Bantayan Kilala Mo Ba si Jehova

Kilala Mo Ba si Jehova Gaya Nina Noe, Daniel, at Job?
Ang mga taong nakahilig sa kasamaan ay hindi nakauunawa ng kahatulan, ngunit yaong mga humahanap kay Jehova ay nakauunawa ng lahat ng bagay.”—KAW. 28:5.
AWIT: 126, 150
PAANO NAGPAKITA NG PANANAMPALATAYA AT MAKADIYOS NA KARUNUNGAN SI . . . Noe? Daniel? Job?
1-3. (a) Ano ang tutulong sa atin na makapanatiling tapat sa Diyos sa mga huling araw na ito? (b) Ano ang tatalakayin natin sa artikulong ito?
HABANG papatapos ang mga huling araw, “sumisibol ang mga balakyot na gaya ng pananim.” (Awit 92:7) Kaya hindi kataka-taka na binabale wala ng marami ang mga pamantayang moral ng Diyos. Paano tayo magigingmga sanggol . . . tungkol sa kasamaanperohustong-gulang sa mga kakayahan ng pangunawa”?—1 Cor. 14:20.
2 Makikita natin ang sagot sa ating temang teksto: “Yaong mga humahanap kay Jehova ay nakauunawa ng lahat ng bagay”—ibig sabihin, lahat ng bagay na kailangan para mapalugdan siya. (Kaw. 28:5) Katulad ito ng sinasabi sa Kawikaan 2:7, 9, napara sa mga matuwid ay mag-iimbak [si Jehova] ng praktikal na karunungan.” Dahil dito, “mauunawaan [nila] ang katuwiran at ang kahatulan at ang katapatan, ang buong landasin ng kabutihan.”
3 Nagkaroon sina Noe, Daniel, at Job ng karunungang iyan. (Ezek. 14:14) Gayon din ang bayan ng Diyos ngayon. Kumusta ka naman? ‘Nauunawaan mo ba ang lahat ng bagayna kailangan para mapalugdan si Jehova? Ang susi ay ang pagkakaroon ng tumpak na kaalaman sa kaniya. Kaya naman, talakayin natin (1) kung paano nakilala nina Noe, Daniel, at Job ang Diyos, (2) kung paano ito nakatulong sa kanila, at (3) kung paano tayo magkakaroon ng pananampalatayang katulad ng sa kanila.
LUMAKAD SI NOE KASAMA NG DIYOS SA ISANG NAPAKASAMANG SANLIBUTAN
4. Paano nakilala ni Noe si Jehova? At paano nakatulong sa kaniya ang tumpak na kaalaman?
4 Kung paano nakilala ni Noe si Jehova. Mula sa pasimula ng kasaysayan ng tao, may tatlong pangunahing paraan para matuto tungkol sa Diyos: ang pagmamasid sa mga nilikha niya, mula sa ibang taong may takot sa Diyos, at ang pagpapala ng pamumuhay ayon sa matuwid na mga pamantayan at simulain ng Diyos. (Isa. 48:18) Sa pagmamasid sa sangnilalang, makikita ni Noe ang maraming ebidensiya ng pag-iral ng Diyos at ng kaniyang di-nakikitang mga katangian, gaya ngkaniyang walang-hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos.” (Roma 1:20) Kaya naman, hindi lang basta naniwala si Noe sa Diyos; nagkaroon din siya ng matibay na pananampalataya sa kaniya.
5. Paano nalaman ni Noe ang layunin ng Diyos para sa sangkatauhan?
5 Ayon sa Bibliya, “ang pananampalataya ay kasunod ng bagay na narinig.” (Roma 10:17) Kanino narinig ni Noe ang tungkol kay Jehova? Tiyak na mula sa kaniyang mga kamag-anak. Kasama rito ang ama niyang si Lamec, isang taong may pananampalataya na isinilang noong nabubuhay pa si Adan. (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.) Kasama rin dito ang lolo niyang si Matusalem at ang kaniyang lolo sa talampakan na si Jared, na namatay 366 na taon pagkasilang ni Noe*. (Luc. 3: 36, 37) Marahil natutuhan ni Noe mula sa mga lalaking ito, at sa kanilang mga asawa, ang tungkol sa pasimula ng sangkatauhan, ang layunin ng Diyos na punuin ng matuwid na pamilya ng tao ang lupa, at ang paghihimagsik sa Edenna ang masasamang resulta ay nakita mismo ni Noe. (Gen. 1:28; 3:16-19, 24) Tiyak na naantig ang puso ni Noe sa natutuhan niya kung kaya naglingkod siya sa Diyos.—Gen. 6:9.
* Si Enoc, na lolo sa tuhod ni Noe, aypatuloy [ring] lumakad na kasama ng tunay na Diyos.” Perokinuha siya ng Diyosmga 69 na taon bago isilang si Noe.—Gen. 5:23, 24.
6, 7. Paano pinatibay ng pag-asa ang pananampalataya ni Noe?
6 Tumitibay ang pananampalataya dahil sa pag-asa. Isip-isipin ang nadama ni Noe nang malaman niya na ang pangalan niyamalamang na nangangahulugangKapahingahan; Kaaliwan”—ay nagpapahiwatig ng pag-asa! (Gen. 5:29) Sa patnubay ni Jehova, sinabi ni Lamec: “Ang isang ito [si Noe] ay magdadala sa atin ng kaaliwan . . . sa kirot ng ating mga kamay dahil sa lupang isinumpa ni Jehova.” Umasa si Noe sa Diyos. Gaya nina Abel at Enoc, naniwala siya sabinhina dudurog sa ulo ng serpiyente.—Gen. 3:15.
7 Kahit hindi lubusang nauunawaan ni Noe ang pangako ng Diyos na nakaulat sa Genesis 3:15, kumbinsido siya na may dala itong pag-asa sa hinaharap. Ang pangakong iyon sa Eden ay kaayon din ng mensaheng ipinahayag ni Enoc, na humula rin tungkol sa hatol ng Diyos sa masasama. (Jud. 14, 15) Tiyak na ang mensahe ni Enoc, na lubusang matutupad sa Armagedon, ay nagpatibay sa pananampalataya at pag-asa ni Noe!
8. Sa anong mga paraan naging proteksiyon kay Noe ang tumpak na kaalaman sa Diyos?
8 Kung paano nakatulong kay Noe ang tumpak na kaalaman sa Diyos. Dahil sa tumpak na kaalaman, nagkaroon si Noe ng pananampalataya at makadiyos na karunungan, na nagsilbing proteksiyon sa kaniya, lalo na sa panganib sa espirituwal. Halimbawa, dahil si Noe aylumakad na kasama ng tunay na Diyos,” hindi siya lumakad, o nakisama, sa mga di-makadiyos. Hindi siya nagpadaya sa mga demonyong nagkatawang-tao, na hinangaan ng mga taoat baka sinamba pa ngadahil sa kanilang pambihirang lakas. (Gen. 6:1-4, 9) Alam din ni Noe na mga tao ang sinabihang magpalaanakin at punuin ang lupa. (Gen. 1:27, 28) Kaya tiyak na alam niyang mali at hindi likas ang pagsasama ng mga babae at ng mga espiritung nagkatawang-tao. At napatunayang totoo iyan nang magkaanak ang mga ito ng di-normal na mga supling. Kaya naman sinabi ng Diyos kay Noe na magpapasapit Siya ng baha sa lupa. Dahil nanampalataya si Noe sa babalang iyon, nagtayo siya ng arka, kung kaya naligtas ang kaniyang pamilya.—Heb. 11:7.
9, 10. Paano natin matutularan ang pananampalataya ni Noe?
9 Kung paano tayo magkakaroon ng pananampalatayang katulad ng kay Noe. Ang susi ay pag-aralang mabuti ang Salita ng Diyos, dibdibin ang ating natututuhan, at hayaang hubugin tayo at patnubayan ng kaalamang iyon. (1 Ped. 1:13-15) Sa gayon, ang pananampalataya at makadiyos na karunungan ay magsisilbing proteksiyon natin laban sa tusong mga pakana ni Satanas at sa masamang impluwensiya ng sanlibutan. (2 Cor. 2:11) Dahil sa impluwensiyang iyan, marami ang mahilig sa karahasan at imoralidad, at nakapokus sa mga pagnanasa ng la man. (1 Juan 2:15, 16) Kung mahina ang pananampalataya natin, baka bale-walain natin ang ebidensiya na malapit na ang dakilang araw ng Diyos. Nang ihambing ni Jesus ang panahon natin sa panahon ni Noe, idiniin niya, hindi ang karahasan o imoralidad, kundi ang panganib ng pagwawalang-bahala sa Diyos.—Basahin ang Mateo 24:36-39.
10 Tanungin ang sarili: ‘Makikita ba sa pamumuhay ko na talagang kilala ko si Jehova? Pinakikilos ba ako ng pananampalataya ko na mamuhay ayon sa matuwid na pamantayan ng Diyos at ituro din ito sa iba?’ Makita sana sa mga sagot mo nalumalakad kang kasama ng tunay na Diyosgaya ni Noe.
NAGPAKITA SI DANIEL NG MAKADIYOS NA KARUNUNGAN SA PAGANONG BABILONYA
11. (a) Ano ang ipinahihiwatig ng makadiyos na debosyon ni Daniel tungkol sa kaniyang mga magulang? (b) Anong mga katangian ni Daniel ang gusto mong tularan?
11 Kung paano nakilala ni Daniel si Jehova. Maliwanag na si Daniel ay tinuruan ng kaniyang mga magulang na ibigin si Jehova at ang Kaniyang Salita. Hindi kumupas ang pag-ibig na iyon sa buong buhay ni Daniel. Kahit noong matanda na siya, binabasa at pinag-aaralan pa rin niya ang Kasulatan. (Dan. 9:1, 2) Malalim din ang kaalaman ni Daniel tungkol sa mga ginawa ng Diyos para sa bansang Israel. Makikita ito sa kaniyang taimtim at mapagpakumbabang panalangin na nakaulat sa Daniel 9:3-19. Bakit hindi mo subukang basahin at bulay-bulayin iyon? Pagkatapos, bigyang-pansin kung ano ang matututuhan mo kay Daniel.
12-14. (a) Sa anong mga paraan nagpakita si Daniel ng makadiyos na karunungan? (b) Paano pinagpala si Daniel dahil sa kaniyang lakas ng loob at pagkamatapat sa Diyos?
12 Kung paano nakatulong kay Daniel ang tumpak na kaalaman sa Diyos. Hindi madali para sa isang tapat na Judio na maglingkod sa Diyos habang nasa paganong Babilonya. Halimbawa, sinabi ni Jehova sa mga Judio: “Hanapin ninyo ang kapayapaan ng lunsod na doon ay pinayaon ko kayo sa pagkatapon.” (Jer. 29:7) Pero kasabay nito, kahilingan din niya na magpakita sila ng bukodtanging debosyon sa kaniya. (Ex. 34:14) Ano ang nakatulong kay Daniel na sundin ang dalawang utos na ito? Dahil sa makadiyos na karunungan, naunawaan niya na may limitasyon ang pagpapasakop sa sekular na mga awtoridad. Itinuro din ni Jesus ang simulaing ito nang maglaon.—Luc. 20:25.
13 Halimbawa, pansinin ang ginawa ni Daniel nang ipagbawal ng batas ang pananalangin sa alinmang diyos o tao maliban sa hari sa loob ng 30 araw. (Basahin ang Daniel 6:7-10.) Puwede sanang magdahilan si Daniel, ‘Tatlumpung araw lang naman!’ Pero hindi niya hinayaang makahadlang ang utos ng hari sa pagsamba niya sa Diyos. Puwede rin naman sana siyang manalangin sa isang pribadong lugar para hindi siya makita. Pero alam niya na maraming tao ang nakaaalam ng kaugalian niya sa pananalangin araw-araw. Kaya kahit manganib ang buhay niya, iniwasan ni Daniel na magmukhang ikinokompromiso niya ang pagsamba niya sa Diyos.
14 Pinagpala ni Jehova ang lakas-loob at matapat na paninindigan ni Daniel. Makahimala niyang iniligtas si Daniel mula sa mababangis na leon. Sa katunayan, naging matinding patotoo ito para kay Jehova at nabalitaan hanggang sa kadulu-duluhang bahagi ng Imperyo ng Medo-Persia!—Dan. 6:25-27.
15. Paano tayo magkakaroon ng pananampalatayang katulad ng kay Daniel?
15 Kung paano tayo magkakaroon ng pananampalatayang katulad ng kay Daniel. Hindi lang basta pagbabasa ng Salita ng Diyos ang susi sa matibay na pananampalataya. Kailangan din natingmakuha ang diwa nito.’ (Mat. 13:23) Gusto nating malaman kung ano ang iniisip at nadarama ni Jehova sa mga bagay-bagay, pati na ang mga simulain sa Bibliya. Kaya kailangan nating bulay-bulayin ang binabasa natin. Mahalaga rin ang regular at taimtim na pananalangin, lalo na kapag napapaharap tayo sa mga pagsubok o problema. Kung mananalangin tayo nang may pananampalataya para sa karunungan at lakas, ibibigay sa atin ni Jehova ang mga ito.—Sant. 1:5.
SINUNOD NI JOB ANG MGA SIMULAIN NG DIYOSMABUTI MAN O MASAMA ANG KALAGAYAN
16, 17. Paano nagkaroon si Job ng tumpak na kaalaman sa Diyos?
16 Kung paano nakilala ni Job si Jehova. Hindi Israelita si Job. Pero malayong kamag-anak niya sina Abraham, Isaac, at Jacob, at itinuro sa kanila ni Jehova ang tungkol sa Kaniya at sa layunin Niya para sa sangkatauhan. Sa paano man, nalaman ni Job ang marami sa mahahalagang katotohanang iyon. (Job 23:12) “Nakarinig ako ng tungkol sa iyo,” ang sabi niya. (Job 42:5) Sinabi rin ni Jehova na nagsalita si Job ng katotohanan tungkol sa Kaniya.—Job 42:7, 8.
17 Nakita rin ni Job ang marami sa mga katangian ng Diyos sa mga bagay na nilikha Niya. (Job 12:7-9, 13) Ginamit ni Elihu at ng Diyos na Jehova ang mga nilalang para ituro kay Job ang pagiging hamak ng tao kumpara sa kadakilaan ng Diyos. (Job 37:14; 38:1-4) Tumagos sa puso ni Job ang mga sinabi ni Jehova, kaya mapagpakumbaba niyang inamin sa Diyos: “Napag-alaman ko na kaya mong gawin ang lahat ng bagay, at walang kaisipan ang hindi mo magagawa. . . . Ako ay nagsisisi sa alabok at abo.”—Job 42:2, 6.
Titibay ang pananampalataya natin kapag nakikita natin ang di-nakikitang mga katangian ng Diyos sa mga nilikha niya (Tingnan ang parapo 17)
18, 19. Sa anong mga paraan ipinakita ni Job na talagang kilala niya si Jehova?
18 Kung paano nakatulong kay Job ang tumpak na kaalaman sa Diyos. Malalim ang kaunawaan ni Job sa mga simulain ng Diyos. Talagang kilala niya si Jehova, at kumilos siya ayon sa kaalamang iyon. Halimbawa, alam ni Job na hindi niya puwedeng sabihing mahal niya ang Diyos kung hindi naman siya mabait sa kaniyang kapuwa. (Job 6:14) Hindi niya inisip na nakahihigit siya sa iba. Sa halip, nagpakita siya ng malasakit sa lahat, mayaman man o mahirap. “Hindi ba ang Isa na lumikha sa akin sa tiyan ang lumikha sa [kanila]?” ang sabi niya. (Job 31:13-22) Kahit mayaman at makapangyarihan si Job, hindi lumaki ang ulo niya at hindi niya hinamak ang kaniyang kapuwa. Ibang-iba nga siya sa mayayaman at makapangyarihan sa mundo ngayon!
19 Tinanggihan din ni Job ang lahat ng uri ng idolatriya, kahit sa puso niya. Kung makikibahagi siya sa huwad na pagsamba at magpopokus sa materyal na kayamanan, para na rin niyang ikinailaang tunay na Diyos sa itaas.” (Basahin ang Job 31:24-28.) Para sa kaniya, ang pag-aasawa ay isang sagradong bigkis sa pagitan ng isang lalaki at babae. Nakipagtipan pa nga siya sa kaniyang mga mata na huwag tumingin sa isang dalaga sa imoral na paraan. (Job 31:1) Kahanga-hanga iyan dahil nabuhay siya sa panahong pinahihintulutan ng Diyos ang poligamya. Kaya puwede sanang kumuha si Job ng pangalawang asawa kung gusto niya. Pero maliwanag na ginawa niyang parisan ang pag-aasawang pinasimulan ng Diyos sa Eden, at ikinapit niya ang halimbawang iyon. (Gen. 2:18, 24) Pagkaraan ng mga 1,600 taon, itinuro ni Jesu-Kristo sa kaniyang mga tagapakinig ang matuwid na mga simulaing iyon tungkol sa sekso at pag-aasawa. —Mat. 5:28; 19:4, 5. .
Totoo rin ito kay Noe. Iisa lang ang asawa niya kahit isinasagawa na ang poligamya mula noong maghimagsik sina Adan at Eva.—Gen. 4:19.
20. Paano makatutulong ang tumpak na kaalaman tungkol kay Jehova at sa kaniyang mga pamantayan para makapili tayo ng mabubuting kaibigan at paglilibang?
20 Kung paano tayo magkakaroon ng pananampalatayang katulad ng kay Job. Muli, ang susi ay ang pagkakaroon ng tumpak na kaalaman kay Jehova at pagpapagabay sa kaalamang iyon sa lahat ng aspekto ng ating buhay. Halimbawa, sinabi ng salmistang si David naang sinumang umiibig sa karahasan ay kinapopootanni Jehova. Nagbabala rin siya na huwag tayong makisama samga taong bulaan.” (Basahin ang Awit 11:5; 26:4.) Ano ang ipinahihiwatig sa iyo ng mga tekstong iyan tungkol sa pagiisip ng Diyos? Paano ito dapat makaapekto sa iyong mga priyoridad, paggamit ng Internet, at pagpili ng mga kaibigan at paglilibang? Makikita sa iyong mga sagot kung gaano mo kakilala si Jehova. Para huwag tayong mabahiran ng masalimuot at masamang sanlibutang ito, dapat nating sanayin ang atingmga kakayahan sa pangunawapara makilala natin hindi lang kung ano ang tama at mali, kundi pati ang marunong at di-marunong. —Heb. 5:14; Efe. 5:15.
21. Paano natinmauunawaan ang lahatng kailangan natin para mapalugdan ang ating makalangit na Ama?
21 Dahil hinanap nina Noe, Daniel, at Job si Jehova nang kanilang buong puso, hinayaan niyang masumpungan nila siya. Tinulungan niya silangmaunawaan ang lahatng kailangan nila para mapalugdan siya. Kaya naman naging halimbawa sila ng katuwiran, at naging matagumpay. (Awit 1:1-3) Kaya tanungin ang sarili, ‘Kilala ko ba si Jehova gaya nina Noe, Daniel, at Job?’ Ang totoo, dahil sa tumitinding espirituwal na liwanag, puwede mo siyang makilala nang higit kaysa sa kanila! (Kaw. 4: 18) Kaya pag-aralang mabuti ang Salita ng Diyos. Bulaybulayin ito. At hilingin ang banal na espiritu sa pamamagitan ng panalangin. Mas magiging malap´ ıt ka sa iyong makalangit na Ama. Kung gayon, kikilos ka nang may kaunawaan at karunungan sa di-makadiyos na sanlibutang ito.—Kaw. 2:4-7.

Kilála Mo Ba si Jehóva Gáya Nína Noé, Daniél, at Job?
Áng mgá táong nakahilig sa kasamáan ay hindî nakaúunawá ng kahatúlan, ngúnit yaóng mgá humahánap kay Jehóva ay nakaúunawá ng lahát ng bágay.”—KAW. 28:5.
ÁWIT: 126, 150
PAÁNO NAGPAKÍTA NG PANANÁMPALATÁYA AT MAKADIYÓS NÁ KARUNÚNGAN SI . . . Noé? Daniél? Job?
1-3. (a) Anó áng tutúlong sa átin ná makapanatíling tapát sa Diyós sa mgá hulíng áraw ná itó? (b) Anó áng tátalakáyin nátin sa artíkulong itó?
HÁBANG papatapós áng mgá hulíng áraw, “sumisibol áng mgá balakyot ná gáya ng pananím.” (Áwit 92:7) Kayâ hindî kataká-taká ná binabále walâ ng marámi áng mgá pámantáyang morál ng Diyós. Paáno táyo magígingmgá sanggól . . . tungkól sa kasamáanpérohustóng-gúlang sa mgá kakayahán ng pangunawa”?—1 Cor. 14:20.
2 Makikíta nátin áng sagót sa áting temang téksto: “Yaóng mgá humahánap kay Jehóva ay nakaúunawá ng lahát ng bágay”—íbig sabíhin, lahát ng bágay ná kailángan pára mapalugdán siyá. (Kaw. 28:5) Katúlad itó ng sinasábi sa Kawikaán 2:7, 9, nápára sa mgá matuwíd ay mag-íimbák [si Jehóva] ng praktikál ná karunúngan.” Dáhil díto, “maúunawáan [nilá] áng katuwíran at áng kahatúlan at áng katapátan, áng buóng landásin ng kabutihan.”
3 Nagkaroón sína Noé, Daniél, at Job ng karunungang iyán. (Ezek. 14:14) Gayón din áng báyan ng Diyós ngayón. Kumustá ka namán? ‘Naúunawáan mo ba áng lahát ng bágayná kailángan pára mapalugdán si Jehóva? Áng súsi ay áng pagkákaroón ng tumpák ná kaalamán sa kaniyá. Kayâ namán, talakáyin nátin (1) kung paáno nakilála nína Noé, Daniél, at Job áng Diyós, (2) kung paáno itó nakatúlong sa kanilá, at (3) kung paáno táyo magkakaroón ng pananámpalatáyang katúlad ng sa kanilá.
LUMÁKAD SI NOÉ KASÁMA NG DIYÓS SA ISÁNG NÁPAKASAMÁNG SANLIBUTÁN
4. Paáno nakilála ni Noé si Jehóva? At paáno nakatúlong sa kaniyá áng tumpák ná kaalamán?
4 Kung paáno nakilála ni Noé si Jehóva. Mulâ sa pasimulá ng kasaysáyan ng táo, may tatlóng pangunáhing paraán pára matúto tungkól sa Diyós: áng pagmamasid sa mgá nilikhá niyá, mulâ sa ibáng táong may tákot sa Diyós, at áng pagpapála ng pamumúhay áyon sa matuwíd ná mgá pamantáyan at simuláin ng Diyós. (Isá. 48:18) Sa pagmamasid sa sangnilalang, makikíta ni Noé áng maráming ebidénsiya ng pag-iral ng Diyós at ng kaniyáng dí-nakikítang mgá katangían, gáya ngkaniyáng waláng-hanggáng kapangyaríhan at págka-Diyós.” (Róma 1:20) Kayâ namán, hindî lang bastá naniwálà si Noé sa Diyós; nagkaroón din siyá ng matíbay ná pananámpalatáya sa kaniyá.
5. Paáno naláman ni Noé áng layúnin ng Diyós pára sa sángkataúhan?
5 Áyon sa Bíbliya, “áng pananámpalatáya ay kasunód ng bágay ná nariníg.” (Róma 10:17) Kaníno nariníg ni Noé áng tungkól kay Jehóva? Tiyák ná mulâ sa kaniyáng mgá kamág-anák. Kasáma ríto áng amá niyáng si Lámec, isáng táong may pananámpalatáya ná isinílang noóng nabubúhay pa si Adán. (Tingnán áng laráwan sa simulá ng artíkulo.) Kasáma rín díto áng lolo niyáng si Matusalem at áng kaniyáng lolo sa talampakan ná si Jared, ná namatáy 366 ná taón pagkasílang ni Noé*. (Luc. 3: 36, 37) Maráhil natutúhan ni Noé mulâ sa mgá laláking itó, at sa kaniláng mgá asáwa, áng tungkól sa pasimulá ng sángkataúhan, áng layúnin ng Diyós ná punuín ng matuwíd ná pamílya ng táo áng lúpa, at áng paghihimagsík sa Edénná áng masasamáng resúlta ay nakíta mísmo ni Noé. (Gen. 1:28; 3:16-19, 24) Tiyák ná naantíg áng púso ni Noé sa natutúhan niyá kung kayâ naglingkód siyá sa Diyós.—Gen. 6:9.
* Si Énoc, ná lolo sa túhod ni Noé, aypatúloy [ring] lumákad ná kasáma ng túnay ná Diyós.” Pérokinúha siyá ng Diyósmgá 69 ná taón bágo isílang si Noé.—Gen. 5:23, 24.
6, 7. Paáno pinatíbay ng pag-ása áng pananámpalatáya ni Noé?
6 Tumitíbay áng pananámpalatáya dáhil sa pag-ása. Ísip-isípin áng nadamá ni Noé nang malamán niyá ná áng pangálan niyámalamáng ná nangangahulugángKapahingahan; Kaaliwán”—ay nagpapahiwátig ng pag-ása! (Gen. 5:29) Sa patnúbáy ni Jehóva, sinábi ni Lámec: “Áng isáng itó [si Noé] ay magdádala sa átin ng kaaliwán . . . sa kirót ng áting mgá kamáy dáhil sa lúpang isinumpa ni Jehóva.” Umása si Noé sa Diyós. Gáya nína Abél at Énoc, naniwálà siyá sabinhîná dudúrog sa úlo ng serpiyénte.—Gen. 3:15.
7 Káhit hindî lubúsang naúunawáan ni Noé áng pangáko ng Diyós ná nakaúlat sa Genesis 3:15, kumbinsído siyá ná may dála itóng pag-ása sa hináharáp. Áng pangákong iyón sa Edén ay kaáyon din ng mensáheng ipinahayág ni Énoc, ná humula rín tungkól sa hátol ng Diyós sa masasamá. (Jud. 14, 15) Tiyák ná áng mensáhe ni Énoc, ná lubúsang matútupád sa Armagedón, ay nagpatíbay sa pananámpalatáya at pag-ása ni Noé!
8. Sa anóng mgá paraán nagíng proteksiyón kay Noé áng tumpák ná kaalamán sa Diyós?
8 Kung paáno nakatúlong kay Noé áng tumpák ná kaalamán sa Diyós. Dáhil sa tumpák ná kaalamán, nagkaroón si Noé ng pananámpalatáya at makadiyós ná karunúngan, ná nagsilbing proteksiyón sa kaniyá, lálo ná sa pangánib sa espirituwál. Halimbáwa, dáhil si Noé aylumákad ná kasáma ng túnay ná Diyós,” hindî siyá lumákad, o nakisama, sa mgá dí-makadiyós. Hindî siyá nagpadaya sa mgá demonyong nagkatawáng-táo, ná hinangáan ng mgá táoat bakâ sinamba pa ngâdáhil sa kaniláng pambihírang lakás. (Gen. 6:1-4, 9) Alám din ni Noé ná mgá táo áng sinabihang magpalaanákin at punuín áng lúpa. (Gen. 1:27, 28) Kayâ tiyák ná alám niyáng malî at hindî likás áng pagsasáma ng mgá babáe at ng mgá espirítung nagkatawáng-táo. At napatunáyang totoó iyán nang magkaanák áng mgá itó ng dí-normal ná mgá supling. Kayâ namán sinábi ng Diyós kay Noé ná magpapasapit Siyá ng bahâ sa lúpa. Dáhil nanámpalatáya si Noé sa babaláng iyón, nagtayó siyá ng árka, kung kayâ naligtas áng kaniyáng pamílya.—Heb. 11:7.
9, 10. Paáno nátin matútuláran áng pananámpalatáya ni Noé?
9 Kung paáno táyo magkakaroón ng pananámpalatáyang katúlad ng kay Noé. Áng súsi ay pag-arálang mabúti áng Salitâ ng Diyós, dibdibín áng áting natútutúhan, at hayáang hubúgin táyo at patnubayan ng kaalamáng iyón. (1 Ped. 1:13-15) Sa gayón, áng pananámpalatáya at makadiyós ná karunúngan ay magsisílbing proteksiyón nátin lában sa tusong mgá pakaná ni Satanás at sa masamáng impluwénsiya ng sanlibután. (2 Cor. 2:11) Dáhil sa impluwénsiyang iyán, marámi áng mahílig sa karahasán at imoralidád, at nakapókus sa mgá pagnanása ng la man. (1 Juán 2:15, 16) Kung mahína áng pananámpalatáya nátin, bakâ bále-walaín nátin áng ebidénsiya ná malapít ná áng dakílang áraw ng Diyós. Nang ihambíng ni Jesús áng panahón nátin sa panahón ni Noé, idiniín niyá, hindî áng karahasán o imoralidád, kundî áng pangánib ng pagwawalang-bahála sa Diyós.—Basáhin áng Matéo 24:36-39.
10 Tanungín áng saríli: ‘Makikíta ba sa pamumúhay ko ná talagáng kilála ko si Jehóva? Pinakikilos ba akó ng pananámpalatáya ko ná mamúhay áyon sa matuwíd ná pamantáyan ng Diyós at itúro din itó sa ibá?’ Makíta sána sa mgá sagót mo nálumalákad kang kasáma ng túnay ná Diyósgáya ni Noé.
NAGPAKÍTA SI DANIÉL NG MAKADIYÓS NÁ KARUNÚNGAN SA PAGÁNONG BABILÓNYA
11. (a) Anó áng ipinahihiwátig ng makadiyós ná debosyón ni Daniél tungkól sa kaniyáng mgá magúlang? (b) Anóng mgá katangían ni Daniél áng gustó mong tuláran?
11 Kung paáno nakilála ni Daniél si Jehóva. Maliwánag ná si Daniél ay tinurúan ng kaniyáng mgá magúlang ná ibígin si Jehóva at áng Kaniyáng Salitâ. Hindî kumupas áng pag-íbig ná iyón sa buóng búhay ni Daniél. Káhit noóng matanda ná siyá, binabása at pínag-aarálan pa rín niyá áng Kasulátan. (Dan. 9:1, 2) Malálim din áng kaalamán ni Daniél tungkól sa mgá ginawâ ng Diyós pára sa bansáng Israél. Makikíta itó sa kaniyáng taimtím at mapagpakumbabáng panalángin ná nakaúlat sa Daniél 9:3-19. Bákit hindî mo subukang basáhin at búlay-bulayín iyón? Pagkatápos, bigyáng-pansín kung anó áng matútutúhan mo kay Daniél.
12-14. (a) Sa anóng mgá paraán nagpakíta si Daniél ng makadiyós ná karunúngan? (b) Paáno pinagpála si Daniél dáhil sa kaniyáng lakás ng loób at pagkámatapát sa Diyós?
12 Kung paáno nakatúlong kay Daniél áng tumpák ná kaalamán sa Diyós. Hindî madalí pára sa isáng tapát ná Judió ná maglingkód sa Diyós hábang nása pagánong Babilónya. Halimbáwa, sinábi ni Jehóva sa mgá Judió: “Hanápin ninyó áng kapayapáan ng lunsód ná doón ay pinayaon ko kayó sa pagkatapon.” (Jer. 29:7) Péro kasabáy nitó, kahilíngan din niyá ná magpakíta silá ng bukodtanging debosyón sa kaniyá. (Ex. 34:14) Anó áng nakatúlong kay Daniél ná sundín áng dalawáng útos ná itó? Dáhil sa makadiyós ná karunúngan, naunawáan niyá ná may limitasyón áng pagpapasákop sa sekulár ná mgá awtoridád. Itinúro din ni Jesús áng simuláing itó nang magláon.—Luc. 20:25.
13 Halimbáwa, pansinín áng ginawâ ni Daniél nang ipagbawal ng batás áng pananalángin sa alinmang diyós o táo malíban sa hári sa loób ng 30 áraw. (Basáhin áng Daniél 6:7-10.) Puwéde sánang magdahilan si Daniél, ‘Tatlumpúng áraw lang namán!’ Péro hindî niyá hinayáang makahadláng áng útos ng hári sa pagsambá niyá sa Diyós. Puwéde rín namán sána siyáng manalángin sa isáng pribadong lugár pára hindî siyá makíta. Péro alám niyá ná maráming táo áng nakaaalám ng kaugalián niyá sa pananalángin áraw-áraw. Kayâ káhit manganib áng búhay niyá, iniwasan ni Daniél ná magmukhang ikinokompromiso niyá áng pagsambá niyá sa Diyós.
14 Pinagpála ni Jehóva áng lakás-loób at matapát ná paninindígan ni Daniél. Makahimalá niyáng iniligtás si Daniél mulâ sa mababangis ná leon. Sa katunáyan, nagíng matindíng patotoó itó pára kay Jehóva at nabalitáan hanggáng sa kadulu-duluhang bahági ng Impéryo ng Medo-Persia!—Dan. 6:25-27.
15. Paáno táyo magkakaroón ng pananámpalatáyang katúlad ng kay Daniél?
15 Kung paáno táyo magkakaroón ng pananámpalatáyang katúlad ng kay Daniél. Hindî lang bastá pagbabasá ng Salitâ ng Diyós áng súsi sa matíbay ná pananámpalatáya. Kailángan din nátingmakúha áng díwa nitó.’ (Mat. 13:23) Gustó náting malamán kung anó áng iniísip at nadárama ni Jehóva sa mgá bágay-bágay, patí ná áng mgá simuláin sa Bíbliya. Kayâ kailángan náting búlay-bulayín áng binabása nátin. Mahalagá rín áng regulár at taimtím ná pananalángin, lálo ná kapág napapaharáp táyo sa mgá pagsúbok o probléma. Kung manánalángin táyo nang may pananámpalatáya pára sa karunúngan at lakás, ibíbigay sa átin ni Jehóva áng mgá itó.—Sant. 1:5.
SINUNÓD NI JOB ÁNG MGÁ SIMULÁIN NG DIYÓSMABÚTI MAN O MASAMÂ ÁNG KALAGÁYAN
16, 17. Paáno nagkaroón si Job ng tumpák ná kaalamán sa Diyós?
16 Kung paáno nakilála ni Job si Jehóva. Hindî Israelíta si Job. Péro maláyong kamág-anák niyá sína Abrahám, Isaác, at Jacób, at itinúro sa kanilá ni Jehóva áng tungkól sa Kaniyá at sa layúnin Niyá pára sa sángkataúhan. Sa paáno man, naláman ni Job áng marámi sa mahahalagáng katotohánang iyón. (Job 23:12) “Nakarinig akó ng tungkól sa iyó,” áng sábi niyá. (Job 42:5) Sinábi rín ni Jehóva ná nagsalitá si Job ng katotohánan tungkól sa Kaniyá.—Job 42:7, 8.
17 Nakíta rín ni Job áng marámi sa mgá katangían ng Diyós sa mgá bágay ná nilikhá Niyá. (Job 12:7-9, 13) Ginámit ni Elihu at ng Diyós ná Jehóva áng mgá nilaláng pára itúro kay Job áng pagíging hamák ng táo kumpará sa kadakilaan ng Diyós. (Job 37:14; 38:1-4) Tumagós sa púso ni Job áng mgá sinábi ni Jehóva, kayâ mapagpakumbabá niyáng inámin sa Diyós: “Nápag-alaman ko ná kayâ mong gawín áng lahát ng bágay, at waláng kaisipán áng hindî mo magágawa. . . . Akó ay nagsisísi sa alabók at abo.”—Job 42:2, 6.
Titíbay áng pananámpalatáya nátin kapág nakikíta nátin áng dí-nakikítang mgá katangían ng Diyós sa mgá nilikhá niyá (Tingnán áng párapo 17)
18, 19. Sa anóng mgá paraán ipinakíta ni Job ná talagáng kilála niyá si Jehóva?
18 Kung paáno nakatúlong kay Job áng tumpák ná kaalamán sa Diyós. Malálim áng kaunawaán ni Job sa mgá simuláin ng Diyós. Talagáng kilála niyá si Jehóva, at kumílos siyá áyon sa kaalamáng iyón. Halimbáwa, alám ni Job ná hindî niyá puwédeng sabíhing mahál niyá áng Diyós kung hindî namán siyá mabaít sa kaniyáng kápuwa. (Job 6:14) Hindî niyá inísip ná nakahíhigít siyá sa ibá. Sa halíp, nagpakíta siyá ng malasákit sa lahát, mayáman man o mahírap. “Hindî ba áng Isá ná lumikha sa ákin sa tiyan áng lumikha sa [kanilá]?” áng sábi niyá. (Job 31:13-22) Káhit mayáman at makapangyaríhan si Job, hindî lumakí áng úlo niyá at hindî niyá hinamak áng kaniyáng kápuwa. Ibáng-ibá ngâ siyá sa mayayaman at makapangyaríhan sa mundó ngayón!
19 Tínanggihán din ni Job áng lahát ng urì ng idolátriya, káhit sa púso niyá. Kung makikibahági siyá sa huwád ná pagsambá at magpopókus sa materyál ná kayamánan, pára ná rín niyáng ikinailááng túnay ná Diyós sa itaás.” (Basáhin áng Job 31:24-28.) Pára sa kaniyá, áng pag-aasáwa ay isáng sagrádong bigkís sa pagítan ng isáng laláki at babáe. Nakipagtipán pa ngâ siyá sa kaniyáng mgá matá ná huwág tumingín sa isáng dalagá sa imorál ná paraán. (Job 31:1) Kahánga-hánga iyán dáhil nabúhay siyá sa panahóng pinahíhintulútan ng Diyós áng poligámya. Kayâ puwéde sánang kumúha si Job ng pangalawáng asáwa kung gustó niyá. Péro maliwánag ná ginawâ niyáng parisan áng pag-aasawang pinasimulán ng Diyós sa Edén, at ikinápit niyá áng halimbáwang iyón. (Gen. 2:18, 24) Pagkaraán ng mgá 1,600 taón, itinúro ni Jésu-Krísto sa kaniyáng mgá tagapakiníg áng matuwíd ná mgá simuláing iyón tungkól sa sekso at pag-aasáwa. —Mat. 5:28; 19:4, 5. .
Totoó rín itó kay Noé. Íisa lang áng asáwa niyá káhit isinásagawâ ná áng poligámya mulâ noóng maghimagsik sína Adán at Éva.—Gen. 4:19.
20. Paáno makatutúlong áng tumpák ná kaalamán tungkól kay Jehóva at sa kaniyáng mgá pamantáyan pára makapili táyo ng mabubúting kaibígan at paglilibáng?
20 Kung paáno táyo magkakaroón ng pananámpalatáyang katúlad ng kay Job. Mulî, áng súsi ay áng pagkákaroón ng tumpák ná kaalamán kay Jehóva at pagpapagabay sa kaalamáng iyón sa lahát ng aspékto ng áting búhay. Halimbáwa, sinábi ng salmístang si Davíd nááng sinumáng umiíbig sa karahasán ay kinapópoótanni Jehóva. Nagbabalá rín siyá ná huwág táyong makisáma samgá táong bulaan.” (Basáhin áng Áwit 11:5; 26:4.) Anó áng ipinahihiwátig sa iyó ng mgá tékstong iyán tungkól sa pagiisip ng Diyós? Paáno itó dápat makaapékto sa iyóng mgá priyoridád, paggámit ng Internét, at pagpíli ng mgá kaibígan at paglilibáng? Makikíta sa iyóng mgá sagót kung gaáno mo kakilála si Jehóva. Pára huwág táyong mabahíran ng masalimuót at masamáng sanlibutáng itó, dápat náting sanáyin áng átingmgá kakayahán sa pangunawapára makilála nátin hindî lang kung anó áng tamà at malî, kundî patí áng marúnong at dí-marúnong. —Heb. 5:14; Efe. 5:15.
21. Paáno nátinmaúunawáan áng lahátng kailángan nátin pára mapalugdán áng áting makalángit ná Amá?
21 Dáhil hinánap nína Noé, Daniél, at Job si Jehóva nang kaniláng buóng púso, hinayáan niyáng masumpungan nilá siyá. Tinulúngan niyá silángmaunawáan áng lahátng kailángan nilá pára mapalugdán siyá. Kayâ namán nagíng halimbáwa silá ng katuwíran, at nagíng matagumpáy. (Áwit 1:1-3) Kayâ tanungín áng saríli, ‘Kilála ko ba si Jehóva gáya nína Noé, Daniél, at Job?’ Áng totoó, dáhil sa tumitinding espirituwál ná liwánag, puwéde mo siyáng makilála nang higít káysa sa kanilá! (Kaw. 4: 18) Kayâ pag-arálang mabúti áng Salitâ ng Diyós. Bulaybulayin itó. At hilingín áng banál ná espíritu sa pamamagítan ng panalángin. Mas magíging malap´ ıt ka sa iyóng makalángit ná Amá. Kung gayón, kikílos ka nang may kaunawaán at karunúngan sa dí-makadiyós ná sanlibutáng itó.—Kaw. 2:4-7.