hukóm ay [áng] Diyós,” ná may tákot sa Diyós áng kaniyáng mgá magúlang. (Dan. 1:6) Mgá magúlang, huwág sumúko. Matiyagáng turúan áng inyóng mgá anák. (Efe. 6:4) Manalanging kasáma nilá at ipanalángin din silá. Kapág sinisíkap ninyóng itaním sa kaniláng púso áng katotohánan, tiyák ná pagpápaláin kayó ni Jehóva.—Áwit 37:5.
SI JOBMAY PANANÁMPALATÁYA AT MASUNÚRIN MAYÁMAN MAN O MAHÍRAP
16, 17. Anóng mgá hámon áng naranásan ni Job?
16 Mgá hámong napaharáp kay Job. Dumánas si Job ng malalakíng pagbabágo sa kaniyáng búhay. Noóng úna, siyá ángpinakadakíla sa lahát ng mgá tága-Silángan.” (Job 1:3) Mayáman siyá, kilála, at talagáng iginagálang. (Job 29:7-16) Péro hindî inísip ni Job ná nakahíhigít siyá sa ibá o ná hindî ná niyá kailángan áng Diyós. Tináwag pa ngâ siyá ni Jehóva nááking lingkód,” at sinábing isá siyánglaláking waláng kapintásan at matuwíd, ná natatákot sa Diyós at lumilihis sa kasamáan.”—Job 1:8.
17 Péro sa maiklíng panahón, bigláng nagbágo áng mundó ni Job. Nawalá sa kaniyá áng lahát kung kayâ nanlumo siyá at gustó nang mamatáy. Alám nátin ná kagagawán itó ng maninirang-púri ná si Satanás. Pinagbintangan niyá si Job at sinábing naglílingkód lang itó sa Diyós dáhil sa saríling pakinábang. (Basáhin áng Job 1:9, 10.) Hindî binale-walâ ni Jehóva áng masamáng bintáng ná iyón. Kayâ namán binigyán Niyá si Job ng pagkakátaong patunáyan ná tapát siyá at naglílingkód udyók ng pag-íbig.
18. (a) Anó áng hinahangáan mo sa katapátan ni Job? (b) Anó áng matútutúhan nátin kay Jehóva sa pakikitúngo niyá kay Job?
18 Sunód-sunód áng pag-atake ni Satanás kay Job kung kayâ inakála ni Job ná kagagawán ng Diyós áng mgá paghihiráp niyá. (Job 1:13-21) Dumatíng pa áng tatlóng laláki ná kunwari ay mgá kaibígan ni Job péro nagsábi lang ng masasakít ná salitâ sa kaniyá. Masamâ raw siyá kung kayâ pinarurúsahan siyá ng Diyós! (Job 2:11; 22:1, 5-10) Péro nanatíli pa ring tapát si Job. Kung mínsan, nakakapagsalita si Job nang padalos-dálos. Péro inunáwa ni Jehóva áng nadárama niyá. (Job 6:1-3) Alám ng Diyós ná nanlulumo si Job. At káhit paúlit-úlit ná sinalákay ni Satanás si Job sa pamamagítan ng pang-iinsulto, hindî tinalikuran ni Job áng Diyós. Kayâ pagkatápos ng kalbaryo ni Job, binigyán siyá ni Jehóva nang doble ng mgá bágay ná tagláy niyá noón, at nabúhay pa siyá nang 140 taón. (Sant. 5:11) Patúloy rín siyáng nagbigáy ng bukód-tánging debosyón kay Jehóva. Paáno nátin naláman? Dáhil isinúlat ni Ezekiél áng mgá salitâ ng áting temang téksto daán-daáng taón pagkamatáy ni Job.
19, 20. (a) Paáno nátin matútuláran áng pananámpalatáya at pagkamasunúrin ni Job? (b) Sa pakikitúngo nátin sa ibá, paáno nátin matútuláran áng habág ng Diyós?
19 Kung paáno nátin matútuláran áng pananámpalatáya at pagkamasunúrin ni Job. Anumán áng sitwasyón nátin, lagì náting unáhin si Jehóva sa áting búhay. Magtiwála táyo sa kaniyá nang lubúsan at sundín nátin siyá nang buóng púso. Kumpará kay Job, mas marámi táyong dahilán pára gawín iyán! Pag-isípan itó: Mas marámi ná táyong alám tungkól kay Satanás at sa mgá taktika niyá. (2 Cor. 2:11) Nakatúlong áng aklát ng Job pára malamán nátin kung bákit pinahíhintulútan ng Diyós áng pagdurúsa. Sa túlong namán ng húla ni Daniél, naúunawáan nátin ná áng Kaharián ng Diyós ay isáng túnay ná gobyernong pinamámahalaan ni Krísto Jesús. (Dan. 7: 13, 14) Alám din nátin ná tuluyang wáwakasán ng Kahariáng itó áng lahát ng pagdurúsa.
20 Ipinakikíta rín ng nangyári kay Job ná kailángan táyong magpakíta ng habág sa mgá kápuwa Kristiyáno ná dumaránas ng mgá probléma. Gáya ni Job, bakâ makapagsalita silá nang padalos-dálos. (Ecles. 7:7) Huwág nátin siláng husgahan. Sa halíp, unawáin nátin silá at kahabagan. Sa gayón, tinutuláran nátin si Jehóva, áng áting maibigín at maawaíng Amá.—Áwit 103:8.
PALÁLAKASÍN NIYÁ KAYÓ
21. Paáno makikíta sa búhay nína Noé, Daniél, at Job ná totoó áng mgá salitâ ng 1 Pédro 5:10?
21 Nabúhay sína Noé, Daniél, at Job sa magkakaibang panahón at kalagáyan. Péro napagtagumpáyan nilá áng mgá hámong napaharáp sa kanilá. Makikíta sa karanasán nilá ná totoó áng isinúlat ni apostól Pédro: “Pagkatápos ninyóng magdúsa nang kauntíng panahón, áng Diyós ng buóng dí-sána-nararápat ná kabaítan . . . áng mísmong tatapos ng inyóng pagsasánay, patatatagin niyá kayó, palálakasín niyá kayó.”—1 Ped. 5:10.
22. Anó áng tátalakáyin nátin sa súsunod ná artíkulo?
22 Sa mgá salitáng iyán ni Pédro, tinítiyák sa átin ni Jehóva ná patatatagin at palálakasín niyá áng kaniyáng mgá lingkód. Totoó rín áng mgá salitáng iyán sa báyan ng Diyós ngayón. Gustó náting lahát ná palakasín táyo ni Jehóva, at makapanatíling matatág sa paglilingkód sa kaniyá. Kayâ namán, gustó náting tuláran áng pananámpalatáya at pagkamasunúrin nína Noé, Daniél, at Job! Gáya ng makikíta nátin sa súsunod ná artíkulo, nakapanatili siláng tapát kay Jehóva dáhil kilaláng-kilála nilá siyá. Sa katunáyan, ‘naunawáan nilá áng lahátng kaniyáng mgá kahilíngan. (Kaw. 28:5) Magágawa rín nátin iyán.